HINDI NA LANG ako nakaimik. Ganoon pala ang lalaking iyon. Pero kasalanan talaga ng utak ko na makalilimutin sa pangalan. Ang ganitong uri ng katangian ay namana ko pa sa lola ko na sing ganda ko. Kahit ganoon, hindi ko naman ikinahihiya ang bagay na ito dahil para sa akin, isa itong kakaibang biyaya. Ang hirap na makatanda, madali pang makalimot ng mga pangalan ng mga tao. “Ang guwapong bunso?” pag-iiba ko ng usapan. Biglang nagliwanag ang mukha ng matanda na akala mo ay nakahukay ng ginto sa minahan! Mas dilaw naman sa ginto ang ngipin niya! Ang ngiti niya, para siyang isang binubuni—este binibini na binigyan ng kumpol ng mga bulaklak! “Iyon naman si Xian Luis Castillo. Kahit pinasasakit nito ang ulo ko dahil English nang English, ito ang pinakamamahal ko sa kanilang tatlo. Ang guwap

