Biglang napatalon si Arnold habang naliligo ng marinig ang malakas na sigaw ng asawa. Kahit hindi pa siya gaanong nakakapag-banlaw ng katawan ay agad na niyang pinatay ang shower at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa ding ding ng banyo at mabilis na itinapis sa kanyang bewang.
Pagkalabas niya ng banyo ay nadatnan niya si isay na nakaupo sa sahig. Tulala at nakatingin sa isang sulok. Mabilis niya itong nilapitan at inalalayang makatayo bago pinaupo sa kama.
"Bakit!? Anong nanyari!?" nag aalalang tanong ni Arnold.
Hindi makapagsalita si isay. Itinuro lang nito ang sulok ng silid kung saan niya naibato ang cellphone. Biglang napatingin si Arnold sa sulok na itinuro ng asawa. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at tinignan ang dahilan ng pagsigaw nito.
" Jesus Christ!" sambit ni Arnold na halo's manlaki ang mata sa nakitang video.
"S-sino A-ang B-babaeng yan Arnold? S-sino ang kriminal n'yan?" nanginginig na tanong ni isay.
" I don't no!" Hindi na tinapos ni Arnold ang video at ini-off na ang cellphone saka umupo sa tabi ng asawa.
" Arnold! May pumatay kay Hazel! May kung sinong tao ang nasa likod ng kamatayan niya! "
" Kasama mo siya sa trabaho di'ba? Wala ka bang alam na kagalit niya na pwedeng gumawa sa kanyan ng ganito?"
Umiling muna si isay bago nagsalita. " Hindi ko alam, at kung may kagalit man siya ay sobra naman toh. Kailangan talaga siyang patayin?"
" Don't worry! Tomorrow I will fix this, but for now we need to relaxed _"
"Relaxed!? Naririnig mo ba yang sarili mo? Pinatay si Hazel tapos gusto mong mag relaxed ako!? Ano bah!?"
" Wala din naman tayo magagawa sa ngayon eh gabing gabi na! Tomorrow morning. I will call all my asset to investigate, i- promise." Niyakap ni Arnold ng sobrang higpit ang asawa upang itoy kumalma. Ramdam niya ang panginginig ng katawan nito.
*************************
Kinabukasan ay agad na tinawagan ni Arnold ang lahat ng contact niyang pulis sa maynila upang imbestigahan ang video ng brutal na pagpatay kay Hazel. Kasalukuyan siyang nasa balcony at nakaupo habang nagtitipa ng letra sa laptop niya. Katabi niya si isay na ngangalumata pa dahil sa hindi ito gaanong nakatulog dahil sa videong napanood.
Agad na ipinadala ni Arnold ang video sa mga awtoridad at dito'y napag alaman niyang mahigit isang buwan na ang nakalipas ng video ng pagpaslang kay Hazel. At ang lalong nagpahirap sa mga nag iimbestiga ay isang poser accout lang ang nagpadala ng video. Tanging profile picture lang na may larawan ni Cinderella ang nakalagay sa f*******: account. Walang location o ano mang lead na pwedeng magturo sa suspect.
"Mahihirapan tayo dito isay! Wala ka bang ibang alam na naka away ni Hazel? Sino sa tingin mo ang nag padala sa'yo ng video?" tanong ni Arnold sabay dampot ng isang tasa ng kape at bahagyang humigop.
"Wala akong alam tungkol kay Hazel maliban lang sa alam ko ang cellphone number at f*******: account niya na hindi ko nga halos tinitignan yo'n. Hindi ko alam ang personal na buhay niya. Tungkol sa tarabaho lang ang madalas naming pag usapan. Wala naman siyang nababanggit sa akin na kaaway niya."
Pandaliang nanahimik ang mag asawa. Ilang segundo lang ng tila sing bilis ng kidlat na biglang may sumagi sa alaala ni isay.
" Buti di nga di siya nakahahalata," wika ni Hazel.
"Ako ginagalingan ko mag panggap para di mabulilyaso kay boss, " boses ni Roy.
"So far okay naman siya at di nagdududa," ani Ma'am Emma.
Biglang napuna ni Arnold ang asaw na biglang nanahimik.
"Hey!" Bahagyang tinapik ni Arnold ang braso ng asawa.
"Arnold! Alam mo ba ng minsan papasok ako sa trabaho ay nadatnan ko sina Ma'am Emma, Roy, at Hazel na may pinag-uusapan."
"Tungkol saan yung pinag uusapan nila?"
"Hindi ko na matandaan. Pero meron silang binanggit na boss."
" Sinong boss daw yo'n?
" Wala silang binanggit na pangalan eh!"
"Ano pa ang pinag uusapan nila?"
" Tungkol daw sa k-drama na napanood ni Hazel. Pero hindi ako naniniwala. Dahil meron silang mga binanggit na salita na narinig ko na wala namang kinalaman sa k-drama."
" Gaya ng ano? "
" May sinasabi silang, buti at hindi siya nakakahalata, ako nga ginagalingan ko magpanggap. Yun lang ang mga narinig ko eh."
Hinimas ni Arnold ang magkabilang sintedo at bahagya itong minasahe. Pakiramdam niya'y sasabog ang ulo niya kakaisip. Ramdam niya ang strees sa brutal na kamatayan ni Hazel. Saglit siyang nanahimik na tila malalim ang iniisip.
"Tatapatin kita isay! Hindi ko alam kung papano mahahanap ang pumatay kay Hazel. Masyadong tuso ang salarin, hindi biro itong nangyari. By the way ay ipina-check ko nga pala ang file ni Hazel sa secretary ko pero_"
" Pero ano?"
"Fake lahat ng documents na ipinasa niya sa office, "
"Ano!? papanong nakalusot yo'n sa Human Resources? "
"Sa dami ba naman ng nag-aapply sa kompanya ay malamang di na napansin yun ng mga tao ko sa HR."
" Ano ang kailangan nating gawin? natatakot ako Arnold! "
Hinawakan ni Arnold ang kamay niya ng sobrang higpit. Tumingin ito sa mata niya ng at saka nagsalita.
" Do not be afraid! I will not allow other people to hurt you. Sa ngayon ay maghintay na lang muna tayo ng tawag mula sa maynila. Kumikilos na mga tao ko ngayon,"
" Arnold! P-parang pamilyar pala sa akin yung itsura ng killer. Parang yung sa panaginip ko. Tama! Parang ganun nga ang itsura niya!"
" isay! Matagal na nating napag usapan ito di'ba? It's just only a dream! Hindi mo pwedeng gawing basihan yang panaginip mo sa realidad."
"Pero Arnold _"
" Hayaan na lang natin ang mga pulis ang kumilos sa kaso na ito. Mag ingat na lang tayo. Okay!"
Hindi na umimik ang babae. Simpleng tango na lang ang ginawa niya bilang tugon sa asawa.
Naisip lang ni Arnold na tuso masyado ang killer na nagpadala ng video sa asawa niya. Sobrang planado ng ginawa nito at talagang walang bakas o ano mang lead na magtuturo kung nasaan ito.
Kaya tama ang naging pasya niya na ibigay na lang sa awtoridad ang lahat. Wala din naman silang magagawa ni isay kundi ang hintayin ang resulta ng imbestigasyon. Pero sa isang banda ay hindi niya maiwasan ang hindi matakot dahil dati niyang tauhan ang pinatay. Naisip niya ay baka isa itong babala sa kanilang mag asawa.
Kaya kailangan nilang maging mapagmatyag sa paligid at mag ingat.
******************
Mahigit dalawang linggo na ang lumipas ngunit walang ano mang magandang balita natanggap sina Arnold at isay tungkol brutal na pagpatay kay Hazel.
Nagpatulong na ang Head officer police na nag iimbestiga sa kaso sa isang magaling na information technology para matukoy kung sino ang may ari ng account na nagpadala ng video kay isay. Ngunit sa kasamaang palad ay deactivate na ang f*******: ng killer.
Walang ding matibay na ebidensiya at lead na magtututro kung saan matatagpuan kahit ang kuwarto lang na pinangyarihan ng krimen kung saan pinatay si Hazel.
Dahil sa malabong kaso ng pagpatay kay Hazel ay nag-move'on na lang si isay at ipinagdasal na lang niya na magkaroon ito ng katahimikan sa kabilang buhay. Susubukan niyang kalimutan ang lahat ng nangyari at mamuhay ng normal.
********************
isang hapon ay abala si isay sa kusina. Gumagawa siya ng tuna sandwich. Gagawa din siya ng papaya shake. Ito ang mga paboritong meryenda ni Arnold. Kasalukuyang itong naliligo sa swimming pool. Pagkatapos niyang gumawa ng pagkain ay lumabas na siya mula sa kusina at nagtungo na sa pool area.
Biglang siyang nagtaka dahil nakita niyang naninigarilyo si Arnold gamit ang kaliwang kamay. Matagal na niya itong kasama at alam niyang kanang kamay ang ginagamit nito Bukod pa do'n ay hindi din ito naninigarilyo. Nang matapos itong manigarilyo ay itinapon nito ang upos sa basurahan.
lumapit na siya sa asawa upang ibigay ang meryenda. Nagkibit balikat na lang siya sa nakita at nagpanggap na kunwari ay walang alam.
***********************
Isang gabi habang masayang nanonood ng isang reality tv show sina Arnold at isay ay bigla silang nakarinig ng malakas na sigaw. Nagulat sila at nagkatinginan. Boses yun ni Nanay Salome na nagmumula sa kuwarto ni Don Roman. Tumayo sila at mabilis na nagtungo sa silid ng matanda at laking gulat nila sa nadatnan.
Nakaupo sa sahig si Nanay Salome tulala ito at nakatingin sa kinaroonan ng wala ng buhay na si Don Roman. Nakatagilid ito ng higa at may namumuong dugo sa sintido nito gayun din ang magkabilang gilid ng bibig nito. Duguan din ang magkabilang bisig nito na halatang may mga kagat ng ipin.
Inatake ng takot si isay ng mapatingin sa pader ng silid at mabasa ang salitang nakasulat dito nasa pakiwari niya'y dugo nito mismo ang ginamit na tinta para maksulat.
" Tumakbo kana! "
Hindi na kinaya ni isay ang nakita kaya bigla na lang nagdilim ang paningin niya at hinimatay.....
*********************
Puno ng hinagpis at lungkot ang damdamin ni Arnold habang unti unting bumababa sa ilalim ng lupa ang labi ni Don Roman. Lahat ng kaibigan at kakilala nito ay nakiramay. Sabay sabay silang naghulog ng mga bulaklak sa kabaong. Samantalang di naman nawawala sa tabi ni Arnold si isay na laging nakahimas sa likod ng asawa upang maibsan ang lungkot na nadarama.
Isang malaking katanungan ang namumuo sa isip ni isay dahil ayon sa mediko legal ay nagpatiwakal si Don Roman. Kusa daw nitong inumpog ang ulo sa pader ng naparaming beses. At ito din daw mismo ang ngumatngat sa sariling nitong bisig kaya may mga dugong tumagas dito na naging tinta kaya na isulat nito sa pader ang salitang " Tumakbo kana. " Sinong tao ang sinasabihan ng biyenan niya.
Maya maya'y biglang napalihis ang mata niya kay Nanay Salome. Pinagmasdan niya ito ng maigi. Halata sa mukha nito ang kalungkutan. Ngunit alam niyang ito'y nagpapanggap lamang. Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ni Didith sa kanya ilang araw na ang nakakaraan na ayaw daw nitong ipabasa ang mga gamot ni Don Roman.
Biglang lumakas ang kutob niya na baka may kinalaman ito sa lahat ng nangyari sa biyenan. Tila may kung anong puwersang kumukulit sa kanyang alamin ang totoo. Kaya biglang gumana ang isip niya at at agad na bumuo ng plano.
***********************
Malakas na ang hilik ni Arnold, hudyat na malalim na ang tulog nito. Habang si isay naman ay gising na gising ang diwa at mata. Sinadya niya talagang huwag matulog at hintayin ang hating gabi upang maisagawa ang namuong plano.
Sinulyapan muna niya ang asawa bago siya dahan dahang kumalas sa pagkakayakap nito sa kanya. Pagkatapos ay malumanay siyang bumangon.
Kailangan niyang maging maingat sa bawat kilos para hindi magising ang natutulog na asawa. Gusto niyang alamin ang totoo na siya lang muna ang gagawa. Pag may matibay na siyang ebidensiya laban kay Nanay Salome ay saka niya ito kakausapin.
Tila naging isang magnanakaw ang naging bawat galaw ni isay na halo's hindi sumasayad ang mga paa niya sa sahig. Kinuha niya ang roba na nakasabit sa ding ding at saka isinuout. Dinampot niya din ang cellphone na nakapatong sa drower upang magsilbing flashlight sa kanyang dadaanan.
Dahan dahan niyang binuksan ang pinto upang hindi marinig ang mga langitngit nito. Gamit ang flashlight ng cellphone ay binagtas niya ang pasilyo papunta sa hagdanan at saka siya bumaba at nagtungo sa kusina kung saan malapit doon ang kuwarto ni Don Roman.
Laking tuwa niya ng mapunang hindi nakasarado ang pinto ng silid ng biyenan. Agad siyang pumasok sa loob at binuksan ang ilaw. Pagkatapos ay saka siya naghalungkat sa mga lumang gamit ng biyenan.
Kailangan niyang makita ang mga pampakalma at gamot na pinapainom ni Nanay Salome kay Don Roman. Matiyagang kinalkal niya ang laman ng mga cabinet at drower ng matanda. Wala siyang pinalagpas sa mga gamit ng biyenan. Umaasa siyang mahahanap ang sagot sa lahat ng kutob.
Lumipas ang bente minuto ngunit walang nakita si isay na ano mang kaduda dudang mga gamot na pwedeng mag diin kay Nanay Salome. Hapong hapo siyang napaupo sa kama. Malapit na siyang mawalan ng pag asa ng maya maya'y nahagip ng mata niya ang sulok kung saan ay may nakalagay na basurahan. Mabilis siyang nagpunta dito at saka walang pangdidiri niya itong hinalukay.
Gumuhit ang ngiti sa mukha niya ng makita ang dalawang maliit na kahon ng gamot na nakalamukos. Agad niya itong dinampot. May laman itong dalawang banig na mga tabletas. Tinignan n"ya ang pangalan nito na nakasulat sa kahon. Salva drug, c******s drug.
Umupo muli siya sa kama sabay kuha ng cellphone sa bulsa at ni-research niya sa internet ang mga gamot. Biglang namilog ang mga mata niya sa natuklasan. Dahil ang mga gamot ay mga ilegal na lalong magpapalala sa hallucination ng isang tao.
" Kaya pala madalas magwala si Don Roman na parang laging balisa at takot ay dahil siguro sa mga gamot na ito." sabi niya sa sarili
May isang katanungan pa na biglang numuo sa isipan niya. Kung may alam kaya ni Arnold ang tungkol sa mga gamot na ito. Pero isang tao lang ang puwedeng mag bigay ng sagot sa lahat ng tanong niya at yo'n ay walang iba kundi si Nanay Salome dahil ito lang naman ang nag-aalaga sa biyenan.
Isinuksuk ni isay sa bulsa ng kanyang roba ang dalawang kahon ng gamot. Bukas ng umaga ay kakausapin niya ang asawa tungkol sa natuklasan. Maingat siyang lumabas ng silid at bumalik sa kuwarto ng asawa. Hinubad niya muna ang robang sout at isinabit sa pader bago muling nahiga sa tabi ng asawa.
*******************
Papano ipapaliwanag ni Nanay Salome ang tungkol sa mga gamot?
Don't forget to vote and comment..