Chapter 17

1026 Words
Chapter 17 Habang naiyak si Linea ay bigla na lang nagbukas ang pinto ng kanilang apartment. Pumasok si Luis doon at nang makita niya si Linea na naiyak ay pinuntahan agad niya. Sa sobrang pag-aalala niya ay nabagsak niya halos lahat ng kanyang dala na gamit. ‘’Mahal ko, anong nangyari? Bakit ka naiyak?’’ tanong ni Luis sa kanyang nobya. ‘’S-Si Glory. Galit siya sa akin ngayon. Kasalanan ko ang lahat ng nangyayari sa kanya,’’ naiyak pa rin si Linea ngayon. ‘’Ha? Nakausap mo si Glory? Paano? Pumunta ba siya rito sa Maynila?’’ hindi pa rin maintindihan ni Luis kung anong sinasabi ng kanyang nobya. ‘’Hindi, tumawag siya. Alam niya kung nasaan na tayo. A-Asawa na siya ngayon ni Sir Paul Menario,’’ takot na pahayag ni Linea at kinagulat naman iyon ni Luis. ‘’Si Sir Paul Menario? Ýong lalaking ikakasal dapat sa iyo? Iyon ýon, di ba?’’ tanong ni Luis. ‘’Oo. Siya nga. Si Glory ang pinakasalan niya dahil umalis ako sa probinsya namin. Ngayon, dahil sa ganoon ang nangyari ay namatay ang Itay Ferdie ni Glory. Sinisisi niya ako sa nangyari,’’ sabi ni Linea. ‘’Ha? Bakit ka naman niya sisisihin kung hindi naman ikaw ang may kasalanan? Si Sir Paul Menario ang dapat niyang sisihin doon,’’ sagot ni Luis. ‘’Syempre, kung hindi ako sumama sa iyo eh hindi mamamatay ang tatay niya. Ako talaga ang dapat sisihin kung bakit nawala si Itay Ferdie,’’ naiyak na sagot ni Linea. ‘’Ibigsabihin ba noon ay nagsisisi ka na sumama ka sa akin?’’ biglang tanong ni Luis, para bang nadurog ang kanyang puso sa narinig. ‘’Hindi, hindi naman sa ganoon. Kaya lang, ang sakit kasi sa puso na malamang ako ang sinisisi niya sa pagkawala ng tatay niya. Sigurado ako na nasa kapahamakan din ang mga magulang ko ngayon dahil sa pagtatanan na ginawa natin. ‘’Alam mo, mahal ko. Wala ka namang kasalanan sa nangyari. Huwag mo na sisihin ang sarili mo. Hayaan mo, gagawin ko naman ang lahat para alamin kung maayos ang lagay ng mga magulang mo sa probinsya, ha?’’ mahinahon na sagot ni Luis pero may kirot pa rin sa puso niya ang sinabi ni Linea kanina. Tumahimik ang mag-nobyo. Alam naman kasi nila na kahit iyon ang sabihin ni Luis kay Linea ay hindi pa rin ito kakalma. Alam nilang malaki ang problemang ito na kailangan nilang maresolba. Dumaan ang mga araw. Nakakulong pa rin si Glory sa kanyang kwarto. Ayaw niyang lumabas dahil alam niyang makikita niya ang demonyong si Sir Menario. Ilang beses na siya nitong niyayaya na sumabay kumain pero ayaw ng dalaga. Ni hindi rin siya napayag na tumabi sa kanya ang lalaking iyon kaya galit na galit si Sir Paul menario sa kanya. Noong araw na iyon ay napuno na si Sir Paul, pinuntahan niya sa kwarto si Glory at pinagalitan. ‘’Ano ba? Hindi ka ba talaga kakain? Sumabay ka sa akin sa pagkain! Ilang araw ka nang ganyan! Halika na. Baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo,’’ pagbabanta ni Sir Paul Menario kay Glory. ‘’Sige lang, wala naman akong pakialam saýo. Anong akala mo? May takot pa akong nararamdaman? Wala na! Puot at galit na ang nasa puso ko!’’ sigaw ni Glory. Hindi sinasadya ay nasampal ni Sir Paul Menario si Glory. Galit na galit ito dahil lumalaban na ang dalaga sa kanya. Ni isa sa mga taong nakakasalamuha niya ay hindi siya ganoon itrato kaya ganoon na lang ang reaksyon niya sa dalaga. “Saan mo kinukuha ang lakas ng loob mo para sabihin sa akin iyan? Wala pang nagkakamali na gawin sa akin iyan!” sigaw ni Sir Paul sa kanyang asawa. “Wala akong pakialam! Magalit ka sa akin kung gusto mo! Hindi kita pipigilan!” sigaw ulit ni Glory kaya nasaktan na naman siya ni Sir Paul Menario. Dahil sa paulit-ulit na ginawa iyon sa kanya ni Sir Paul ay mas lalo niyang sinumpa si Linea. Doon na niya napagtanto na kailangan na pala talaga niyang bitawan ang kanilang dating pagkakaibigan. Walang kapatawaran ang ginawa mo sa buhay ko, Linea. Minahal kita na para ko nang kapatid pero anong ginawa mo sa akin ngayon? Sinira mo ang buhay ko! Wala na ang tatay ko. Wala na akong pamilya dahil sa iyo. Pagbabayaran mo talaga ito! Isang araw habang nasa trabaho si Luis ay nagulat siya dahil bigla siyang nilapitan ni Minerva, ang nobya ni Dos. Agad na hinanap ni Luis si Dos para tawagin pero pinigilan agad siya ni Minerva. “Eh, naku! Huwag mo nang tawagin si Dos. Alam mo naman na busy ‘yon sa trabaho. Oh, ito o. Dinalhan ko kayo ng makakain para hindi na kayo lumabas pa. Alam kong pagod na kayo kaya hindi na dapat lumabas pa. Sige, kain ka na,” sabi ni Minerva sa kanya. “Ha? Bakit naman pati ako ay kasama? Sila na lang. Kayo na lang ang kumain. Bibili na lang ako sa labas. Salamat na lang,” sagot ni Luis, may takot at pagtataka ang kanyang damdamin. “Eh, ikaw naman o. Huwag ka na mahiya. Ayos lang naman iyan. Saka, masarap naman akong magluto. Tikman mo, pangako ko sa iyo na hindi ka magsisisi dyan!” proud pang sabi ni Minerva kay Luis. Hindi na lang nagsalita si Luis dahil ayaw niya ng gulo pero ayaw talaga niyang tanggapin iyon. Ngumiti siya na may pag-aalinlangan kay Minerva pagkatapos niyang tanggapin ang binigay nitong pagkain sa kanya. Ilang minuto pa ay dunating na si Dos. Niyakap niya agad si Minerva noong nakita niya ang nobya. “O, nandito ka na pala. Saktong-sakto naman, gutom na ako. Ano bang meron dyan?” sabi ni Dos, nakangiti kay Minerva. “Ginataang manok ang niluto ko. Sabi ko nga kay Luis eh tikman ang luto ko. Akala ko ay hindi niya tatanggapin eh. Buti na lang at tinanggap niya,” sabi ni Minerva. Hindi alam ni Luis pero iba ang kutob niya sa mga kinikilos ni Minerva. Alam niyang masama iyong iniisip niya pero hindi niya maiwasan. Ang alam niya lang, dapat na niyang tigilan ang pakikipagkaibigan kay Dos dahil kay Minerva.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD