Chapter 11

2959 Words

Chapter 11 FLASHBACKS (TATLONG TAON ANG NAKAKARAAN) Steffy's POV Dismayado ako at nalulungkot habang naglalakad ako palabas ng school dahil hindi man lang ako naalala nina Mama. Recognition day namin ngayon at nasa top honor ako, subalit ni isa sa kanila ay walang dumalo. Kaya upang iparamdam sa kanilang masama ang loob ko at nagtatampo, at kung sakaling hanapin ako dahil hindi pa ako umuuwi, nagpasya akong maglakad lamang pauwe sa amin. Malayo-layo rin iyon ngunit may alam akong short cut na hindi ako gaanong gagabihin. Magtataxi na lamang ako kapag ako ay napagod. Mag-aalas sais na ng gabi habang naglalakad ako sa madilim na eskinita kung saan ito ang alam kong short cut. Naging balisa ako dahil pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Dinig ko ang mga yabag na papalapit sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD