Biglang napabalikawas ng bangon si isay mula sa kanyang pagkakatulog. Hinihingal siya na halo's habulin niya ang kanyang hininga. Panandalian siyang napatingin sa kawalan. Hindi siya makapaniwala sa rebelasyong bumulaga sa kanyang panaginip na si Belinda pala ang nawawalang kakambal niya at si Arnold ang pumatay dito. Umusal siya ng dasal na sana'y hindi totoo ang napanaginipan.
Bigla siyang nagtaka ng mapansing wala sa tabi niya si Arnold. Binuksan niya ang lamp shade at saka tumayo. Kinuha niya muna ang robang nakasabit sa pader at saka niya ito isinuout upang matakpan ang puting nighties na sout. Pagkatapos ay pinusod niya ang buhok at saka nagpunta sa center table kung saan nakalagay ang baso at petsel na may lamang tubig. Dinampot niya ang isang baso saka nagsalin ng tubig mula sa petsel.
Matapos makainom ng tubig at mahimasmasan ay nagtungo siya sa banyo para tignan kung nandoon ang asawa. Ngunit laking pagtataka niya dahil wala din ito doon.
Kaya nag desisyon siyang lumabas ng silid para silipin sa sala kung nandoon ang asawa. Ngunit kahit anino nito ay wala din doon. Tuluyan na siyang bumaba mula sa ikalawang palapag ng bahay upang tignan sa hapagkainan, kusina, pati na din ang likod bahay. Nagbabaka-sakali siyang nandoon ang asawa at naliligo lang sa swimming pool. Ngunit bigo pa din siyang makita ito.
" Saan kaya nagpunta yo'n?" tanong niya sa sarili.
Hindi maintindihan ni isay pero bigla na lang bumundol ang malakas na kaba sa kanyang dib dib. Ramdam din siya ng pagkainit ng tainga at pangangapal ng pisngi dahil sa nerbyos. Muling siyang umakyat ng silid at pagka akyat niya ay dinampot niya kaagad ang kanyang cellphone.
Akmang tatawagan na sana niya ang asawa ng biglang napukaw ng atensiyon niya ang f*******:. Tila may utak ang mga daliri niya na kusang kumilos para buksan ang messenger at do'n ay nakita niya ang mga huling message ni Ella bago pa ito ma aksidente. May kasama din itong voice message at video. Nanginginig ang kamay niya habang binabasa ang mga message.
Tila natuklaw ng ahas si isay sa nadiskubre. Nag uunahang magbagsakan ang mga luha niya habang iniisa isang basahin ang mga message ng kaibigan.
"Girl mag ingat ka kay Arnold papatayin ka niya! May sakit siya sa utak, nagpapanggap lang pala siya!" ang mensahe ni Ella.
Pagkatapos niyang mabasa ang personal message ni Ella ay agad naman niyang pinidot ang voice message.
"Girl si Cindy at Arnold ay iisa, umalis kana diyan please......Mapapahamak ka!"
Ang lalong nagpagimbal kay isay ay ng i- play niya ang video. Tumambad sa kanya ang ang isang lalaking sunog ang kalahating mukha.
"Ako si Erros Galvez at ako ang magsasabi sa'yo ng katotohanan tungkol sa tunay na pagkatao ni Arnold. Isa siyang mamatay tao, alam ko at ako ang naging saksi sa lahat ng ginawa niya, dati niya akong boyfriend. May relasyon kame. Kahit ako ay muntik na niyang mapatay dati, nagkaroon kasi ako ng karelasyong babae at yo'n ay si Belinda na kapatid mo. Sa utos na din ni Arnold ay pinabago niya ang mukha ng kakambal mo at ako mismo ang nag opera sa mukha niya. Ng gabing sinabuyan niya ako ng asido sa mukha ay nagawa kung makalaban sa kanya. Kaya sinuwerte akong makatakas sa mga kamay niya at hindi natuloy ang pagpatay niya sa akin, isay mag ingat ka sa kanya, nagtataka ako ba't ka niya pinakasalan, noong araw ng kasal mo ay nandoon ako at gusto sana kita lapitan para balaan,
" kaso pinanghinaan ako ng loob, isa lang ang sigurado ko, hindi ka niya tunay na mahal, malamang may masama siyang plano sa'yo, siguro'y gusto ka din niyang patayin gaya ng ginawa niya kay Belinda, Oo, siya din ang pumatay sa kapatid mo at dahil nga magkakambal kayo ay gusto niya sigurong ituloy ang paghihiganti sa pamamagitan mo, lahat ng nangyayaring masama sa paligid mo ay siya mismo ang may kagagawan, malamang ang gusto niya ay takutin ka hangga't sa mabaliw ka! At saka ka niya papatayin, lahat ng sinasabi niya sa'yo ay puro kasinungalingan lang, pag napanood mo itong video na ito ay tumawag kana kaagad ng pulis, may isang maliit na kuwarto sa likod ng mansyon malapit sa may swimming pool. Ang kuwarto na yo'n ay may pintuan sa sahig na lagusan papuntang underground basement, nandoon nakatago lahat ng biktima ni Arnold, kasama na ang bangkay ni Belinda, mag ingat ka isang psychopath yang napakasalan mo! "
Pagkatapos niyang mapanood ang video ay isa isa niyang tinignan ang mga pictures na sinend ni Ella at dito niya nakita si Arnold na nakasout ng gown na kahawig na kahawig sa gown ni Cinderella. Ang ibang mga picture pa nga niya ay may pak pak na gaya ng sa diwata at ang iba naman ay may korona pa sa ulo.
Ang pinakahuling larawan na nakita niya ay isang babaeng sunog ang kalahating mukha at ang kalahati ay kakawangis niya. Walang duda na tama ang lahat ng sinabi Erros sa video. Si Belinda nga ang kapatid niya.
Nanlambot ang tuhod ni isay na naging dahilan para mawalan siya ng balanse at mapaupo sa sahig. Umiyak siya ng umiyak na para bang sasabog ang dib dib niya sa sama ng loob. Hindi niya lubos akalain na ang lalaking minahal at pinagkatiwalaan niya ng buong buo ay may lihim pa lang pagkatao. Sobrang galing nito magbalatkayo dahil kahit sa maiksing panahon na sila'y nagsasama ay hindi niya ito nakitaan ng kakaibang kilos.
Halo's maghilamos siya ng luha dahil sa mga natuklasan. Hinang hina na ang katawan niya dahil sa sama ng loob. Ang tungkol sa kanyang kapatid na si Belinda mga message, voicecall, video at mga picture ni Arnold na parang si Cinderella ay tumutugma sa kanyang panaginip at sagot sa lahat ng misteryong nangyari sa paligid niya. Sa kabila ng mga nalaman ay pinilit pa din niyang kumalma at magpakatatag para makapagisip ng mga dapat gawin. Kailangan niyang makalabas sa Hacienda para makahingi ng tulong sa kinauukulan.
Hindi na nag aksaya ng oras si isay agad niyang hinanap sa phone book ng cellphone ang emergency call. At ng makita niya ang police line ay agad na siyang tumawag. Nabuhayan siya ng loob ng marinig na nagriring ang number. Maya maya'y may sumagot na sa tawag niya.
"H-Hello..,.P-police department...Tulungan niyo po ako para n'yo ng awa..pumunta po kayo dito sa Hacienda Saavedra_"
"Hai......Your f*****g wish is my command...I'll be there soon....I'm Cinderella..he...he...he.." sagot sa kabilang linya na boses ng isang babae.
Tuluyan ng gumapang ang matinding takot sa boung pagkatao niya kasabay ng pangangatal ng kanyang labi at panginginig ng buong katawan sa narinig. Malakas ang kutob niya na si Arnold ang sumagot ng tawag niya at ang ibig sabihin lang nito ay alam na nito na alam na niya ang katotohanan at wala na siyang kawala.
Biglang napapikit si isay at umusal ng dasal para sa kanyang kaligtasan. Muli niyang ibinulsa ang cellphone na hawak. Kailangan niya itong ingatan upang maging matibay na ebidensiya laban kay Arnold. Mabilis siyang tumayo at humakbang papunta sa pintuan.
Ngunit gano'n na lang ang pagtataka niya dahil ng hawakan niya ang seradura ng pinto ay naka- lock ito at hindi na mabuksan.
"Arnold buksan mo itong pinto!" Halos's magiba na ang pinto sa malakas na paghampas ng kamay niya.
Maya maya'y gumalaw ang seradura ng pintuan. Marahang napaatras si isay ng dahan dahang ng bumukas ang pinto. At gano'n na lang ang pagkagulat niya ng tumambad sa harap niya si Arnold. Malumanay itong pumasok ng silid na para bang isang prinsesa.
Kakaiba ang itsura nito dahil sa sout nitong gown na katulad ng kay Cinderella. Kulay dilaw ang buhok nito na may korona sa ulo. Tila inilublub sa pulbos ang boung mukha nito dahil sa sobrang puti. Habang nagkulay pula naman ang labi nito dahil sa makapal na lipstick.
"A-Arnold?!"
"Arnold? Sa ganda kung ito! Anyway....Hindi ako ang asawa mo, ako si Cinderella short for Cindy!" sabi nito na bahagyang ibinaluktot ang tuhod bilang pagbibigay pugay.
Namilog ang mata ni isay dahil ang boses lalaking si Arnold ay biglang naging boses babae. Pilit niyang nilalaban ang takot. Hindi siya pwedeng magpatalo sa sindak. Muli siyang nagsalita.
"N-nasaan si Arnold?"
"Nandito lang siya sa sulok ng isip ko." tinuro ni Arnold ang sentido." Ako muna ang haharap sa'yo, Alam mo kung bakit? Kasi, kating kati na akong karnehin ka gaya ng ginawa ko sa kapatid mong ahas."
Unti unting humakbang palapit si Arnold kay isay habang ang babae naman ay humahakbang pa atras upang itoy maiwasan.
"A-Arnold H-huwag M-mong gawin sa akin ito!"
"Sabi ng hindi ako si Arnold!" Isang malakas na sampal ang agad na dumapo sa mukha ni isay.
Bigla siyang napahandusay sa sahig malapit sa center table. Pakiramdam niya'y humiwala'y ang ulo niya sa katawan sa lakas ng pagkakasampal ni Cindy sa kanyang pisngi. Kahit nahihirapan ay pinilit pa din niyang tumayo. Napakapit siya sa center table ng walang ano ano'y nahagip ng mata niya ang babasaging petsel na nakapatong dito. Mabilis siyang nakapagisip ng dapat gagawin. Nag ipon siya ng tapang at lakas ng loob.
Huminga muna siya ng malalim spagkatapos ay gamit ang kanang kamay ay mabilis niyang hinawakan ang handle ng petsel at akamang ipapalo sa ulo ni Cindy. Ngunit bago pa man dumapo ito sa ulo ng killer ay mabilis na nitong nasalag ang kamay niya at saka boung lakas na pinilipit nito na naging dahilan para mabitawan niya ang pitsel na hawak.
" aaaaaaaaaahhhhhhhhh! " sigaw ni isay na halo's mamilipit sa sobrang sakit.
" Alam mo! Iniisip mo pa lang ay naunahan na kita, alam ko ang takbo ng utak mo! Ano ba tingin mo sarili mo? Kaya mo ako?" nakangising sabi ni Cindy.
Halo's mamatay si isay sa sobrang sakit na parang madudurog ang kamay niya sa higpit ng pagkakahawak ni Cindy dito. Pero hindi siya pwedeng magpatalo. Kaya muli siyang nag ipon ng lakas. Bumuwelo muna siya at saka buong lakas niyang sinipa sa maselang bahagi ng katawan si Cindy. Dahil dito ay nabitawan siya ng killer.
"Baliw ka! Loko loko!" bulyaw ni isay.
"Aaaaaaahhhhhhhhhhh!" sigaw ni Cindy habang nakahandusay sa sahig na namimilipt sa sakit. Sapo sapo nito ang maselang bahagi ng katawan habang pilit na tumatayo.
Kinuha muna ni isay ang susi ng silid na nakapatong sa drower bago kumaripas ng takbo palabas. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ng biglang nahawakan ni Cindy ang isang paa niya na naging dahilan ng pagkatalisod niya at pagkabagsak sa sahig. Puwersahan siyang binuhat ng killer at inihiga sa kama. Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya at inupuan siya sa tiyan sabay hawak sa dalawang bisig niya ng pataas.
"Bitawan mo ako! Demonyo kaahhhh!!!" sabi ni isay habang nagpupumiglas.
"Prinsesa ako! At hindi demonyo, maldita kaa!!" Pinagsasampal ni Cindy ang mukha niya ng paulit ulit.
Habang nakahiga si Isai at tinatanggap ang mga sampal ni Cindy ay pilit niyang ikinilos ang isang paa pagkatapos ay boung lakas niya itong tinadyakan sa tiyan na mabilis nitong ikinabulagta sa sahig. Dali dali siyang bumangon at kumaripas ng takbo papunta sa pinto. Ngunit mabilis din na nakatayo Cindy at agad siyang sinabunutan at kinaladkad pabalik sa kama.
"Aaàaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!" sigaw ni isay..
Nang makahiga siya sa kama ay nahagip ng mata niya ang isang maliit na gunting na nakapatong sa maliit na lamesa na nasa gilid ng kama. Agad niya itong kinuha at mabilis na itinarak sa kanang bahagi ng dib dib ni Cindy. Bumaon ito ng malalim na nakapagdulot ng sobrang kirot at panghihina dito.
"Aaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!" sigaw ni Cindy habang dahan dahang binubunot ang gunting.
Muling tumayo si isay at kumaripas ng takbo palabas ng silid. Pagkalabas niya ay mabilis niyang ni-lock ng pinto at saka muling kumaripas ng takbo. Habang tumatakbo siya ay biglang niyang nasalubong si Nanay Salome na may hawak na arenola. Halata sa mukha nito ang pagtataka sa mga nangyayari.
"Anong nangyayari sa'yo isay?" tanong ni Nanay Salome.
"Hayaan niyo akong makalabas! Mga baliw kayong lahat dito!"
"Ano bang pinagsasabi mo?"
Nagulat siya ng bumukas ang pintuan ng isang silid at lumabas ang isa pang babae na naka-gown din na gaya ng kay Cinderella. May sout din itong puting maskara sa mukha at may hawak na kutisilyo. Bigla itong tumakbo papunta kay Nanay Salome at at saka walang awa nitong pinagsasaksak ng paulit ulit ang likod ng pobreng matanda.
"Aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!" sigaw ni isay.
Bumagsak sa sahig ang duguang si Nanay Salome. Nagkalat sa sahig ang malansang dugong sumisirit sa katawan nito. Nangisay ito at binawian na ng buhay. Pagkatapos ay saka nagtanggal ng maskara ang isa pang killer bago nagpakikilala kay isay.
"D-Didith?!"
" Ako nga isay!
Mabilis ang sumunod na pangyayari. Inangat ni Didith ang kutsilyong hawak saka iwinasiwas kay isay. Ngunit alisto siya na nagawang ilagan ito kaagad. Mabilis niyang nahawakan ang bisig ni Didith. Nag pambuno ng lakas ang dalawang Babae. Malakas si Didith. Bagay na hindi niya inasahan kaya ibinigay din niya ang lahat ng lakas para matalo ito.
Hanggang sa makakuha ng tiyempo si isay at buong lakas niyang sinipa ang harap na bahagi ng tuhod si Didith. Agad itong napasalampak sa sahig. Hindi pa siya nakuntento dahil tinapakan niya pa ang paa nito. Halo's mimilipit sa sakit ang babae at hindi na nakatayo pa.
Muling siyang kumaripas ng takbo papunta sa direksiyon ng hagdanan. Dahil sa pinagsamang takot at pagkataranta ay hindi niya naiwasan ang hindi ma- out of balance na naging dahilan para matapilok ang isang paa niya sa baitang ng hagdan.
Nagpa gulong gulong si isay pababa sa unang palapag ng bahay. Tumama sa sahig ang kaliwang sentido niya. Sa isang iglap ay biglang nagdilim ang lahat sa kanya......
********************************
Umiikot pa ang paningin ni isay ng muli niyang imulat ang mga mata. Tagaktak ang pawis sa kanyang noo kasama ang dugong nagmumula sa makirot niyang sintido. Masakit ang buong katawan niya lalong lalo na ang dalawang paa niya dahil sa pagkakahulog niya sa hagdanan kanina habang siya'y tumatakbo.
Ngunit ang lalong nagpapahirap sa kanya ay ang sitwasyon niya ngayon. Dahil nakagapos sa barbwire ang dalawang bisig niya habang siya'y nakadipa. Habang napupuluputan naman ng matatabang kadenang kalawangin ang dalawang paa niya.
Doubleng kalbaryo ang nararanasan ni isay dahil sa amoy mabaho na tila na aagnas na bangkay. Sumusuot hanggang sa pinakadulo ng ilong niya ang nakakasukang amoy. Kahit nahihirapan ay pinilit niyang ikilos ang ulo at ikurap kurap ang mga mata upang kahit papano'y mahimasmasan ang utak niya. Nagpalinga linga siya at mabilis na rumehistro sa utak niya ang isang pamilyar na silid.
Bumilis ang kaba sa dib dib niya ng mapagtanto niya na ang silid kung na saan man siya ngayon ay ang eksaktong silid sa kanyang panaginip. Dahil sa tulong ng dim light na nakasabit sa kisame ay nakikita niya ang nakakakilabot na itsura ng silid. Puro may talsik ng dugo ang bawat pader ng silid. Ngunit isang tanawin ang tuluyan ng nagbigay ng takot sa kanya. Pakiramdam niya'y tatakasan na siya ng katinuan sa nakikita.
Parang babaliktad ang sikmura niya dahil tumambad sa harap niya ang nakaupong bangkay ni Belinda at nasa kandungan nito ang sarili nitong ulo. Halos's kita na ang bungo nito. Naagnas na din ang kalahating katawan nito.
Alam niyang si Belinda ito dahil sa sout nitong puting damit at sout nito sa leeg ang kuwentas na may pendant na mukha ni Cinderella. Katabi nito na nakaupo din ang mga dugoan at naagnas ng mga bangkay nina Mang Dante, Roy, Hazel, Ma'am Emma, at Nanay Salome.
Hindi na napigilan ni isay ang magsuka sa mga nakita. Hinayaan niyang ilabas lahat ng kinain hanggang sa wala na siyang mailabas. Bigla siyang napahagolgol ng iyak kasabay ng pag usal ng dasal na sana'y makaligtas sa miserableng kalagayan niya ngayon. Lukob ng matinding kilabot ang buong pagkatao niya dahil alam niyang hindi na siya nanaginip at totoong totoo na ang lahat ng nararamdaman at nakikita niya.
Labis na awa ang nararamdaman ni isay sa kapatid. Gusto niyang yakapin ang katawan ito kahit ito'y naagnas na. Hindi niya inaasahan na sa ganitong sitwasyon niya muling itong makikita. Pinaikot ikot lang pala siya ni Arnold tungkol sa kanyang kapatid na ang totoo ay ito din pala ang pumatay dito.
Kailangan niyang mabuhay para mabigyan ng hustisya ang kamatayan ng kapatid at ang lahat ng naging biktima ni Arnold o Cindy. Sinubukan niyang magpumiglas para makakalas sa pagkakagapos. Ngunit lalo lang bumabaon sa bisig niya ang mga tinik ng barbwire dahilan para lalong itong magdugo.
Maya maya'y unti unting bumubukas ang nakapinid na pinto at iniluwa nito si Arnold o Cindy. Naninigarilyo ito gamit ang kaliwang kamay. Alam ni isay na kanang kamay ang ginagamit ng asawa at hindi ito naninigarilyo. Kaya naisip niya na hindi ito si Arnold kundi si Cindy.
" Gising kana pala! Nandito sa harap mo ngayon ang lahat ng taong naging bahagi ng magandang palabas na ito!" nakangising sambit ni Arnold. sabay upo sa harap niya.
" A-Arnold please! I-itigil mo na ito, maawa ka naman sa akin! " nagmamakaawang sabi ni isay.
" Isang banggit mo pa ng pangalan ni Arnold, tatapyasin ko yang dila mo!"
Pinilit niyang pakalmahin ang sarili bago nag salita. " Cindy, tama!"
"Yes!"
"Bakit mo ito ginawa?"
"Ganti, gusto kung maghiganti sa kapatid mong ahas. Kay Don Roman at sa mga taong umabuso kay Arnold at syempre sa'yo!"
" Mahal ako ni Arnold at mahal ko din siya! Alam kong ayaw niya akong masaktan, mabuti siyang tao."
" Owsss....Sure ka? Bata pa lang si Arnold ay kameng dalawa na ang magkakampi. Mas kilala niya ako kumpara sa'yo!"
" Hindi kita maintindihan."
"Okay! Tutal naman eh, mamatay kana mamaya! Kaya ikukuwento ko na sa'yo ang lahat lahat, makinig ka okay!"
Kahit na nasa mahirap na sitwasyon si isay ay pinilit niya pading pakalmahin ang isip upang maintindihan ang lahat ng ikukuwento ni Cindy.
" Once upon a time there is a little girl name Cindy living in the Saavedra palace," panimulang kuwento ni Cindy na pumikit pa para muling sariwain sa alaala ang mapait na nakaraan...