Chapter 6

1241 Words
Isang linggo ang nakalipas matapos kaming magkakilala ni Kim, naging routine naming dalawa ang magkita sa tabing dagat at magswimming hanggang alas nuwebe ng umaga. Tuwing four PM naman ng hapon kapag hindi na masakit sa balat ang sikat ng araw, sumusulpot sya sa bahay at kung saan-saan ako kinakaray. Naroon na pumunta kami sa ilog na sobrang proud na proud siya dahil sa linis nito. Binaybay namin ang kahabaan nito habang nangunguha ng mga hinog na bayabas na tumutubo malapit sa pampang ng ilog. Dinala niya din ako sa kanilang munting elementary school kung saan daw sya nag-grade school. Tatlong classroom, isang regular sized stage at isang kubo bilang canteen lang ang bumubuo sa elementary school nila pero nasa gitna ito ng isang malawak na lupain na donated ng isang mayamang alumni ng school. Sa palibot ng mga rooms ay nagkalat ang mga sari-saring halaman at puno. Maraming nakatanim na mga gulay na tanim at inaalagaan mismo ng mga estudyante na sila din ang umaani ng bunga. Maraming puno ng niyog, talisay, star-apple, saging, bayabas, mangga at santol. Dahil hinog na ang ibang bunga ng santol, tinuruan ako ni Kim na manguha sa pamamagitan ng pagbato sa mga nakalawit na bunga nito. All in all, I enjoyed spending my time with her. Tinupad nya ang Project Pasayahin Si Hero. Dahil sa routine namin, napansin ito nina Tiya Violeta at Tiyo Elmer. "Napapansin ko yata na nangingitim ka na hijo? Mukhang nawiwili ka sa paglilibot mo ah?" Puna nito sakin habang kumakain kami ng hapunan. "Talaga po? Eh maganda po kasi yung mga lugar na pinupuntahan namin ni Kim." Ipinagpatuloy ko ang pagkain. "Maganda yung lugar o maganda yung kasama mo?" Nakangiting singit ni Tiyo. Napatigil ako pagsubo at napangiti. Pakiramdam ko ay uminit at namula ang mukha ko. Hindi ko alam kung nahihiya ako o ano. "Huwag mo ngang tuksuin tong si Hero. Maganda naman talaga mga tanawin dito sa atin. Hindi ba Hero?" Natatawa din si Tiya na bumaling sakin. "Opo." Namumula pa din ako. "Eh yung mga dalaga?" Tukso muli ni Tiyo. "Pst! Elmer!" Saway dito ni Tiya. Nagtatawa akong binalingan nito. "Huwag mong pansinin ang Tiyo mo, Hero." Napangiti ako. "Ayos lang po iyon, Tiya. Maganda naman po talaga si Kim." Nagkatinginan sila at sabay na nagpigil ng halakhak. "Kayo na ba?" Tanong muli ni Tiyo. "Elmer!" "Ho? Ah hindi po Tiyo! Hindi naman po ako nanliligaw. Friends lang po kami. Sinasamahan nya lang po akong maglibot." "Ah..." Tumatangong wika ni Tiyo. "Huwag mo nang pakawalan. Mabait na bata iyon." Nagpalipat-lipat amg tingin ko sa mag-asawa pero pareho na nilang ipinagpatuloy ang pagkain. Matapos kumain ay pumasok na ako sa kwarto ko dahil walang magandang palabas sa TV. Binuksan ko ang sliding window ng kwarto ko at lumabas bitbit ang cellphone. Nahiga ako sa yerong bubong ng bahay nang makapwesto ako at nagpatugtog gamit ang cellphone ko. Sa Maynila, hindi mo makikita ang mga stars kapag tumingin ka sa kalangitan pag gabi. Pero dito, amazed ako sa dami ng kumukutitap na liwanag sa kalangitan. hindi mo mabibilang ang stars na makikita mo sa sobrang dami nila. Sa ganda ng tanawin, idagdag pa ang malamig na simoy ng sariwang hangin, hindi mo maiiwasan na ma-relax. Tama siguro si Mama na dito muna ako. This place will help me think about my future and my relationship with her. "Pst!" Napatigil ako sa pag-eemote. May sumitsit ba sakin? "Pst!" Napalinga ako sa madilim na paligid. May tao ba sa ibaba? Pinilit kong palinawin ang mata ko sa dilim para makita kung may tao na sumusutsot sakin sa ibaba. "Pst..." Nanindig ang balahibo sa braso at batok ko kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin. Napatingin ako sa naglalakihang puno ng mangga. May kapre ba dito? O tikbalang kaya? "Pst..." Shit! Meron nga yata! Dahan-dahan akong bumangon at pinatay ang tugtog sa cellphone ko. Gagapang sana ako pabalik sa kwarto ko ng biglang mamatay ang ilaw sa loob. Pakshet! Dahil wala akong makita, hinintay ko muna na magliwanag ang paningin ko. Gumapang ulit ako papalapit sa bintana. Konti na lang! Nakapa ko na ang opening ng bintana at ipapasok ko na ang isang paa ko nang may biglang sumulpot sa harapan ko. "Awoooo!" "Aaaaahhh!!!!!" Malakas na sigaw ko. # Shit may multo! Narinig ko ang mabilis na lagabog ng paa na umaakyat sa second floor ng bahay. Bumukas ang pinto at biglang nagliwanag ang paligid. "Anong nangyari?!" Panabay na tanong nina Tiyo Elmer at Tiya Violeta. "Bakit ka sumigaw?" "May mul..." Napatingin ako sa "multo" na nakapamewang at pinipigil ang paghalakhak. Si Kim. "May ano?" Tanong ni Tiya Violeta. "Ah... eh... ahm..." Wala akong masabi. Nadale ako nitong babaeng to! Hindi na nakapagpigil si Kim, bigla siyang humagalpak ng tawa. "Matatakutin ka pala?! Ang laki mong lalaki tapos takot ka sa sutsot?" Namilipit pa siya sa katatawa. "Bababa na kami. Huwag kayong magpapatay ng ilaw ha?" Tumatawang isinara ng mag-asawa ang pinto at naiwan kami ng "multo" sa loob ng kwarto ko, nagtatarak na sya sa sobrang saya kakatawa. "Bakit mo ako ginulat?" Tumayo ako at pinulot ang cellphone ko na nabitiwan ko sa "trick" ng "multo" na ito. "Aba eh trip ko lang! Nakita ko kasi na feel na feel mo ang pag-eemote sa bubong. Malay ko ba na takot ka pala!" Nagpunas ito sa mata, tinatanggal ang tears of joy. "Malay ko ba na ikaw yun! Alam mo naman sa ganitong mga province, merong aswang, kapre, tikbalang o kung anu-anong lamang-lupa o kampon ng dilim tulad mo." "FYI! Walang ganoon dito sa lugar namin. Lahat dito hulog ng langit!" "Ewan sayo. Bakit ka nga pala nandito? At dito pa sa kwarto ko? Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" "Sinabi ko na sayo diba? Wala akong ginagawa kasi nga bakasyon." "Eh bakit ka nandito sa kwarto ko?" "Pinapasok ako ng Tiya mo eh. Bukas naman yung pinto kaya pumasok na ako, tapos nakita nga kita na nag-eemote." Nakangiti niyang wika. Obvious na nag-aasar. "Halika, tambay tayo sa bubong." "Ayoko na. Inaantok na ako." "Arte mo talaga no?! Tara na! Nasa bubong ka nga kanina eh." Tumayo ito at lumapit sakin. Lumayo ako at nahiga sa kama. "Ayoko nga. Kung gusto mo eh ikaw na lang. Inaantok na ako eh." Naghikab pa ako to emphasize the point. "Ano ba yan!" Nakapamewang na naman sya. "Tara! Maginhawa tumambay dun." "Kulit mo. Ayoko na nga." Natahimik sya. Sana umuwi na. "Ayaw mo ha!" Bigla siyang nagdive sa kama. Hinawakan niya ang kamay ko at pilit akong kinikiliti. "Ano ba?! Ah!" Nagtatawa akong nagpumiglas. Kinikiliti ko din sya para bitiwan ako. Lumalaban naman sya. Nagkikilitian kaming dalawa, parehong ayaw magpatalo. Nagulo na ang kobre-kama at nalaglag na din sa sahig ang mga unan pero patuloy pa din kaming dalawa. Nahawakan ko ang dalawang kamay niya and I pinned her on the bed. Patuloy pa din kami sa pagtawa dahil nagpupumiglas pa din siya. Then it happened. Natahimik kami pareho nang marealize namin ang position namin. Nasa ibabaw nya ako, pinning her down on the bed, holding both of her hand. Both of us looking into each others eyes. Biglang nag-iba ang kabog ng dibdib ko. Lumalakas at bumibilis ito habang tumatagal ang pagtitig ko sa kanya. Nanunuyo din ang lalamunan ko. "Pag hindi mo ako binitiwan, maiinlove ka sakin." Seryoso ang mukha ni Kim. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD