NAPAKASAYA NA umaayon ang lahat ng mga bagay na gusto ko, ikasisiya ko, at ikabubuti ng lahat. Ang sarap sa pakiramdam na lahat ay umaayon sa maayos na daloy. Nakatutuwa na masayang umaabante ang buhay namin. Hindi maipaliwanag ang pakiramdam ko nang bumalik sa rati ang lahat. May bonus pa nga dahil tanggap naman kami ng pamilya ni Lei sa kabila ng history ko bilang isa sa katulong nila sa mansiyon. Mayroon na rin akong plano pagkauwi ni Lei, hindi na ako makapaghintay na sabihin sa kaniya ang mga pinaplano ko. Napakasaya ko. Akala ko, wala nang hihigit pa sa kasiyahan na iyon. Akala ko, matagalan na iyon. Akala ko, sa mahabang panahon namin pagsasaluhan ang kaligayahan na hiniling ko. Ngunit akala ko lang pala ang lahat ng iyon. May mga bagay pala talaga sa mundong ito ang ipinahiram

