Chapter 5
[Steffy's POV]
"Nagtaka nga ako at tumawag iyang asawa mo sa akin at hinahanap ka " - anang Louisa.
Naikwento ko sa kanya ang nangyari kahapon sa library. Tumawag pala si King sa kanya upang tanungin kung kasama ko ba siya.
Nakamove on na rin naman ako kahit papaano.
Naisangguni ko na rin ang nangyari kay Maam Dolorez but her reaction was priceless.
Naitanong ko na rin sa guard namin kung ito ba ang nagsara ng pinto, ngunit itinaggi niya iyon dahil hindi niya gagawing isara iyon nang hindi tsinetsek ang loob kung may tao o wala.
Karmahin nalang nawa ang gumawa sa akin kung hindi man iyon multo. Pero walang multo! Kaya nasisiguro kong isa iyon sa mga haters ko dahil kay King.
At oo, paulit-ulit niyang inereremind sa akin na huwag na huwag pumunta sa library ng hindi siya kasama. At speaking of him, wala na naman siya sa klase.
Wala ang professor namin kung kaya naman nagliwaliw na naman sa kung saan at naglaho ng parang bola. Wala din ang mga tropa niya sa likod, malamang magkakasama sila ngayon.
SBO officers silang lahat kung kaya may exclusive office ang mga ito.'Diba ang taray?
May special treatment si Old Shaven.
"Hmmm, mahirap bang may asawa?I mean mahirap bang pakisamahan si King" nasamid ako sa nginunguyang brownies sa tanong ni Louisa sa akin.
"H-hindi naman" pag aalangang sagot ko.
Hindi ko rin kasi alam kung maayos ba o kaya okay lang ba kaming dalawa ni King.Maayos naman ang samahan namin bilang mag asawa.Kahit wala kaming feeling sa isa't isa pero alam kong nandoon ang pag aalala niya sa akin at ganun din naman ako sa kanya, though hindi ako showy. Siguro dahil nakasanayan na namin ang presensya ng bawat isa kung kaya may ganoong bagay.
"Ehhh ane kese gerl" nakita ko ang pamumula ng pisngi niya kahit may suot siyang salamin. Kinikilig siya kapag nagkakaganyan ang reaksyon niya.
"DON'T TELL ME MAY BOYFRIEND KANA?" gulat din siya sa naging tanong ko.
Louisa has no boyfriend since birth ayon sa kanya.Kung kaya nakakapanibago ang kiligin siya. Ang alam ko lang na kinahuhumalingan niya ang KPOP, specifically NCT. I don't know the details pero madalas niyang ikwento sa akin ang tungkol doon. They were all handsome and talented daw.
"Sira, wala jowa naman agad" umiwas siya ng tingin sa akin. 'Di niya ako masisisi, nag tatanong tungkol sa pag aasawa,malamang boyfriend agad maiisip ko.
"Eh ano nga?tadyakan kita diyan" nakakacurious na ako pagmumukha nito. Tinaasan ko siya ng kilay habang naghihintay ng sagot niya.
"Gusto na kasi niyang mag settle down" - Louisa.
"WHAT?WHO?"
"Si Jaemin--"
(A/N: Jaemin is a Kpop idol debuted under SM Entertainment. He belongs to NCT DREAM, a sub unit of NCT. 'Yon lang naman.Bye)
*boink*
"Arays friend. "
"Ano nga kasi?" gigil kong tanong.
"heto na nga, ano kasi-si Papa---" inapakamot siya ng batok.Alam kong may gusto siyang aminin pero nahihiya lang. Idinadaan niya ito sa biro.
"Gusto kasi nilang--I mean tama bang pumayag ako sa fixed marriage na gusto nila?"
Natigilan ako at hindi sumagot.
Fixed marriage? Uso ba talaga sa mayayaman ang ganoong bagay? Para lang magkaroon ng mas malawak na connections sa business industry? Pati mga anak nila, idinadamay sa pansarili nilang interes.
"Seriously Louisa? Pumayag ka talaga?" 'di makapaniwalang tanong ko. Ang unfair naman. Ipakakasal ka sa taong 'di mo mahal and I really knew how it felt. Nakakapressure iyon ng sobra na maaaring pagmulan ng anxiety, and worse is depression.
"Eh ano, hindi naman kasi ako minamadali nila papa, gusto nga nilang makilala ko muna ang guy saka ako mag dedecide kung mag aagree ako o hindi.." pwede ba iyon?
But that is so unfair. To think na kailangan mong pwersahin ang sarili mo para magustuhan lang ang taong gusto nila para sayo.
Wala bang karapatang mamili muna?Louisa is beautiful inside and out, and as much as possible, she deserves someone better.
"Pero ang unfair sa part mo" wika ko.
"Kapag wala namang spark, my dad won't let me.. Alam mo namang mahal na mahal ako ni Paps 'diba?" Well, that's it. He's father was the best. Suportado niyang lahat ang gusto ni Louisa. He was very protective but at the same time, the relationship between them is superb.
Natahimik ako. Thinking my dad was not good as Louisa's father.
"Oh? Ba't natahimik ka diyan? Anyway, hindi pa naman ngayon 'no, next year pa. He is studying abroad at syempre I'm too young, unlike you, matured na kayo kung mag isip ni King"
Paano kami naging matured ni King?
"Ha?But how did you know he's studying?"
"Hihihihi. Nagchachat na kami pero I don't want to see his face muna, I want to surprise myself also" Louisa really love surprises. Kahit ba naman sa ganoong bagay,magtatake siya ng risk para supresahin ang kanyang sarili.
Her life is full of excitement. Nakakainggit minsan.
Pero sa tingin ko, ayos lang naman sa kanya ang set up ng parents niya sa para kanya. I hope hindi din siya magsisi sa huli, gaya ng pagsisisi ko noon.
.....
"Gurl paano mauuna na ako, nasa labas na sundo ko eh" pagpapaalam sa akin ni Louisa. Uwian na naman. 'Diba napakabilis ng oras?
Inayos ko na ang mga gamit ko para ilagay sa locker ko dahil didiretso na ako sa library. Si King nauna na siya sa gymnasium. Pupuntahan nalang daw ako pagtapos niya 'ron.
"Hey--" napatingin ako mula sa likuran ko.
'Di ko iyon pinansin dahil baka hindi ako kausap nito.
Si Linsey, ang campus queen the eff.
Nagtataka rin ako kung ba't naging queen 'to, parang salagubang ang mukha. Nagmumukha siyang may muta dahil sa, kapal ng extension ng pilik mata niya. Idagdag mo pa ang napakapal na blushes. Geez.
"Steffanye Marikit SABIELRA!" she shouted.
Napahinto ako dahil sigurado ako nga ang kailangan. Bakit naman kaya? I know for sure, dahil na naman ito kay King. Gosh.
Humarap ako sa kanya s***h sa kanila pala.
"Yes?" malamig na tanong ko sa kanya. Bago ko siya harapin, inilock ko muna ang locker ko saka tinignan ang mga alipores niya sa likod. Mga apat sila sa likod niya na tila may susuguring kaaway.
Wala na ring mga studyante sa hallway.
"What's your relationship between King?" diresto niyang tanong na ikinangiwi ko naman. Sabi ko na nga ba. King na naman. Ano na naman kaya this time?
Tumalikod ako dahil wala akong panahon para sa kanila. I know the school golden rule, NEVER BULLY ANYONE whether you have valid reasons or not.
And when they caught you FIGHTING inside the campus, you will be immediately expelled without second thought.
Ayaw kong ring ma-expelled. Marami pa akong pangarap. At ayaw ko ng dagdagan pa ang kahihiyang ginawa ko noon.
"I'M ASKING YOU b***h!" saka niya hinila ang buhok ko na ikinagulat ko. I'm not expecting like that. I know she's aware about the rules!
Relax Steffanye.
"Ano? Ha? Anong relasyon mo kay King???!" mas linakasan pa niya ang paghila sa buhok ko.
"Btiwan mo ako." I ordered her in an angry calm voice.
"Answer me first! Ano ang relasyon mo kay King?" napahawak ako sa buhok ko dahil feel ko pati anit ko, mabubunot na sa lakas ng hila niya.
At isa pa, kapag ako pinagalitan ni Ms. DOLOREZ. Kakalbuhin kitang gaga ka!
"Ask him not me." malamig kong tugon kahit inis na inis na ako.
"I always saw you with him--King is mine w***e!" that's it. I'm on my limit. I think killing a woman today is a must! .Bahala na, pero kailangan kong harapin ang demonyitang ito! Kung maeexpelled man ako, well it's my destiny! I just don't want to call b***h by someone, especially this kind of animal!
Bago pa man siya makapag salita ulit, agad kong hinila ang kamay niyang nakahawak sa buhok ko and grasp her arm tightly enough to make her scream.
"ARRRAYYYY! STOP IT!"
"He's yours?But sorry not sorry I'm his wife. " walang ganang sagot ko.Saka ko binitawan at akmang tatalikod na sana ako dahil kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Maam Dolorez sakaling mahuli ako ng dating.
"Get her!" saka naman nagsimulang kumilos ang mga alipores niya sa likod at pinagtulungan nila akong hawakan. May nakahawak sa magkabilang braso ko, may nakakapit sa likod ko. Damn it!
Pilit akong kumakawala sa mga sabunot na natatanggap ko mula kay Linsey.
"Bitiwan niyo ko mga salagubang! Kapag ako nakawala Linsey, kakalbuhin kitang hayop ka!" sobrang nangigigil na ako. Hindi dahil nasasaktan ako dahil naiisip kong mahuhuli ako at ang reaksyon ni Ma'am Dolorez ang nakakatakot.
Pasalamat siya at may mga alipores siya.
Ang mas ipinagtaka ko ay may kung anong kinuha siya mula sa bag niya. Nakakapit parin ang mga alipores niya sa akin.
"REMEMBER THIS DAY Steffanye. King will leave you and he will be mine forever!" gustong gusto ko na talagang hampasin ang mukha nito ng bag ko.Napakachildish! Utak niya may plema!
And the next thing she did shocked me.
Ramdam ko ang pagtulo ng likido mula sa mukha ko.
May hawak siyang blade sa kamay niya.
She's insane! Nakabungisbgis siyang nakatingin sa akin.
"Linsey. YOU SHOULD NOT HAVE DONE THAT? "napabitiw naman ang tatlo niyang alipores sa akin at patakbong umalis.
"She deserved it! Her face deserves a scar. Where are you going cowards!!" she yelled.
I was stunned. Nakita ko ang pagtapon niya ng blade na ipinangsampal niya sa akin. Gusto ko siyang sugurin sana pero nanghihina ang mga tuhod ko.
"SIRAULO KABA?" sigaw ko sa kanya. Napahawak ako sa mukha ko dahil sa likidong nararamdaman kong umaagos dito. Hindi ako umiiyak, kaya nasisiguro kong hindi iyon luha.
"Yan ang bagay sayo! Napakalandi mo!"
"Hey what is happe--STEFFY??WHAT THE FVCK?! WHAT DID YOU DO TO HER?? " dinig ko ang boses ni Clar mula sa likuran ko.Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko.
"S--sorry-- I didn't mean too. She started it" - Linsey.
First, I hated to be alone, second darkness, and b-blood.
I can't hear them anymore. My vision become blurry. Gusto kong himatayin na.
"Teka anong mer---STEFFY?"
"OH HOLY CRAP, ARE YOU INSANE? !"-Terrence.
"Bloody hell! What happened to Steffy's face-"-Troy.
[Clar's POV]
"Teka? May studyante pa palang nandito" wika ko. Napansin ko ang tumatakbong mga studyante palapit sa kinaroroonan namin. They look terrible.
Mas ikinalaki pa ng mata nila ang pagsasalubong namin.
Kinutuban ako.
Nauna akong naglakad sa direskyong pinanggalingan ng tatlong babaeng studyante kanina.
Binilisan ko ang lakad habang nakasunod ang dalawa sa akin, si Terence and Troy na nagtataka rin. May meeting lang kami kanina kaya nandito pa kami sa campus.
"Yan ang bagay sayo! Napakalandi mo!"
Is that Linsey?
"Hey what is happe--STEFFY??WHAT THE FVCK?! WHAT DID YOU DO TO HER?? " nanlaki ang mata ko ng makita ang dugo sa mukha ni Steffanye.
"S--sorry-- I didn't mean too. She started it" she cried.
"Teka anong mer---STEFFY?" nagulat din sina Troy at Terrence at mabilis na inalalayan si Steffy na tila babagsak na.
"OH HOLY CRAP! ARE YOU INSANE?!"-Terrence.
"Bloody hell! What happened to Steffy's face---"-Troy.
"What do you think your doing?" I shouted at her.
"She's.. trying to slap me and... and.... - -" napabunsangot ako sa mga pinagsasabi ng isang ito. Steffy will not do such a thing!
"Idiot! She will never give a damn interest to a stupid goat like you" Terence interrupted.
"You know what will happen to you after this Linsey"
She's still trying to explain para makatakas sa ginawa niya. This is against the school rule.
"Dalhin niyo na siya sa clinic, she's really afraid of blood according to King. She need to rest." payo ko sa kanilang dalawa.
"Ako na ang bahala sa isang 'to" dagdag ko pa. I have to take actions against this crazy idiot.
"Yow Clar, napansin niyo ang asaw--WHAT THE HECK?" hindi pa man nakakahakbang ang dalawa, mas natuwa ako ng marinig ang boses na papalapit sa kinaroonan namin.
Napangiti ako habang nakatingin kay Linsey.
GOOD LUCK LITTLE B*TCH.
"STEFFANYE?! WHAT HAPPENED TO HER?WHO DID THIS?" mabilis nitong pinuntahan ang walang malay niyang asawa na karga ni Terence.
"IKAW BA?" angil nito kay Linsey.
"King--- I'm really sorry, but she starte--" Linsey tries to explain, but I guess no words can tame this monster right now.
*thugs*
Malakas niya itong itinulak na ikinahandusay ng binibini sa sahig.
Buti nalang at madali naming napigilan ang gigil na gigil nitong kamao na isusuntok sana niya sa pagmumukha ni Linsey.
"DON'T EVER TOUCH MY WIFE YOU GOD D*MN IT!"
"BITIWAN NIYO AKO, NG MATDYAKAN KO ANG P*TANG INANG 'YAN!" malakas naming pinigilan si King dahil sa oras na binitawan namin siya, ay katapusan rin ng dalagang nasa harapan niya.
"Ki--king.. I'm so--"
"KAPAG NAPATUNAYAN KONG IKAW ANG MAY KAGAGAWAN SA PAGKUKULONG KAY STEFFY SA LIBRARY, I WILL SURELY SMASH YOUR FACE!"
Binitiwan namin siya ng balingan niya ang asawa niya at walang imik na binuhat.
"I'M NOT DONE WITH YOU YET!" he shouted at her before he left.
Nagkatinginan kaming tatlo.
"He's worst" natatawang sambit ni Troy na ikinangisi ko.
"Told 'yah." napatingin ako kay Linsey. Kasalukuyang umiiyak sa sahig.
"Let me tell you this. Baka sakaling nananaginip ka. To King, you're just a toy. Don't expect too much woman. You're not that pretty."
I told him.
"Magbalot balot kana. Alam ko kung saan ka pupulutin.
And last thing, do not mess with the monster's wife, he'll hunt you"
"poor little thing" - Terrence.
...........
[Steffy's POV]
Nahimasmasan ako ng masagi sa isip ko ang nangyari. Kasalukuyang nakahiga ako sa clinic at ramdam kong may gumagalaw sa pisngi ko.
"KING!" bulalas ko. Bigla na siyang nasa tabi ko. Ang tanda ko lang ay dumating sina Clar at may sinasabi. Hindi ko na iyon naririnig dahil unti-unti na akong pinapanawan ng lakas.
"Are you okay?" he asked. May inilalagay siya sa pisngi ko.
Tumango ako. Sh*t. Kahit konting dugo, nahihimatay ako.
Ano ba naman kasing trip ng isang iyon.
"Don't let that stupid hurt you Steffanye" giit niya. Seryosong seryoso siyang nakatingin sa akin. Katulad nung nakaraan.
"Ayaw ko ng patulan pa, at isa pa, malayo naman sa bituka." bumangon ako. Ang mas inaala ko ay ang mukha ko, siguradong magpepeklat ito. Hindi naman siya gaanong malalim base sa pakiramdam ko. Nashocked lang talaga ako sa dugo.
Nag ooverstate lang talaga ako. Nakakahiya.
"Next time 'wag mong hayaang saktan ka nila, dahil kapag inulit pa niya, I will surely ruin her life if possible" natigilan ako sa winika niya. Ngayon, ako naman ang nakatitig sa kanya.
Ba't andaming nangyayari sa akin this week?
"Baliw ka ba? Ayos lang ako, hindi lang ako nakapalag kasi marami sila" palusot ko. Gusto ko lang kasing umiwas sa mga titig niya. Naiilang ako. May kung anong kuryente ang dumadapo sa akin kapag ginagawa niya iyon.
"Pinagtulungan ka?D*mn! Don't worry she'll never touch you again. I promise" he clinched his fist. Napakaseryoso ng kanyang mukha.
Hindi naman sana gaanong mahalaga ang nangyari sa akin ngayon kung hindi ako naging mahina.
.....
Lumabas na kami ng clinic dahil uuwi na din ang school nurse. Pinaalam din namin ang nangyari kay Ma'am Dolorez, at sinabi kong babawi nalang ako next day. And I am happy that she agreed lalo pa't nakita niya ang benda sa mukha ko.
Akala ko pa naman magtatransform na siya into her real face. Jk.
"Uuwi na ba tayo?" tanong ni King. Napatingin ako sa wristwatch na suot ko. Maaga pa.
"Gusto mo date nalang tayo mahal?" napalingon ako agad sa kanya.
Madalas rin naman niya akong ayain lumabas pero madalas, tinatanggihan ko siya. Minsan, naman pumapayag ako kapag may gusto akong bilhin o kaya tignan.
"Kung oo, saan naman tayo pupunta?" napahinto siya sa paglalakad at humarap sa akin.
"Really? Pumapayag ka? I mean you really want to go out with me?" excite na excite ang tono ng pananalita niya. Nakangisi siyang naghihintay ng sagot ko.
"Oo nga" tipid kong sagot.
Gusto ko lang ding magliwaliw upang bumawi sa lahat ng stress na nangyari sa akin ngayong linggo.
Bukod pa roon, gusto kong bumawi sa kanya,sa mga ginawa niya para sa akin.
......
Pagkatapos naming manood ng sine, lumabas muna kami para kumain lang saglit. Inaya niya ako sa sea side pagkatapos naming kumain.
Napakasarap ng hangin na dumadapo sa mga balat ko.
Nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil doon.
"Hey. Are you cold?" bigla niyang tanong. Nakatingin lang ako sa malayo. Pinagmamasdan ang alon sa dagat.
"No" pagsisinungaling ko. Umupo ako sa bench at naghalukipkip. Malamig talaga.
"Wait for me here" hindi pa man ako nakasagot, agad siyang tumayo at umalis.
Saan naman kaya pupunta 'yon?
Baka may babae na naman siyang natipuhan.
Ilang oras kaya akong maghihintay sa kanya. Kainis naman kasi. Ang daming nagpapansin sa kanya,lalo sa, sinehan.
Sigurado akong iyon ang pinuntahan niya. The woman gave her number to him though hindi naman niya hinihingi. Napapabuntong hininga nalang ako sa tuwing naiisip ko ang kaharutan ng isang iyon.
"Put this on" gusto kong atakihin sa puso ng biglang dumating si King na may dalang paper bag.
Kinuha ko iyon ng hindi umimik.
JACKET?
"Nagmamadali ako kaya hindi na ako namili. Isuot mo na" utos niya.
Umalis lang ba siya para bilhan ako ng jacket?
"S-salamat" nabubulol ko pang wika. Kinuha ko iyon at isinuot. Mas ikinagulat ko ay ang paglapit ng mukha niya sa akin, nakatingin sa leeg ko.
Napakurap kurap ako habang hinihintay ang gagawin niya.
Hahalikan ba niya ako?
"Let's take the price tag baby"
D*mn it. Iyon pala. Ang price tag. Nakakahiya.
......
"Nakakatawa talaga hahaha, siksikan tayo okay lang?! hahaha" naalala ko ang ilan sa linyang mula sa pinanood naming movie,Sisterakas. Sumakit ang tiyan ko katatawa.
Tapos 'yong time na sasaluhin ni Vice ang bala na tatama sana sa kapatid niya. Nakataas ang parehong kamay niya pero dali dali niyang tinakpan ang kilikili niya.
Share ko lang.
Nakangiti lang ako habang inaalala iyon.
"Dapat pala lagi tayong magdate" Napatingin ako kay King habang inaabot sa akin ang milktea.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Para lagi kitang nakikitang nakangiti" umiwas ako ng tingin sa kanya.
Napagtanto ko. Hindi ko pala namamalayang nakangiti ako kanina pa.
"You're prettier when you smile that way"
Bigla biglang bumilis ang t***k ng puso ko na parang kinakabahan.
Bigla bigla nalang bumibilis kapag may kakaibang sinasabi si King.
"Umuwi na tayo bago pa ako mapaaway dito"mula sa pagkakaakbay niya, hinapit niya ako mula sa bewang na ipinagtaka ko.
What's wrong with him? Nag eenjoy pa naman ako sa hangin dito.
"Why?"
"Or let just go somewhere else MISIS KO" diniinan niya ang salitang MISIS KO. Nagpalinga linga ako.
Then I notice some guys staring at me,wtf?
"Mas mabuti pa nga" dagdag ko.
......
Bago kami magpasyang umuwi dahil pagod na rin ako, hiniling ko munang dumaan sa bookstore upang tignan kung available na ang huling series ng Harry Potter. Bibili na rin ako ng pocket book na pwede kong basahin during math subject. Hindi kasi allowed ang cellphone sa kanya during class kaya book nalang para 'di halata.
"Uy nakikinig ka ba?" tinapik ko ang balikat niya. Bigla nalang kasi siyang tumahimik. Tinatanong ko kung may nasabi ba ang mama niyang bibista sa bahay para makapag handa ako. May paminsan minsan kasing bumibisita' yon ng biglaan.
"I think I just saw someone. Ah nevermind.Are you done?" nakatingin siya sa may bandang pinto.
Someone? Sino naman kaya?
Busy ako sa pagtingin ng aklat kaya hindi ko napansin kung sino ang sinasabi niyang someone.
Well. Sa dami ba naman ng babae niya. Siguradong isa na naman iyon sa mga biktima niya. King talaga.
[A/N: May konting dagdag at maraming edit. Don't forget to tap vote and leave your comments.]