ATARAH HINDI KO ALAM kung bakit tila nagbago ang ekspresyon ni Tiyo habang nakatitig kay Damon na kaharap na nito. Pinaghalong pagtataka at takot ang nakarehistro sa mukha nito dahilan para magsalubong ang aking kilay. Lumikot din ang tingin nito na para bang iniiwasan na makatagpo ang mga mata ni Damon na matamang nakatitig lamang sa kaniya. “How much do you need?” tanong ni Damon kay Tiyo na ikinalaki ng mga mata ko. Naglabas na rin ito ng cheke saka ballpen. Hala? Seryoso ba siya sa gagawin niya? Ganoon na lang ba kadali sa tulad niyang maglabas ng pera? “Sir Damon, hindi mo kailang gawin iyan—“ “Money can buy anything, Atarah,” anito na hindi inaalis ang tingin kay Tiyo na napangisi. “Sampung milyon! Bigyan mo ako ng sampung milyon at lulubayan ko na ang magkapatid na ‘yan,” w

