Kabanata 44: Loving Mr. Castillo

3001 Words

DAHIL WALA SI Lei, inabala ko na lamang ang sarili sa pagtulong sa mga gawain dito sa mansiyon. Tumulong ako sa mga gawain at mga kilos tulad ng pagluluto, paglilinis, lalo sa pagbabantay kay Xian, pagtulong kay Jester sa mga gawain nito, at mga pabor ni Fernan. Isang araw ang lumipas, sa kuwarto na ako ni Lei natutulog at binabantayan ko talaga ito. Wala akong ginagalaw na mga gamit niya at bagkus ay nililinis ko ang sahig, mga gamit na nagkakaroon ng manipis na alikabok, nilinis ang banyo, pinusan ang lahat ng plaka ni Lei. "Lei, umuwi ka na, babasagin ko ang lahat ng mga plaque mo!" banta ko kahit wala si Lei. Minamasdan ko lamang ang mga hilera ng mga plaque at certificate sa isang malaking estanteng babasagin. Ang mga plaque at mga certificates na ito ay may kinalaman siyempre sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD