[ Before the wedding of isay and Arnold ]
Nahihilo at medyo nanlalabo pa ang paningin ni Hazel ng magbalik ang kanyang ulirat. Sinabayan pa ito ng pagbaliktad ng kanyang sikmura dahil sa amoy mabaho na parang pinaghalong nabubulok na patay na daga at sunog na goma. Nanunuot sa ilong niya ang amoy.
Nakasalampak lang siya sa sahig na walang sapin. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at iginala ang paningin sa paligid. Napagtanto niya na nasa isang silid siya na walang bintana at napapaligiran ng kulay puting pader.
Masakit man ang katawan ay pinilit tumayo ni Hazel. Naliligo na siya sa sariling pawis dahil sa sobrang init ng silid. Naghahanap ang lalamunan niya ng kahit kaunting patak ng tubig upang mapawi ang uhaw sa kanyang tuyo't na lalamunan.
Mahirap man ang kanyang sitwasyon ay pinilit niya pa ding alalahanin ang mga kaganapan bago siya napunta sa silid kung na saan man siya ngayon.
Ang huling pagkakatanda niya ay galing siya sa isang birthday party at hating gabi na yo'n natapos. Napadami ang kanyang ininom na beer na nagdulot sa kanya ng labis na kalasingan.
Kaya inalalayan siya ng isa sa mga kaibigan niya na maka sakay ng taxi pauwi. Dahil sa kalasingan sabayan pa ng sobrang lakas ng aircon sa taxi na nasakyan ay hindi niya napigilan ang hindi makatulog. Hindi na niya alam kung saang lugar siya dinala ng driver basta nagising na lang siya na nasa isang bakanteng silid na siya.
Pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman ni Hazel. Pero kailangan niyang magpakatatag at gumawa ng paraan kung papano siya makakalabas sa mala impyernong silid na kinasasadlakan niya ngayon. Maya maya'y nahagip ng mata niya ang nakabukas na pinto.
Dahan dahan niyang inihakbang ang mga paa papunta sa nakabukas na pinto. Pagkalabas niya ay bumungad sa kanya ang pasilyo na may dim light na nakasabit sa taas. Dahil dito ay natanaw ng dalaga na sa pinakakanto ng pasilyo na may sementong hagdanan na sa pinakataas ay may kuwadradong pinto na nakabukas.
Hindi na siya nag aksaya ng oras at kumaripas na siya ng takbo papuntang hagdanan. Ngunit habang tumatakbo siya ay saglit siyang napahinto ng nahagip ng mata niya ang isa pang bakanteng silid kung saan ay nasa loob ang dugoan at wala ng buhay na katawan nina Ma'am Emma at Roy.
Kapwa hubo't hubad ang dalawa na puno ng taga ang boung katawan. Nakapako pa ang magkabilang pares ang paa ng mga ito sa sahig. At ang dalawang pares ng kanilang mga bisig ay nakatali ng padipa gamit ang matatalas na barbwire na nakasabit sa magkabilang pader. Habang ang ulo ng dalawa ay nakabaluktot na parang nakasabit na lang sa katawan nila at malapit ng malaglag. Bakas sa mukha ng dalawa na pinahirapan muna ang mga ito bago patayin.
" Aaaashhhhhhhhhhhh!" malakas na sigaw ni Hazel sabay karipas muli ng takbo papunta sa hagdanan.
Ngunit malapit na sana siya sa hagdanan ng laking gulat niya ng bumukas ang kuwadradong pinto at mula sa itaas ay unti unting bumaba ang isang babaeng naka gown na kagaya ng kay Cinderella. Mahaba ang buhok nito na kulay dilaw at may puting maskara sa mukha at hawak ang isang mahaba at dugoang itak.
Dahil sa takot ay mawalan ng balanse si Hazel na naging dahilan para mapaupo siya sa sahig. Nanginig ang boung katawan niya kasabay ng pangangatal ng labi. Humakbang ng dahan dahan ang killer palapit sa kanya.
"M-maawa K-ka sa akin! Ayoko pang mamatay! Sino kaba?" tanong niya dito
Biglang nanlaki ang mata ni Hazel ng magtanggal ang maskara ang babae.
"I-ikaw?"
Biglang itinaas ng babae ang hawak na itak at saka walang awang tinaga si Hazel
"Aaaaaaaahhhhhhhh!!!" ang huling sigaw niya....
**********************
Alas onse na ng gabi ngunit di pa din dinadalaw ng antok si isay. Gusto ng matulog ng mata niya ngunit ayaw makisama ng diwa niya. Sinulyapan niya ang asawa na mahimbing ng natutulog. Ilang oras na ang lumipas ngunit hindi pa din mawala wala sa utak niya ang mukha ng biyenan kanina habang nagwawala na parang isang bata.
Kanina habang nasa silid siya ng biyenan kasama ang asawa at si Nanay Salome ay biglang nagtama ang mga mata nila ng biyenan. Takot ang nakikita sa mga mata nito na tila humihingi ng tulong.
Kailangan niyang malaman kung ano ang nais ipahiwatig ni Don Roman. Pero papano? Hindi nga ito nakakapagsasalita dahil wala itong dila.
Pinilit niyang mag relaxed at kalimutan ang tungkol sa biyenan. Upang makaramdam ng antok ay ipinikit niya ang mata at yumakap sa asawa. Ilang minuto lang ay bumigat na din ang talukap ng kanyang mga mata at tuluyan na siyang nakatulog.
***********************
Kinaumagahan ay sabay sabay na nag almusal sina Arnold, isay, Don Roman at Nanay Salome. Nasa pinaka gitna si Arnold at habang nasa gilid naman si isay katapat si Nanay Salome at ang biyenan na naka upo sa wheelchair na sinusubuan ng pagkain nito.
Tahimik siyang kumakain na tila nakikiramdam sa galaw ng mga kasama. Sinulyapan niya si Arnold na maganang kumakain. Ganun din si Nanay Salome at si Don Roman na parang robot na ibubuka lang ang bibig pag susubuan ng pagkain. Maya maya'y dumating si Didith na may dalang balita.
" Sir Arnold! Excuse me po! Nandiyan na po si Doctora Sylvia!"
"Ganun ba!" Bumaling si Arnold kay Nanay Salome. " Pakidala na po si Daddy sa silid niya, in five minutes lalabas na kame ni isay para kausapin si Doctora. "
"Opo!" Tumayo si Nanay Salome at hinawakan ang push handle ng wheelchair at saka umalis.
Hinabol ng tingin ni isay si Don Roman. Biglang napasulyap si Arnold sa asawa.
"Hey! Are you okay?" tanong ni Arnold.
"Oo naman!" sagot ni isay.
"After natin mag breakfast ay ipakikilala kita sa Doctor ni Daddy. She's very nice, "
Tumango lang siya sabay dampot ng isang tasang kape at saka uminom ng
************************
Kasalukuyang nakaupo sa veranda sina Arnold, isay at Doctora Sylvia. Pinag usapan nila ang sitwasyon ni Don Roman.
"Huwag lang kayo papalya sa magpapainom ng gamot sa kanya. Normal lang na minsan ay mag- hallucination siya dahil sa traumang napagdaan niya." suhestyon ni Doc Sylvia.
" Huwag po kayong mag alala Doctora! Yan po talaga ang ginagawa namin kay Dad," ani Arnold.
Hindi umiimik si isay at nakikikinig lang sa usapan. Hindi maalis ang mata niya kay Doctora Sylvia na tila ba iniistima niya ito. Sa tintya niya ay nasa trenta singko na ang edad nito na mestiza, maganda at balingkinita ang katawan. Edukada din ito kung magsalita.
"Maganda ang wife mo hah!" puri ni Doctora Sylvia sabay tingin sa kanya.
" Salamat! " tugon niya sa doctora.
"You know what Doctora! I feel lucky having a wife like this." Inakbayan ni Arnold ang asawa sabay halik sa pisngi nito.
"Oh! That's great! By the way I really need to go! May ibang appointment pa kasi ako na kailangan puntahan, don't hesitate to call me if there's problems. okay! " ani Doctora Sylvia sabay tayo.
"Salamat po Doctora," sabi ni Arnold sabay tayo.
Tumayo na din si isay. "Salamat po sa pagbisita."
Hinabol niya ng tingin si Doctora Sylvia. Maya maya'y inakbayan siya ni Arnold.
" Let's go! Masarap mag swiming ngayon dahil bagong palit ang tubig sa pool," yaya ni Arnold.
" Arnold sandali lang! Pwede ba tayong mag usap? "
"Okay! " Umupo uli si Arnold." Tungkol saan ba?"
"Tungkol kay Dad," sabi niya sabay upo sa tabi ng asawa.
" isay! Narinig mo naman siguro yung sinabi ni Doctora! Kailangan lang talaga natin painumin ng gamot si Dad. That's it."
" Ang akin lang naman ay baka pwede tayo magpa-second opinion sa ibang doctor."
" Matagal ng doctor ni Daddy si Doctora Sylvia. Sa tingin ko'y okay naman siya."
"Pero_"
"Pagtatalunan pa ba natin to ulit isay ?"
Di na siya nakaimik. Mas minabuti na lang niya ang manahimik muna at huwag ng tanongin pa ang asawa tungkol sa ama nito. Wala siyang ibang pagpipiliian kundi sumunod na lang sa pasya nito.
Sa swimming pool ay masaya ang naging bonding nila mag asawa. Kahit papano'y na relaxed ang isip niya.
*******************
Kinahapunan ay niyaya siya ni Arnold si na magpunta sa bayan para i-check ang negosyo nilang taxi unit business. Ngunit nagdahilan siya na masama ang pakiramdam at gusto munang manatili sa bahay. Bagay na sinang-ayunan naman kaagad ni Arnold.
Pero ang totoo ay dahilan lang yon dahil wala naman talaga siyang nararamdamang ano man sa katawan. Mas gusto niyang manatili sa bahay upang makapagmasid sa paligid. Pagkaalis ng asawa ay lumabas siya ng kuwarto at nagtungo sa hardin. Nadatnan niya dito si Didith na masayang nag aayos ng mga orchids at ilang mga bulaklak.
"Hai! Mukhang abalang abala ka ah?"
"Ayy......kayo po pala Ma'am isay! " Medyo nagulat si Didith sa pagdating niya
"Ano kaba? Huwag mo na akong tawaging Ma'am! isay na lang, okay."
"O-okay po!"
"Alam mo bang dati akong Florist? Marunong din akong mag-arranged ng mga bulaklak!"
"Talaga!" manghang sambit ni Didith
"Oo naman! Tara, tulungan kita. " kinuha ni isay ang ilang mga tangkay ng bulaklak na nasa ibabaw ng maliit na mesa.
Naging masaya ang kuwentuhan nila ni Didith. Ayon dito ay isang taon pa lang itong naninilbihan sa Hacienda Saavedra. Ulila na ito sa ina at walang kapatid. Kaya kinupkop na lang ito ni Arnold upang maging caretaker ng Hacienda. Maya maya'y sinubukan niyang ibahin ang usapan.
"Ahh.....Didith wala ka bang ibang napapansin kay Daddy?"
" Alam mo isay, sa isang taon kung pagtatrabaho dito ay ganyan na talaga si Don Roman. Astang bata at parang palaging takot. Ayoko namang magtanong dahil baka magalit si Nanay Salome."
" Magalit? Bakit naman siya magagalit?"
"Ewan ko sa kanya! Pero ng minsan kasing basahin ko yung mga gamot at pampakalma na itinuturok niya kay Don Roman ay nagalit siya akin na para bang pagkalaki laki ng kasalanang nagawa ko. Samantalang binasa ko lang naman ang pangalan ng gamot."
"Anong pangalan ng mga gamot? Natandaan mo ba?"
"Hindi eh! Inagaw niya kasi kaagad sa kamay ko yung kahon ng gamot na para bang ayaw niyang malaman ko kung ano yon! "
Biglang gumana ang utak ni isay. Bakit ayaw ipabasa ni Nanay Salome ang pangalan ng mga gamot at pampakalma ng biyenan? Anong klaseng mga gamot ba ang ipinapainom nito sa biyenan niya? Nagsisimula na siyang magduda dito.
" isay, maiwan muna kita dito saglit. Kukuha lang ako ng meryenda natin nagluto kasi ako ng champorado,"
" Wow! Salamat, paborito ko yan!"
Pagkaalis ni Didith ay itinuloy lang niya ang ginagawa. Maya maya'y narinig niya na may nag doorbell sa gate. Saglit niyang inihinto ang ginagawa at nagtugo sa gate. Pagbukas niya ng gate ay sumalubong sa kanya ang isang babaeng tila nasa kuwarenta'y singko na ang edad. Mababakas sa mukha nito ang pag-aalala at kalungkutan.
"Sino pa kayo?" magalang na tanong ni isay
"Kayo po ba ang asawa ni Sir Arnold?"
" Ako nga po!"
"Ako si Zeny! Gusto ko lang po sana makausap si Sir Arnold. Nawawala po kasi ang asawa ko."
"Asawa?"
"Opo! Dante Pamintuan po ang buong pangalan niya at personal driver siya ni Sir Arnold,"
Natigilan siya at tila awtomatikong niyang naalala ang tungkol sa usapan nila ni Arnold dati kung bakit wala siyang driver.
"Wala ka bang personal driver?" tanong ni isay.
"Humingi ng bakasyon si Kuya Dante, yung driver ko, may emergency daw sa province nila, kaya no choice ako. "sagot ni Arnold.
Naputol ang pag iisip niya ng muling magsalita si Aling Zeny.
"Ma'am para niyo na pong awa! Tulungan niyo po akong makausap si Sir Arnold para mahanap ang asawa ko!"
"Ahh..... sandali lang po. May picture po ba kayo ni Mang Dante?"
Inilahad ni Aling Zeny kay isay ang cellphone na may larawan ni Mang Dante. Saglit niyang kinuha ang phone at saka pinagmasdan ang larawan. Manipis ang buhok nito at medyo may katabaan ang katawan na maitim ang kulay ng balat.
" Ahh....Sige po! Pag uwi ni Arnold ay sasabihin ko po sa kanya kaagad ang tungkol sa asawa niyo. Sa ngayon ay pwede ko po bang mahingi ang contact number niyo para pag may balita na tungkol sa kanya ay matawagan ko kayo ka agad," sabi ni isay sabay dukot ng cellphone sa bulsa.
Pagkabigay ni Zeny ng number sa kanya ay nagpaalam na ito at at saka umalis...
**************************
Kinagabihan habang silay naghahapunan ay ganado at masayang nagkukuwento si Arnold tungkol sa magandang takbo ng taxi business nila. Gaya ng nakagawian ay kasabay nilang kumain si Don Roman at Nanay Salome. Maya maya'y naisipang itanong ni isay sa asawa ang tungkol kay Mang Dante.
"Arnold may nagpunta nga pala dito kanina. Zeny daw ang pangalan niya at hinahanap niya si Mang Dante dahil nawawala daw ito, di ba? nasabi mo sa akin dati na humihingi siya sa'yo ng bakasyon?"
" Ano?! Nawawala si Kuya Dante! Kailan pa daw? Your right! Humingi nga siya ng bakasyon sa akin. Pero hindi na siya bumalik dito eh. Nawawala pala siya!"
"Nagpapaptulong siya sa'yo na hanapin yung asawa niya, " ani isay.
"Ahh.... ganun bah. Sige walang problema. Magpapa-set ako ng appointment kay Ronald para diyan."
"Ibibigay ko sa'yo yung number ni Aling Zeny mamaya para kayong dalawa na lang ang mag usap."
" Okay, sige, thanks love,"
Ilang minuto pa ang lumipas ng sa hindi inasahan ay biglang tinabig ng ubod ng lakas ni Don Roman ang isang kutsarang kanin na dapat sana'y isinusubo ni Nanay Salome.
Pagkatapos ay bigla nitong hinampas ng pagkalakas lakas ang mesa ng paulit ulit. Sa pagkakataong ito ay hindi umiiyak si Don Roman. Matalim ang naging titig nito sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Biglang nagulat si isay sa ginawa ng biyenan. Biglang napatayo si Arnold para awatin ang ama. Gano'n din ang ginawa ni Nanay Salome.
"Sa tingin ko'y kailangan niya na pong uminom ng gamot," sabi ni Nanay Salome sabay tingin kay Arnold.
Tumango lang si Arnold bilang pag sang ayon. Ngunit para kay isay ay gusto niya itong tutulan. Pero wala naman siyang lakas ng loob para magsalita.
Biglang kumalma si Don Roman na nagtapon muna ng makahulugang tingin kay isay bago ito dalhin ni Nanay Salome sa silid.
**********************
Habang naliligo si Arnold ay nakaupo naman si isay sa kama at nakatingin sa kawalan. Hindi niya maipaliwanag namumuong pagdududa sa isip.
Malakas ang kutob niya na may hindi tama sa pag aalalaga ni Nanay Salome kay Don Roman. Mamaya. Pagkatapos maligo ni Arnold ay kakausapin niya ito ng masinsinan.
Maya maya'y biglang nag vibrate ang cellphone niya. Tumayo siya at nagpunta sa drower kung saan ito nakapatong. Bigla siyang nagtaka dahil may isang estranghero ang nag send ng video sa kanya sa f*******: messenger. Ganoo'n na lang ang pagkabigla ng i-play niya ang video.
Nakita niya sa video si Hazel na hubo't hubad at nakatali sa barbwire ang mga bisig ng padipa. Dugoan ang buong katawan at tila naghahabol na ng hininga. Maya maya'y lumitaw sa video ang isang babaeng naka gown na may puting maskara sa mukha at hawak ang isang mahabang itak na may bahid na ng dugo.
Ilang sandali pa ay lumapit ang killer kay Hazel at saka sinabunutan ang likod na bahagi ng buhok ng babae ng sobrang diin. Pagkatapos ay walang awa nitong nilaslas ang harap na bahagi ng leeg nito na tila isang manok.
Nangisay ang buong katawan ni Hazel. Dumaloy mula sa leeg nito ang malansa at malapot na dugo. Ilang segundo lang ang lumipas at tuluyan na itong namatay.
"Aaaaaaahhhhhhhh!" malakas na sigaw ni isay na di napigilan ang sariling maitapon ang cellphone sa isang sulok.....
*********************
Sino ang pumatay kay Hazel? kailangan niyo basahin ito hanggang dulo.....