Chapter 18 Clar's POV Matapos ang nangyari kanina, dinala ko si King sa paborito kong lugar ng resort. Ang VIP's bar na hiniling ko mula kay Shaven. Ito ang unang naipundar ni lolo na ipinamana niya sa aking ina. Pero maiba ako. Hindi ko alam kung sino ang kakampihan ko kanina. Ayaw kumalma ni King. Gusto niyang sundan si Phen upang basagin ang pagmumukha nito ngunit pareho naming pinigilan dahil wala siya sa katwiran. "Iba kapag si King ang nagselos." panimula ko. "Ngayon ko lang ulit nakitang magalit si King ng ganoon" sabat ni Terence. Maging ako rin. Nakasanayan namin na laging mabuti ang hari. Walang pakialam sa lahat ng bagay. Though, nakasalalay ang kanyang pangalan o kaya sumabit ito sa kalokohan ay wala siyang pakialam. He'll just say 'HAYAAN NIYO NA'. He'll kee

