" isay! " gulat na tawag ni Arnold sa kasintahan ng makita niya itong tulala at nakasalampak sa sahig. Mabilis niya itong nilapitan at inalalayan na makaupo sa sofa.
" Bakit? Anong nanyari sa'yo?" Inaalog-alog ni Arnold ang balikat ng dalaga upang kahit papano'y mahimasmasan ito.
" A-ang B-babaeng Y-yan! " nanginginig ang boses ni isay sabay turo sa painting.
Agad namang nilingon ni Arnold ang painting." Yan nga pala si Belinda. Ang ex-wife ko."
"Arnold! Hindi ko alam kung paniniwalaan mo ako. Pero dalawang beses ko na siyang napapanaginipan at sa panaginip ko'y pinapatay siya ng isang babaeng naka gown. "
" Ano bang pinagsasabi mo? Eh mga kidnappers ang pumatay kay Belinda."
" Maniwala ka sa akin Arnold! Nagsasabi ako ng totoo. Napanaginipan ko siya hindi lang Isa kundi dalawang beses!"
"Imposible yang sinasabi mo!"
"P-pero_"
"Pagod ka lang siguro sa trabaho. Siguro'y kailangan mo na munang magpahinga. Tara, ihahatid na kita sa bahay mo,"
Wala ng nagawa siyang nagawa ng alalayan siya ni Arnold na makatayo saka lumabas ng silid.
*******************
Tahimik at malalim ang iniisip ni isay habang na sa biyahe sila. Samantalang nakatuon naman ang atensiyon ni Arnold sa pagmamaneho. Ilang saglit pa'y binalingan siya nito ng sulyap.
" isay! Imposebleng mangyari yang sinasabi mo. Unang una hindi kayo magkakilala ni Belinda. ikalawa ay sa mga kamay ng mga kidnappers siya namatay at hindi sa babaeng naka gown na sinasabi mo. " saad ni Arnold habang ang mata ay nakatutuk pa din sa kalsada.
"Ewan ko! Hindi ko alam! Pero isa lang ang sigurado ako! Siya talaga yung babae sa panaginip ko."
"Kabaliktaran lang ang panaginip isay. Pwedeng totoo, pwedeng hindi. Kalimutan mo na lang yun."
Nagkibit balikat na lang siya. Tutal ay ilang araw na din naman niyang hindi napapanaginipan ang duguang babae. Kinalimutan na lang niya ang painting at ang masamang panaginip upang magkaroon siya ng kapayapaan sa isip.
Lumipas ang ilang linggo at buwan. Lalong tumatag ang relasyon nina Arnold at isay. Naging magkasundo sila sa lahat ng bagay. Pero paminsan' minsan ay nagkakaroon din sila ng hindi pagkakaunwaan. Ngunit mabilis din naman nila itong naaayos din ka agad.
.........................................
Umaapaw sa kasiyahan ang nararamdaman ni isay ng yayain siya ni Arnold na pumunta sa hometown nito sa Poblacion de san lucas. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ng dalaga dahil sa wakas ay makikilala na din niya ang ama ng nobyo. Pinaghandaan niya ang araw na ito. Masusi niyang binusisi ang ayos ng buhok at maging ang pustura niya sa mukha at damit na isusuot upang maging kaaya-aya siya sa ama ng nobyo.
Ngunit sinabihan siya ni Arnold na maging kampante at maging totoo lang sa sarili. Mabait naman daw ang kanyang Daddy Roman.
........................................
Payapang tinatanaw ni isay ang magandang kalikasan. Ang maulap na kalangitan at matataas na kabundukan. Kasalukuyan nilang
binabagtas nila ni Arnold ang daan patungong Poblacion de san Lucas.
Kalmado lang ang pakiramdam niya. Ngunit sa isang banda ay inaabot siya ng sobrang kaba. Dahil ngayong araw ay makikilala na niya ang ama ng nobyo. Maraming bagay ang naglalaro sa isipan niya. Gaya na lang ng kung anong ugali meron ito? Kung mabait ba ito o masungit. Panay ang dasal niya na sana'y magustuhan siya ni Don Roman.
Makalipas ang Isang oras na biyahe ng huminto ang sasakyan ni Arnold sa isang gate na pagkataas taas. Nakalagay sa pinakatuktuk ng gate ang nakaukit na pangalang Hacienda Saavedra.
Agad na bumusina ng tatlong beses ang lalaki. Maya maya'y dumating ang isang babae na naglalaro sa trenta anyos ang edad. Morena ang kulay ng balat nito at naka sout ng maid uniform. Mahaba ang itim na buhok nito na naka trintas. Binuksan nito ang gate saka pumasok ang sasakyan.
Kinurot ni isay ang sarili ng makababa ng sasakyan. Pakiramdam niya ay nasa isa siyang magandang panaginip ng masilayan ang boung hardin ng Hacienda Saavedra. Napakalawak at napakaganda ng boung paligid. Hindi niya halo's mabilang sa dami ang magaganda at ibat ibang bulaklak sa hardin na tila ba alagang alaga sa tubig at sikat ng araw.
Damang dama niya ang sariwang simo'y ng hangin na pumapalo sa kanyang mukha at humahawi sa kanyang buhok. Maya maya'y napadako ang mata niya sa isang statwang nasa gitna mismo ng hardin. Kabayo ito na may kalesa sa likod. Pamilyar sa kanya ang desinyo ng kalesa na para bang nakita na niya sa mga palabas sa tv at libro.
Biglang tila may bombilya na biglang umilaw sa utak ni isay ng biglang niyang maalala ang desenyo ng statwa. Kalesa ito ni Cinderella at kasama pa ang mga kabayo nito. Maya maya'y nilapitan siya ni Arnold sabay akbay sa kanya.
"Okay ka lang?" tanong ni Arnold.
"Oo naman!" Yumapos si isay sa katawan ng nobyo. " Mukang mahilig si Belinda sa fairytale? Lalong lalo na kay Cinderella. "
" Ahhhhh....Oo! Actually. Siya nga ang nagpagawa ng statwa na yan! "
Maya maya'y lumapit ang babaeng nagbukas ng gate sa magkasintahan. Bitbit nito ang dalawang maleta na may kalakihan.
" Sir Arnold! iaakyat ko na po ang mga gamit niyo. " ani ng babae.
" Sige! Salamat! Siya nga pala si isay. Girlfriend ko."
" Hai kamusta na?" bati ni isay.
" Mabuti naman po. Ako nga po pala si Didith."
" Nasaan nga pala si Daddy?" tanong ni Arnold.
" Nasa likod bahay po kasama si Nanay Salome," sagot ni Didith.
Pumasok na sa loob ng bahay sina isay at Arnold kasunod nila si Didith. May pagka- vintage at old spanish style ang mga furniture at painting na naka display sa sala. Umakyat sa ikalawang palapag si Didith samantalang umupo naman sa narang sofa ang dalawa.
Parang tinatambol ang dib dib niya sa sobrang kaba. Hindi siya mapakali sa kanyang upuan. Napuna ni Arnold ang pagkabalisa ng nobya kaya inakbayan niya ito at hinalikan sa labi.
"Relaxed ka lang okay! Hindi naman nangangain ng tao si Daddy, " pabirong sabi ni Arnold.
Matapos maipasok ni Didith sa kanya kanyang silid ang mga damit nina Arnold at isay ay bumaba na Ito at nagtungo naman sa likod bahay upang tawagin si Don Roman.
Ilang saglit pa ng pumasok mula sa likod na bahagi ng sala ang isang babaeng nasa kuwarenta'y singko anyos ang edad. Tulak- tulak nito ang isang wheele chair na may matandang lalaking nakasakay.
Bahagya siyang nabigla ngunit hindi siya nagpahalata ng makitang walang paa at mga kamay si Don Roman. Walang ano mang reaksiyon ang mukha ng matanda ng humarap ito sa kanila.
Malumanay silang tumayo ni Arnold ng makita ang matanda. Lumapit ang lalaki sa ama sabay halik sa pisngi nito.
" isay! Ang Daddy Roman ko nga pala at ito naman si Nanay Salome. Ang nag aalaga sa kanya, " pakilala ni Arnold.
" Kamusta po kayo! " nakangiting bati ni isay sabay yuko halik sa pisngi ng matanda.
Ngunit walang ano mang salitang namutawi sa bibig nito. Tumingin lang ito ng makahulugan sa kanya. Maging si Nanay Salome ay wala ding imik at pumukol lang din ito ng tingin sa kanya.
" Pasensiya ka na. Hindi talaga makakapagsasalita si Dad. Putol din kasi ang dila niya eh!" ani Arnold.
Napalingon siya sa lalaki at tumitig sa mga mata nito na tila nangungusap. Gusto niyang magtanong kung bakit ganito ang kalagayan ng ama nito. Ngunit nanatili lang siyang tahimik at tumango na lang sa sinabi ng nobyo.
Sa hindi inasahan ay biglang umatungal ng iyak si Don Roman na tila isang bata. Nabigla ang dalaga at agad na napaurong pa layo sa matanda.
"Its okay! Baka wala lang sa mood si Daddy. Nanay Salome pakidala na lang po siya sa kuwarto niya," utos ni Arnold.
Walang imik na sumunod si Nanay Salome. Dahil nakaratay sa wheelchair ang ama kaya mas minabuti ni Arnold na pagawan ng silid ang ama sa unang palapag ng bahay upang mas madali itong maalagaan at maipasyal sa hardin.
Hindi pa din makapagsalita si isay kaya nilapitan na siya ng nobyo saka inakbayan at muling umupo sa sofa.
"Ba't ganun? Para siyang takot? " tanong ni isay.
"Baka sinumpong lang siya ng trauma," seryosong sagot ni Arnold.
"Trauma! Di 'ko maintindihan? At bakit wala siyang paa at kamay? Pati dila niya ay putol din?"
Ilang segundong hindi nakaimik si Arnold. Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.
"Three years ago papunta si Daddy ng maynila ng aksedenteng bumundol ang kotse niya sa ten wheeler truck. Labis na na apektuhan ang paa at kamay niya pati na din ang dila niya. Kaya walang choice ang mga doctor noon kundi putulin ang mga ito,"
"Eh bat hindi mo sinabi sa_"
"Ayokong kaawaan mo ako." Putol ni Arnold sa sasabihin niya. " Nasabi ko sa sarili ko dati na mas mainam na malaman mo ang totoong kalagayan niya pag nakaharap mo na lang siya ng personal."
Hindi nakaimik si isay ng mapakinggan ang paliwanag ng nobyo. Unti unting bumagsak ang mga luha sa mata ni Arnold. Kaya niyakap niya ito upang kahit papano'y gumaan ang bigat na dinadala nito sa dib dib.
Maya maya'y inihatid na siya ni Arnold sa kanyang magiging silid na nasa sa ikalawang palapag.
Hindi maiwasan ni isay ang hindi mamangha habang umaakyat patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Nahihiya siyang itapak ang mga paa sa hagdanan dahil sa sobrang kintab nito. Pag akyat nila sa ikalawang palapag ng bahay ay may malawak na pasilyo at mga antigong larawan sa magkabilang pader.
May tatlong silid na bakante ang unang silid ay kay Nanay Salome katapat nito ang isa pang silid na kuwarto ni Arnold. at sa pinakadulong bahagi ng pasilyo ay may silid na bakante na nakalaan para sa kanya.
"Ito ang magiging silid mo!" sabi ni Arnold sabay bukas ng pinto ng silid.
Napangiti si isay ng makita ang silid. Medyo may pagka-vintage ang dating ng kuwarto na tila silid ni Maria Clara. Makintab ang sahig at kulay puti ang mga pader na may mga lumang kuwadrong nakasabit at may bintanang nakasarado.
Malakas ang buga ng aircon na may mabangong simoy. Gawa sa kahoy na nara ang kama na may puting bedsheet. Para bang biglang nakaramdam ng antok ang dalaga dahil sa preskong ambiance ng silid.
" Magpahinga ka muna dito. Mamaya pupunta tayo ng bayan. Ibibili kita ng damit at mag pasalon kana din," utos ni Arnold.
" Mag pasalon? Ibibili ng damit ? Bakit? Anong meron?"
"Secret!" sabi ni Arnold sabay halik sa nobya at saka lumabas na ng silid.
Nagkibit balikat na lang muna siya bago tuluyang inilatag ang pagod katawan sa kama.
...............................................................
Nasorpresa si isay sa isang dinner preparation na inihandan ni Arnold para sa kanya. Napaka romantic ng lugar kung saan ay nasa garden sila. Pabilog ang mesa na may puting dining table at nakalagay lahat ng pagkain at isang bote ng red wine. Napapaligiran ng mga red rose's ang buong paligid at may isang musician na tumutugtog ng violin. Nakaka-relaxed ang ambience ng awitin.
"Arnold, anong meron?"
" Special tong araw na ito para sa akin isay. Dahil kasama na kita,"
Napangiti siya na may halong kilig. Kaya pala pagkatapos niyang makatulog kanina ay dinala siya ng nobyo sa bayan at nagtungo isang mamahaling beauty salon upang paayusan siya ng buhok at mukha.
Pagkatapos ay nagpunta sila sa isang shopping mall at binilhan siya ng magarang damit dahil sa may pina plano pala itong dinner date. Maya maya'y may dinukot sa bulsa si Arnold at pagkatapos ay nakangiti itong humarap sa kanya.
" Alam kong masyado pang maaga para sabihin ko sa'yo ito. Pero mahal talaga kita at pakiramdam ko'y ikaw na ang babaeng ibinigay sa akin ng tadhana upang makasama ko sa habang buhay." Binuksan ni Arnold ang kuwadradong kahon at inilabas ang isang sing sing na may maningning na diamante sa gitna.
Lumuhod si Arnold sa harap ng nobya." Isadora Baldez! Will you marry me?"
Hindi niya napigilan ang sarili na hindi maluha. Hindi niya inaasahan na magpo-propose ang nobyo. Hindi na siya nag dalawang isip pa. Mahal na mahal niya si Arnold at gusto niya din itong makasama sa habang buhay.
"Yes," naluluhang tugon ni isay.
Abot tainga ang ngiti ni Arnold na tumayo at inilagay ang sing sing sa daliri ni isay sabay halik sa labi ng nobya.
Masaya nilang pinagsaluhan ang masarap na hapunan. Pinag usapan nila ang kanilang mga plano sa kanilang wedding at sa magiging pamilya nila. Ilang saglit pa'y napuna ni Arnold na biglang tumahamik niya.
" isay! Are you okay?"
"Mayroon sana akong gustong hilingin sa'yo."
"Go ahead! Ano yo'n?"
"Gusto ko sanang makita yung kakambal ko bago man lang tayo ikasal. Gusto kung malaman kung buhay pa ba siya at kung na saan siya,"
"Ahh....Okay sige! Bukas mag hired ako ng private detective para hanapin ang kapatid mo. Gusto ko din naman siyang makilala."
" Salamat love! "
" Basta ikaw! But for now gusto ko sanang sumayaw ng sweet dance with you. Sayang naman ang romantic music." Tumayo si Arnold at inalalayang makatayo ang nobya at dinala sa gitna ng hardin.
Walang pagsidlan ang kasiyahang nadarama ni isay habang nakayakap sa nobyo samantalang nakayapos naman ang mga kamay nito sa kanyang bewang at sumasayaw.
.................................
Kinabukasan ay agad na tumawag si Arnold sa isang detective agency upang mag hired ng isang private detective para ipahanap ang kapatid ni isay.
Si Ronald Deodato ang detective na atasang maghanap sa nawawalang kapatid ni isay. Ibinigay ng dalaga dito ang adaption paper na lagi niyang dala dala. Pati na din ang pangalan ng taong umampon sa kapatid niya na si Adora Mendez ay sinabi niya din dito.
Nangako naman si Ronald na mag-rereport kaagad one's na may malaman ito tungkol sa kanyang kapatid.
..............................
Kinahapunan ay nag aya naman si Arnold na mag outing sa beach resort na pag aari mismo ng kanilang pamilya. Masayang nag tampisaw sa asul na karagatan sina Arnold at isay.
Habang si Didith naman ay nasa costage at nag aaksikaso ng mga pagkain. Nasa gilid naman ng cottage si Don Roman na nakatanaw lang sa malawak na karagatan.
Maya maya'y umahon sa dagat ang dalawa at nagpunta sa cottage upang kumain. Kumuha ng pagkain si isay at nagtungo kay Don Roman upang ito'y pakainin. Lumuhod siya sa harapan ng matanda para ito'y subuan.
"Kain na po kayo.!" aniya habang sinusubuan ang matanda.
Ngunit bigla siyang nagulat ng tinabig ni Don Roman ang kutsarang may kanin. Mabilis itong yumakap sa kanya at umatungal ng iyak. Pagkatapos ay tumalon ito mula sa wheel chair at mabilis na gumapang pa layo sa cottage.
Biglang napasigaw si isay at napatayo dahil sa pagkabigla. Kaagad na alarma sina Arnold at Didith na kumaripas ng takbo para habulin ang gumagapang na matanda.
Nang maabutan ni Arnold ang ama ay mabilis niya itong binuhat at ibinalik sa wheel chair. Panay ang pagpupumiglas na tila gustong tumakas...
Naguguluhan na si isay sa inaasal n Don Roman. Bigla tuloy umusbong sa isipan niya ang pagdududa.....
************************
Ano ang nangyayari kay Don Roman?