SHIFT XXX Mas lalo kong itinuon sa trabaho sa Campo ang atensyon ko. Halos isang beses na lang akong umuwi sa isang linggo, mas gusto ko nang tumira sa Campo dahil do'n lang ako nakakahinga ng maayos. Sa campo lang kami walang alaalang dalawa. Kaya mas pabor sakin na h'wag na muna umuwi. . . Hindi ko kaya. Tuwing linggo ako umuuwi para lang pumunta sa bayan. Pagkatapos no'n bumabalik na agad ako sa campo kahit hindi ko pa duty. Napabuntong hininga ako sa lalim ng iniisip. Ngayon, mag isa akong nag mumuni muni habang nililibot ang campo. Wala pa naman akong trabaho at na sa bayan pa sina Jomar at Jonas para mamili ng mga kakailanganin para sa mga lulutuin, si Albert naman ang naiwan sa kusina. Hanggang ngayon pakiramdam ko ibang kaluluwa ang na sa loob ko. Pati ako nahihiwagaan sa ta

