GABI NA NGAYON ngunit ang isip ko ay tila ba naiwan pa rin sa nangyari kaninang hapon. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-moving on na tila ba hirap na hirap ako na gawin iyon kahit kakayanin ko naman kung gugustuhin ko. Kulang na nga lang ay sumakit ang ulo ko at sumakit ang baywang ko para maging isa na akong s*x bomb. Sadyang hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ni Lei kanina nang bigla niya akong hatakin at isandal sa pader ng pasilyo. Hanggang ngayon, iyon pa rin ang siyang iniisip ko kahit oras na ang nagdaan matapos ang pangyayaring iyon. Nakaiinis. Simpleng mga salita lang naman ang mga binitiwan ni Lei sa akin ngunit para bang nahipnotismo ako ng mga pangungusap niya. Higit sa lahat, sa ikatlong pagkakataon, muli na namang bumilis ang t***k ng puso ko da

