NAPATAYO KAMI ni Lei at napayakap sa isa't isa! Walang problema! Payag naman pala ang dalawang magulang ni Lei sa relasyon namin dalawa! Nakatutuwa! Malaya na kami na makapagmamahal ni Lei nang hindi na namin kailangang magtago! Nang totoo at ganap! "Well, wala naman akong magagawa, Anak because you have your own heart to love and to choose woman you will be with. As long as this relationship will guarantee the happiness for the both of you, ayos lamang ito sa akin, okay?" nakangiting saad pa ni Ma'am Loreina. "Maraming salamat po!" nakangiting sabi ko. "Can I talk to you muna, Marites? Tayong dalawa lang," anang Ma'am Loreina na kahit nagugulumihanan ako kay napatango na lang. "Lei, I need a time with her. You know, girls talk. Sandali lang ito bago kayo umalis. Halata na you two are g

