CHAPTER 26 --- "Bakit nandito ka pa?" tanong ko kay Lanzeus isang umaga nang magising ako at nakaharap naman siya sa laptop niya habang nakaupo sa sofa. "Kasi nandito ako," walang kwenta niyang sagot na hindi ko na lang pinansin. Kahapon pa siya laging nasa paningin ko at kung nasa kwarto ako buong araw ay ganoon din siya. Umaalis lang sandali pero babalik din agad. Dapat mga ganitong oras ay nasa opisina siya at nagtatrabaho pero ito siya ngayon nakaupo sa sofa, mukhang dito pa ginagawa ang trabahong hindi niya dapat dito ginagawa. "Bumalik na ba si Dori?" tanong ko. Nagkibit balikat siya. "Don't ask me, we're not close." "Hindi ko rin naman sinabing close kayo." "E 'di 'wag kang mag tanong kasi nga hindi naman kami close kaya hindi ko alam." "Pwede rin naman kasing sabihin mo

