"Ang haba na pala ng buhok ko," mahina kong bulong pero sapat na para maagaw ko ang pansin ni Albert at Jonas. Napapilantik ako ng makita ang sariling repleksyon sa salamin. Lintik, sa angas Terman. Gwapo pa rin naman pero hindi ko namalayan na medyo makapal na pala ang buhok ko, dati clean cut lang 'to ng security guard pa ako. May manipis na bigote na rin pala na tumubo. Angas. Pero hindi ko talaga ikina-aangas 'to, hindi ako sanay na may ganito. Ang tagal ko yatang hindi na nalamin, gano'n ba ako ka stress ng nakaraan at gulat na gulat ako sa itsura ko ngayon? "Sa linggo, puwede tayo mag day off Kuya Terman. Samahan ka namin sa bayan?" Sinilip pa ni Jonas ang salamin na para bang agree ito na ang pangit ko nga sa style ng buhok ko ngayon. Agad akong napailing, "may ibang lakad ak

