Chapter 12 Steffy's POV "Wuy King kain na tayo! " sigaw ko mula sa kusina. Kikilos ako ng normal gaya ng nakagawian ko kahit may hindi kami pagkakaintindihan. Masaya ako at umuwi pa din siya sa akin. Ipinaghanda ko siya ng paborito niyang adobong manok. Ilang sandali pa ay pumasok siya sa kusina at walang imik na umupo sa silya ng dining area habang ako ay abala sa pag-abot ng plato na nasa upper corner. Ang taas naman kasi ng lalagyan ng plato. "Ako na" muntik ko na siyang makabangga dahil paglingon ko ay nasa likod ko na pala siya. Nakaharap lang ako sa kanya habang inaabot niya ang platong pilit kong inaabot kanina. "S-salamat" naiilang kong sabi. Bumalik siya sa kanyang pwesto at umupo ako sa katapat niya. Kumain kami ng hindi nag-iimikan. Ang awkward lang dahil d

