At dumating na nga ang araw ng kasal ni Glory at Sir Paul Menario. Kabadong-kabado ang dalaga sa mga pwedeng mangyari. Gusto man niyang umatras ay hindi na pwede. Ikakamatay pa nila iyon ng kanyang ama.
Kumalma na lang siya at kinausap ang sarili habang nakaharap sa salamin. Kita ang namumuong luha sa mata niya. Pinunasan niya ito at saka nagsalita.
‘’Glory, pasensya ka na kung ito ang buhay na pinili ko para sa iyo. Ang dami kasing problema. Ito lang ang nakikita kong paraan para matapos ang mga problemang iyon. Pasensya ka na talaga. Hayaan mo, magiging masaya ka rin balang araw.’’
Habang kinakausap ang kanyang sarili ay biglang pumasok si Beth sa kwarto. Naiiyak siya habang papalapit siya kay Glory. Nagulat si Glory sa pagdating ni Beth. Sa sobrang gulat niya, napayakap na lang siya sa matanda.
‘’O-Okay lang, okay lang iyan. Matatapos din ang problema natin, ha? Pasensya ka na talaga kung nangyari ito. Huwag kang mag-alala, gagawa tayo ng paraan para hindi magtagal itong problema natin,’’ sabiu ni Beth kay Glory, lalo tuloy umiyak si Glory sa kanya.
‘’S-Salamat po, Tiya Beth. Ayaw ko po talaga na ikasal kay Sir Paul pero parang kailangan po talaga dahil mas madami ang mapapahamak kapag hindi ko ito ginawa,’’ iyak pa rin nang iyak si Glory.
‘’Pasensya ka na talaga sa asawa ko. Ayaw din naman niya sigurong gawin ito pero wala na siyang magawa dahil iyon na lang ang pwedeng gawin,’’ sabi ni Beth.
‘’Ah, ayos lang naman po iyon. Naiintindihan ko po si Mang Isidro. Huwag niyo po siyang sisihin dahil ginusto ko rin po itong desisyon ko. Para kay Itay at Linea kaya ko gagawin ito,’’ sabi ni Glory.
Habang nag-uusap sila ay nabigla na lang si Glory dahil pumasok ang kanyang Itay Ferdie. Para bang nagmamadali ito. Agad na tinanong ni Glory kung ano ang problema ng kanyang ama.
‘’Oh, itay. Anong meron? Bakit ka po nagmamadaling pumunta rito? May problema po ba?’’ nagtataka na si Glory nang itanong niya iyon.
Pati si Beth ay hindi na rin mapakali. Alam niyang may mali. May mangyayaring hindi maganda sa kasal ni Glory kaya tinanong agad niya ang kumapre kung anong balak nito.
‘’Itatakas kita, anak ko. Hindi ko kayang makita na ikasal ka roon sa lalaking iyon. Hindi ako papayag! Mamamatay muna ako bago ka makasal sa mayaman na iyon!’’ sigaw ni Ferdie sa kanyang anak.
‘’Aba, itay. Delikado naman po ang gusto niyong mangyari. Alam niyo pong hindi ganoon kadali kalaban si Sir Paul Menario. Hindi naman ako papayag na may mangyari sa inyo dahil lang sa ayaw niyong ipakasal ako kay Sir Paul Menario,’’ pagtutol ni Glory sa kanyang ama.
‘’Anak, ibigay mo na sa akin ito. Iligtas mo ang sarili mo. Parang awa mo na. May oras pa tayo para baguhin ang lahat. Gawin na natin ito,’’ pagmamakaawa na ni Ferdie sa kanyan anak.
‘’Itay, huwag na po- hindi na natapos ni Glory ang kanyang sasabihin dahil pinilit siyang kunin ni Ferdie.
Habul-habol tuloy siya ni Beth. Hindi malaman noong matanda kung ano ang gagawin. Oras kasi na humingi siya ng tulong ay malalaman ng mga tauhan ni Sir Paul Menario ang balak ni Ferdie.
‘’Ferdie, diyos ko po! Huwag mo na gawin ito. May iba pa namang paraan. Nahihirapan ang anak mo!’’ sigaw ni Beth, buti na lang at wala pang nakakarinig sa kanya.
‘’Beth, alam ko ang ginagawa ko sa anak ko. Kung ayaw mo nito ay pwede ka namang umalis. Huwag mo na lang sabihin kahit kanino ang mga nangyari,’’ sagot ni Ferdie.
Takbo sila nang takbo hanggang sa narinig nila na may nasunod sa kanila. Nang lumingon sila ay nagulat sila dahil si Sir Paul Menario iyon kasama si Isidro.
‘’Iyon po, tatakas sila! Beth! Pigilan mo si Ferdie na tumakas!’’ sigaw ni Isidro.
‘’Tumigil kayo! Hindi na kayo maaaring tumakas!’’ sigaw naman ni Sir Paul Menario.
Nagulat na lang si isidro nang biglang may putok ng baril siyang narinig. Pagkatingin niya ay binaril na pala ni Sir Paul Menario si Ferdie. Dalawang beses itong ginawa ni Sir Paul. Natamaan tuloy si Ferdie sa likod at sa binti.
Agad na tumakbo si Isidro papunta kay Beth dahil baka natamaan ito ng ligaw nab ala. Niyakap niya ang asawa. Iyak siya nang iyak.
‘’Ayos ka lang ba? Natamaan ka ba ng bala? Sabihin mo sa akin,’’ pag-aalalang tanong ni Isidro sa asawa.
‘’H-Hindi. Hindi ako ang natamaan. Si Ferdie,’’ mahinang sagot ni Beth sa kanyang asawa.
Pagtingin ni Isidro kay Ferdie ay may tama nga ito ng bala. Yakap-yakap siya ng anak na si Glory. Iyak nang iyak ang dalaga.
‘’Itay, sabi ko naman po sa inyo di ba? Huwag na po tayong lumaban sa kanila. Itay naman, tulong!’’ sigaw ni Glory.
‘’Pasensya ka na anak, hindi ako nakinig sa iyo. Gusto ko lang naman maitakas ka dahil hindi maganda itong mangyayari sa iyo. Gusto ko na may kinabukasan ka para sa sarili mo,’’ sabi ni Ferdie, ngayon ay naluha na siya habang nakatingin sa anak na si Glory.
‘’Itay, kumapit ka. Hindi ka pwedeng mawala, ha? Tulong! Tulungan niyo kami!’’ sigaw pa rin ni Glory.
‘’Anak, huwag mo nang ilaban pa. Ayos na sa akin kung ito ang magiging kapalaran ko. Isa pa, kasalanan ko naman ito kaya dapat lang na pagdusahan ko kung ano man ang kalalabasan ng mga ginawa ko,’’ sabi ni Ferdie, nakahawak na siya ngayon sa mukha ng kanyang anak.
‘’Itay, hindi! Hindi ko hahayaan na mawala ka. Itay!’’ sabi pa uli ni Glory.
Sa huling pagkakataon ay tumingin si Ferdie sa kanyang anak. Unti-unti nitong sinara ang kanyang mga mata. Doon na umiyak nang todo si Glory dahil alam niyang wala na ang kanyang ama.
‘’Itay! Diyos ko po! Bakit naman po ang tatay ko pa ang kinuha Niyo! Ako na lang po!’’ sigaw ni Glory.
Todo ang kanyang pag-iyak. Sinisi tuloy niya ang kanyang sarili at si Linea dahil kung hindi naman dahil sa kaibigan niya ay hindi ito mangyayari sa kanila.
Sisingilin din kita, Linea. Dahil sa ginawa mong ito ay nawala ang tatay ko. Lahat ay gagawin ko para magbayad ka! Sana ay hindi na kita naging kaibigan kahit kailan!