NAGISING ako sa init ng sinag ng araw na nagmumula sa open window. Naapbalikwas ako ng bangon ng maalala ang nangyari sa akin kagabi.
Natutop ko ang bibig sa labis na pagkadismaya at gulat nang maibigay ko ang aking sarili sa isang estranghero. Kahit masakit ang aking katawan ay pinilit kong pumunta sa loob ng banyo upang kahit papaano ay makaginhawa. Dahil naaamoy ko ang mga pinaghalong katas sa aking katawan.
Magsisi man ako huli na ang lahat. Ang kailangan ko lang ngayon ay makabili ng emergency pill upang hindi mabuo sa loob ko ang mga ipinutok ng gagong yun.
Malakas akong napabuga ng hangin habang rumaragasa ang buhos ng tubig na nagmumula sa shower. Isa pa sa mga problema ko ay ang susi na nasa kamay ng taong dumukot sa akin at nanggahasa sa akin.
Kung makikita ko itong muli ay makikilala ko ito. Hindi ko lang alam kung bakit gustong gusto nitong makuha ang susi na iyon. Ano bang sikreto ang nakapaloob dito.
Kailangan kong alamin ito. Ngunit kinakailangan ko ng tulong sa organisasyong kinabibilangan ko ang The Infiltrator Organization.
Ang organisasyong ito ay nagtatrabaho sa dilim, sa mga anino ng kalaban. Hindi kami kilala ng mga normal na tao at ng aming mga kalaban. Ngunit hindi ko itinuloy ang pagiging agent. Sa tingin ko ay ito na ang takdang panahon upang tuluyang maging isang ganap na agent.
Hindi naman ako nagtagal sa pagliligo. Mabilis naman akong nakaginhawa. Mabuti na lamang at hindi ako iniwan sa kung saan. Talagang dito pa sa hotel ako iniwan. Binuksan ko ang mga wardrobes at naghanap ng mga susuotin ang kaso ay walang mga damit pambabae ang nandito. Pwera na lamang sa damit na panlalaki. No choice ako kundi kunin ang isang black long sleeves na malaki pa sakin. Hanggang tuhod ko ang haba nito.
Naghanap din ako ng masusuot na pants kaso malalaki sila. Kaya boxers na lamang ang napili kong suotin. Okay na ito.
Laking tuwa ko naman ng makita ko ang mga gamit ko sa ibabaw ng center table. Nandito rin ang aking baril at kustilyo. Mabilis kong isinukbit sa aking hita ang thigh holsters at isinuksok ang aking baril at maliit na kutsilyo.
May nakita rin akong sulat sa ibabaw ng table.
"you taste delicious. Magkikita pa tayong muli." ang nakasulat sa puting papel.
kunot noong tinignan ko ang isang itim na kahon sa tabi ng puting papel. Hindi na ako nagsayang ng oras at mabilis ko itong binuksan. Laking gulat ko at labis akong nagtaka ng makita ko ang susing ibinigay sa akin ng aking tiyang.
Mabilis kong binunot ang aking baril at ikinasa ng marinig kong may pilit nagbubukas ng kwartong itong. Mabibigat ang aking paghinga habang nakatutok ang baril sa may pintuan.
Sisiguraduhin kong sabog ang bungo ng taong ito. Walang apg aatubiling kinalabit ko ang gatilyo ng baril ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang taong nakasuot ng itim na coat.
Mabilis kong itinago ang kahon sa loob ng maliit na backpack na andito. Dali dali kong sinilip ang veranda. Mukhang mataas ang aking bababahin. Mabuti na lamang at may mga kagamitan ako dito sa aking bag.
Nilingon ko ng mabilis ang wasak na pintuan dahil naririnig ko ang sunod sunod na hakbang ng mga sapatos. Waring lahat ay nagmamadali at patungo sa aking kinaroroonan.
Mabilis komg isinabit ang lock ng tali sa may grill ng veranda at mabilis na bumulusok paibaba.
Shet ang taas nito.
Wala pang limang minuto ng tuluyan kong maramdaman ang lupa. Mabilis akong tumakbo. Kailangan kong makatakas ngayon. Dahil kung hindi baka madukot ako at magahasa na naman.
Kailangan ko ring magtungo sa hideout. Kinakailangan ko ng tulong ngayon.
Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa pumara ako ng taxi at nagpahatid sa pantalan.
"dito na lamang ho manong. ito bayad. Keep the change" anas ko sa drayber ng taxi.
Lulan ako ng bangkang de motor patungo sa isla kaldag. Dito ang aming hideout.
Hindi naman nagtagal ang biyahe. Mahigit tatlumpong minuto lamang ang aming nilakbay.
"Agent Tina. Maligayang pagbabalik. Nakikiramay kami sa sinapit ng iyong Tiyang" anas sa akin ng mga kabaro ko
Tinapik ko na lamang ang mga braso nila at dumiretso sa loob ng kabahayan.
"nasaan si boss?" anas ko sa isa sa mga kasamahan ko.
"nasa library"
Nagtungo ako agad sa library kung saan naroon ang aming boss.
Kumatok ako ng tatlong beses at awtomatikong bumukas ang pintuan.
"Maligayang pagbabalik, Agent Tina. Ikinalulungkot ko ang pagkawala ng iyong tiya. Sinabi na rin sa akin ni Deon ang lahat ng nangyari. Ngunit natutuwa akong nakatakas ka sa mga kamay ng taong kumuha sa iyo. Ngunit mukhang hindi ka aga nagalusan. Mukhang naalagaan ka ng husto ng taong kumuha sayo, tama ba ako?" mapang asar na turan nito. I just rolled my eyes and iniba anv usapan. May pagka tsismoso din pala ito.
"boss kaya ako naparito dahil kailangan ko ng tulong mo. Itong susing ito ay iniwan sa akin ng aking tiya. Ngunit maraming tao ang nais itong makuha. Bago mamatay ang aking tiyang Selya ay sinabi nitong may kaugnayan ito sa pagkawala ng aking mga magulang." mahabang litanya ko dito.
Iniabot ko kay boss Martin ang susing hawak ko. Maingat niya itong binusisi. Kapagkuwan ay malakas na napabuntong hinga.
"Ang susing ito ay ang susing matagal ng hinahanap ng mga grupong Bandido o mas kilala sila sa tawag na Waka Waka Eh eh Gang. Mapanganib silang grupo. Sa pagkakaalam ko ay tatlo ang susing ito. Ang mga susing iyan ay magbubukas sa mga kayamanang nakatago sa isang kweba" nanlalaki naman ang aking mga mata sa aking nalaman.
"Kung ganoon, may dalawa pa silang kailangang makuha." napapaisip na turan ko dito.
"Tama ka agent Tina. Sa katunayan iyan ang misyon na ibibigay ko sa iyo. Mukhang nagkita naman na kayo ni Lorenzo Moretti or mas kilala sa pangalang "The Viper"
kunot noong napatitig ako dito. Sino namang Lorenzo Moretti? The Viper? ang tinutukoy nito. Sa aking pagkakatanda wala pa akong nakakahalubilong Lorenzo at the Viper. Ahas ba ito?
"Mukhang hindi mo pa siya nakikita. Okay, si Lorenzo o kilala bilang the Viper ay isang Mafia Lord. Ngunit kahit isa na siyang Mafia ay nanganganib pa rin ang kanyang buhay. Dahil marami ang gustong pumatay dito. Isa na rin doon ang susi na kaperaha ng hawak mo. Marami ang gustong pumatay dito dahil sa kapangyarihan. Gusto nila itong mawala sa landas nila dahil si Marco Gray ay isa sa mga taong lumalaban sa kriminalidad ng buong bansa"
"Kung ganun nga. Mabuti siyang Mafia." anas ko dito. Napansin ko naman ang pag ngiti nito na para bang natutuwa sa mga tinuran ko.
"Tama ka Agent Tina. Ngunit kailangan mo siyang tulungang puksain ang Waka Waka Eh Eh syndicate. Dahil alam kong gumagawa na iyon ng paraan upang puksain ito. Ngunit kailangan niya pa rin ng tulong at ikaw ang inaatasan kong makakatulong sa kanya" kung para sa bayan gagawin ko.
"kung para sa bayan at kaligtasan ng bawat tao ay gagawin ko. Ngunit paano ko makokontak ang Mafia Lord na ito?"
"Hindi ka magpapakilala bilang isang agent. Kundi magpapanggap kang magtatrabaho bilang kasambahay sa kanyang mansyon." napanganga ako sa mga tinuran ng boss ko. Seryoso ba to?
"seryoso ba kayo jan?"
"hindi ako nagbibiro. Kailangan mong magpanggap bilang kasambahay upang hindi nito malaman na palihim kang tumutulong sa kanya. Gawain mo rin bilang agent ang magmasid sa paligid. Ikaw ang magiging anino niya. Dahil nakakatiyak akong maraming taksil sa tahanang iyon. Ang iyong misyon ay mag uumpisa sa loob ng kanyang tahanan. Nawa'y ito rin ang maging landas mo upang mabigyang katarungan ang pagkawala ng iyong Tiyang at nga magulang. Huwag kang mag-alala agent Tina. Magbabayad sayo ang taong kumontak sa akin ng dalawampung milyong piso."
"Aba kung ganyan tayo palagi eh hindi ako mag aalinlangang tanggapin ang misyong ito"
nailing na lamang ang aking boss sa mga tinuran ko.
"narito ang iyong mga kagamitan"
inilahad nito sa akin ang mga bagong labas na mga baril at mga kutsilyo. alam na alam talaga ni boss Martin kung saan ako mahusay. I'm an expert when it comes to head shot. Lalo ba pagdating sa hagisan ng kutsilyo. Kumbaga sa darts bullseye palagi.
"natutuwa ako't napagdesisyunan mo nang maging opisyal na kasapi ng ating organisasyon. Hindi nga ako nagkamali. Sana'y magawa mo ng maayos ang iying misyon, Agent Tina"