SHIFT VII

3525 Words
Mula pa man ay ayaw ko na sa konsepto ng pagmamahal na kung hindi pwede ay ma fru-frustrate ka at ipipilit mo pa rin ang gusto mo. Maghahabol. Kakawawain at ibaba ang sarili. Iiyak gabi gabi. Gumawa ng katangahan. Sasaktan ang sarili. At magpapa-minions. . . In short magpapaalipin. Na saan ang pagmamahal mo do'n? Hindi mo mahal ang tao. Ang mahal mo lang ay ang sarili mo. Takot kang mawala ang tao, pero hindi ka natatakot na mawala ang sarili mo? Si Vanessa na ibinaba ang sarili para lang mahalin ko. Si Nanay na nanatili kay Tatay at tiniis ang mga suntok at sampal para lang masabing buo ang pamilya namin. Si Ader na binuntis ang isang Nene sa takot na mapunta ito sa iba kahit na menor de edad ito. Si Ate Maldi na hindi nagsampa ng kaso sa pumatay sa asawa kasi deserve nilang dalawa ng killer ng hustiya sa panloloko ng mga asawa nila sa kanila. Si Siniel na isinisiksik pa rin ang sarili---at handang pumatay h'wag lang mawala ang babaeng mahal niya. At si Suralin na nagpapasakal sa awa niya sa taong mahal siya. Bakit ganito magmahal ang mga tao? Ako ang nahihirapan sa kanila. "Kung mahal ako ng tao susuklian ko ng sakto sa binibigay niya." Saad ko habang sumisimsim sa bote ng beer. Nagkakatuwaan na naman kami ni Ader sa labas ng BH kasama si Ate Maldi. Bakit ako magbibigay ng sobra sobra? Dapat lagi kang may reserba sa sarili mo. Para kung sakaling magbago ang isip ng tao sayo, at least may natira para pa sayo diba? Hindi masama ang sobra. . . Pero pagsobra nakakasakal 'yon! "Akala mo naman nagmahal na ang isang 'to." Puna ni Ate Maldi. Oo. . . Malapit. Malapit na akong ma ulol sa lintik na pag ibig na 'yan. "Ang werdo nga ng lalaking 'yan Ate, madalas nawawala na naman sa hulog. Sabi ko nga sa kanya baka gusto niyang magpalit muna kami ng schedule next week para makatulog naman siya sa umaga." Sabi ni Ader. Hindi naman 'yon Ader, eh. Kung alam niyo lang. "Tama, iba pa rin ang tulog mo sa umaga at ang tulog mo sa gabi." Sumang ayon naman si Ate Maldi habang iniihaw ang mga inasal na atay ng manok. "Oh, baka naman dahil 'yan kay Muslim?" Humagalpak ng tawa si Ader. Tinapunan ko agad siya ng masamang tingin ngunit mas lalo lang siyang humagalpak ng tawa. Matapos ang araw na iyon sa boarding house ay hindi ko na naman ulit nakita si Suralin. Naghintay ako sa kanya sa pwesto ko kung may customer ulit siya. Pero halos isang linggo na pero wala, ni hindi ko na siya nakita pa. Naghalo ang inis at pag aalala ko. Inis sa sarili kung bakit ko siya binigla sa sinabi ko. "Gusto kita." Napaangat ang mga tingin nito sa akin at umarko ang dalawang kilay nito na para bang pinapaklaro niya saakin ang sinabi ko. "G-Gusto kita. . . Humahanga ako sa'yo." Umayos ito ng upo habang pinagsasalikop ang mga kamay niya at bahagyang tumungo. Nagdadasal yata ito bago kumain. Nahiya naman akong lalantak na lang sana bigla ng walang dasal dasal. "Ayan, kumain ka ng gulay Terman. Kailangan mo 'yan." Sinalinan niya ako ng gulay sa mangkok. Habang nagsasalin ito ay napatitig ako sa kanya. . . Naaadik na yata ako sa pagtitig ko sa kanya. Confirm na kaya 'tong nararamdaman ko? Muslim siya Kristiyano ako. Posible kaya ang bagay na iyon? "Terman. . .mabait kang tao. Alam kong mabuti ka. Pero h'wag na muna tayong lumayo sa pagkakaibigan." Confirm na nga ang nararamdaman ko. . . Dahil sa mga salitang binitawan niya, parang may naramdaman akong daga na pinunyal ako sa dibdib. Nginitian ko lang siya. . . "Oo naman Ate, gusto lang naman kita bilang kaibigan." Matapos ang araw na iyon. . . Wala na. Wala nang Suralin na nagparamdam. Pero bakit nag aalala pa rin ako?! Oo, gusto ko siya. Pero hindi ko naman hahayaan na maging kumplikado ako sa sarili ko. Pero parang nangyayari na nga, dahil kumplikado na nga ako. Gusto ko siyang makita. Gusto kong malalaman kung ano ang nangyari sa kanya. Kung ayos lang ba siya. Ano ba nangyari sa Muslim na 'yon?! Pinapaluwag niya turnilyo ko. "Jowa mo na ba 'yon?" Tanong ni Ate Maldi. Sana. Pero hindi naman yata pwede. Maliban sa iba ang relihiyon niya, iba rin ang gusto niya. Pero diba sabi niya dati niya pang boyfriend 'yon? Ibig sabihin wala na siyang boyfriend. "Hindi," Nilagok ko ng isang lagukan ang natitirang beer sa bote. "Ni-ghost kasi siya ng Muslim, Ate." Natatawang kwento ni Ader. "Tumahimik ka na nga," suway ko sa kanya. Sa kalagitnaan ng pagkukuwentuhan namin ay naagaw ang atensyon naming tatlo ng biglang bumukas ang gate. Iniluwa nito ang babaeng naka lugay ang mahaba at itim na buhok at nakasuot na naman ng dress na ni hindi man lang umabot ng tuhod. Nag init agad ang tainga ko ng makita siya. Putok sa make up at lipstick ang labi at mukha nito. Kung saan man ito nanggaling ay tiyak kong hindi na ito uwi ng matinong babae. Nakayuko itong tumigil sa harap ng mesa kung saan kami tumatagay. Ni hindi ito makatingin ng deritso sa akin. Napasandal ako sa mono black at napangisi. . . Nag aalinlangan itong tumingin sa akin at napayuko rin pabalik. . . Halatang tense siya sa mga ngisi ko. "Anong oras na?" Malamig kong turan. Natahimik pareho sina Ader at Ate Maldi. "Ano kasi Kuya, may project kami---" "Project? Bat ganyan ang suot mo?" "Sa culminating kasi namin---" Bawat salitang lumalabas sa labi niya ay tila sinisilaban ang tainga ko. Nag iinit. Sa alak ba o sa inis? "Gabi ka na umuwi. Tapos na ka ganyan ka pa. Paano kong mabastos ka diyan sa labas? Anong project-project 'yan at kailangan mong mag pagabi?" Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Ader. "S-Sorry po Kuya Terman." Napatungo lang ito habang naglalaro ang mga daliri niya. . . Gawain ng mga kinakabahan. "Tol, tama na." Mahinang bulong ni Ader. Nagitla ako ng makitang kumislap ang magkabila niyang mga mata't nagsimulang mag taas baba ang mga balikat niya. "S-Sorry po kuya. . . H-Hindi na po mauulit." Napaiwas ako ng sa kanya. Putiks. Ano ba ginagawa ko. Sa inis at pag aalala ko kay Suralin pati si Nadja napagbubuntungan ko na. "Sige na Nadja, pumasok ka na sa kwarto mo." Saad ni Ate Malditing. Namumugto ang mga matang tumingin pa sa akin si Nadja na para bang humihingi ng sorry bago ito patakbong umalis. "Gago, ano nangyayari sa'yo 'tol? Umiyak 'yong bata." Singit agad ni Ader na para bang nahihiwagaan din sa ginawa ko. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko rin kasi alam. Nainis ako ng nakita ko siya sa ganoong ayos. Hindi lahat ng lalaki sinasanto ang babae. "Nang aagaw ka na ng role Terman, ah. Sa pagkakaalam ko ako ang Land lady dito, ako dapat ang bumubuga ng apoy, ngayon bakit galit na galit ka kay Nadja?" Saad naman ni Ate Maldi. Mula ng nakilala ko si Nadja, kahit gipit ako at nag iipon ay sinalo ko siya sa mga bayarin niya. Lalo na ang upa niya dito sa BH at baon niya---- na hindi ko nga nagawa kay Teresa na carnal kong kapatid. Pero hindi ko naman pinagsisihan iyon, ang gusto ko lang tumino siya habang tinutulungan ko siya. Tinuring ko na siyang kapatid. At ako bilang Kuya niya, ginagawa ko lang din ang alam kong makakapagpabuti sa kanya. Mukha na nga akong Tatay ng batang 'yon. Tapos makikita ko siya sa gano'ng ayos? Ano sa tingin niya, papalakpak ako sa dress niyang kulang sa tela? "Oo nga, tol. Ano mo ba ang batang iyon?" Nilagok ko na ang natitirang beer sa bote bago ako tumayo. Magpapahinga na ako. Magsisimba pa ako bukas. "Sumunod ka na lang sa kwarto ko, Ader. Magpapahinga na ako. Pero pwede ka naman kay Ate Maldi." Kinindatan ko pa si Ate na ngayon ay tawa ng tawa dahil sa reaksyon ni Ader. "Gago! Kakatok lang ako diyan mamaya, di ako matutulog kay. . . Ate!" Napangisi pa ako sa kanila bago sila iniwan sa garahe. . . Alam ko wala naman talagang malisya sa kanilang dalawa. Dahil parang naging tunay nang Ate sa amin si Ate Malditing. NAPASABUNOT na lang ako sa buhok ko at mariing pumikit. Hindi ko alam kung anong pwesto ba ng pagtulog ang gagawin ko na hindi sila iniisip. Sa tuwing didilat ako, pares ng mga mata ni Suralin ang nakikita ko. Kapag naman pipikit ako parang kinakain ako ng konsensiya habang nakikita ang basang mukha ni Nadja. Nakakainis! Nawiwindang ako sa sariling kagaguhan ko sa bata. Hindi ko siya dapat pinagtaasan ng boses. At mas lalong hindi ko na dapat iniisip si Suralin. Kasi kung gusto niya akong makita na sa labas lang naman ako. Pero hindi niya magawang silipin man lang ako. Porket ba nalaman niyang gusto ko siya? Siguro nga tama lang ang ginawa niya. Kasi kung makikita ko pa siya. . . Baka lumagpas na sa pagigingkaibigan ang hilingin ko para saaming dalawa. Hindi siya mahirap magustuhan. Ang hindi ko lang inaasahan ay sa ganon ko ka bilis malalaman na gusto na siya. It was all started with curiosity. . . Then I fall. Nakatulog ako ng ganoon pa rin ang iniisip. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako wala huwisyo. Nagugulo ang tahimik kong diwa dahil nakilala ko ang kakaibang babae. . . Hindi dahil Muslim siya. Sadyang naiiba siya para saakin. Napaigtad ako sa pagkakahiga ng maramdaman ko si Ader sa cr. "Ano kaya pa?" Natatawa kong sigaw. Naririnig ko mula sa labas ang tawag niya ng uwak. Siguradong naparami sila ni Ate kagabi. Ayaw talaga paawat ng dalawang 'yon. "Ugok! Ang aga mo kasing nag drop out kagabi." Humilamos ito sa lababo. Ang gago suka pa rin ng suka. Kinantsyawan ko siya habang hawak hawak ang tiyan sa kakatawa. Ng makabawi siya'y itinaas niya ang kanang kamay at pinakyuhan ako. Umayos ito ng tayo at itinuro turo pa ako. "Ikaw, Terman the virgin! 'Yong batang inaway mo kagabi, na sa labas pa rin ng sala at inaantay ka!" Sabi niya habang tinuturo ang pinto. Si Nadja. . . Muling bumalik sa alaala ko ang mga nangislap niyang mga mata na parang humihingi ng sorry. Her eyes was so innocent. Para siyang bata na bagay sa kanta na "batang bata ka pa". Magulo pa ang buhok ko at halos di pa naghilamos o nag sipilyo, pero lumabas na ako ng kwarto. Naka jersy lang ako at puting sando na kita ang tagiliran. Ano ba tawag dito? Fuckboy shirt? Paglabas ko naabutan ko si Nadja na nakaupo sa sofa. Parang kanina niya pa talaga hinihintay na magbukas ang pinto dahil do'n lang nakapako ang mga mata niya. "Good morning, K-Kuya." Tumayo ito at bahagyang lumapit sa akin. Hindi ko namalayan ang sarili ko na pinapasadahan ko na siya ng tingin mula ulo hanggang paa----na parang inaanalisa ko siya. Gusto kong mapangiti ng makitang nakapalda ito ng lagpas haggang tuhod na pinarisan niya ng long sleeve. Wala ring bakas ng make up sa mukha at lipstick sa bibig niya. Lumitaw ang tunay niyang ganda. Hindi ko alam pero biglang gumaan at lumamlam ang pakiramdam ko. "Good morning, Nadja." Ginulo ko ang buhok ko sa frustration kung paano ba hihingi sorry dahil sa nagawa ko. "K-Kuya. . . Alam ko na dissapoint kita. Sorry po talaga." Hindi ako agad nakapagsalita dahil natuon ang pansin ko sa bawat pagkibot ng labi niya. Ngayon lang kasi ako nakakita ng labi na bow ang kurba at may natural na kulay. Pinkish. "Kuya galit ka pa rin po ba?" Bahagya akong lumapit sa kanya hangang isang dangkal na lang ang layo namin ni Nadja. Marahan ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat na tila ba. . . Isa siyang babasaging bagay. "Hindi," umiling ako sa kanya habang titig na titig sa kulay tsokolate niyang mga mata na parang wala talagang bahid ng kamunduhan. "Hindi na galit si kuya. . . Sorry napagtaasan kita ng boses." Saad ko at hinila siya para ikulong sa mga bisig ko. Habang na sa mga bisig ko siya'y tila nakaramdam ako ng kakaiba. . . At tanging naiisip ko lang ay siya. Si Nadja. Aalagaan at proprotektahan kita Nadja. "May pupuntahan ka?" Malumanay kong tanong. "Magsisimba po." Napatango ako't di ko mapigilan ang mga mata ko na bumaba sa mga labi niya. What's with her lips now? "Hintayin mo ako sabay na tayo. . . kumain ka na?" Marahan naman itong tumango at bumalik sa sofa. "Hintayin na lang kita dito, kya." Marahan kong ginulo ang buhok niyang nakalugay na may mga ipit. Bata pa talaga si Nadja. Napangisi ako ng lumabi siya dahil sa ginawa ko sa buhok niya. "Behave ka diyan, ah." Saad ko bago bumalik ng kwarto. Naligo muna ako habang si Ader naman bumalik na ulit sa pagtulog. Ang lakas ng amats niya, hindi tuloy makasama sa pagsimba. Linggo linggo wala siyang nagagawa tuwing inaaya ko siya magsimba, maliban na lang kung magdadahilan talaga siya ng pang malakasan. Habang nag aayos, naalala ko na kulay pink ang long sleeve ni Nadja, kaya naghalungkat ako sa mga damit ko. Napangiti ako ng makita sa cabinet ko ang pink at plain na long sleeve na bigay ni Tomas sa akin ng graduation niya ng high school, kapalit no'n ay para mapaakyat niya ako sa stage at sabitan siya ng medal. Sinuot ko ito at pinarisan ng skinny jeans at tennis shoes ko. Napangisi ako sa repleksyon ko sa salamin at sinuklay ng kaunti ang kulay tsokolate kong buhok---ginagawa ko talaga ang hair style ni Jack sa tinatic. "Tama na 'yan, di naman kayo magkikita ni Suralin." Napalingon ako kay Ader na halos nakapikit pa. "Ayan, premyo mo 'yan sa kasibaan niyo sa alak. Bahala ka diyan, alis na ako." Iniwan ko na siya sa kwarto, may inuusal pa siya pero di ko na pinansin. Hinihintay na ako ni Nadja sa labas. Pinaglalaruan ko pa ang susi ng motor kong barako habang palabas ng pinto. Naabutan ko si Nadja na nakikitawa sa sofa kasama ang mga binatilyo sa BH ay mga barkada niyang---- ang aga-aga pa pero putok na sa make up ang mga mukha. Hindi ba sila nauubusan ng mga kolorete nila? Bigla na namang umahon ang inis ko ng lumapit ang isang binatilyo at inakbayan pa si Nadja. Naknampucha. Hindi pa nga yata tuli ang gago, pero ang lakas ng loob na umakbay sa kapatid ko. Mas lalo akong lumapit sa kinauupuan nila. Mas lalong nalukot ang mukha ko ng inilapit ng lalaki ang bibig niya sa tainga ni Nadja. Putangina. Tawa ng tawa si Nadja sa binulong sa kanya ng lalaki na mukha namang bad breath. Nagitla agad si Nadja ng mapagtantong na sa harapan niya na ako, gumuhit sa inosente niyang mga mata ang pag aalala ng makita ang mukha ko. "Tara na." Hinila ko siya sa pulupulsun. Ni hindi ko magawang pansinin ang mga bata na bumabati sa'kin ng good morning. Nilalamon na naman ako ng inis ko. Kailan ka pa naging short tempered, Terman? Pagtilig namin sa harap ng motor, hindi ko pa rin binibitawan ang kamay ni Nadja. "Kuya, ayos ka lang?" Bumaba ang mga mata ko sa labi niya. Putiks. Ano ba meron diyan. Curiosity. Curious ako sa labi niya. Naiinis ako sa curiosity ko, pinahamak na ako nito kay Suralin. "Ayaw kong lumalapit sayo ang lalaking 'yon, ah!" Singhal ko sa kanya habang nakapamewang pa. "Kaibigan ko siya, kuya." Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Umaapaw ang inis ko sa mga nangyayari. "Tara na, late na tayo sa misa." Saad ko. Sumakay na ako sa motor ko na may malaking tangke---barako, at nagsimula ng i-start ito. "Kumapit ka," sabi ko ng maka-angkas na siya. Sumabog ang bango niyang parang strawberry. . . Bata talaga. Antagal naming nakarating sa simbahan, inabot yata kami ng twenty five minutes, samantalang kung kami ni Ader, ten minutes lang na sa simbahan na. Ito na yata 'yong pinakamabagal kong pag drive. Si Nadja kasi kasama ko. I want to protect her at all cost. Hindi ako pwede maging kaskasiro, bata ang sakay ko. Sabay kaming pumasok ni Nadja sa simbahan at panaka naka ko siyang tinatapunan ng tingin. Hanggang dibdib ko lang siya at kailangan ko pang yumuko ng tingin para makita siya. Anghel--- tama. Para siyang anghel dahil sa kainosentihan niya. Kaya parang hindi ko malunok kapag napapagaya siya sa mga kaibigan niyang bad influence na mga sunod sa layaw at uso. "Kuya, parehas pala tayo ng long sleeve." Mahinang bulong niya ng makaupo kami sa gitnang upuan. Oo. . . Kasi gusto ko terno tayo. Napaangat ang gilid ng labi ko sa naisip. "Shh, mag dasal ka diyan." Bulong ko pabalik dahil tumunog na ang kampana hudyat na magsisimula na ang misa. Habang na sa kalagitnaan na ng homiliya napadapo ang mga mata ko sa batang babae sa unahan. May edad tatlo hanggang apat. Nakapatong ito sa upuan habang nakatingin sa pwesto ko. Sumasayaw sayaw pa ito pero nakatingin lang sa akin. Pamilyar siya sa'kin. Parang nakita ko na siya. "Please all rise," napabalik ang tingin ko sa altar ng tumayo na ang lahat. Saan ko nga ba nakita ang batang 'yon? NAKA-ANGKLA ang mga kamay ni Nadya sa braso ko na parang bata na ayaw maligaw sa dagat ng tao sa labas ng simbahan pagkatapos ng misa. Hindi ko na ulit nakita pa ang batang babae, mas tinuon ko na lang ang focus ko kay Nadja. "San mo gusto pumunta?" Kahit pambawi ko lang sa mga nasabi ko sa kanya kagabi. Lumiwanag naman ang mukha niya na animo'y may narinig na good news. Napatawa ako sa kanya habang pinapatpat siya sa ulo. "Gusto mo cotton candy?" Malumanay kong tanong. Hindi pa man siya sumasagot ay hinila ko na siya sa pwesto ng nagtitinda. Gusto ko siya i-treat, mataba ang wallet ko ngayon gayong kaka sweldo ko lang. Kada sahod ko nagtatabi ako ng para sa ipon, para kay Nanay at sa dalawa kong kapatid, at ang para sa sarili ko'y hinati ko na para saamin ni Nadja. "Wow, ang cute! Ang taba-taba!" Parang bata na turan ni Nadja ng iabot sa kanya ng Manong ang cotton candy na pakurbang baboy na kulay pink. "Kuya oh, tingnan mo!" Pakita pa nito sa'kin. Naaaliw ako sa tawa at ngiti niya. . . 'Yong puti at pantay pantay niyang ngipin ay katulad ng kay La Liza sa black pink. At ang labi niyang bow shaped na parang kagaya ng sa manika na pumipikit kapag nakahiga. "Halika maglakad lakad tayo." Hindi ko namalayan na nakaakbay na pala ako sa kanya. Tumitingin tingin kami sa mga paninda sa labas ng simbahan. Maraming mga tumitindi sa labas, mga street food, ukay ukay, guto, laruan, saka may nag cu-customize ng bracelet. Napamura ang isipan ko ng makita ang stall ng bracelet. Kumusta na kaya si Suralin? Sadyang magkaiba talaga siguro ang mundo namin. Mailap siya. Habang nagmumuni ang isip ko'y napatigil kami ni Nadya sa stall ng mga palamuti sa buhok. Naumay ako agad sa mga nakikita kong mga ipit na makulay---pero naagaw ng mga mata ko ang ipit na kulay gold. Butterfly ang desenyo nito. Habang tumitingin tingin sa iba pang ipit si Nadja, patago ko itong binayaran sa Manang na nagtitinda. "May na pili ka na, bunso?" Tanong ko na hindi mapigilan ang pag kurba ng mga ngiti ko. "Wala pa kuya," "Ako meron na." Nalingon ito sa akin na para bang nagtataka. "Nag iipit ka kuya?" Oo. . . Kaso iba ang iniipit ko, bunso. Natawa ako sa sariling kagaguhan na naiisip dahil sa sinabi niya. Kinuha ko sa supot 'yong binili kong ipit. At bahagyang hinawi ang kumakalat na buhok sa mukha niya. "Wow, ang ganda kuya." Bakas ang paghanga nito. "Bagay 'to sayo. Sayo 'to, ok? Saan ko naman iipit to diba?" Natatawa kong sagot na sinukilian niya naman ng matatamis na ngiti. Marahan ko itong ni-clip sa buhok niya----tama ako bagay nga sa kanya. "Salamat, Kuya." Nagitla ako sa hindi pamilyar na pakiramdam ng balutin ako ni Nadja ng yakap. . . Hindi takot. Walang daga sa tiyan ko. Pero parang nakalutang ako. "H'wag mo na ulit galitin si Kuya, ah." Bulong ko sa kanya. Nakaakbay ako habang pabalik na kami ni Nadja sa motor, ngunit napatigil kami pareho ng may tumawag sa pangalan ko mula sa likod. "Terman! Terman!" Paglingon ko ay nakita ko ang lalaking ispoting din. Naka puting long sleeve at pantalon ito. Nakangiti habang kumakaway sa akin mula sa stall ng mga bracelet. Si Siniel. Bumaba ang mga mata ko sa maliit na kamay na nakahawak sa kanya. Napangiti ako ng mapagtanto na ang batang dala ni Siniel ay ang batang babae na nakatingin kanina sa akin sa simbahan. "Siya rin 'yong bata na dala ng naka helmet," bulong ko sa sarili. Siya iyong bata na dala ng naka evo helmet sa entrance ng mga unang gabi ko pa lang sa trabaho. So si Siniel at ang taong ayaw mag tanggal ng helmet ay iisa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD