NABABALIW NA YATA ang matanda. Siya lang yata ang hinampas ng pinggan sa likuran ngunit tuwang-tuwa pa at may pagyakap effect! Kung hahampasin ko kaya 'to ng maitim na kaldero namin sa probinsya sa likod nang paulit-ulit, hindi ko alam kung mabuhay pa kaya ito? “Salamat!” naluluhang anito. “Salamat dahil iniligtas mo ako! Salamat talaga!” "Boba ka kasi! Bakit ka kasi sumusubo ng hotdog na mahaba? Anong feeling mo, kaya mo? Kaya mong lumunok ng ganoong kahabang hotdog? Naku po!” Napairap lang ako at naiiritang kumalas sa pagkakayap niya. Hindi pa kami closer! “Huwag mo akong yakapin dahil binato mo ako kanina ng kutsara!” inis na singhal ko pa at napairap sa kaniya. “Boba ka! Iniligtas mo ako!” saad pa nito. Kung hindi nagkakamali ang kagandahan ko, sinabi niya rin kanina na iniligta

