Chapter 3

1023 Words
Noong tulog na ang mga magulang ni Linea ay nag-ayos na siya ng kanyang gamit. Kahit hindi siya sigurado kung tama ang desisyon niya ay pinili pa rin niya na sumama sa kasintahan niyang si Luis. Hatinggabi noon, tahimik siyang nag-impake para makaalis na. Bago siya umalis ay nagsulat muna siya ng liham sa kanyang mga magulang. Inayos ni Linea ang liham. Nilagay niya ito sa lamesa sa labas ng kwarto niya. Dahan-dahan siyang naglakad pero sa kasamaang palad ay nagising ang nanay niya. Noong magtagpo ang mga mata nila ay kabado si Linea dahil mukhang hindi na matutuloy ang pagsama niya kay Luis. “Anak, anong ginagawa mo dyan? Bakit gising ka pa?” bulong na tanong ng nanay ni Linea sa kanya. “Inay, alam niyo naman po na mahal na mahal ko kayo hindi ba? Kahit ano pong mangyari, ako pa rin po ang bunso niyo ni itay,” sabi ni Linea, lalo tuloy naguluhan ang nanay niya dahil sa sinagot niya roon sa tanong. “Ano ka ba anak? Bakit ganyan naman ang mga sinasabi mo sa akin? Ayos ka lang ba? May nangyari ba kanina na hindi ko alam?” nag-aalalang tanong na ng nanay ni Linea sa kanya. “Inay, naka-suporta ka naman po sa gusto ko hindi ba? Hindi niyo naman po ako siguro pagbabawalan kung iba ang gusto kong tahakin sa buhay?” sagot ni Linea na lalong nagpagulo sa nanay niya. “Oo naman anak, lagi lang naman akong naka-suporta sa iyo at alam kong alam mo iyan. Ano ba kasi ang problema mo, anak?” may pag-alalang tanong nito sa anak. “Inay, tatapatin ko na po kayo ha? Aalis na po kami ni Luis. Magsasama na po kaming dalawa at titira na sa Maynila,” sagot ni Linea, wala na siyang pakialam kung magalit sa kanya ang nanay niya. “Anak, gagaya ka rin sa Kuya Leo mo? Aalis ka rin?” may lungkot sa tanong ng nanay ni Linea. “O-Opo, alam ko pong iyon ang tingin niyo sa akin ngayon. Ang parehas kami ni Kuya Leo, pero sasabihin kop o sa inyo na mag-kaiba kaming dalawa. Dahil babalik at babalik po ako dito. Hindi ko po kayo iiwan basta,” ang tono ni Linea ngayon ay oara bang nahingi ng pag-asa sa nanay niya. Pag-asa n asana ay maka-alis na siya dito. “P-Paano ang tatay mo? Ano na lang ang sasabihin ko kapag nagising iyon bukas? H-Hindi ko naman kayang magsinungaling sa tatay mo. Alam mo iyan, anak.” Doon na unti-unting nawalan ng pag-asa si Linea na papayagan pa siya ng nanay niyang makalabas ng bahay nila. Napuno na lang ng lungkot ang puso niya, ni hindi niya alam ang gagawin dahil nakahanda na siyang umalis. Alam din niya na naghihintay na ngayon si Luis sa tagpuan nila. Paano na? “Inay, parang awa niyo na po. Hayaan niyo na po akong maging masaya sa piling ni Luis. Hindi ko po kakayanin na hindi siya ang kasama ko sa buhay,” pagmamakaawa na ni Linea sa kanyang ina. “Bakit anak? Hindi ba pwedeng dito na lang kayo manirahan sa atin? Pwede naman sigurong hindi na kayo makipagsapalaran pa sa Maynila, hindi ba? Alam mo naman na magagalit ang tatay mo sa gagawin niyong iyan,” pagmamakaawa rin ng nanay ni Linea. “Nay, gustuhin ko man po na dito kami manirahan sa atin ay ayaw naman po ni tatay kay Luis. Wala rin po akong magagawa roon,” sagot ni Linea. Halos isang minuto rin na natahimik ang dalawa. Pagkatapos noon ay nagsalita na ang nanay ni Linea. “Anak, magiging masaya ka ba kung iyan ang magiging desisyon mo?” tanong ng nanay ni Linea sa kanya. Para bang may pag-asa pang makaalis siya roon sa kanila. “O-Opo, ‘nay. Ito po ang desisyon ko. Masaya po ako kung makakapiling ko po si Luis na walang humahadlang sa aming dalawa,” nakangiti si Linea, may luha na rin ang kanyang mga mata. “S-Sige, pinapalaya na kita anak. Wala man akong kasiguraduhan na babalik ka ay palalayain na kita. Tama ka, hindi ko rin naman kakatanin na makita kang nakakulong dito. Alam ko rin naman na hindi mo mahal si Sir Paul Menario, kaya makakaalis ka na. Mag-iingat ka anak ko, mahal na mahal ka ni Nanay ha?” naiiyak na rin ang nanay ni Linea. Lumapit ito sa dalaga para yakapin. “S-Salamat po, inay. Kayo na po ang bahalang magpaliwanag kay tatay. Alam ko pong magagalit siya sa inyo pero salamat pa rin po at handa kayong saluhin iyon para sa akin. Mahal na mahal kop o kayo, nay. Mag-iingat po kayo ni tatay dito,” naiiyak na si Linea. “Sige na, anak. Umalis ka na at baka magising pa ang tatay mo. Mamaya niyan ay hindi ka pa tuluyang makaalis,” sabi ng nanay ni Linea. Nagmabilis na siyang mag-ayos ng gamit at sa huling pagkakataon ay tumingin siya sa kanyang ina. “Mag-iingat ka roon anak, mahal na mahal kita,” bulong ng nanay ni Linea. “Mahal na mahal rin kita ‘nay. Maraming salamat at pasensya na po talaga sa nagawa ko,” sagot naman ni Linea na pabulong rin. Pagkatapos noon ay lumabas na siya sa bahay nila. Noong ginawa niya iyon, may parang tinik na nawala sa kanyang dibdib. Sa wakas, malaya na siyang ibigin si Luis. Ang lalaking laman talaga ng isip at puso niya. Akala niya kasi kanina, hindi na iyon matutupad dahil nakita siya ng nanay niya. Nagkita na sina Linea at Luis sa tagpuan. Sobrang saya ni Luis na siya ang pinili ni Linea. Pinangako nito sa kanyang sarili na gagawin niya ang lahat para sa dalaga. Para na rin may mukha siyang ihaharap sa magulang nito kapag bumalik na sila sa barrio nila. "Ang saya ko dahil nandito ka na. Akala ko ay nahuli ka ng pamilya mo at hindi ka na nila pinayagan. Akala ko, mawawala ka na sa akin," sabi ni Luis. "Hindi, kahit kailan ay hindi na ako mawawala sa iyo. Pangako ko iyan," sagot naman ni Linea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD