Dapit hapon na ng makabalik sa Rest house sina isay at Arnold. Pagod man sa pag-gogrocery at pamamasyal sa mall ay masaya pa rin sila dahil nagkaroon sila ng mahabang oras sa isa't isa. Excited na si isay mamayang gabi dahil first time niyang mararanasan na mag bonfire sa tabing dagat kasama ang asawa.
Dahil pagod sa pagmamaneho ng kotse ay nauna ng humiga sa kama si Arnold upang kahit papano'y makabawi ito ng lakas. Bagay na sinang-ayunan kaagad niya kaya siya na lang ang naglagay sa refrigerator ng kanilang mga pinamiling grocery. At ng matapos siya sa kanyang ginagawa ay i-chinarge niya muna ang kanyang cellphone bago tuluyang nahiga sa tabi ng asawa.
Lumipas ang kinse minutos ng biglang nakaramdam ng panunubig si isay. Nasa labas ang banyo malapit sa kusina. Kaya tumayo na siya at lumabas ng silid upang magbanyo. Pabalik na sana siya ng silid matapos makapag banyo ng bigla na lang siyang makarinig ng ingay sa parteng bintana na malapit sa may sala.
Natuon ang mata niya sa bintana na ilang distansiya lang ang lapit mula sa banyo. Napuna niyang hindi gaanong nakasara ang bintana na sliding window na transparent ang style at nakabukas pa ang pinto. Inihakbang ni isay ang mga papunta sa bintana at pinto para ito'y isara.
Habang inaayus niya ang pagkakasara ng bintana ng walang ano ano'y ay bigla biglang niyang matanaw sa labas ng rest house ang isang babaeng naka sout ng gown na katulad kay Cinderella. May mantsa ng dugo ang gown nitong sout pati ang puting maskara nito sa mukha at maging ang hawak nitong itak ay may bahid din ng dugo.
Nanlaki ang dalawang mata ni isay dahil sa labis na takot. Nanginginig ang boung katawan niya dulot sa pagkasindak. Nakatayo lang ang babae na tila statwa ng walang ano ano'y bigla itong kumaripas ng takbo na tila ito isang mabangis na aso na handang manakmal. Papunta ito sa direksiyon ng Rest house unit nila ni Arnold.
"Aaaaaaaaaahhhhhhhhh!" sigaw niya sabay takbo
Biglang napalikwas ng bangon si Arnold ng marinig ang malakas na sigaw ng asawa. Mabilis itong tumakbo palabas ng silid. At pagkalabas nito ay agad nitong sinalubong ang asawang umiiyak. Agad nitong ikinulong ang babae sa matipunong braso nito upang ito'y kumalma.
"Anong nangyari sayo?!" agarang tanong ni Arnold.
"Arnold nandito siya! Yung pumatay kay Hazel, Yung nasa video nandoon siya sa labas," hysterical na sabi ni isay sabay turo sa pinto ng sala.
Panandaliang kumalas sa pagkakayakap si Arnold kay isay sabay nagtungo ito sa kusina at kumuha ng kutsilyo. Pagkatapos ay saka nito binuksan ang pinto. Nagpalinga linga si Arnold sa kanan at kaliwang bahagi ng paligid ng Rest house. Ngunit wala naman siyang nakitang kahina hinalang tao.
Biglang sumimangot ang mukha ni Arnold kasabay ng pagkamot nito sa buhok. Pilit nitong itinatago ang pagkayamot dahil bahagyang pagsakit ng ulo dahil sa biglaang pagkagising. Muli itong pumasok sa loob ng sala.
"Wala namang ibang tao sa labas ah!" saad ni Arnold na halatang pinipilit maging kalmadong.
"Anong wala?! Tingnan mo kasi maigi!"
"Walang ibang tao sa labas baby. Nasa vip room area tayo na tayo lang din ang tao. Baka kulang kapa sa pahinga, tara higa muna uli tayo, " suhestiyon ni Arnold.
"Arnold totoong nakita ko siya _"
Walang ano ano'y biglang bumalik ang killer. Bagay na hindi inaasahan ni Arnold. Mabilis nitong itinulak sa sahig na ikinabulagta niya. Pagkatapos ay sinaksak nito ang gilid na bahagi ng kaliwang hita niya. Napasigaw sa sakit ang lalaki
"Aaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!" sigaw ni isay.
Sasaksakin pa sana ng killer si Arnold sa mukha ngunit alerto siya dahil mabilis niyang nahawakan ang bisig nito sabay tadyak niya sa tiyan nito. lumagapak ang keller pero sa halip na lumaban pa ito ay manilis itong tumayo at tumakbo palabas ng unit. Hindi niya ininda ang sugat sa gilid ng hita at mabilis itong tumayo.
" isay! Doon sa drower ko ay baril. kunin mo dali! "
Mabilis na sinunod ng babae ang utos ng asawa. Pagkabigay niya ng 45 caliber gun sa lalaki ay mabilis nitong kinasa at lumbas ng unit.
Shock pa din si isay sa nangyari. Tulala lang siya habang naka upo sa sofa. Mga limang minuto pang nagmatyag si Arnold sa labas ng unit ng masiguro nito na wala na ang killer ay muli itong pumasok sa loob para i comfort ang asawa.
" isay! " sabi ni Arnold sabay yakap sa asawa.
" S-sino Y-yon Arnold?"
" Hindi ko din alam. "
" Nasa panganib ang buhay natin! Arnold ayokong mamatay dito! " Hysterical na si isay habang umiiyak.
"Shhh... Enough! Walang mamatay, i promise." Ipinasok na ng silid ni Arnold ang asawa...
Dahil sa nangyaring pag ataki mg isang misteryosong salarin ay kaagad na nag utos ng automatic investigation si Arnold sa lahat ng security staff. Pina check niya din ang CCTV camera na nakapuwesto sa loob at labas ng Rest house. Ngunit ng tawagan siya ng isang security guard na naka assign sa CCTV camera at nagtataka siya sa sinabi nito na hindi daw nahagip ng camera ang killer.
************
Kasalukuyan nasa loob ng kuwarto sina isay at Arnold at patuloy na nag uusap tungkol sa pag ataki ng killer. Nalapatan na din paunang lunas ang gilid na bahagi ng hita ng lalaki na mabuti na lang ay hindi gaanong napuruhan.
" Papanong hindi nila makita? Arnold hindi na ito biro! Tayo na ang isusunod na papatayin ng killer."
" Anong gustong mong gawin ko isay? Eh sa walang makita yung mga security staff ko! "
" So! Anong gagawin natin. Hinintayin natin na tayo naman ang mamatay! Gano'n ba gusto mong mangyari hah? "
"Calm down baby! Nagpatawag na ako sa bayan ng police back up para sa atin."
" Sana'y matapos na ang lahat ng ito Arnold. Hindi ko kayang mabuhay sa takot. "
" Matatapos din ang lahat ng ito baby, I'm here for you."
*******************
Samantala sa hindi kalayuan sa Rest house nina Arnold at isay ay nakatayo ang killler. Nakataw ito sa direksiyon ng kuwarto ng mag asawa. Maya maya'y bigla itong humalakhak ng pagkalakas lakas na para bang nababaliw. Masaya masaya ito sa ginawang pag ataki sa mag asawa kanina.
Maya maya'y Itinaas nito ang itak na hawak at itinuturo ang direksiyon ng kuwarto mag asawa.
" Dry run pa lang yan! marami pang pwedeng mangyayari sa inyo na talagang ikasisira ng ulo niyo," sabi ng killer.
********************************
Sa kabila ng hindi magandang nangyari ay itinuloy pa din nina Arnold at isay ang bonfire bonding nila. Mabilis na itinayo ni Arnold ang tent na magsisilbi nilang bahay ni isay sa tabing dagat.
Pagkatapos ay saka inayos ng lalaki ang mga kahoy at ilang mga tuyong dahon na kakailanganin nito para sa bonfire na gagawin nito. Kailangan nila ito upang magbigay balanse sa init at lamig na hatid ng dagat at magbigay liwanag sa madilim na gabi.
Payapang pinagmamasdan ni isay ang maning-ning na mga bituin at bilog na buwan sa maitim na kalangitan. Pilit niyang iwinawaglit sa isipan ang ang killer.
Naglalaban ang lamig at init dulot ng sariwang simoy ng hanging nagmumula sa maalong karagatan at sa naglalagablab na bondfire na ginawa ni Arnold. Tila ba sinadya ng tadhana na bigyan sila ng oras sa isa't isa dahil halo's walang ibang taong namamasyal sa dalampasigan liban lang sa kanilang silang dalawa. Walang pwedeng tumingin o maki usyuso sa kung ano mang pwede nilang gawin bilang mag asawa.
Habang abala si Arnold sa pag iihaw ng karne ay naisipan naman ni isay na ihanda na ang mga Red wine na kanilang iinumin. Tiniyak niyang malamig ang mga ito upang mas masarap pag itoy ininom. Sampung minuto pa ang nakalipas at natapos na din si Arnold sa pag iihaw. Insinalansa nito sa malaking plato ang mga karneng nakatuhog sa barbecue stick at saka ito lumapit kay Isai. Naging masaya ang bonding nilang mag asawa. Puno ng tawanan at harutan ang naging pag-uusap nila.
"Thanks love, dahil sa kabila ng lahat ng nangyari ay itinuloy mo pa din itong bonfire bonding natin." naglalambing na sabi ni isay
" Hindi pwedeng masira ng problema natin itong gabing pinaghandaan natin. Ang gusto ko bago manlang tayo bumalik sa
maynila ay masulit natin ang oras na magkasama tayo," sabi ni Arnold sabay inom ng wine.
"Sana'y mahanap na ang salarin na yon Arnold. "
"Huwag na nating pag usapan ang tungkol do'n please!"
" Okay sige! Alam mo? Wala na akong mahihiling pa sa diyos. Dahil bigyan niya ako ng mabait na mister na gaya mo."
"Salamat isay sa pagmamahal at pagtanggap mo sa akin," seryosong sabi ni Arnold habang nakatitig ng diretso sa mata ng asawa.
Napakunot ng noo si isay sa mga salitang binitawan ni Arnold. Kung tutuusin ay ito pa nga ang dehado dahil sino ba naman siya kumpara sa asawa. Isa lang siyang simpleng babae na may simpleng pamumuhay. Samantalang si Arnold ay lumaki sa marangyang pamilya, guwapo at edukado.
"Ano bang pinagsasabi mo? Eh ako nga ang dapat na magpasalamat sa'yo dahil tinanggap at minahal mo ako kahit na malayo ang agwat ng estado natin sa buhay,"
"May gusto akong hilingin sayo na pag dumating ang oras na kailangan mong mamili between me or sa kaligtasan mo. Tandaan mo na mas matutuwa ako pag pinili mong iligtas ang sarili mo."
"Arnold, hindi kita maintindihan! Bakit kailangan kung mamili?"
"Basta mangako ka isay! Uunahin mong iligtas ang sarili mo."
"Iligtas saan?"
"Kay Cindy."
"S-sinong C-cindy? Sabi ko na nga ba kilala mo yang babaneg yan eh!"
"A servant of satan."
"Hindi nakakatuwa ang biro mo Arnold. "
"Muka ba akong nagbibiro?"
Tila biglang napipi si isay. Muling bumalot ang takot sa boung katawan niya sa mga salitang binitawan ng asawa. Halata sa mata at ekspresyon ng mukha ni Arnold na seryoso ito sa sinasabi.
"Joke!" Banat na sabi ni Arnold sabay tawa ng ubod ng lakas. "Hindi ko kilala yo'n. Sinasakyan ko lang yang mga panaginip mo."
"Walang hiya ka! Hindi ka nakakatawa, tinakot mo ako!" Kinurot ni isay ang tagiliran ng asawa.
Halos's maluha luha si Arnold sa kakatawa. Tumigil lang ito ng mapansing napikon ang asawa.
"Biro lang! I love you!" sabi ni Arnold habang nakatitig sa mga mata ng asawa sabay halik sa labi.
"Mahal din kita. Pero please huwag mo ako biruin ng ganyan lalo't sa mga nangyayari ngayon. " tugon ni isay.
"Okay! Sorry na po."
Muling hinalikan si Arnol ang babae. Mainit ang mga halik nito na unti unting naglalakbay patungo sa tainga ng asawa.
"Mayroon akong importanteng gustong sabihin sayo isay." bulong ni Arnold.
"Okay, ano ba yo'n?"
Huminga muna ng malalim si Arnold tsaka nagsalita. " I have a sick."
Biglang napakalas si isay sa mainit na halik ni Arnold.
"May Sakit ka? Anong sakit? Ba't hindi mo sinabi sa akin kaagad! "
Magsasalita pa sana si Arnold ng biglang nag ring ang cellphone nito. Agad nitong kinuha sa bulsa ng sout na short ang cellphone. Napakunot ito ng noo ng makitang si Nanay Salome ang tumatawag. Nagtataka nitong sinagot ang tawag ng matanda.
"Hello.....Nanay Salome .....Ano?!....Saang ospital?"
Nagulat si isay sa reaction ni Arnold. Nagsisimula na namang kumabog ang dib-dib niya at uminit ang tainga dahil sa nerbyos.
"Anong nangyari?" tanong ni isay.
Hindi kaagad nakasagot si Arnold. Tumitig muna ito ng diretso sa mata ng asawa.
"Huwag ka sanang mabibigla. Pero napanood ni Nanay Salome sa balita si Ella na nasa ospital daw ing Poblacion de san Lucas sa bayan."
"Ano?! Bakit anong nangyari sa kaibigan ko?" nagsisimula ng mag hysterical uli isay sa nabalitaan.
"Ayon daw sa balita ay nabundol siya ng kotse sa highway," nanginginig na tugon ni Arnold.
"Arnold! Pumunta na tayo sa ospital ngayon na! Pakiusap!" Naluluhang tumayo si isay na hindi na nagpalit ng damit na sout at patakbo ng tinungo ang garahe ng Rest house kung saan nakaparada ang kotse ni Arnold.
Saglit na tinawagan ni Arnold ang staff ng resort para iligpit ang tent at ilang mga gamit bago nito sinundan si Isai.
************************
Halos's liparin nina isay at Arnold ang daan patungong costumer service ng ospital upang matukoy nila kung saang room nakalagak si Ella. Matapos maibigay ng receptionist ang room number ng kuwarto nito ay dali dali na silang nagtungo sa nasabing silid at pagkadating nila ay halo's manlumo si isay sa kalagayan ni Ella.
Tila siya binagsakan ng langit at lupa sa kalunos lunos at nakakaawang kalagayan ng kaibigan na nakahiga sa kama at may nakatarak na dextrose sa ilong. Hindi na niya napigilan ang mga luhang hindi bumagsak...
"A-Arnold, P-papanong nangyari toh sa kaibigan ko? Maayus pa siyang nagpaalam sa akin kahapon."
Walang maisagot si Arnold sa tanong ng babae kaya niyakap na lang niya ang asawa ng sobrang higpit upang kahit papano'y mapakalma niya ito. Maya maya'y pumasok sa silid ang isang lalaki at mababanaag sa mukha nito ang labis na kalungkutan at pagkabahala.
"M-mawalang galang na po. Ako po si Dindo, ako po ang nakabundol sa kanya, pasensiya na po. Aksidente lang ang nangyari nakahanda po akong sagutin ang lahat ng gastusin. "
Hindi makapagsalita si isay. Tila lutang ang diwa niya dahil sa aksedenteng nangyari sa kaibigan. Kaya si Arnold na lang ang nakipagusap.
"Ano bang nangyari Sir?"
"Nagmamaneho kasi ako sa highway at ng malapit na ang sasakyan ko sa parteng Baranggay Palar ay bigla na lang siyang lumitaw sa kalsada na tumatakbo na para bang may humahabol sa kanya."
"Baranggay Palar? Arnold saang lugar yun? At papanong napunta si Ella do'n? At sino naman ang hahabol sa kanya?" sabat ni isay.
"Malapit sa Poblacion de san Lucas ang Baranggay Palar," sagot ni Arnold.
"Eh papanong napunta si Ella do'n? Sa stasyon lang ng bus dapat siya pupunta dahil pabalik na siya sa maynila kahapon at sino naman yung humahabol sa kanya!" tanong ni isay habang nakatingin kay Dindo.
"Sorry po, pero hindi ko po nakita yung humahabol sa kanya."
" Don't worry. Pa-iimbestigahan ko ito agad," pangako ni Arnold.
"Na-naman? Ano ba kasing itong nangyayari Arnold?! p*****n dito p*****n doon, pati best friend ko nadamay na!" Lumapit na si isay sa tabi ng kaibigan.
Saglit namang nag paalam si Dindo para i- Seattle lahat ng magiging bayarin sa ospital. Nag offer si Arnold ng tulong ngunit tumanggi ito. Pagkalabas ng lalaki sa silid ay nilapitan ni Arnold ang asawa.
"Girl, ako ito! Pakiusap kung narinig mo ako please, lumaban ka para sa akin huwag mo ako iwan, please." Naguunahan ng magbagsakan ang mga luha ni isay.
"I'm sorry! "
Humarap muna si isay sa asawa at saka nagsalita. "Hindi na maganda ang nangyayaring ito Arnold, may taong galit sa atin at nasa paligid lang siya, ilang buhay paba ang mawawala bago mo mahanap ang letcheng killer na yan!"
"Pasensiya na, hindi ko naman toh ginusto eh."
Hindi na siya nagsalita. Mahigpit niyang niyakap ang walang malay na kaibigan. Maya maya'y pumasok ang Doctor na sumusuri kay Ella at ayon dito ay ligtas na ito sa kamatayan. Buti na lang daw ay hindi naapektuhan ang ulo at ilang maselang bahagi ng katawan nito ng Ito'y E- X-ray at E-ct scan. Kasalukuyan lang daw itong nasa mild coma at pwede itong magising ano mang araw.
Laking pasasalamat ni isaydahil sa narinig. Tila bigla siyang nabunutan ng tinik sa dib dib. Saglit siyang nagpaalam sa kaibigan ngunit nangako naman siyang dito babalikan niya kaagad. Hinalikan niya muna ito sa pisngi bago siya tuluyang umalis kasama si Arnold.
*****************************
Samantala sa isang lib lib na lugar ng Baranggay Palar ay masayang pinagmamasdan ng killer ang nagliliyab na bodega na kung saan ay dating nagkukubli si Erros noong ito'y buhay pa. Isinama ng killer ang bangkay ng lalaki sa nasusunog na bodega upang ito'y maging abo at wala ng maghanap dito. Tiniyak niya na magiging abo din ang lahat ng ebidensiya.
Biglang gumuhit ang mala-demonyong ngiti sa mukha ng killer ng maalala si Ella. Hindi na siya gaanong napagod kakahabol dito dahil bigla itong nabundol ng humaharurut na sasakyan sa highway. Dahil sa lakas pagkakasubsub nito sa kalye kanina ay alam niyang napuruhan ito at malabo pa sa burak na mabuhay.
Ilang minuto pa at tuluyan ng nilisan ng killer ang nagliliyab na bodega at naghahanda na muli ito sa susunod na papatayin.
"Paalam Erros at Ella! isay at Arnold, kayo na ang susunod na mamatay! " sabi ng killer habang patuloy na naglalakad.
*******************************
Lumipas ang kalahating oras ng muling makabalik sa Rest house sina isay at Arnold. Dahil na din sa labis na kapaguran ng katawan at isip ay nag desisyon na silang magpahinga.
Kinabukasan matapos makapag- almusal ay nag impake na sila ng kanilang mga gamit at ilang mga damit dahil babalik na sila sa Hacienda Saavedra. Alas- dose na ng tanghali na ng sila'y makarating sa Hacienda at gaya ng dati ay sinalubong sila ni Didith. Dali dali nitong binuksan ang gate upang makapasok sa loob ng garahe ang kotse ng mag asawa. Pagkatapos ay kinuha na nito ang lahat ng dalang bagahe ng mga ito.
Labis ang pasasalamat ni isay kay Nanay Salome ng matanaw ito ng mata niya. Dahil sa pagsasabi nito kagabi ng tungkol sa aksidenteng nangyari kay Ella. Ngunit simpleng tango lang ang ginawa nito kasabay ng tipid na ngiti. Pagkatapos ay nagtungo na itong muli sa kusina para ituloy ang ginagawa.
**************************
Abala pa din sa kusina si Nanay Salome sa pagluluto ng tanghalian. Halos kalahating oras ang lumipas ng matapos ito sa pagluluto. Pagkatapos ay ini-ihain na nito sa mesa ang masarap ng tanghalian. Kahit na walang gana ay pinilit kumain nina Arnold at isaykahit kaunti. Para naman hindi masayang ang inihanda ni Nanay Salome. Matapos makakain ay umaakyat na silang muli kanilang silid upang magpahinga.
***********************
Nasa kasarapan ng tulog si isay ng biglang na lang siyang na alimupungatan ng marinig ang malakas na sigaw ni Arnold na nagmumula sa banyo. Natataranta siyang tumayo at mabilis nagtatakbo papunta sa banyo. Ngunit laking pagtataka niya dahil nakasarado ang pintuan.
" Arnold! Anong nangyayari sayo?! Buksan mo ito! " Halos magiba ang pinto sa lakas ng pagkatok ni niya
"Aaaaaaaaaahhhhhhhhh!" muling sigaw ni Arnold na higit na mas malakas kumpara sa nauna.
"Arnold ano bah?! Buksan mo nga itong pinto!" pasigaw na utos ni isay.
Ngunit walang ano mang naging tugon si Arnold. Maya maya'y biglang tumahimik sa loob ng banyo. Bagay na ipinagtaka ni isay. Maya maya'y bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Arnold na abot tainga ang ngiting humarap sa asawa.
" Anong nangyari sa'yo? " nagaalalang tanong ni isay.
"Sa akin?" sabi ni Arnold na tila nagtataka.
" Narinig kung sumisigaw ka sa loob ng banyo!"
" Walang namang nangyari sa akin sa loob at bakit naman ako sisigaw?"
"Huwag mo nga akong pinagloloko Arnold! Dinig na dinig ko ang sigaw mo na sobrang lakas."
Inakbayan muna ni Arnold si isay saka nagsalita. " Baka naman nanaginip ka naman ulit. "
"Hindi ako nanaginip_"
" Tara! Hapon na mag meryenda muna tayo sa baba."
Hindi na siya nakapagsalita ng malumanay siyang yayain ni Arnold palabas ng silid. Gusto niya pa sana niyang magtanong sa asawa. Ngunit ayaw naman nito makinig. Kaya nanahimik na lang siya ulit gaya ng madalas niyang gawin....