"Paano ka pala napunta dito?" Tanong sakin ni Kim.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa nakatumbang puno ng niyog na inuupuan nya kanina nang makita ko siya. Napagod kami sa paglalangoy sa malinis na tubig. Wala akong ginawa kundi magdive at magfloating.
Mainit at masakit na sa balat amg sikat ng araw kaya umahon na kami at tumambay na lang dito. Siya suot ang white sando at cycling, at ako suot ang boxers ko.
Pareho naming nilalaro ng paa namin ang pinong buhangin.
"Hoy! Tinatanong kita." Tinapik nya ako sa balikat.
"Ha? Ano ba yon?"
"Sabi ko paano ka napunta dito? Nagbabakasyon ka ba?" Ulit nito.
"Parang ganoon na nga." Tipid kong sagot.
"Bakit parang hindi naman? Napilit ka lang ano?" Tukso nito. "Ano? Ano? Ipinatapon ka dito no?"
"Pinatapon? Pano mo naman nasabi na ganon?" In-denial na balik tanong ko.
"Kasi po, kayong mga laki sa city eh hindi basta-basta magbabakasyon sa ganito kalayong lugar. Oh, ano? Tama ako no? Exiled ka dito?"
Huminga ako ng malalim.
"Oo."
"Bakit?"
"Dami mo naman tanong." Iwas ko.
"Dami mo naman dahilan! Bakit nga? Anong nangyari at ipinatapon ka dito sa malayong lugar mula sa Maynila?"
"Pasaway kasi ako."
"Pasaway? Nag-drugs ka ba? m*******a? Alak? Yosi o babae?" Excited na tanong niya.
"Baliw! Sabi ko pasaway hindi adik!"
"Sensya naman. Eh explain mo kasi kung paanong pasaway?"
"Bakit ko naman kelangan mag-explain sayo?"
"Eh syempre, friends na tayo tapos wala akong alam sayo? Mahirap naman yun diba? Pinagnasaan mo na ako lahat-lahat..."
Friends. Napangiti ako sa sarili ko.
Huminga ako ng malalim.
"Nagrebelde kasi ako. Eh ayon, bumaba mga grades ko tapos lagi akong nasa galaan, laging kasama ng tropa." Paliwanag ko.
"Bakit?"
"Wala ka na dun!"
"Damot nito! Bakit nga?"
"Chismosa ka no?"
"Kulit mo kasi eh. Bakit nga?"
"Ako pa talaga makulit?"
"Eh kasi... sagutin mo na lang ako para hindi kita kulitin."
Sandali akong tumahimik bago sumagot.
"My mother wants to remarry pero ayoko."
Matagal kaming walang imik pareho. Ako nagtataka sa sarili ko dahil nag-open up agad ako sa babaeng ito. Sinulyapan ko sya, mukhang nag-iisip.
"Selfish mo naman. Bakit ayaw mo?" Wika nito maya-maya.
"Eh kasi, napalaki nya nga kaming limang magkakapatid na sya lang, na wala siyang ibang inaasahan tapos ngayong malalaki na kami eh saka pa sya mag-aasawa."
Humaba ang nguso niya at binatukan ako.
"Aray!"
"Eh kasi engot ka pala. Syempre malalaki na kayo, natural na kelangan din ng nanay mo ng makakasama sa buhay. Ikaw ba eh aalagaan siya kapag uugod-ugod na sya?"
Hindi ako nakasagot.
"Kita mo! Huwag ka kasing selfish. Dapat isipin mo din ang happiness ng mga tao sa paligid mo, hindi yung puro personal na kaligayahan mo lang ang iniisip mo. Huwag kang makasarili."
Natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay may nasapol siya sakin. It definitely hit home.
Tumayo siya at nagsimulang magbihis, nasa loob pa din ang mga panloob na ginamit niya sa paglalangoy. Nagbihis din ako.
"Gusto mo sumama sa akin mamaya?" Biglang tanong niya sakin.
"Saan?"
"Basta. Surprise."
"Ayoko. Mainit."
"Arte mo talaga. Basta mamaya. Dadaan ako sa inyo. Babay!"
Iyon lang at iniwan na naman nya ako.
#
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko. Panay ang sunod ko sa kanya.
Kasalukuyan kaming naglalakad at naiinis na ako dahil kalahating oras na kaming naglalakad. Alas kwatro na ng hapon ng tingnan ko sa cellphone ko.
Nanunuod ako ng HBO kanina sa bahay nang kumatok siya at hilahin ako papunta sa kung saang lupalop.
"Manahimik ka kasi nang hindi ka mapagod kaagad. Wag kang excited."
"Eh ang tagal na natin naglalakad eh! Saan ba kasi ta-"
Nahinto ako sa pagsasalita dahil tumigil siya sa paglalakad at tinakpan ng kamay nya ang bibig ko. Pinisil nya pa ang ibang labi ko at nilamutak.
"Shhhh!" Inilagay pa nya ang hintuturo sa tapat ng bibig nya to emphasize na tumahimik ako. "Malapit na tayo kaya manahimik ka na, okay?"
Tumango ako.
Naglakad ulit kami, hindi na ako nagsalita kasi baka lamutakin na naman nya tong bibig ko.
At tulad ng sabi nya, narating namin ang isang malawak na palayan kung saan gold na ang kulay ng mga butil.
"Wow." Namamanghang bulong ko.
Sa kaliwa ng mahabang palayan ay isang berdeng bundok at burol ang background. Asul ang langit maliban sa mga puting ulap ang nasa itaas.
Paradise.
"See! Sabi ko sayo manahimik ka lang eh." Tinapik pa ako ni Kim sa balikat.
"Yeah. It's worth the long walk."
Pinagsawa ko ang mata ko sa ganda ng paligid. Panay din ang inhale-exhale ko.
The air is fresh and the scenery is magnificent.
Perfect.
"Teka ano yun?" Turo ko sa madaming mga puting ibon.
Mahahaba at payat ang mga binti nito. Mahaba ang mga tuka at puting-puti ang balahibo.
"Ah, migratory birds yan. Lesser white egret sa English. Tagak ang tawag namin sa Tagalog." Paliwanag nya. "Kapag winter sa kanila sa ibang bansa, may dumadayo dito sa lugar namin. Dito sila nagma-migrate."
In fairness, matalino.
Papalubog na ang araw ng magsimula kaming maglakad pabalik sa bahay.
Namitas siya ng mga ligaw na bulaklak na nadadaanan namin. Iba't-iba ng kulay, hugis at laki.
Narating namin ang sementadong highway.
"Oh pano? Dyan ka na sa kaliwa at dito naman ako kanan." Nakangiting wika niya, bitbit ang mga ligaw na bulaklak.
"Salamat ha?" Seryosong sabi ko.
"Walang anuman yun. Dahil hindi naman ako busy kasi bakasyon, gagawin na lang kitang project ko."
"Project?"
"Oo. Project ko na ngayon na gawing masaya yung pagkakatapon mo sa lugar na to para hindi ka naman mainip. Papasayahin ko na lang ang stay mo dito."
Napangiti ako sa sinabi nya. Sa tingin ko, nagsasabi sya ng totoo.
TO BE CONTINUED...