The beach wedding......

3065 Words
Hindi malaman ni Arnold ang gagawin sa amang umiiyak maging sina isay at Didith ay natataranta na din. Wala siyang ibang naging choice kundi buhatin ang ama at dalhin sa Rest house. Agad namang sumunod isay sa nagkukumahog na nobyo. Samantalang nag paiwan na lang sa cottage si Didith upang bantayan ang mga pagkain. Habang binabagtas nina Arnold at isay ang daan papuntang Rest house ay bigla nilang nasalubong si Nanay Salome na humahangos sa pagtakbo. Mababakas sa mukha nito ang labis na pag aalala. " Naku! Sinasabi ko na nga bah! Sorry po sinyorito! Nag banyo lang ako." pumanhin ng babae. " Okay lang po! Samahan niyo na lang po kame sa kuwarto para maturukan ng pampakalma si Dad." Naging mabilis ang bawat hakbang nila papunta sa Rest house at ng sila'y makarating ay agad silang dumiretso sa kuwarto kung saan inihiga ni Arnold ang ama sa kama. Pagkatapos ay tumabi siya dito sabay niyakap niya ito para kumalma. Mabilis na kinuha ni Nanay Salome ang isang injection na nakapatong sa ibabaw ng lamesita. Isa itong gamot na pampakalma na kailangang iturok sa braso ni Don Roman. Balisa at hindi mapakali si isay sa mga nangyayari hindi niya mapigilan ang sarili na kagat kagatin ang mga daliri sa kuku habang pinapanood ang umaatungal na si Don Roman. Ilang minuto pa at unti unting ng kumalma ang matanda dahil sa itinurok na pampakalma dito. Hinalikan ni Arnold ang ama sa noo habang nakahinga na ng maluwag si isay. "Ako na po ang bahala kay Don Roman," prisinta ni Nanay Salome. Tumango si Arnold sabay tayo at lumapit kay isay. Inakbayan nito ang nobya at saka lumabas ng silid. Nagyayang bumalik sa cottage ang binata upang makakain. Habang naglalakad sila ay biglang nagtanong si isay. "Anong nangyayari sa Daddy mo? Bakit para siyang takot?" " Wala yon! Sinusumpong lang siya ng trauma niya," sagot ni Arnold. Ngunit parang hindi siya kumbinsido sa sagot ng nobyo. "P- parang may mali. eh_" " isay!" Hindi na pinatapos ni Arnold ang sasabihin ng nobya saglit siyang huminto sa paglalakad at hinawakan sa magkabilang braso ng dalaga. " Relaxed! i told you dahil lang sa trauma yun. Ayokong maapektuhan ka sa nangyayari kay Daddy. Remember! May kasal pa tayo na dapat paghandaan." " Kailan mo pala planong i schedule ang wedding natin?" tanong ni isay. "Next month!" tugon ni Arnold. " Hah!? Bat ang bilis naman!?" "Bakit pa natin patatagalin ang kasal. Eh nagmamahalan naman tayo di ba? So I' guess na wala namang magiging problema," "P-pero Arnold _" "Do you love me?" "Oo naman! Kaso.... kasi_" " Magiging maayus ang lahat sa wedding natin my love, trust me," "Ahh.....okay." sambit na lang ni isay. "Let's go! Gutom na ako eh," Humakbang na si Arnold kasama si isay pabalik sa cottage. ************************** Makaraan ang isang linggo at dumating na ang araw na pinakahihintay ni isay. Ang muling paghaharap nila ng private detective na si Ronald Deodato. Ngayon ay malalaman na niya kung buhay pa ba ang kapatid na nawalay sa kanya. Bukod pa do'n ay gusto niya ding malaman kung saan ito matatagpuan at kung sino ang kasama nito sa buhay. Magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman niya. Kasalukuyan siyang nasa sala at naka upo sa sofa katabi si Arnold na naka akbay sa kanya. Katapat nila si Ronald at hawak nito ang isang brown envelope na naglalaman ng mga docomento tungkol sa kapatid niya. " Ayaw ko na sanang sabihin sa inyo ito pero! Pero kailangan niyong malaman ang tungkol dito." malungkot na sabi ni Ronald. Nagkatinginan sina Arnold at isay. May kutob silang na hindi maganda ang balitang hatid ni Ronald. Biglang napalitan ng takot ang kanina'y masayang pakiramdam ni isay. " Ayon sa nakalap kung impormasyon ay noong February 5 2001 ay nagsilang ng kakambal na batang babae si Mrs Karina Baldez sa San joaquin general hospital. Ipinampon ni Mrs Baldez ang isa sa mga kambal niya sa isang matandang dalaga na si Adora Mendez na pinangalanan naman nitong Kathleen Mendez. Sabi ng mga napagtanungan ko ay sa Batangas lumaki at nagdalaga si Kathleen. Mabait at masayahing bata daw ito. Yun nga lang ay bigla itong nagkroon ng braintumor na ikinamatay nito." kuwento ni Ronald. " A-ang ibig M-mo b -bang sabihin ay patay na ang kakambal ko! " Malungkot na tumango si Ronald. "I'm sorry," Biglang siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa nalaman. Hindi niya akalain na ang kakambal niyang hinahanap ay matagal na pa lang patay. Hindi siya halo's makapagsalita. Kusang lumuha ang mga mata dahil sa lungkot. Napahiga siya bigla sa balikat ng nobyo. Maya maya'y ay si Arnold naman ang nagtanong. '" Eh si Adora Mendez? Anong nangyari sa kanya? Nasaan na siya ngayon? " " Simula ng mamatay si Kathleen ay nag migrate na siya sa Canada. Matagal na panahon na pala siyang nakatira do'n. Dahil ng puntahan ko ang bahay niya sa batangas ay iba na ang nakatira. Ang sabi nga ng ilang mga kapitbahay niya ay baka namayapa na din siguro si Adora dahil sa katandaan. isay! Apat na taon na palang patay ang kapatid mo ayon pa rin sa mga kapitbahay nilang napagtanungan ko. Kaya pala wala na akong makitang kahit na ano mang gamit ng kakambal mo maliban dito." Inilabas ni Arnold sa envelope ang isang may kalakihang picture at saka ibinigay kay isay. Naluluhang pinagmasdan niya ang larawan ng kakambal. Napaiyak siya dahil para silang pinagbiyak na bunga. Kamukang kamuka niya ito at buhay na buhay sa larawang hawak niya. Nasa isang magandang park ito at naka upo sa upuang kahoy at nakasout ng dilaw na bestida. Makikita din sa larawan na masayang masaya ito. Niyakap niya lang ng mahigpit ang pictures ng kapatid. " Siya nga pala isay! Alam mo ko kung saan nakalibing ang puntod ng kapatid mo! Kailan mo gusto mo puntahan? " wika ni Ronald. " Ngayon! Gusto ko ng makita ang puntod ng kapatid ko!" ........................................ Puno ng paghihinagpis ang damdamin ni isay. Hindi niya mapigilan ang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata habang nasa harapan ng puntod ng kapatid. Nanghihinayang siya dahil hindi man lang niya ito nakita at nakasama. Para bang gumuho bigla ang mundo niya sa pakiramdam na mag isa na lang siya sa buhay. Sa hindi kalayuan ay nakatayo lang si Arnold na kanina pa siya pinagmamasdan. Binigyan nito ng moment si isay na magdalamhati. Ngunit hindi na nito matiis na hindi damayan sa kalungkutan ang babae. Kaya nilapitan nito ang nobya. " Wala na tayong magagawa isay kundi tanggapin na lang ang katotohanan na wala na siya. Atlist ngayon alam mo na ang totoo. " malumanay na sabi ni Arnold. " Alam mo ba? Pakiramdam ko ngayon'y mag isa na lang ako sa buhay dahil wala na din si inay at itay." Niyakap siya ni Arnold ng sobrang higpit." Ano ka ba? I'm here! Hindi ka nag iisa. We build our own family," Saglit na kumalas sa pagkakayakap si isay sa nobyo." Kahit papano'y nag papasalamat pa din ako sa poong maykapal dahil dumating ka sa buhay ko." Nag alay muna sila ng dasal sa puntod ni Kathleen bago nila ito tuluyang nilisan. ....................................... Isang engranding beach wedding ang naging set-up sa kasal nina Arnold at isay. Kilalang wedding coordinator ang nag- organize ng kanilang kasal. Maganda at detalyado ang bawat disenyo ng wedding ceremony na kulay puti ang lahat ng upuan na pinalilibutan ng mga puting bulaklak. Maging ang maulap na kalangitan at asul na karagatan ay nagmistulang naging mga saksi sa pag iisang dib dib ng dalawa. Samantala ay isang sikat na fashion designer sa pilipinas ang lumikha ng white wedding swimsuit style ni isay. May mga burda pa ng perlas. Kaya naman ng isuot niya ito ay lutang na lutang ang kaseksihan at kagandahan niya. Habang isang celebrity make up artist naman ang nag make up at nag ayos ng buhok niya. Sa kabilang dako'y abala naman si Arnold sa pagpapa guwapo. Kanina pa nito sinisipat ang sarili sa salamin na nagmistulang vivamax actor dahil sa sout nitong white pants at white polo na naka bukas ang mga butones. Kaya litaw na litaw ang matipuong dib dib at six packs abs nito. Kompleto lahat ng bisita ni Arnold Arnold sa dating kaklase nita sa college at ka trabaho. Pero siyempre ay hindi mawawala ang kaisa isa at masasabing best friend forever ni isay na si Ella. Pinapunta niya ito sa Poblacion de san Lucas upang maging made of honor niya. Pinaghalong lungkot at pagkagalak ang nararamdaman ni Ella para kay isay. Malungkot kasi halo's kapatid na ang turing niya dito. Posibleng bihira na din niya itong makasama. Ngunit sa isang banda ay masaya na din siya. Dahil hindi na mag iisa sa buhay ang matalik na kaibigan. Naka white floral na may pagka hawaian ang sout ng lahat ng bisitang dumalo sa kasal mapa babae man o lalaki. Ang iba dito'y kababata at ka- batchmate ni Arnold noong nag aaral pa ito sa koleheyo. Ang iba'y matataas na lider ng Poblacion de san Lucas. Lumuluha dahil sa kagalakan habang unti unting nag mamartsa si isay papunta sa kanyang groom. Labis ang pasasalamat niya dahil sa regalong biyaya ng langit sa kanya. Masaya at puno din ng pananabik na inaabangan ni Arnold ang kanyang mapapangasawa. Katabi ni si Nanay Salome at Don Roman na nakaupo sa wheelchair. Walang ano mang imosyon ang makikita sa mukha ng matanda. Panay ngiti naman si Nanay Salome sa mga bisita na halatang pakitang tao lang. Nakisabay ang bughaw na kalangitan sa kasiyahan ng mga taong nagpalakpakan ng i-anunsuyo na ng pari na sina isay at Arnold ay ganap ng mag asawa. Sa isang malawak reception hall na may garden theme idinaos ang party. Umaapaw sa mesa ang masasarap na pagkain gaya ng sweet and sour shrimp, steak, at marami pang iba. Mayroon ding mamahaling Red wine at champagne na siyang iniinom ng mga bisita. Saglit na nag paalam si isay sa asawa na pupunta ng silid upang magpalit ng damit. Mabilis naman itong pumayag. Pagdating niya sa kuwarto ay kinuha niya sa aparador ang isang white dress na may sexy curve's ang style. Isinuot niya ang damit at saka inilugay ang buhok na bahagyang humaba na din. Matapos makapagpalit ng damit ay muli niyang binagtas ang hallway pabalik sa venue kung saan naroon ang mga bisita. Sa hindi inaasahan ay bigla siyang nakaramdam ng tawag ng kalikasan kaya agad siyang nagtungo sa pinakamalapit na banyo ng receptions hall. Habang naka upo si isay sa bowl ay bigla niyang narinig ang paglangitngit ng pintuan ng banyo. Pagkatapos ay pumasok sa loob ang dalawang babaeng nasa pakiwari niya'y mga dating classmate ni Arnold sa college. Sa hindi sinasadya ay aksidente niyang narinig ang pag uusap ng mga ito. " Sana naman ay maging successful na ang married life ni Arnold. " " Bakit naman?" "Di'ba nga, ikalawang asawa na niya yan." "Ay... oo nga noh! Ano na kaya ang nanyari doon sa kaso ni Belinda? Nahuli kaya yung mga pumatay sa kanya?" " Actually girl. Hindi ko din alam eh," " Parang mga demonyo sa lupa ang mga kidnappers na yon.Dahil ayon daw sa mga nasagap kung tsismis ay kinarne daw na parang hayop si Belinda." "Ilang buwan na ang nakalipas pero kinikilabutan pa din ako sa sinapit niya! Ang alam ko nga ay pinugutan pa siya ng ulo, ang creepy girl, ni hindi na nga ibinurol ang bangkay no'n di ba? ipina-cremate na lang ni Arnold." " What ever! Buti na lang at mabilis na naka move on si Arnold at nakapaghanap ng bagong asawa, okay na siguro itong itsura ko. Tara nah," Pagkalabas ng dalawang babae ay biglang napa isip si isay. Hindi pa pala nabibibigyan ng hustisya ang pagkamataty ni Belinda at malaya pang nakakagalaw ang mga salarin na pumaslang dito. Ano na kayang nangyari sa kaso ng pagpatay dito? Mga katanungan sa kanyang isip na tanging si Arnold lang ang makakasagot. Ngunit kakakasal lang nila at hindi ito ang tamang oras para pag usapan ang tungkol sa ex wife nito. Nagkibit balikat na lang si isay at binaliwala ang narinig. Ang mahalaga naman ngayon ay nakapag move on na si Arnold at magsisimula na ito ng bagong buhay kasama siya. Matapos maka pag banyo'y lumabas na siya ng cubicle at naghugas muna kamay at lumabas ng banyo. ************************* Sa party ay pansamantalang naghiwalay ang mag asawa. Si Arnold ay masayang nakiki pagkuwentuhan sa mga ka-batchmate niya sa college. Habang nasa isang mesa naman sina Ella at isay at masayang nag kukuwentuhan habang umiinom ng Red wine. " Masaya ako sa'yo girl! Atlist hindi kana mag isa at may kasama kana sa buhay," sabi ni Ella. " Nagpapasalamat din ako sa'yo Ella! Dahil naging mabuti kang kaibigan sa akin at talagang naglaan ka ng oras para sa wedding ko." "Oo naman! Ikaw pah bah! Alam mo ba isay na kinaiingitan ka ng mga babaeng bitter? " " Hah! Bakit naman?" " Abay para kang nanalo sa lotto! Yung husband mo di lang guwapo. Kundi nuknukan pa ng yaman sabi ng mga naka chika bells ko ay mayroon daw siyang thirty units ng taxi at paupahang town house sa antipolo. Saan ka pa? " " Talaga! Hindi ko alam yan hah! Hindi naman pera ang habol ko kay Arnold eh. Kundi ang pagmamahal niya." " Kilala kita girl! Alam ko kung anong klaseng tao ka," pagmamalaking sabi ni Ella. " Sayang nga lang kasi hindi naka punta sina Ma'am_" "Ay oo nga pala! " Hindi na pinatapos ni Ella ang sinasabi niya. " Yung mga dati mong kasama sa trabaho. Lahat sila ay sabay sabay na nawala sa boutique." "Ano?! P-papanong nangyari yun?" Nagkibit balikat lang Ella." Hindi ko din alam! Pero ng minsan akong inutusan ng manager ko na pumunta sa Zaragoza mall ay nagtaka ako bigla! Dahil iba na ang lahat ng mga staff na naka duty do'n! Wala na si Hazel, Roy, at Ma'am Emma," " Ano kayang nangyari sa kanila? Tinatawagan ko nga sila pero canot be reach ang mga phone nila! Kahit nga mga f*******: account nila ay naka offline din eh. Saan kaya sila nagpunta?" tanong ni isay. " Sa totoo lang! Hindi ko din alam. Pero itanong mo na lang sa yummy mong asawa, Baka alam niya ang sagot! " pilyang sagot ni Ella sabay tanaw sa kinaroonan ni Arnold at sa mga kaibigan nito. Pinilit ngumiti ni isay. Bigla siyang napa isip na may halong pagtataka. Anong nangyari sa mga dating katrabaho niya? Ba't sabay sabay itong nawala? Nag resign ba ang mga ito o nag-awol? Bakit at anong dahilan? Maayos naman magpa suweldo ang kompanya. Mga tanong sa kanyang isipan na kailangan ng kasagutan. Kaya mamayang gabi ay kailangan niyang ipaalam sa asawa ang tungkol sa biglaang pagkawala ng mga ito. .................................................. Hating gabi na ng matapos ang party. Masayang nagsi uwian ang mga bisita na may pa take out pang pagkain at souvenir sa kasal. Samantala sa kuwarto ni Arnold ay kabado si isay habang nakasilip sa bintana ng kuwarto. Ito ang unang gabing isusuko niya ang sarili sa lalaki. Sout niya ngayon ang isang sexy white nighties na regalo ni Ella. Kasalukuyan namang nasa banyo si Arnold at naliligo. Paglabas ng lalaki ay naka sout na lang ito ng boxer short na walang pang itaas kaya lutang na lutang ang maskuladong katawan nito. Abot tainga ang ngiti nitong lumapit sa asawa. " Hey! Huwag kang kabahan okay." sabi ni Arnold sabay yapos sa katawan ng asawa. "A-Arnold, sandali lang." Saglit na kumalas si isay sa pagkakayakap sa asawa at humarap sa mukha nito."May gusto lang akong itanong sa iyo?" 'Yes!" "Nagpaalam ba sa iyo sina Ma'am Emma, Hazel at Roy? Sabay sabay kasi silang umalis sa boutique. Hindi ko din sila ma-contact." " What?! Hindi ko alam na umalis sila! Walang sinasabi sa akin ang human resources staff ko. Papano mo nalaman?" " Sinabi sa akin Ella," "Okay... okay... bukas ng umaga ay tatawag ako sa office. But for now, ibigay mo na sa akin tong gabi na ito," sabi ni Arnold sabay halik ng mariin sa labi ni isay. Di na siya nakapagsalita at gumanti na siya ng halik sa lalaki. Libo libong boltahi ng kuryente ang kaagad niyang naramdaman ng gumala ang mga labi ni Arnold sa kanyang leeg. Nasapo ng ilong niya ang mabangong hininga nito na tila ba inubos ang mouthwash gargle. Nagsisimula pa lang siyang magkasama ng sensation ng bigla silang makarinig ng malakas na ingay na tila nabasag na bagay na nagmumula sala. Napaigtad ang lalaki sa pagkabigla. Mabilis itong tumayo at nagtungo sa pintuan para lumabas ng silid upang siyasatin ang ingay. Bakas sa mukha nito ang pagkainis. Kaagad namang sumunod si isay sa asawa. Biglang na alarma sina Arnold at isay ng makita si Don Roman na nasa sahig at mabilis na gumagapang papunta sa direksiyon ng main door ng sala. Halos's dalawang dipa na lang at malapit na ito sa bungad ng pinto. Kaya kumaripas sila ng takbo papaba sa sala at ng nasa baba na sila ay parang batang binuhat ni Arnold ang ama at dinala sa silid nito. lumabas na din ng silid si Nanay Salome at aligagang bumaba. Pagkababa nito ay tumingin muna ito kay isay ng matalim at saka pumasok na din sa silid ni Don Roman. Napatakip ng bibig si isay. Naguguluhan na siya sa mga nangyayari sa bahay ng kanyang asawa. Maging sa inaasal ng biyenan. " Ano bang nangyayari sa bahay na ito?" tanong niya sa sarili. Hindi niya maiwasan mag isip at kutoban.... ................................................ Samantala sa isang maliit na bodega sa hindi kalayuan sa Poblacion de san Lucas ay may isang misteryosong lalaking sunog ang kalahati ng mukha ang naka upo sa swivel chair at umiinom ng beer. Kakauwi lang nito mula sa beach wedding nina isay at Arnold. Kanina sa kasal ay nagkubli ito sa isang sulok ng reception hall na kung saan ay malaya itong nakapagmamasid. Saglit nitong ibinaba sa mesa ang hawak na beer at tumayo sabay kuha sa bulsa ng pantalon ang isang balisong. Tinungo nito isang larawan ng babae na nakasabit sa ding ding. Pagkatapos ay walang pag aalinlangan nitong pinagsasaksak ang larawan. Nang makaramdam ng pagod ang lalaki ay bigla itong napaluhod. "Magbabayad ka Cindy!!!" pasigaw na sabi nito...... **************** Simula na ng pagdududa ni isay.. Sino si Cindy sa story na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD