NAGLAKAD SIYA at nagsimula nang tahakin ang mga daraanan. Dahil siya ang kaisa-isang kasambahay, siya lang naman ang magga-guidance sa akin para sa ngayong araw. Nakasunod lang ako sa kaniya habang siya naman ay maya't mayang nakalingon sa akin habang nakataas pa ang kilay. Mukhang sinisiguro niyang nakasunod talaga ako. Inaliw ko na lamang ang sarili ko habang naglalakad kami. Pinagmamasdan ko ang mga painting, pati na rin ang mga vase na ang gaganda, nagkikintaban, nagkikinisan. Hanggang ngayon, halos sambahin ko pa rin ito dahil sa tuwa ko! Kagabi ko pa iniisip na magnakaw ng isa at ibenta ito para may maipadala agad ako sa pamilya ko. Samantala, patuloy lang kami sa daan at naglalakad. Ilang pasilyo na rin ang nalikuan, nalampasan, nagilingan, nakembutan, at na-tumbling-an namin ngu

