SHIFT XXIX "Wala na akong pangarap. . . Patapon ang buhay ko, pero ng makilala kita. . . Gusto ko may marating ako, may maipagmamayabang ako. Ayaw ko humarap sa pamilya mo na ganito lang ako." Mapakla kong saad. Nakaupo kami sa malapad na bato kung saan kami dati ng usap, tanging pagaspas lang mula sa batis ang maririnig. Nakababad pareho ang mga paa namin sa tila kristal na tubig. Tahimik lang itong nakikinig sa mga sinasabi ko. "Mabuti nagkaroon pa tayo ng pagkakataon na mag-date." Kunware ay natatawa ako, ngunit tila mas piniga lang ang puso ko. Ganito pala 'yon. . . Ganito pala ang pakiramdam. Putiks. Kaya pala nagagawang maglaslas ni Siniel, kasi sobrang sakit naman pala talaga. "G-Gusto ko, magkaroon tayo ng masayang pamilya. Gusto kitang pakasalan agad, eh." Natatawa ko p

