Misleading picture...

2763 Words
Mataas na ang araw ng magising si isay. Hindi niya namalayan ang oras dahil sa gabing gabi na din siya nakaramdam ng antok. Nag inat muna siya bago kinusot ang mata. Nakapakunot siya ng noo ng mapansing wala sa tabi niya si Arnold. Maya maya'y biglang may kumatok sa pintuan. "Tuloy, bukas po yan!" aniya. Biglang iniluwa ng pinto si Nanay Salome na abot tainga ang ngiting humarap sa kanya. "Good morning! Handa na ang almusal. Kanina pa nasa baba si Arnold at inaantay ka." "Ahh..okay po! Sige po in five minutes baba na din po ako." Tango lang ang itinugon sa kanya ni Nanay Salome bago ito tumalikod at lumabas ng silid. Naging kaswal lang ang pagsasalita niya para hindi ito makahalata na may nalalaman na siya na siya sa lihim nito. Ang gusto niya ay sa harapan mismo ng asawa isisiwalat ang natuklasan kagabi. Tumayo si isay mula sa pagkakahiga at humakbang patungong banyo. Matapos makaligo at mag toothbrush ay pinunasan niya muna ng tuwalya ang kanyang buhok at saka niya ito sinuklay at pinusod. Pagkalabas niya ng banyo ay kumuha siya sa aparador ng damit pambahay at saka niya ito sinout. Pagkatapos ay muli niyang kinuha ang robang naka sabit sa pader na may nakalagay na maliit na kahon ng mga bawal na gamot sa bulsa nito. Kumpiyansa siyang dinukot sa bulsa ng roba ang mga gamot na nakuha niya sa silid ni Don Roman. Ngunit bigla siyang nagulantang ng makitang wala na sa bulsa ng roba niya ang mga gamot. Inataki siya ng pagkataranta habang hinahanap iniisa isa ang mga bulsa. Inisip niya na baka nagkamali lang siya ng lagay kagabi. Para siyang baliw na pinagpag pa ng paulit ulit ang roba. Ngunit wala na talaga ang mga gamot. Tila biglang nagunaw ang pag asa ni isay na malaman ang totoo ng asawa. Mabilis niyang naisip si Nanay Salome. Ito lang ang alam niyang pwedeng kumuha ng mga gamot. Bigla siyang nag hinala na baka habang siya'y naliligo ay muli itong pumasok para kunin ang mga gamot sa bulsa ng roba niya. Hindi niya mapigilan ang hindi mainis sa nangyari. Simula pa lang ng unang makilala niya si Nanay Salome ay mabigat na ang loob niya dito. Pag kalabas niya ng silid ay dumiretso siya kaagad sa dining table kung saan ay nadatnan niyang nag aalmusal si Arnold kasabay si Nanay Salome na nakaupo sa parteng gilid ng lamesa. Masaya ang asawa na kasabay itong kumakain at mukang wala itong kaalam alam sa tunay na ugali nito. "O! isay! Tara, breakfasts is ready," yaya ni Arnold ng makita siya nito. " Ipinaluto ko kay Didith yung paborito mo! Yung tinapang galunggong, " nakangising sabi ni Nanay Salome. Hindi siya umimik at napabuntong hininga na lang siya na nagtaas pa ng isang kilay bago umupo. " Ang sarap ng tulog mo! Grabee, ang lakas ng hilik mo kaya hindi na muna kita ginising." nakangitng sabi ni Arnold habang nillalagayan ng kanin at galunggong ang plato niya. " Arnold! May kailangan kang malaman. " seryosong wika ni isay. "Tungkol saan?" "Tungkol kay Nanay Salome." matalim niyang tinitigan ang babae. "Ano ba nangyayari sa'yo isay? Bakit parang galit ka?" tanong ni Arnold. "Nawawala yung mga bawal na gamot na nakuha ko sa kuwarto ni Daddy!" "Ang alin!? Ano bang pinagsasabi mo?" "Arnold may natuklasan ako kagabi sa kuwarto ni Daddy," "What?! Anong ginagawa mo sa kuwarto ni Daddy kagabi?" " May gusto akong malaman kaya nagpunta ako doon habang tulog ka kagabi at may nakita ako sa basurahan na mga uri ng gamot hindi dapat pinapainom kay Dad." Tumitig ng diretso si isay kay Nanay Salome. "Anong klaseng mga gamot ba ang sinasabi mo iha? Eh lahat naman ng gamot niya ay may riseta ni Doctora Sylvia," malumanay na sabi ni Nanay Salome. " Mga gamot na lalong nagpalala sa kondisyon ni Daddy." baling ni isay kay Arnold. Napakunot ng noo ang lalaki. Di niya maintindihan ang sinasabi ng asawa. " Inilgay ko yun sa bulsa ko ng makita ko yun kagabi. Pero nakapagtatakang nawawala na ito ngayon. Ilabas n'yo na yung mga gamot! Kayo lang ang pumasok sa kuwarto namin kanina!" "Wala akong kinukuha isay! Wala akong alam sa mga sinasabi mo at alam mong lumabas din ako kaagad ng kuwarto n'yo kanina." "Huwag nga kayong magkunwari na parang wala kayong alam. Pwede ding bumalik kayo sa kuwarto at kinuha n'yo sa bulsa ng roba ko yung mga gamot." " Imposible yang sinasabi mo! Dahil after kitang ipatawag kay Nanay Salome ay hindi na siya uli umakyat muli sa taas. Kanina pa siya nakaupo dito. " sabat ni Arnold. "Bakit mo ba ginagawa sa akin ito isay? Wala naman akong ginagawang masama sa'yo ah!" Naiiyak na si Nanay Salome kaya kinuha nito ang panyo sa bulsa at idinampi sa mata nito. Muling bumaling si isay sa asawa " Arnold please! Maniwala ka sa akin, hindi kita niloloko!" "Gusto mong paniwalaan kita? Pero wala ka namang puweding ipakita." " Meron sana akong puweding ipakita. Kaso hindi ko alam kung papanong nawala sa bulsa ng roba ko eh. Basta mayroon akong nakitang mga bawal na gamot sa kuwarto ni Dad! Nagsasabi ako ng totoo." " Pwede ba isay! kung prank man ito ay itigil mo na! Hindi nakatutuwa yang biro mo! " " Ano bang nangyayari sa'yo iha? Napa-paranoid kaba?" nagaalalang na tanong ni Nanay Salome. "Manahimik ka nga! Alam mo kung ano ang sinasabi ko! Huwag kang magkunwaring walang alam!" Hysterical na ang boses niya. Hindi na niya mapigilan ang hindi mainis at magalit. " isay! Ano bah!? Huwag mong bastusin si Nanay Salome!" nagtaas na din ng boses si Arnold. "Excuse me!" Naluluhang tumayo si Nanay Salome saka nilisan ang hapag kainan. "Tignan mo ginawa mo? Ano bang nangyayari sa'yo hah? Saan mo ba napagkukuha yang mga hinala mo?" "Maniwala ka sa akin Arnold. Alam nating lahat na walang kakayahan si Daddy para magsalita. Pero nararamdaman ko na may hindi magandang nangyayari sa kanya. Sa kada titingin siya sa akin, pakiramdam ko'y para siyang nagmamakaawa," "Ano bang gusto mong palabasin? Na sinasaktan at nilalason ni Nanay Salome si Daddy!" "Oo! At baka yo'n naman talaga ang ginagawa niya! Hindi mo ba napapansin na parang laging takot at gustong umalis ni Daddy dito sa bahay." "Enough! Matagal ng naninilbihan dito si Nanay Salome! Kilala ko siya mula ulo hanggang paa, alam kung hindi niya magagawa yang mga ibinibintang mo sa kanya, isa pa ay itinuturing ko na siyang ikalawang ina ko. Maling mali ka ng iniisip mo sa kanya. " Natahimik si isay sa sinabi ng asawa. Hindi niya alam kukung papano idedepensa ang sarili dito. Sa mga nangyari ay lumalabas na siya ang sinungaling at gumagawa ng kuwento. Papano niya mapapaniwala ang asawa ngayon? Natapos ang almusal nilang mag asawa na hindi manlang sila nag-uusap. Maya maya'y tumayo na si Arnold at walang imosyong hinalikan siya nito sa pisngi. ********************* Kanina pa naka upo si isay sa isang upuan na nasa hardin at nakatanaw sa kawalan na tila lumilipad ang isip. Hindi pa din siya makapaniwala na nawala sa bulsa ng roba niya yung mga gamot na nakuha niya sa kuwarto ng kanyang biyenan. Ito sana ang ebidensiyang mag didiin kay Nanay Salome. Gusto niya sanang hingin ang cellphone number ni Doctora Sylvia kay Arnold para mag tanong tungkol sa mga gamot ni Don Roman. Pero alam niyang galit pa din ang mister at ayaw niyang salubungin ang init ng ulo nito. Nasa kalagitnaan siya ng pagmunimuni ng maya maya'y isang boses mula sa kanyang likuran ang nagsalita "Ikaw naman kasi! Mang aaway ka lang palpak pa!" Biglang nag pantig ang tainga ni isay sa narinig. Alam niya kung sino ang nag mamay ari ng boses. Walang iba kundi si Nanay Salome. Agad siyang tumayo at hinarap ito. "Ayaw ko kayong patulan! Mayrespeto ako sa matatanda. Pakiusap iwan n'yo muna ako dito." " Pero ikaw ang nauna! Wala akong ginagawang masama sa'yo! Payo lang hah, sa sasusunod! Pag susugod ka sa giyera tiyakin mong may bala ka!" nakangising sabi ni Nanay Salome. " Hindi n'yo ako maloloko! Alam kung may kinalaman kayo sa lahat ng nangyari kay Daddy," "Owss...Talaga lang ha, isay! Hanggat wala kang katibayan, hindi ko mo ako pwedeng akusahan." "May ebidensya sana ako eh. Kaso may kumuha sa bulsa ng roba ko at alam kung kayo yun." "Nakakatawa ka isay! Papanong ako ang kukuha! Eh nong umakyat ako sa taas para tawagin ka kumain ay bumaba na ako sa dining table at hindi na ako umakyat uli. Hindi pwedeng mag sinungaling si Arnold, alam mo yan." " Okay! Pero paalala na lang! Huwag po kayong pakampante masyado. Hindi ako tititgil sa pag iimbestiga. Makakahanap pa din ako ng bagong ebidensiya at pag nangyari yo'n! Humanda kayo! Tiyak na magagalit si Arnold." "Buhay kapa kaya no'n" biro ni Nanay Salome. "Anong sinabi n'yo?" "Biro lang!" Hinaplos ni Nanay Salome ang mukha ni isay. "Marami ka pang hindi alam. Huwag mo ako tarayan na parang alam mo ang mga nasa paligid mo! Baka mamaya kakaganyan mo ay yan pa ang ikinamatay mo!" Gumuhit muna ang mala-demonyong ngiti sa mukha ni Nanay Salome bago ito tumalikod at umalis. Agarang bumagsak ang mga luha sa mata niya sa takot. Pakiradam niya'y may lamang pagbabanta ang mga sinabi ng matandang babae. Bigla din siyang napaisip sa sinabi nito na marami pa siyang hindi alam. Gulong gulo na ang isipan niya sa mga nangyayari. ************************ Halo's maglulundag sa tuwa si isay ng sorpresahin siyang bisitahin ni Ella sa Hacienda. Matagal-tagal na din niyang hindi ito nakikita at gaya pa din ng madalas nilang gawing magkaibigan ay magkukuwentuhan sila sa sala habang nag memeryenda. "Ibang level kana girl hah! Dati tsetsirya lang kinakain natin. Ngayon cake na." Hawak ni Ella ang platito na may chocolate cake at saka bahagya niya itong tinitikman. "Ano kaba? Eh dati din naman tayong kumakain ng cake, di'ba?" "Oo! Yung cake na tag lilimang piso sa bakery, ang cheap. Hindi gaya ngayon, lasang mamahalin ang cake na ito beshie!" "Thanks na gustuhan mo!" natatawang sabi ni isay. "Nasaan nga pala si Arnold?" "Ayun! Nasa bayan, may kailangan daw siyang ayusin sa business niya." "Eh kamusta ka naman dito? Uyyy...Condolence nga pala sa pagkamatay ng biyenan mo." Hindi siya kaagad nakasagot sa sinabi ng kaibigan. "Hello! May kausap pa ba ako?" "Ahh....okay naman ako Ella!" "Labas sa ilong yang sagot mo girl! Okay ka lang ba talaga?" Ibinaba ni Ella ang platito sa center table at kinuha ang isang baso ng juice at bahagyang uminom. "Okay lang ako girl, " tugon ni isay. "Matagal na tayong magkaibigan. Alam ko kung may problema ka." sabi ni Ella sabay baba ng baso sa center table. "Anong problema mo?" Napangit si isay sa sinabi ng kaibigan. Matalas talaga ang pakiramdam nito pag may problema siya. " Hindi ko kase alam kung papano ko sisimulan mag kuwento sa'yo. Pero Ella! Parang may mali sa bahay na ito." "Mali! Anong mali? Hindi ko ma- get girl." "Pakiramdam ko'y may kasama ako dito sa bahay na hindi mapagkakatiwalaan, " "Hah! Sino naman?" Tumingin tingin muna siya sa paligid bago siya tumayo at tumabi kay Ella. " Si Nanay Salome! " " Talaga! Sigurado ka? Eh mukha naman siyang mabait," " Maraming nangyayari dito sa bahay na ito simula ng tumira ako dito Ella. Alam mo bang bago mamatay si Daddy marami siyang inaasal na kakakiba. Ang problema hindi niya masabi kasi hindi siya makapagsalita, " halos pabulong na sabi ni isay. " Eh mashonda na ang father in law mo! Ang alam ko ay natural lang sa mga tumatanda ang ganong asal. " " Ito pa! Mas matatanggap ko pa kung sa natural na paraan namatay si Daddy. Kaso hindi eh. Nag-suicide siya! at may sinulat pa siya sa pader ng kuwarto niya na tumakbo kana!" " Oh my god!" bulaslas ni Ella. " Ilan lang kameng nakatita dito sa bahay! Sa tingin mo? Para kanino ang sinulat niya na y'on?" " Hindi ko alam ang sagot isay! Pero ikaw ang nakatira at bagong salta sa bahay na ito. Sa tingin mo bay para sa'yo ang babala na yo'n?" " Hindi ko alam Ella. Pero malakas talaga ang kutob ko na si Nanay Salome ang nasa likod ng lahat ng ito! " " Ayaw kitang takutin isay! Pero baka naman nagkakamali ka lang sa mga kutob mo?" " Hindi eh! Alam mo ba noong buhay pa si Daddy ay parang palagi siyang may kinakatakutan, malakas ang kutob ko na may hindi magandang ginawa si Nanay Salome sa kanya. Kaya gumawa ako ng sarili kung imbestigasyon. Kagabi ay palihim akong nag punta sa kuwarto ni Daddy at may nakita akong dalawang pakete ng mga gamot na nasa basurahan at ng i-check ko ito sa Google ay nalaman ko na may masamang epekto ito sa isip. Pagkakuha ko ay inilagay ko agad yun sa bulsa ng roba ko. Kaso ng ipapakita ko na kinaumagahan kay Arnold ay bigla na lang itong nawala sa bulsa." " Hay naku! Baka naman tamang hinala ka lang friend. Huwag ka nga masyado magpaka strees diyan!" " Sana nga mali ako girl! Pero iba talaga kutob ko eh." " Alam mo isay! Baka kailangan mo lang mag unwind! Mamasyal kaya kayo ni Arnold. Libutin nyo ang buong Poblacion de san Lucas. Baka kailangan mo lang mag relaxed. Masayado ka ng maraming pinaghihinalaan eh." mungkahi ni Ella. " Sa tingin mo? Yun ba ang dapat kung gawin?" " Yun ang dapat n'yo gawin mag asawa. Ang sulitin n'yo ang honeymoon niyo, abah kung ako ang nasa kalagayan mo at may ganyan ka yummy na asawa. Ayyyya... sabi ko sayo girl...e naraw araw ko yan," pilyang wika ni Ella sabay kindat. "Wow hah! Ibang klase ka talaga, " natatawang sabi ni Isai. "Pero teka lang! Bago maligaw tong usapan natin ay baka gusto mong umorder ng damit sa akin." Kinuha ni Ella ang isang magazine sa bag niya saka inaabot kay isay. " Magaganda yan at mga new arrival. " "Abah! Business woman kana pala ngayon?" Inabot niya ang magazine at saka sinimulang buklatin ang bawat pahina nito. " Sideline lang. Alam mo nah, kailangan ng extra income." Sinimulang buklatin ni isay ang magazine. Nakakailang pahina pa lang siya ng biglang mahagip ng mata niya ang isang model na babae. Napako ang mata niya sa modelong babae sa magazine dahil pamilyar sa kanya ang itsura ng kulay ng damit nito. Dilaw na medyo bulaklakin. Maging ang hubog ng katawan at pati ang background na hardin at upuan kung saan ito nakaupo ito ay pamilyar sa kanya. Biglang namilog ang mata niya ng maalala ang larawan ng kapatid. Dahil halo's parehong pareho ito sa larawan ng kanyang kapatid. Magkaiba lang ng mukha "Imposible!" " Ang alin isay? " Mabilis siyang napatayo at dali daling nagtungo sa stante kung saan nakapatong ang larawan ng kanyang kapatid. Napatayo na din si Ella at sinundan siya kaagad. Kapwa nanlaki ang mga mata nila ng mapagkumpara ang babae sa magazine at ang larawan ng kapatid ni isay. Halos's parehong parehong ang background. Maging ang garden at ang upuan ay halos's magkatulad lahat maliban lang sa mukha. "Oh my God isay! Ano toh? Nagkataon lang?! " Hindi siya nagsalita bagkus ay agad niyang kinuha ang picture sa photo framed saka kinapa gamit ang kanyang hinlalaki ang parteng mukha ng larawan at ng may makapa siya ang tila nakaumbok. Mabilis niya itong kinalkal gamit ang kanyang kuku. At ganoo'n na lang ang pagkabigla niya ng humiwalay sa papel ang kapingas na papel na mukha ng kapatid niya. Mabilis na napagtanto ni isay na idinikit lang pala ang mukha ng kanyang kapatid sa isang modelo ng magazine para maging larawan nito.. Maging si Ella ay nabigla sa nasaksihan. " Isa lang ang ibig sabihin niyan! Peke yang picture na yan at niloko kayo ng detective na inupahan n'yo, " "Ipapaalam ko ito kay Arnold kaagad pagdating niya." Isinuksuk ni isay ang larawang hawak magazine. " Papano yung magazine ko!" " Bibilihin ko na lang sa'yo toh Ella!" "Ahhh....okay!" Biglang nakaramdam ng pag asa si isay dahil sa nadiskubre. Kung niloko man sila ng detective na inutusan ni Arnold dati para hanapin ang kapatid niya ay malamang na mali din ang impormasyon na isinaad nito sa kanila at posibleng buhay pa talaga ang kapatid niya. Kailangan niyang makausap agad ang asawa tungkol dito. ×××××××××××××××××××××××× Don't forget to vote and leave a comment...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD