ATARAH SAMPUNG MILYON KAPALIT NG pagiging personal dancer niya? Sunod-sunod akong napailing habang naglalakad bitbit ang mga gamit ko pang-linis papunta sa opisina ng boss kong si Damon De Mevius. Kailangan ko kasing kumpirmahin sa kaniya kung seryoso ba siya sa sinabi niya sa akin nang nakaraang araw o eme-eme niya lang ‘yon? At kung totoo man ang kaniyang sinabi ay hanggang kailan ako sasayaw? Hanggang uugod-ugod na ako? Nang huminto ako sa harapan ng pinto ni Sir Damon ay agad akong sinalakay ng kaba kaya naman dali-dali na akong kumatok. Walang sumasagot kaya nagpasya akong bahagyang buksan ang pinto para sumilip sa loob. “Sir Damon? Yuhoo! Everybody here?” pa-english-english kong sabi. Dahil walang sumasagot ay tuluyan na akong pumasok sa loob at naupo sa maliit niyang tila sa

