Natapos na kami sa pagkain at tinignan ko ang aking orasan, at ilang minuto nalang ay magsisimula na ang klase.
"Lumiere halika na, magi-istart na yung klase" sabi ko sakanya as I hold her wrist and get up.
"Are you not coming, Xamier?" tanong ko kasi nakaupo lang siya doon.
"Oo nga pala, sige bye senyo" sabi niya habang lumakad palayo samin sa ibang direksyon. "Teka, saan ka pupunta? Magii-skip ka ng klase?" tanong ko.
"I can do whatever I want. And like what I said I'm not in the mood to see Almer, kaya bumalik na kayong dalawa at may dadalawin pa ako" sabi niya at lumakad palayo. Sino naman ang dadalawin niya sa isang squater area?
My eyebrows furrowed, siguro mapapaaway siya with his g**g, pero since diko pa naririnig na nakikipagaway sya I just shrugged that thought at pumunta na kaming dalawa sa aming klase.
.
.
It's our last subject na, and I'm itching to leave and lay at my bed na. Pero parang mag-announce si ma'am ng something.
"Okay class, I encourage you to pick your choosen clubs right now" biglang sabi ng teacher namin, si Ma'am nga pala ang presidente ng mga clubs, siguro nawawalan na sila ng mga club members.
Tumabi naman si Lumiere sa akin, "Ikaw Morgan, anong club papasukan mo?" excited na tanong sakin ni Lumiere.
"Diko alam, I've never been interested in joining a club since day one" ani ko sakanya.
"Then it's your time para magpick ng sarili mong club ngayon" nanliit naman ang aking mga mata dahil dito.
"Sige ba, pipili nalang ako pagdating sa bahay" sabi ko at tumingin sa loob ng bag ko at hinanap ang cellphone ko, kinapa ko pero wala talaga sa bag ko.
"Hala! Nawawala yung cellphone ko!" kinakabahan kong sabi habang nagulat naman si Lumiere.
"Hala, baka naiwan modun sa carenderia"
"Hindi, diko naman nilabas kanina yun eh" sabi ko habang inaalala ang mga nangyari simula noong maga. At naalala kong naiwan ko pala sa higaan ko yung cellphone ko.
I sighed at kumalma ako, "Nasa bahay ko lang pala naiwan" sabi ko as Lumiere sighed in relief.
"Bakit ba kasi makakalimutin kana? Ambata-bata mo palang eh"
"Well, I'm sorry? Makakalimutin kasi yung lahi ko" ani ko at tumahimik nalang kami.
.
.
Natapos ang klase at lumabas na kami ng gate, nagpaalam na sakin si Lumiere at umalis na kasama sundo niya. Habang hinihintay ko naman si manong Jeff para sunduin ako.
At bigla kong nakita ang black van nila Xamier at lumabas sya mula dito at lumapit papunta sakin.
"Wow naman, ang lakas ng guts mo na pagkatapos kang magskip class susunduin moko dito, sa front gate pa ng school" ani ko nang may sarkasmong tono.
"Magaaral din naman ako dito, which means I can cross here whenever I like" sabi niya na kinainis ko.
"Pumasok kana sa van, di dadating ang sundo mo" sabi niya habang tinuturo yung van.
"Oo na, kakabanas ka talaga no?" bulong ko habang pumasok sa van at sinara ito.
.
.
"Sino nga pala binisita mo doon?" tanong ko para masira ang nakakabinging katahimikan sa loob ng van.
"I think that's none of your business..." ani niya as I just shrugged at sumandal sa upuan.
"Yeah, for a second thought I didn't care anyway" I said and I heard him hissed.
.
.
Binaba niya ako sa harapan ng mansyon namin. "Sige magiingat ka nalang" ani ko habang binuksan ang pintuan at sumulpot si mommy.
"Ah! Morgan sweetie come in we have a guess" sabi ni mama, we have a guest? Again? What's wrong with the passing days this week?
Tumingin ako sa likuran pero umalis na pala yung van ni Xamier.
"Halika na para makita mo sila!" ani ni mommy at hinatak ako papuntang kusina at nakita kong may kinakausap si daddy sa hapag kainan.
Hinatak ako ni mommy papuntang kusina at nasulayapan ang dalawang lalaking magkamukha, parehas silang may malalaking kayumangging mata, blonde na buhok at medyo mapulang labi at parang pamilyar sa akin.
Tumingin sila sakin at sinabing "Morgan!" sigaw nila at niyakap ako, hindi ko naman alam ang irereact dahil hindi ko sila masyadong mamukaan.
"Bakit parang hindi mo sila makilala Morgan, sila yung twin mong pinsan mula kila Aunt Rhine" ani ni mama at inisip ko itong mabuti.
Teka, Aunt Rhine? Twins? Iisang twins lang ang kilala ko kila Aunty....Teka sila ba si-
"Teka, Adrian?! Tsaka Andrew?!" gulat kong ani habang nginitian nila akong dalawa.
"Buti narecognize mo kami" ani ni Adrian habang kunwaring nagpa-pout.
"Kala ko nakalimutan mo na kami eh" ani naman ni Andrew.
Tumingin ako kay mama at tinitigan siya na parang sinasabing 'Ma, what the f**k is this? What's happening?' face.
"Ah! Nga pala, ang Cassius family pala ay magii-stay muna dito sa Pilipinas para matapos ang year nila Adrian at Andrew" nanlaki naman ang aking mga mata.
"And also, magaaral din sila school mo, sweetie" mas lalo akong nagulat sa news na ito, why is this kind of day keeps going?!.....