Ang misyon

1239 Words
"Kunin mo ito agent Tina. Pina engrave ko pa ang pangalan mo. This is a stiletto knife, one stab to the chest, the enemy will be dead in an instant." Namamanghang inabot ko ang sandatang pina engrave ang pangalan ko kuno. Pinadaan ko ang aking daliri sa pangalan kong naka engrave dito. Napakaganda. Titiyakin kong ito ang papatay sa mga taong nagkasala sa akin. Agad kong tinesting ang kutsilyong iniabot sa akin na parang mayroon akong kaaway. A mix of martial arts ang aking ginagawa. Nang matapos ako ay maingat kong inilagay sa lagayan nito. "Salamat, boss" pagkasabi ko niyon ay mabilis kong inayos ang aking mga gamit sa loob ng aking bag dahil kailangan ko ng umalis. "mag iingat ka, agent Tina" muling anas nito sa akin. Inabot din nito ang earpiece kung saan maari kaming magkaroon ng communication. Tinanguan ko ito at akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ng biglang magsalita si boss Martin na siyang ikinagulat ko at dahan-dahang tinignan ang aking sarili. "at mag palit kana rin. Mukhang suot suot mo pa ang damit ng taong kumuha sayo. Sure ka bang hindi mo kilala kahit pangalan man lang ng taong ito?" paglingon ko dito ay may hawak na itong isang kopita ng alak at nakangising nakatingin sa akin. "blah blah blah" anas ko at natatawang nilisan ang library. Hindi nga pala ako nakapagpalit ng damit dahil dumiretso ako agad dito sa hideout. Mukhang kailangan ko ng magbihis. Nakita ko naman agad si Mercedes na siyang isa ring agent. "Mercy! pahiram naman ng damit oh!" anas ko dito na siyang ikinalingon nito sa akin. Pinasadahan naman ako nito mula ulo hanggang paa. Mukhang makikichismis din ito sa nangyari sa akin. "Mukhang, nawasak ka, Agent Tina ha" mapang asar na turan nito. "oh, shut up! just give my clothes!" asar na turan ko dito. at nauna nang nagtungo sa silid nito. May kanya kanyang silid ang mga agents dito sa loob ng hideout upang kahit paano ay may privacy ang bawat isa. "hahaha, oh siya siya. Mukhang may misyon ka ngayon ha. Ano malaki ba ang sandata?" inis na tinignan ko ito dahil napaka malisyoso ng tanong nito. "isang isa na lang. Ang nangyaring iyon ay isang bangungot" "ooops, edi inamin mo ring nawasak na ang kepay mo" natatawang anas nito. Mabilis ko namang tinakpan ang bunganga nito dahil napakalakas ng boses nito. Nakakahiyang marinig ng ibang agents. "Nawasak ang alin-?" gulat na napalingon kami sa taong nagsalita. Walang iba kundi si Deon. "N-nawasak ang kweba ng mga kalaban." palusot ni Mercy at mabilis itong tumalikod kah Deon. Napansin kong namumula ang mukha nito. Mukhang may naaamoy akong kakaiba dito. "Oh, Deon. Kumusta ka? Mabuti at nakarating ka ng ligtas dito" anas ko dito. Mabuti na lamang at tapos na akong magbihis ng black suit. "Mabuti naman. At natutuwa akong ligtas kang nakarating dito sa hideout. Hanga ako sa iyong lakas at galing sa pakikipaglaban. Siguro ay napatay mo ang taong dumukot sayo" ang huling sinabi nito ang nakapagpaubo sa akin. "a-ayos ka lamang ba, Agent Tina?" nag aalalang tanong ni Deon. Ikinumpas ko na lamang ang aking kamay hudyat na ayos lamang ako. Nang masiguro kong maayos na ang pananamit ko ay nagpasya na akong umalis. Ngunit kailangan ko pa ang tulong dalawang ito. "Deon, Mercy. Ihatid ninyo naman ako sa pantalan oh" anas ko sa dalawang ito. Mabilis naman silang sumang ayon. Ngayon ay lulan kami ng speedboat patungo sa pantalan. Hindi ko naman maiwasang mapangiti at mapailing dahil ang dalawang kasama ko ay pasimpleng sinusulyapan ang isa't-isa. Mukhang may pag-ibig na hindi pa naaamin sa pagitan ng dalawa. Ay, ay, ay, pag-ibig Nakakakilig, parang sine Bawat eksena'y tunay mong pananabikan Ay, ay, ay, pag-ibig Nakakabaliw, ay sobra Bawat saglit ikaw and laman ng aking isipan Lahat ng oras walang hihindian Basta't kasama ang tangi kong mahal Kahit paano sayo'y nakita ko Ang tunay na kulay ng pag-ibig tulad nito Ay, ay, ay, pag-ibig Nakakakilig, parang sine Bawat eksena'y tunay mong pananabikan Ay, ay, ay, pag-ibig Nakakabaliw, ay sobra Bawat saglit ikaw and laman ng aking isipan Lahat ng oras walang hihindian Basta't kasama ang tangi kong mahal Kahit paano sayo'y nakita ko Ang tunay na kulay ng pag-ibig tulad nito Lahat ng oras walang hihindian Basta't kasama ang tangi kong mahal Kahit paano sayo'y nakita ko Ang tunay na kulay ng pag-ibig tulad nito Ay, ay, ay, pag-ibig Masamang tingin naman ang ibinaling sa akin ng dalawa nang marinig nilang kumakanta ako. Bakit ba eh sa trip ko silang asarin ngayon. Nag peace sign pa ako habang tumatawa at mabilis na tumalon sa dalampasigan nang marating namin ang pantalan. Dahil naka amba ang baril ni Mercy sa akin. "umamin na kayo!" sigaw ko at mabilis na pinaandar ang aking ducati na inihanda ni Boss Martin. Marami pa akong kailangang asikasuhin. Bukas ko na uumpisahan ang aking misyon. Ano kaya ang hitsura ni Mr. Gray. Siguro matanda na ito at malaki ang tiyan. May asawa at anak na rin siguro ito. Kung ang kaligtasan niya at nang pamilya nya ang nakataya dito. Pwes handa akong tulungan ito sa abot ng aking makakaya. Kung ito din ang magiging sagot sa mga tanong ko, buong puso kong tatanggapin ang misyong ito kahit kapalit nito ang aking buhay. Mapanganib ang maging isang agent. Ang isang paa namin ay nasa hukay na. Kung kaya't kailangan naming gawin ang lahat ng makakaya namin upang unahan ang aming mga kalaban. Parte rin ng aming samahan ang magpatattoo ng simbolo ng aming organisasyon. Hindi naman ito mapapansin dahil nasa likuran ng aming tenga ito nakatattoo. Hindi lang naman itong simbolong ito ang tattoo ko sa katawan. Nagpatattoo din ako ng isang sikat na quote na "Count your life by smiles, not tears" ipinatatoo ko naman ito sa aking ankle area. Mayroon din akong isang maliit na cross sign on my arm. I love minimalist tattoo. It makes me feel whole. Sa wakas nakarating din ako sa pinakang sentro ng barrio sinto sinto dahil dito ko uumpisahan ang aking misyon. maghahanap na lamang muna ako ng pansamantalahang tirahan dito. Magtatakip silim na ng makarating ako. Maswerte naman at may nadaanan akong karenderya. Saktong gutom na gutom na ako. "manang, paorder nga ho" anas ko sa matandang naglalako ng mga ulam dito sa maliit na karenderya. umorder na lamang ako ng gulay at kanin. Nagpakuha na rin ako ng tubig. Dahil nakakapagod ang magbiyahe lalo at nakamotor lamang ako. Inabot ako ng dalawang oras sa pagmamaneho. Nang matapos akong kumain ay kinausap ko pa si manang at nagtanong kung may alam ba itong paupahan ng bahay. "Manang baka may alam kayong paupahang bahay dito?" anas ko dito. "ah, bahay ba kamo? bakit hindi ka na lang umupa sa akin? May bakanteng unit ako sa aking apartment building. Wag kang mag-alala safe naman ang lugar na iyon. Kung gusto mo eh pasamahan kita sa aking anak. Teka at tatawagin ko" ang bilis naman ni nanay hindi pa nga ako pumapayag e. Napakamot na lamang ako sa aking ulo at sinundan ang anak nitong inutusan nito na ipakita sa akin ang unit. Maganda naman ang unit. Maluwang. May isang kwarto at sariling banyo na rin. Fully furnished na rin ito. Hindi na ako talo. Dahil mura lamang ang upa nito. Nang matapos kong bayaran ang 2 months advanced at 1 month deposit ay nagdesisyon akong maligo muna dahil hindi na kaaya aya ang aking amoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD