Chapter 19 Steffy's POV Pagkatapos ng agahan, muli kaming tinipon ng aming guro sa lobby at nagbigay ng direksyon bago kami tuluyang lumabas sa malawak na espasyo ng resort. May mga group activities itong nabanggit, gaya ng tag of war, volleyball, swimming competition, at track and field. At kailanman ay hindi ako naging interesadong sumali. Lahat sila ay nagsasaya maliban sa akin.Walang pinalalampas si Maxine na activities. Lahat ay sinasalihan niya.Hindi ako active sa mga ganoong bagay kaya nanatili ako sa gazebo habang pinanonood lamang sila. Ini-enjoy ko nalang ang magandang tanawin mula rito, at ang simoy ng hangin na nagmumula sa karagatan. "Wuy ba't di ka sumasali sa laro nila?" napalingon ako, si Phen. "Takot ka atang umitim eh hahaha" dagdag pa niya sabay abot sa akin an

