Kinaumagahan. Habang maganang kumakain ng almusal si Arnold ay napuna niya na hindi man lang ginagalaw ni isay ang pagkain nito. Nakatulala lang ito at parang wala sa sarili.
"Hindi mo ba gusto yung luto ko? Sabihin mo at lang ipagluluto pa kita ng iba!" tila nagtatampong wika ni Arnold.
"Hindi naman sa gano'n. Sorry love! Kulang lang kasi ako sa tulog," tugon ni isay.
Saglit na inihinto ni Arnold ang pagkain at dinampot ang isang tasa ng kape sabay higop dito. " Hindi kaba nakatulog kagabi? Bakit naman?"
"Naguguluhan na ako Arnold! .Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa akin."
"Ang alin ba?"
"Nanaginip ulit ako kagabi tungkol kay Belinda at nagtataka ako kasi malinaw na malinaw na sinabi niya sa akin sa panaginip ko na mag ingat daw ako."
"Ano?! Bakit niya nasabi yon?"
"Hindi ko din alam eh. Tapos may kilala ka bang Cindy?" tanong ni isay.
" Wala! Bakit?"
" Sa panaginip ko ay may Cindy na pangalan na nakasulat sa pader."
" Ang weird ng panaginip mo isay."
"' Natatakot na ako dahil pangatlong beses ko na siyang napapanaginipan. Pero kakaiba lang ngayon dahil parang nagbabala na siya sa akin."
"Sa totoo lang kahit ako ay naguguluhan na din. Hindi ko din alam kung anong koneksiyon mo kay Belinda."
"Ano kayang ibig sabihin ng mga panaginip ko Arnold? Bakit ba siya nagpapakita sa panaginip ko? At sino si Cindy? "
"Hindi ko talaga alam isay! Kung pwede ko lang kausapin si Belinda sa kabilang buhay ay ginawa ko na para masagot na yang mga tanong mo."
" Bakit hindi! Pwede nating subukan! "
"Nagbibiro kaba? C'mon isay its wasted time to do that!"
"Pero pwede din nating subukan. Baka may espiritista dito sa lugar n'yo na pwedeng makatulong sa atin."
"Isang malaking kalokohan yang gagawin natin! "
"Pero Arnold baka may mga bagay na gustong sabihin sa atin si Belinda. Wala namang masama kung susubukan natin."
"Stop it! Papano ako magmo-move on kung palagi mo na lang binabanggit ang pangalan ng isang taong matagal ng patay na. For once tigilan mo na ito isay! Please patahimikin na natin siya, " mahinahon na sabi ni Arnold bago ipinapatuloy ang pagkain.
Hindi na nakaimik ang babae na mas piniling manahimik na lang muli upang wala na silang pagtalunang mag asawa.
" Kumain kana! Mamayang hapon mag-gogrocery tayo ng pang barbecue at bibili din tayo ng Red wine. Gusto kung mag bonfire mamayang gabi sa harap ng dagat." wika ni Arnold.
Kahit walang gana ay pinilit kumain ni isay at ng masayaran na ng pagkain ang lalamunan niya ay ginanahan na din siya. Gusto niyang kalimutan uli ang masamang panaginip. Upang huwag maapektuhan ang magiging bonding nilang mag asawa mamayang gabi.
*************************
Biglang napabalikwas ng bangon si Ella mula sa hinihigaang kama. Mabilis niyang iginala ang paningin at napagtanto niya na nasa isang silid siya na wala halo's kagamitan maliban sa isang window type aircon na nakadikit sa pader. Malakas ang kabog ng kanyang dib dib na tila tinatambol. Kung tutuusin ay malakas ang buga ng malamig na hangin nagmumula sa aircon. Ngunit tila patak ng tubig ang pawis namumuo sa noo niya dahil sa nerbyos.
Mabilis niyang naalala ang mga pangyayari bago siya napunta sa silid kung na saan man siya ngayon. Sa huling pagkakatanda niya ay galing siya sa bahay ni isay. Halos's tatlong oras silang nagkuwentuhan nito hanggat sa nagdesisyun na siyang mag paalam dito para umuwi.
Pagdating niya sa terminal ng bus ay agad siyang nagtungo sa ticket booth para bumili ng ticket. Pagkabili niya ay nagtungo na siya sa passengers waiting area upang abangan ang bus pa maynila.
Sa hindi inaasahan ay biglang kumalam ang sikmura niya. Sinipat niya ang relo sa bisig. Kalahating oras pa bago dumating ang susunod na biyahe ng bus. Kaya nagtungo muna siya sa isang lomi house na hindi kalayuan sa terminal. Habang kumakain siya ng lomi ay napansin niya ang isang lalaki na naka sumbrero at may takip na itim na tela sa kalahating mukha.
Natuon ang atensiyon niya dito dahil kanina pa ito nakatingin sa kanya. Ngunit binalewala niya lang ito at inisip na lang niya na baka nagagandahan lang ito sa kanya. Kaya ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain.
Limang minuto pa ang nakalipas ng maubos niya ang lomi. Napadighay pa siya dahil sa kabusugan. Akmang tatayo na sana siya ng bigla na lang niyang maramdaman ang pagbigat ng talukap ng kanyang mga mata kasabay ng pagkahilo. Dahil dito ay nawalan siya ng malay at ng magising siya ay nasa isang kuwarto na nga siya.
Mabilis na nakapagisip si Ella. Dahil hindi naman nakagapos ang mga paa at kamay niya ay agad siyang tumayo at humakbang papunta sa pintuan. Laking tuwa niya dahil hindi nakasarado ang pinto kaya mabilis siyang lumabas ng silid at kumaripas ng takbo.
Habang hinahanap niya ang daan palabas ay napansin niya ang mga lumang gamit na pang ospital na nakatambak sa isang lugar. Tila nasa isang lumang bodega siya. Nag palinga linga siya sa paligid. Abot langit ang dasal niya na mahanap ang daan pa labas.
Maliit lang ang bodega kaya mabilis niyang nakita ang nakabukas na main door. Patakbo niya itong tinungo ng sa hindi sinasadya ay nahagip ng gilid ng mata niya ang isang napakalaking portrait panting at mga picture na nakasabit sa ding ding.
Hindi maipaliwanag ni Ella pero tila ba awtomatikong humakbang pa unti unti ang mga paa niya papunta sa kinaroonan ng mga larawan. At ng makalapit siya dito ay masusi niyang pinagmasdan ang babaeng nasa painting at mga picture. Napukaw ng atensiyon niya ang maganda at makinis na mukha ng babae na bumagay sa kulay blond nitong buhok. Walang ano ano'y biglang nanlaki ang mata niya ng mamukhaaan kung sino ang nasa painting.
Biglang nanlambot ang tuhod niya sa nakita. Dahil dito ay napaluhod siya sa sahig. Nangangatal ang niya labi sa nadiskubre. Unti unting bumagsak ang mga luha niya ng hindi niya namamalayan.
"Kailangan ko ang tulong mo para iligtas ang kaibigan mo!"
Nagulat si Ella ng marinig ang boses ng isang lalaki na nasa likuran niya. Kahit walang lakas ay pinilit niyang tumayo at harapin ito. Tumambad sa kanya ang bulto ng isang matipunong lalaki na sunog ang kalahating mukha.
"S -sino ka?"
"Ako si Erros at gaya ng sinabi ko sa'yo ay kailangan mo akong tulungan. Nangaganib ang buhay ng kaibigan mo wala na tayong oras."
Lutang ang utak ni Ella. Walang salita na namumutawi sa bibig niya. Inalalayan siya ng lalaki na makaupo upang ipaliwanag nito sa kanya ang mga natuklasan.
**********************
Kasalukuyang nakapila sa cashier sina Arnold at isay upang bayaran ang mga binili nilang grocery. Hawak niya ang handle ng push cart na pinamili habang nasa likuran naman niya si Arnold na abala sa pagbabasa ng National geography magazine.
Habang binabayaran ni isay sa counter ang lahat ng pinamili ng walang ano ano'y biglang nag-ring ang cellphone niya. Dinukot niya ito sa bulsa ng kanyang pantalon. Napakunot siya ng noo ng makitang si Ella ang tumatawag. Mabilis niya itong sinagot.
"Hello Ella!"
" isay! Makinig kang maigi. Umalis kana sa Hacienda!"
"Ano?! Pakilakasan mo boses mo di ko gaanong marinig!" sabi niya habang inilalagay sa casher counter ang natitirang pinamali.
" Nasa panganib ka!"
"Ella hindi kita maintindihan! ano bang pinagsasabi mo? "
"Mag ingat ka kay Cindy!"
" Sinong Cindy _"
Ngunit biglang naputol ang pagsasalita ni Ella sa kabilang linya. Dahil biglang na-lowbat ang cellphone niya.
Biglang natahimik si isay. Naging palaisipan agad sa kanya ang biglaang pag tawag ni Ella na para bang nagbabala. Sino ang Cindy na tinutukoy nito.
"One thousand eight hundred po lahat, " nakangiting saad ng kahera.
"Uyy….. Ano bang nangyayari sayo? Bayaran mo na yung bill." Bahagyang tinapik ni Arnold ang balikat ni isay.
"Ayy….sorry." Mabilis niyang kinuha ang pitaka sa bag at dumukot ng pera saka ibinigay sa kahera.
Pagkatapos mabayaran ng mag asawa ang grocery na pinamili nila ay dumiretso na muna sila sa bilihan ng mga red wine. echa-charge sana ni isay ang cellphones niya sa kanyang powerbank para matawagan uli si Ella. Ngunit nakalimutan niya pala ito sa Rest house.
Kaya pansamantala niya munang nilibang ang sarili sa papamamasyal kasama si Arnold. Pag uwi niya ng bahay ay doon na lang niya muling tatawagan ang kaibigan.
*************************
Halos's maligo ng malamig na pawis si Ella dahil sa nerbyos. Sinubukan niyang tawagan muli ang kaibigan ngunit out of coverage na ito. Hindi siya mapakali na panay ang lakad niya na tila ba may sili siya sa kanyang puwetan.
Todo tipa siya ng mensahe at voice call sa kanyang cellphone upang ano't ano man ang mangyari sa kanya ay naparating niya sa kaibigan ang nais niyang sabihin. Samantalang nakaupo naman si Erros sa silya at ninigarilyo habang pinagmamasdan ang natatarantang dalaga.
" Pasensiya kana pala sa ginawa ko sa'yo hah! Wala na kasi akong ibang maisip na paraan para makausap ka. Kaya sinuhulan ko na lang na isang libo yung servedora para lagyan ng pampatulog yung lomi na kakainin mo," paumanhin ni Erros.
Saglit na tumigil si Ella sa ginagawa at saka umupo at nagsalita.
"Naku wala yun! Ako pa nga ang dapat magpasalamat sa'yo dahil mailliligats ko ang kabigan ko."
"Alam kung hindi ka sana'y sa ganitong sitwasyon. "
" Buti't alam mo! Sa sitwasyon ko ngayon ay parang kailangan kung manghiram ng tapang kay Darna, baka naman pwede tayo humihingi ng tulong sa mga police."
" Makapangyarihan at maimpluwensiyang tao si Cindy sa bayan na ito. Marami siyang kapit na pulis. Hindi siya basta bastang demonyo! Tinawagan ko nga pala si isay kanina para balaan, kaso naputol ang tawag ko sa kanya. " Tumayo si Erros at kinuha ang lanseta sa bulsa pagkatapos ay lumapit ito sa painting ni Cindy at saka ito pinagsasak ng paulit ulit.
Hindi makaimik si Ella. Wala siyang magawa kundi panoorin ang lalaki sa ginawa nito. Damang dama niya ang matinding galit ni Erros. Ngayon ay alam na niya kung bakit maraming gas gas at tila malapit ng masira ang
Habang nag uusap sina Erros at Ella ay bigla na lang silang nakarinig ng malakas na ingay na tila kalapag ng yero nagmumula sa labas ng bodega. Kapwa nanlaki ang mga mata nila sa pagkabigla. Hindi mapigilan ni Ella ang manginginig ng katawan dahil sa takot.
Sumenyas si Erros sa babae na manahimik. Saglit na tumayo ang lalaki upang siyasatin kung anong ingay meron sa labas. Naiwan si Ella sa kinauupuan na todo dasal na sana'y malagpasan ang takot na nararanasan.
Sampung minuto na ang lumipas pero hindi pa din bumabalik si Erros. Gumapang na sa boung katawan niya ang matinding takot.
Dahan dahan tumayo si Ella at humakbang patungo sa pinaka maindoor ng bodega. Pagkalabas niya ay tumambad sa kanya ang garahe kung saan nakaparada ang kotse ni Erros. Natanaw niya ang gate na nakabukas na may tatlong kilometro ang layo mula kinatatayuan niya. Agad siyang nag palinga linga sa paligid. Ngunit hindi na niya nakita ang lalaki.
Maya maya'y bigla niyang naramdaman na may tao sa likuran niya. Daha dahan siyang lumingon at laking gulat niya ng makita niya ang isang babaeng naka sout ng duguang gown na may mahabang buhok na kulay dilaw at may puting maskara sa mukha. Hawak nito sa kanang kamay ang isang duguang itak at sa kaliwa naman ay ang pugot na ulo ni Erros na nakaluwa pa ang mga mata.
"Aaaaaaahhhhhhhhh!!" malakas na sigaw ni Ella sabay karipas ng takbo palabas ng garahe. Mabilis na binitiwan ng killer ang pugot na ulo ni Erros at saka nito hinabol ang babae.
Dahil sa nagsama samang takot at pagkataranta habang tumatakbo ay mabilis na narating ni Ella ang highway. Dahil sa pagod ay saglit siyang napahinto sa pagtakbo. Hingal na hingal na siya na tila mawawalan na ng lakas. Napansin niyang hindi pa gaanong madilim at paparating pa lang ang dapit hapon.
Pero dahil nasa probinsiya siya ay halo's wala ng ibang tao sa paligid na pwede niyang mahingan ng tulong at bukod pa doon ay nasa lib lib at magubat na lugar siya.
Biglang namilog ang mata ni Ella dahil sa kanyang paglingon ay nakita niya ang killer na matuling tumatakabo na halos's tatlong dipa na lang ang layo sa kanya.
"Aaaaaaahhhhhhhh!" sigaw niya sabay muling karipas muli ng takbo.
Dahil sa kalituhan sa kakatakbo ay hindi namalayan ni Ella ang humaharurut na sasakyan sa highway. Kaya sa hindi inaasahan ay nasagasaan siya nito. Nagpagulong gulong ang katawan niya sa kalye. Ilang segundo lang at tuluyan na itong nawalan ng malay.
Dahil sa nangyari aksidente ay biglaang nagkaroon ng matinding traffic sa highway. Samantalang mabilis namang nagkubli sa mapunong lugar ang killer.....
*****************
Sino ang killer? Sino ang babae sa mga picture at painting.....