Kasalukuyang naka upo si Arnold sa kanyang swivel chair at ini-encode sa kanyang personal laptop ang mga sale's report at documents ng kanyang taxi business. Pinipilit niyang mag focus sa trabaho. Ngunit kahit anong gawin niya ay hindi ito magawa.
Hindi niya maiwasan ang hindi magtaka at mapa isip sa inaasal ni isay. May kakaiba sa mga ikinikilos nito na unti mong si Nanay Salome ay gusto nitong pagbintangan ng mga maling paratang. Masakit sa damdamin niya na baliwalain ang asawa. Ngunit masakit din naman sa kanya na makitang nasasaktan ang damdamin ni Nanay Salome.
Nasa kalagitnaan si Arnold ng pagiisip ng biglang may kumatok. Saglit siyang tumayo upang buksan ang pintuan. Pagkabukas niya ng pinto ay tumambad sa harapan niya si Menard. Ang janitor ng opisina. Hawak nito ang isang kumpol na white roses at chocolate.
"Sir ito na po yung pinabili n'yo."
"Salamat." Kinuha ni Arnold ang bulaklak at chocolate.
"Ito po pala yung sukli," sabi ni Menard sabay abot ng pera sa kanya.
" Sa'yo na yan! Pang meryenda mo, "
"Ayy...salamat po! Baka may ipapagawa pa po kayo?"
"Wala na! Sige! Makakauwi kana."
"Salamat po ulit," sabi ni Menard saka umalis.
Muling isinara ni Arnold ang pinto at saka ipinatong sa mesa ang bulaklak at chocolate. Susuyuin niya ang asawa pag uwi niya mamaya upang magka ayos sila.
************************
Sumilay ang ngiti sa mukha ni Arnold ng madatnan ang asawang si isay na naka upo sa sofa. Hawak nito ang isang magazine at picture frame. Hinalikan niya muna ito sa labi bago niya inabot dito ang bulaklak at chocolate.
"I'm sorry baby," sabi ni Arnold sabay upo sa tabi ng asawa.
Nakangiting tinaggap ito ng babae.Pagkatapos ay ipinikit nito ang mga mata at saka inanot amoy ang halimuyak ng mga bulaklak. Dahil dati itong florist ay sana'y ito sa bango ng mga ito. Ngunit mas na-appreciate nito ang mga bulaklak na dala ng asawa.
"Salamat at sorry din sa nagawa ko. Pero Arnold! May kailangan kang malaman." Saglit na ibinaba ni isay sa center table ang chocolate at bulaklak.
"Tungkol saan? Please! Kung tungkol nanaman ito ka'y_"
"Hindi ito tungkol kay Nanay Salome!" putol ni isay sa sasabihin pa sana ng asawa.
Nag desisyon siyang isantabi na muna ang isyu nila ni Nanay Salome. Dahil Mas kailangan niyang sabihin sa asawa ngayon ang bagay na nadiskubre tungkol sa panloloko ni Ronald.
Mabilis na Inilatag ni isay sa center table ang magazine na may modelong babae at ang larawan ng kanyang kapatid na may blankong mukha nito Pagkatapos ay kinuha niya ang kapirangot na kapingas na litrato na mukha ng kanyang kapatid na nakaipit sa pahina ng magazine saka itinapal sa parteng mukha ng larawan upang ito'y mabuo.
Maging si Arnold ay namilog ang mata sa nasaksihan hindi ito makapaniwala sa nakita. Halos's magkatulad ang tanawin, katawan ng babaeng modelo sa magazine at picture. Sa mukha lang ng mga ito nagkaiba.
"Niloko tayo ni Ronald! Pekeng litrato ng kapatid mo ang ibinigay niya sa atin!" Halos umuusok ang ilong ni Arnold sa galit.
"At pwedeng mali din ang lahat ng impormasyon na ibinigay niya tungkol sa kapatid ko. Posibleng nag imbento lang siya ng kuwento, Arnold, baka buhay pa talaga ang kapatid ko!" umaasang sabi ni isay.
"Kanino ba ang magazine na ito?"
"Dala ni Ella ang magazine na ito kanina."
"Bukas na bukas ipapa aristo ko ang manlolokong detective na yun!"
"Armold baka naman pwede pa tayong mag hired uli ng bagong detective para hanapain ang kapatid ko."
"Yan naman talaga ang gagawin ko! Mag -hired uli ako ng new detective and this time ill make sure we are not be deceived again."
"Salamat talaga." Mahigpit na niyakap ni isay ang asawa.
Saglit na kumawala si Arnold sa pagkakayakap sa asawa at nagsalita.
"Gusto nga pala kita yayain sa beach bukas ng tayong dalawa lang!"
"Ganun ba? Anong meron?" tanong ni isay.
"Wala naman! Gusto ko lang mag- relaxed with you, i realized that there's a lot happend this week. Kaya gusto ko muna sana magpahinga," tugon ni Arnold.
"Salamat! Yan din ang gusto ko sana mangyari, naunahan mo lang ako mag yaya."
"Sa isang araw ko na lang aasikasuhin ang paghahanap ng new detective na maghahanap sa kapatid mo."
"Okay!"
Pagakatapos ay sabay na tumayo sina isay at Arnold at umakyat patungo sa kanilang silid. Matapos makapagpalit ng damit pambahay si Arnold ay muli silang bumaba at nagtungo sa hapagkainan upang maghapunan...
*********************
Abot tainga ang ngiti ni Ronald habang binabaybay ang daan patungo sa kanyang tirahan. Papano ba nama'y malaki ang napanalunan niya sa pagsusugal.
Malalim na ang gabi ng makauwi siya at gaya ng madalas niyang gawin pag nanalo siya sa sugal ay may bit bit siyang tatlong bote ng beer na nabili niya sa convinced store at isang supot ng barbecue na nabili naman niya sa suking tindero. Gusto niyang mag- relaxed kahit mag iisa lang.
Papito pito pa si Ronald habang binuksan ang gate. Maliit lang ang bahay niya na tama lang sa kagaya niyang nag iisa sa buhay. May maliit na sala na apat na hakbang lang ay kuwarto na niya. Samantalang nasa likod naman ang kusina at banyo niya na extension lang ng bahay.
Inilapag niya muna sa center table ang beer at barbecue at saka dumiretso sa kuwarto. Tinanggal niya ang saplot sa katawan at nagtungo sa banyo para maligo. Nasa kaligitnaan siya ng pag ligo ng biglang namatay ang ilaw na naging sanhi ng pagdilim sa boung bahay.
" Buwesit!" galit na sambit ni Ronald sabay salok ng tubig mula sa balde gamit ang tabo saka binanlawan ang katawan at mukha na puno ng sabon.
Pagkalabas niya ng banyo ay nagpunta siya sa kusina upang kunin sa ibabaw ng refrigerator ang kandila at lighter. Ngunit bago pa niya sindihan ang kandila ay may isang matigas na bagay ang bigla na lang humampas sa likod na bahagi ng kanyang ulo na agad niyang ikinawala ng malay.
***********************
Biglang naalarma si Ronald kasabay ng matinding takot ng magbalik ang kanyang ulirat. Nakita niya ang sariling nakahiga sa sariling kama at walang ano mang saplot sa katawan. Hindi siya makagalaw dahil nakatali ang dalawang kamay niya ng pataas gano'n din ang dalawang paa niya. Hindi din siya makapagsalita dahil may nakabusal na panyo sa kanyang bibig. Tanging isang kandilang lang na may sindi ang nagbibigay liwanag sa silid niya.
Maya maya'y pumasok sa silid niya ang isang babaeng naka-gown. Mahaba ang kulay dilaw nitong buhok at may sout na puting maskara sa mukha. Unti unti itong humahakbang papunta sa direksiyon ng nakahigang lalaki.
Halo's maihi sa takot si Ronald. Ibinigay niya ang lahat ng lakas para makawala sa pagkakatali. Ngunit dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali ng killer sa mga paa at kamay niya ay hindi siya makawala. At ng makalapit na Ito sa kanya ay itinaas nito ang itak na hawak at walang awa nitong pinagtataga ang boung katawan niya ng paulit ulit.
Halos's mangisay si Ronald sa hapdi at kirot na nararanasan. Damang dama niya ang talim ng itak na sumasagad hanggang buto niya. Unti mong maselang bahagi ng kanyang ng katawan ay natapyas na. Halo's magkulay pula ang puting bed sheet niya dahil sa tagas ng dugo.
Nang mapagod ang killer sa ginagawa at napansing naghahabol na ng hininga si Ronald ay agad na nitong nilaslas ang harap na bahagi ng leeg ng lalaki. Nangisay ito kasabay ng pagsirit ng dugosa leeg nito. Ilang segundo lang lumipas at tuluyan na itong namatay.
Tinaggal muna ng killer ang busal sa bibig ni Ronald bago nito tuluyang nilisan ang silid ng lalaki.
***************************
Panandaliang nalimutan nina Arnold at isay ang lahat ng problema at tensions na naranasan sa mga nagdaang araw. Saksi ang maulap na kalangitan sa kasiyahan nila. Walang gaanong taong naliligo sa dagat kaya solo nila ang boung dalampasigan. Sabay silang nagtampisaw sa asul na karagatan.
Para silang mga batang paslit na parang ngayon lang nakaligo sa dagat. Kalahating oras na silang naliligo ng kapwa sila makaramdam ng gutom.
Kaya umahon na sila at nagtungo sa cottage upang mananghalian. Habang pinagsasaluhan nila ang masarap na pagkain na niluto ni Didith ay walang ano ano'y biglang nag ring ang cellphone ni Arnold. Saglit na inihinto ng lalaki ang pagkain at sinagot ang tawag.
"Hello..... Ano?! Sigurado ba kayo?! Okay....okay..... Sige, pupunta ako diyan! Saang morgue ba dinala?"
Biglang nabilaukan si isay sa sinabi ni Arnold. Agad niyang kinuha ang petsil at nagsalok ng tubig sa baso saka mabilis na ininom. Matapos mahimasmasan ay pinagmasdan niya ang asawa na halata sa mukha ang labis na pagkabigla. Pagkatapos nitong maki pag usap sa cellphone ay agad niya itong binuweltahan ng tanong.
"A-anong N-nangyari?"
Huminga muna ng malalim si Arnold bago sumagot. " Si Ronald, patay na!"
Nanlaki ang mata ni niya sa ibinalita ni Arnold. Hindi siya makapagsalita at agarang nanlamig ang boung katawan niya sa nerbyos. Tila siya binuhusan ng malamig na tubig sa narinig.
"P-papanong N-nangyari yo'n?"
" Ipinahanap ko kasi sa ibang tao ko si Ronald. Gusto kong makulong ito sa panlolokong ginawa niya sa atin. Ngunit hindi ko inaasahan ang ibabalita ng tauhan ko na patay na nga daw si Ronald. Natagpuan ang bangkay nito sa loob mismo ng kuwarto nito. Biglang nagtataka ang mga kapitbahay nito dahil nakaka amoy ang mga ito ng sobrang baho at malansa. Kaya puwersahan nilang binuksan ang bahay ni Ronald at doon nga nila nakita ang bangkay nito na nakahiga sa kama nakatali ang mga kamay at paa.Sa tantiya nila ay bente kuwatro oras na itong patay dahil nilalangaw at nilalanggam na ang bangkay nito at ang masama pa nito ay_" hindi maituloy ni Arnold ang kinukuwento kaya uminom muna ito ng tubig at saka napadighay.
"Bakit Arnold?"
" Duguan at puno ng taga ang buong katawan ni Ronald na parang kinarne, "
Nasapo ni isay ang bibig dahil sa pagkabigla. Kung kanina lang ay masarap ang kain nilang mag asawa. Ngayon ay pareho na silang nawalan ng gana dahil sa nabalitaan.
"Galit ako sa kanya dahil panlolokong ginawa niya sa atin, pero ayokong sa ganitong paraan niya pagbayaran ang kasalanan niya sa atin," sabi ni isay.
" Maging ako! Ayoko sana ito mangyari kay Ronald. Pero wala na tayong magagawa." sabi ni Arnold.
"Bakit ganito ang nangyayari sa honeymoon natin Arnold? Parang ang daming nagaganap na hindi maganda?" Nag-unahan ng magbagsakan ang mga luha ni isay.
"I'm sorry baby. Hindi ko naman ginusto na mangyari ang lahat ng ito," sabi ni Arnold sabay hawak sa kamay ng asawa.
"Gusto ko ng bumalik sa Maynila! Ayoko na dito!"
"Next week! Babalik na tayo sa Manila, promise!"
"Salamat naman kung gano'n,"
"Pinapapunta nila ako sa morgue, gusto sana kita isama_"
"Ayoko! Maiwan na lang muna ako dito. Gusto ko munang mapag isa. "
"Ahh... okay...babalik din ako kaagad, " sabi ni Arnold sabay halik sa asawa.
Naiwang nagiisa si isay sa hapag kainan. Pinilit niya muling kumain ngunit ayaw ng tumanggap mg sikmura niya ng kahit anong pagkain. Kaya iniligpit na lang niya ang mga ito at saka nagtungo sa Rest house upang doon na lang magpalipas ng oras.
********************
Kanina pa nakahiga si isay sa kama at nakatitig sa kisame. Pinipilit niyang pakalmahin ang isipan sa lahat ng nangyayaring p*****n sa kanyang paligid. Una si Hazel sumunod ang biyenan niya at ngayon naman ay si Ronald.
Sumasakit na ang ulo niya kakaisip kaya tumayo siya at nagpalit ng damit na short na maong at simpleng blouse. Naisipan niyang mag lakad lakad sa dalamapasigan upang kahit papano'y maibsan ang tension na kanyang nararanasan.
***********************
Malakas ang hangin na nagmumula sa karagatan ang sumasalpok sa mukha ni isay dahil dito ay nakadama siya ng kapayapaan sa isip. Nakangiti niyang pinagmamasdan ang lahat ng taong lumalangoy sa dagat na karamihan ay puro bata at ang iba naman ay grupo ng magkaka-pamilya.
Dahil sa tanawin na kanyang nakikita ay kahit papano'y pansamantala niyang nalilimutan ang lahat ng hindi magagandang nangyari sa kanilang honeymoon.
Saglit siyang napahinto sa paglalakad ng biglang nag ring ang cellphone niya. Dinukot niya ito sa kanyang bulsa. Bigla siyang napakunot ng noo ng makita na Isang unknown number na tumatawag. Agad niya itong sinagot.
"Hello? Sino po ito?" tanong niya misteryosong calller.
"Makinig kang maigi! Magingat ka! Nasa panganib ang buhay mo ngayon. Lisanin mo na ang Hacienda Saavedra umalis kana bago pa mahuli ang lahat, talasan mo ang pakiramdam mo. Maging mapagmatyag ka, hindi lahat ng nasa paligid mo ay totoo sa'yo,"
Biglang nanginig ang buong katawan niya sa takot, Tila siya naparalisa sa sinabi ng caller na boses ng isang lalaki.
"S-sino K-kaba?" tanong niya dito.
"Hindi na importante kung sino ako! Pero nasa paligid mo lang ako at lagi akong nakatanaw sa'yo!"
Biglang nagpalinga-linga si isay sa paligid habang nakatapat ang speaker ng cellphone sa kanyang tainga.
"Hindi kita malapitan para mabalaan! Tandaan mo ito may mga matang laging nakamatyag sa'yo at ako yo'n!"
"Hindi kita maintindihan! Ano bang_"
Naputol ang sinasabi ni isay ng sa hindi kalayuan ay natanaw niya si Arnold at naglalakad papunta sa kinaroonan niya kung saan siya nakatayo.
"Sino yang kausap mo?" tanong ni Arnold ng makalapit ito sa kanya.
Mabilis na ibinalik ni isay ang cellphone sa bulsa ng kanyang short. Nag desisyon siyang huwag na muna sabihin kay Arnold na may misteryosong lalaki ang tumawag. Baka kung ano pa ang isipin nito.
"Hah?.....Ahhh..... Wala si Ella lang toh, nangangamusta lang!"
"Tara! May dala akong mangga at suman galing sa bayan, meryenda muna tayo." yaya ni Arnold
"Ahh.. ..ganun ba? Okay yan!"
"Ba't parang namumutla ka?" puna ni Arnold.
"Ahh... wala ito, siguro nasobrahan lang ako kakabilad dito sa initan," sagot ni isay.
"Ahh.....Okay."
"Kamusta pala lakad mo?"
"Si Ronald nga ang bangkay! Kitang kita ko, walang duda!"
"Oh my god!"
"Tara na! Doon muna tayo sa Rest house, do'n ko ikukuwento sayo ang lahat." Hinawakan na siya ni Arnold sa braso.
Pagkadating nila sa Rest house ay nagmeryenda muna sila ng suman at mangga. Pagkatapos nilang kumain ay saka isinalaysay ni Arnold kay isay ang itsura ng kalunos-lunos na bangkay ni Ronald. Ayon dito ay tadtad ng taga ng kutsilyo o itak ang buong katawan ng lalaki..
Kasalukuyan na daw na iniimbestigahan ng mga awtoridad kung sino ang salarin na pumatay dito. Pero tinitignan daw nila ang angulong paghihiganti dahil marami na pala itong naloko.
Ipinahanap na din ni Arnold ang detective agency na binangggit dati ni Ronald sa kanila dati kung saan daw ito nanilbihan. Ngunit sa kasamaang palad ay gawa gawa lang ito ng lalaki at wala talaga itong agency.
"I'm really sorry isay! Mabilis kung pinagkatiwalaan si Ronald hindi ko man lang siya kinilala ng lubusan."
"Wala na tayong magagawa Arnold. Pero sana matutu na tayo sa pagkakamali natin."
"Pangako! itutuloy pa din natin ang paghahanap sa kapatid mo, ani Arnold...
***************************
Kinagabihan ay masayang ninamnam nina Arnold at isay ang init ng kanilang pag mamahalan. Pansamantala nilang isinantabi ang lahat problemang kanilang pinagdadaanan. Naging mapusok at mainit ang bawat halik ni Arnold sa boung katawan ng babae na nagdudulot dito ng bolta boltahing kuryenteng tumatagos sa boung katawan nito. Kinikilig ang kaliit-liitang himaymay ng laman nito sa mga dampi ng labi ng lalaki.
Pakiramdam nila'y sulo nila ang mundo. Dahil sa init ng kanilang pagmamahalan ay naghalo ang sarap, pawis at laway nila. Naging saksi ang buwan at mga bituin sa kanilang mainit na p********k. Abot langit ang kanilang mga ungol ng kapwa nila marating ang ruruk ng langit Matapos makaraos ay kapwa sila napagod at agad na nakatulog.
*********************
Muling naghari ang takot kay isay ng bigla siyang magising at muling makita ang sarili sa isang pamilyar na silid na kung saan ay naroroon muli ang babaeng madalas niyang napanaginipan na ngayon ay kilala na niya. Ito ay walang iba kundi si Belinda at gaya ng dati ay duguan ito at nakagapos ng padipa ang mga kamay na abot hanggang braso.
Kasalukuyan siyang nakaharap sa babae na halos dalawang dipa lang ang pagitan nila
Napakunot siya ng noo dahil nakita niyang nakayuko ang babae. Biglang gumapang ang matinding takot sa kanya ng bigla nag pumiglas si Belinda. Sumisirit ang malansang dugo nito habang unti unting nitong hinihila ang mga bisig sa mga nakapulpot na barbwire. At ng makakalas na ito ay naiwan sa tinik ng barbwire ang ilang hibla ng balat at laman nito. Pagkatapos ay tumayo ito at humakbang papunta kanya at ng makalapit ay dahan dahan itong nag-angat ng mukha at nagsalita.
" Nasa panganib ka!" sambit ni Belinda sabay turo sa pader ng silid na may nakasulat na pangalan.
Niligon ni isay ang pader. Naningkit ang mata niya sa nabasa.
" Sino si Cindy?" tanong niya dito...
Biglang nagising si isay na abot langit ang hingal. Napanaginipan na naman niya si Belinda at malinaw na sinabi sa kanyang panaginip ang salitang " Nasa panganib ka " at sino ang " Cindy" na tinutukoy nito. Naguguluhan na siya.
Ano bang ibig iparating ni Belinda sa kanya. Napasulyap siya kay Arnold na mahimbing ang natutulog. Nakakaramdam man ng takot ay ipinagsawalang bahala niya na lang ito at muling nahiga sabay yakap ng mahigpit sa asawa.