Nasa kasarapan ng tulog si isay ng walang ano ano'y bigla siyang na alimpungatan dahil sa nakakasulasok na amoy na nanuonuot sa pinakadulo ng kanyang ilong. Ramdam niya ang agarang pagbaliktad ng kanyang sikmura. Biglang nangasim ang panlasa niya na para bang ibig na niyang magsuka.
Gano'n na lang ang gulat niya ng makitang wala na siya sa tabi ni Arnold at nakahiga na lang siya sa mainit na sahig na walang sapin. Maalinsangan ang boung silid dahilan para maligo siya sa sarili niyang pawis at manuyot ang lalamunan sa sobrang uhaw. Dahan dahan siyang at tumayo at nagpalinga linga sa paligid. Agad niyang napagtanto na nasa isang pamilyar na silid siyang muli kung saan ay madalas niyang makita si Belinda.
Muling nanginig sa takot ang buong katawan ni isay ng makitang nasa harapan niyang muli si Belinda na lumuluha ng dugo. Matalim ang mga titig nito sa kanya na tila nangungusap. Nakaupo pa din ito ng tuwid sa silya ngunit ang kaibahan nga lang ngayon ay hindi na ito nakagapos sa barbwire ang mga kamay at bisig nito. Wala na din ang mga nakapulopot na kadena nito sa paa.
Bumilis ang kaba sa dib dib ni isay dahil halo's hindi kumukurap ang mga mata ni Belinda habang nakatitig sa kanya ng diretso. Tuluyan ng nangatog ang tuhod niya sa ng unti unting tumayo mula sa upuan si Belinda at dahan dahang humakbang palapit sa kinaroonan niya.
lukob man ng takot ang buong pagkatao ni isay ay pinilit niyang pa ding magpakatatag. Boung tapang niyang pinagmasdan ang dugoang babae na halo's kulay berde na ang buong katawan na inu-uod at punong puno ng sugat. Kulay pula na din ang puting damit na sout nito dahil sa mga mantsa ng dugong umaagos mula sa sugatang balat nito. Bukod doon ay napukaw ng atensiyon niya ang sout nitong kuwentas na may pendant sa gitna na desenyo ng mukha mismo ni Cinderella.
Kahit natatakot ay pinilit pakalmahin ni isay ang sarili. Bigla niyang naisip na baka ito na ang tamang oras para ito'y kausapin niya malaman na niya kung ano ba talaga ang gusto nitong iparating sa kanya. Dahil alam niyang matagal ng patay ang kaharap at dinoble niya ang tapang sa katawan. Nangangatal man ang labi niya at umurong ang dila niya dahil sa takot ay pinilit niya pa ding magsalita.
"B-Belinda ang pangalan mo? T-tama?" nanginginig na tanong ni isay..
Tumango lang ang babae bilang tugon.
"Ano ba talagang kailangan mo sa akin? Bakit ka nagpapakita sa panaginip ko? Matagal ka ng patay! Manahimik kana! "
"Kailangan ko ng katarungan isay! At kailangan mo ding malaman ang katotohanan tungkol sa akin at kung ano ang kauganayan ko sa'yo!"
Labis ang pagtataka niya kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman pero ng marinig niya ang boses ni Belinda ay para bang narinig niya ang sarili niyang boses. Pareho sila ng taas at pereho pa ng katawan at bukod pa do'n ay magaan ang loob niya dito.
" Anong katotohanan? Hindi kita maintindihan Belinda! "
" isay! Hindi mo ba ako talaga nararamdaman? Pakiramdaman mo ang lukso ng dugo mo! "
Umiling muna siya bago nagsalita. "S-sino K-kaba T-talaga Belinda?"
" Ako ang nawawala mong kapatid. Ako ang kakambal mo!"
Biglang namilog ang mata ni isay sa pagkabigla. Hindi siya makapaniwala sa rebelasyong isiniwalat nito
"K-kapatid ko? I-ikaw? Pero hindi kita kamukha!"
Tumango muna si Belinda at saka nagsalita. " Tama ka, hindi nga tayo magkamukha dahil pinalitan nila ang mukha ko. Pero ako talaga ang kapatid mong matagal mo ng pinapahanap, Sa panaginip kita kinakausap dahil ito lang paraan na alam ko. maniwala ka sana!"
" Pero_"
Hinawakan ni Belinda ang dalawahg kamay niya. " Mahirap ipaliwanag sa ngayon isay! Pero totoo ang sinasabi ko."
"Bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin ang lahat ng ito?"
"Matagal ko ng gustong sabihin ang bagay na ito sa iyo isay. Pero ngayon ka lang nagkaroon ng lakas ng loob para kausapin ako. Dati kada magpapakita ako sa'yo sa panaginip ay parati kang nauunahan ng takot, gusto kong magbigay ng babala sa'yo! Papatayin ka din niya!"
" S-sino ang papatay sa akin?
"Si Cindy! Siya ang nagpapalit ng mukha ko dahil na din sa kagustuhan niya at siya din ang tunay na pumatay sa akin," naiiyak na sabi ni Belinda.
"Sinong Cindy?"
Nagulat si isay ng biglang bumukas ang nakasarang pinto ng silid. Pagkatapos ay iniluwa nito ang isang pang babaeng sobrang pamilyar na din sa kanya. Gaya ng dati ay naka sout ito ng gown na nahahalintulad kay Cinderella. Mahaba ang kulay dilaw nitong buhok at may puting maskara din sa mukha. Dahan dahan itong humakbang papunta sa kinaroroonan nila ni Belinda at ng makalapit na ito sa dalawa ay unti unti nitong tinaggal ang piluka nito sa ulo at ang sout nitong maskara.
Halos's manghina ang tuhod ni isay sa natuklasan. Para bang hihimatayin siya at babagsak sa kinatatayuan ano mang sandali ng tuluyan ng lumantad sa harap niya ang totoong killer na nagkukubli bilang si Cinderella.
"A-Arnold? I-ikaw? Hindi ito totoo!" gimbal na sabi ni isay....
" Totoong hindi ako si Arnold! Dahil ako si Cinderella short for Cindy. " wika nito sa boses babae.
" Huwag mong patayin ang kapatid ko demonyo kang bakla ka! " sigaw ni Belinda.
Ngumisi ito na tila isang demonyo kay sabay dukot sa bulsa ng malaking kutsilyo at saka hindi nag dalawang isip nitong sinaksak siya sa puso.
"Aaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! " sigaw ni isay."