MULA NANG MANGYARI ang insidenteng iyon sa pagitan namin ni Solene, mas lalong lumakas ang ihawan ni Aling Gina gaya ng inaasahan. Maraming mga dumarayo, kaya't nagdagdag si Aling Gina sa menu ng ihawan gaya ng mga inihaw na leeg, hita, at buong pitso. Dahil din sa rami ng mga bumibili, dumoble ang mga paninda kaya't mas lumaki na ang grill na pinag-iihawan. Minsan, tumutulong sa akin si Aling Gina ngunit dahil may anak itong bata pa, ako na lamang mag-isa kahit minsan ay hindi ko kinakaya dahil sa mahabang pila ng mga kustomer namin. Masaya ako dahil pansamantalang nawala ang mga alalahanin sa isip ko. Kumbaga ba ay naaliw ako, at the same time ay kumikita ako. Noong nakaraang araw, tumawag ako sa pamilya ko at sinabi kong hindi muna ako makapagpapadala dahil may problema. Agad naman

