MALAPAD ANG mga ngiti ko nang makarating kami sa mansiyon. Ang kamay ni Lei ay narito pa rin sa baywang ko at ramdam ko ang init noon habang hinihimas pa. Nakakapit naman ako sa kaniyang braso at pinagbuksan kami ng gate ng mga guwardiya. Bumati ang lahat ng mga tauhan nila at bahagya pang yumuko. Napatingin sa akin ang ilang mga kalalakihan na tauhan ng mansiyon. Nagbubulungan sila. Siyempre, kanina pa nagtataka dahil mula nang umalis kami ni Lei ay ganito ang set-up. "I wanted to tell to all of you that Marites is no longer a maid in this mansion. She's now my girlfriend so treat her as one of your amo, is that clear, everyone?!" sigaw ni Lei sa lahat. Naging aktibo ang mga tauhan nila. "Yes, Sir!" pagsaludo naman ng mga tauhan. Kinurot ko si Lei sa tagiliran niya. "Ano ba ang ginag

