SHIFT VIII

2838 Words
HUMINTO ako sa tapat ng National High school kung saan nag aaral si Nadja. Kaunti pa lang ang estudyanteng pumapasok, pati guard parang ka rating lang din. Natutuwa ako sa improvements ni Nadja sa klase niya, kung dati top seven siya ngayon nagawa niyang makapasok sa top five. Ginagalingan talaga masiyado ng batang 'to. Pagbaba niya sa motor ay tumayo pa ito sa gilid ko. . . Ngayon ibang Nadja na siya. Wala na siyang lipstick at kolorete sa mukha. Nanuot sa ilong ko ang natural niyang amoy, 'yong parang pambata na strawberry. Nakaipit din ang butterfly hair clip na binigay ko sa kanya na bumagay sa uniform niya--- nagmukha siyang anak mayaman. "Thank you, Kuya." Saad nito at bahayang yumukap sa mga braso ko na nakahawak pa rin sa manibela ng motor. "Ingat ka, Nadja. Tandaan mo may curfew ka sa'kin." Matamis itong ngumiti. . . Bago pa siya makaalis ay nahagip ng mga mata ko ang lukot niyang ID lace. "Nadja," tawag ko sa kanya. Taka naman itong napalingon na nakahawak pa sa lace ng shoulder bag niyang kulay purple. Sininyasan ko siyang lumapit at ginawa naman niya. Walang salita na marahan at puno ng pag iingat ko siyang hinila papalapit sa akin, tila na gitla ito sa ginawa ko dahil nahuli ko pa ang mga nanlalaki niyang mga mata. Napangisi ako sa kanya habang inaayos ang kwelyo at ID lace niya. Hinawakan ko ang ID niya at tumambad sa akin ang mala anghel niyang mukha na may malaki at bold na nakasulat. . . Gin Nadja Orquio. Gin Nadja Orquio ang buong pangalan niya. Kwento niya sa'kin ay wala na siyang Mama. Tanging wasted niyang Papa ang natira sa kanya, at pinapaaral siya ng Tita niyang nakapag asawa ng Kano. Ngayon wala na siyang sustento dahil naniwala sa tsismis ang Tita niya na nag bo-boyfriend siya. Pero alam ko walang katotohanan ang lahat ng 'yon. Anghel at inosente si Nadja. Naniniwala ako roon. "Thank you, kya." "Anong oras lunch break niyo?" Bahagya pa itong napaisip, "12:00 pm po!" "Hintayin mo ko, dadaanan kita dito mamaya. . . Ah, anong gusto mong ulam?" "Kahit ano kuya! Pero gusto ko fried chicken." Kahit ano raw, pero fried chicken. Napaangat ang gilid ng labi ko sabay iling. Ang cute niya. "Sige, daanan kita mamaya." Mas lalong lumapad ang mga ngisi niya ng kinindatan ko pa siya bago umalis. Pakiramdam ko napakagaan ng bawat araw----kapag si Nadja ang kaharap ko. Pero ilang sandali lang ng pagmamaneho ko pabalik sa trabaho, lahat ng 'yon nawala ng natanaw ko ang malaking signage board katabi ng poste. . . LOZADA Lounging Home. Biglang sumagi na naman sa aking isipan ang mga mata niyang nagpapatambol ng mga daga sa dibdib ko. Mga pares ng mga mata na parang may eye liner. Nakakatameme--- na tila nanghihigop ng kaluluwa. 'Yong mga mata niya na parang alam lahat ng kasalanan mo sa mundo. 'Yong mga mata na parang nagsasabi na h'wag kang magkamaling titigan. 'Yong mga mata na gusto ko pa ring makita. . . Mga mata ni Suralin. PANSAMANTALA akong tumambay sa pwesto ni Ader, busy ang kumag dahil may mga Lodgers na nag aalsa balutan at may paparating din na bagong mangungupahan. Kaya mas gusto ko ang Night Shift kasi walang masiyadong ginagawa. 'Yon nga lang daig ko pa ang mga paniki dahil dilat na dilat ako hanggang sumikat ang araw. Napabuntong hininga na lang ako. Naiinip na 'ko kakahintay kay Ader sa puwesto. Sinugal ko na naman ang tulog at pahinga ko ngayong umaga para sa kanya. . . Para kay Suralin Marohom, ang babaeng Muslim na hindi na talaga nagpakita sa akin. Gusto ko siyang hanapin. Gusto kong malaman kung na saan siya. Gusto ko ring kumpirmahin kung talagang lumipat na siya ng tirahan, katulad ng plano niya. Marami akong gusto. . . Pero mas malinaw pa sa sikat ng araw na gusto ko nga si Suralin. Gusto ko ang babaeng Muslim. Hindi ko alam, pero simula ng mawala siya parang may parte sa akin na kulang--- may parteng nawala sa akin na hindi ko alam kung ano. Puwede pala 'yon? Magugustuhan mo ang isang tao ng mabilisan. Sa gitna ng pag iisip ko naagaw ng entrance ang atensyon ko, lumabas mula doon ang familiar na house keeper. Siya yata 'yong sa second floor na assign. At sa pagkakatanda ko kakilala siya ni Suralin. May mag bitbit intong bag at baby crib na siguro ay pagmamay ari ng lilipat. Agad akong lumapit sa kinaruruonan niya. Naagaw ko agad ang pansin niya ng na sa harap niya na ako. "Good morning, Sarge." Saad nito. "Maayong aga," sagot ko. "Ari ka di haw, pang gab-i kaw kag?" Tanong nito na kung sa tagalog ay 'bakit ka nandito, diba pang gabi ka?' "Ah, may hinahanap lang." Napatango ito ng bahagya habang isa isang sinisilid sa likod ng rusco ang mga gamit. Tinulungan ko siyang magbuhat at mag akyat ng mga gamit sa sasakyan. Umakyat ito habang ako naman ang nag aabot ng mga gamit. "Kilala mo si Suralin?" Biglang turan ko. "'Yong Muslim?" "Hmm," sagot ko habang ini-aabot sa kanya ang crib. Halos tagaktak na ang pawis ko, naawa naman ako sa kanya. Halos mga babae rin kasi ang house keeper dito, at ang iba ay mga tubero at utility. Kaya walang tutulong sa kanya kundi kami lang ni Ader. Si Ader naman halos hindi na magkanda ugaga sa pag check ng mga pumapasok at pumupuslit palabas na mga gamit. Kailangan niya kasing e-check lahat bago lumabas at pumasok ang mga gamit ng lodgers. Inalalayan ko pa ang house keeper pababa ng rusco. "Bakit mo siya hinahanap, Sarge?" Tanong niya pagkababa. "May kailangan ako sa kanya, alam mo ba kung na saan siya?" Napatingin ito sa relo niya at napailing ng ilang beses. "Pwede kita samahan sa kanya, pero hindi ngayon. Hindi siya pwede disturbuhin ng ganitong oras." Parang nabuhayan ako ng loob, ibig sabihin nandito pa si Suralin at hindi naman talaga umalis. "Nandito pa rin siya? Anong room?" "Room fourty eight. Sasamahan kita mamaya kung gusto mo." "Hindi pwede ngayon?" Napailing ulit ito. "Mga hapon, puwede." Naalala ko bigla na Muslim pala si Suralin at baka may mga sinusunod itong tradisyon kaya tumango na lang ako sa pagsang ayon. "Shift ko mamaya, aagahan ko ang pag punta." Sabi ko. "Roxette ang pangalan ko, ipatawag mo na lang ako sa front desk mamaya." "Salamat, Roxette." Bumalik na ito sa loob ng Lounging at naiwan naman ako sa pwesto ni Ader. Babalik ako mamaya ng maaga para masamahan ako ni Roxette sa unit ni Suralin. Nag isip na ako agad ng dahilan kung bakit ko siya pupuntahan. . . Bakit ko nga ba siya pupuntahan? Gusto ko lang siya makita! 'Yon lang. NANGAKO ako kay Nadja na sabay kaming mag tatanghalian kaya pagkaalis ko sa lounging dumiritso ako sa Andoks. Nag take out ako ng tig-dadalawang fried chicken sa amin. Reward ko 'to sa kanya dahil ang tataas ng grades niya at nakapasok siya sa top five. She's smart. Parang si Teresa rin. "Wow, fried chicken!" Napatakip pa ito sa bibig niya. Bakas ang excitement sa reaksyon niya ng makitang tig-dalawa kami. Halos wala namang dumaraang estudyante rito sa sipak takraw field nila dahil oras ng tanghalian. Buti na lang may mga benches dito sa mga nakahelerang puno ng Linona Tree. Dito kami tumambay at kakain ng lunch. "Mananaba ako sayo niyan, Kuya Terman." "Ayos lang 'yon, at least hindi ka na mukhang pusa na hindi makadighay diba?" "Kuya!" Natawa ako sa reaksyon niya. Kahit kailan hindi pumalya si Nadja na pagaanin ang loob ko. Siya lang ang nakakagawa no'n sa'kin. Dahil sa kanya naibsan pangungulila ko sa pamilya, lalo na sa mga kapatid ko. "Kain ka ng kain, mingming!" Pinatpat ko ang ulo niya habang sumusubo ng kanin. Pinasiringan ako nito ng mga mata niya na mas lalong nag pa volume sa tuwa at tawa ko sa kanya. Habang na sa kalagitnaan kami ng pagkain at pagkukulitan ay napatigil kami pareho sa pagsubo ng may tatlong batang babae na kaedad lang din Nadja ang dumating at na kaupo ang mga ito sa kabilang bench. Naghahagikhikan ang mga ito at nagsisikuhan habang nakatingin sa amin. Napalingon ako ng tuluyan sa kanila ng mapansing parang nangamatis ang mga pisngi ni Nadja habang umiiwas ng tingin sa kanila. Napakunot ang noo ko kaya napalingon ako ng tuluyan sa kanila. Kilala ko sila. Mga dati silang kaibigan ni Nadja. "Mga neneng kumain na kayo?" Nagtulakan pa ang mga ito na parang mga uod na binudburan ng asin. "Kuya Terman, kayo na po ba ni Nadja?" Direktang tanong ng isa na naka lugay ang medyo kingking mga buhok at may makapal na make up. Putiks. "Rich!" Suway sa kanya ni Nadja, pero mas lalo lang yata na triggered ang mga ito na malaman ang stadu namin. Kailangan ba mag jowa agad ang dalawang opposite s*x kapag kumakain ng sila lang? Nadja is my. . . Sister. Oo, kapatid. "Totoo pala ang kwento Kuya Terman," dagdag pa ng isa. "May relasyon kayo ni Nadja?!" Singit naman ng isa pa na halos pwede nang ibenta ng kilo kilo ang bibig sa sobrang bigat at kapal. "Tumigil nga kayo! Kuya ko kaya si Kuya Terman!" Pag depensa ni Nandja. "Talaga? Eh, kuya rin namin siya pero wala naman kaming fried chicken galing sa kanya! Tapos hindi naman niya kami hinahatid araw-araw!" Saad ng may makapal na tuka na parang itim na angry bird. "Tumigil na kayo," mahinahon kong suway. "Kaya pala lumalayo ka na sa amin dahil may permanente ka nang sugar daddy!" Pakiramdam ko'y umakyat lahat ng dugo sa tainga ko dahil sa mga sinabi nila. Sugar Daddy? Ako? Mapakla akong natawa at pinagpag ang mga kamay, tumayo ako at lumipat sa bench nila. Naramdaman ko pa ang paghawak ni Nadja sa laylayan ng damit ko. Ano ang karapatan ng mga bubwita na 'to na bastusin si Nadja?! "Ano ang problema niyo?" Mahinahon at nakangisi kong saad. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang unti-unting pag usog nila sa upuan. Hindi ako pumapatol sa bata. Mas lalong hindi ako pumapatol sa babae. "K-Kuya Terman," naramdaman ko ang paghawak ni Nadja sa braso ko. Napayuko ang mga ito na nagsisiksikan pa sa iisang bench na akala mo mga anghel na aping api. "Kayong tatlo," sabay turo ko sa kanila isa isa. "Anong problema niyo kay Nadja?" "W-Wala po, Kuya." Halos sabay nilang sagot. "Talaga? E bakit parang nambubully kayo?" Sabay ulit silang nailing. "Ayaw ko ng ginaganyan niyo si Nadja, ah. Malaman ko lang ulit na binabastos niyo siya, ipapatawag ko mga magulang niyo sa guidance. At sasabihin ko rin kay Ate Malditing ang mga pinagagawa niyo sa BH tuwing wala siya." Nakaramdam ako ng satisfaction ng sabay sabay silang namutla sa sinabi ko. Alam ko ang ginagawa nilang katarantaduhan sa BH tuwing wala si Ate Maldi. Kung hind umiinom at nagpapasok sila ng mga lalaking outsiders tuwing gabi. "At tinatanong niyo kung ano ko si Nadja?" Napangisi ako habang pinapasadahan ng tingin si Nadja. Mula sa mga inosente niyang mga mata pababa sa mga labi niyang natural ang kulay. . . Pinkish. "Hindi ko siya kapatid. Hindi ko siya pamilya. Hindi ko siya kaibigan. Hindi ko siya nobya." Saad ko habang hindi inaalis ang tingin kay Nadja na ngayon ay tila namumutla rin sa gusto kong sabihin. "Pero special siya sa akin." Dugtong ko. At gagawin ko ang lahat para protektahan siya. ALAS KUWATRO pa lang ay na sa Lounging na agad ako. Ngayon ko ulit siya makikita. Nagdala ako ng mga pinamili kong beads at gamit pang gawa ng bracelet. Nakaisip na ako ng dahilan para makita siya. "Ang aga mo Tol, ah?" Bungad sa'kin ni Ader. "Hmm, so totoo pala sabi ni Roxette!" Humagalpak siya ng tawa ng makita ang dala kong supot. "Gago," sabi ko sa kanya. "Hindi ka talaga naka move on kay Muslim?" Humahangos pa rin ito sa kakatawa. "May kailangan lang ako sa kanya," "Ano, kiss?" Nasangga nito ang kamay ko nababatok sana sa kanya. "Diyan ka na!" Iniwan ko si Ader na humahalakhak pa rin at kinakantsyawan ako tungkol kay Suralin. Confirm. . . Gusto ko si Suralin. Alam ko na 'yon sa sarili ko. Hindi ako confuse. Confuse ako, sa time span. Ano 'yon naka time lapse, na sa isang click na gustuhan ko siya? Parang gusto ko i-untog ang sarili ko para mahanap ko ang sagot. Pero wala. Ginawa ko na 'yan e. Pagdating ko sa front desk sinabi ko kay Farah na kailangan ko si Roxette. Agad niya naman itong tinawagan gamit ang telepono. "Sarge, pababa na siya." Sabi ni Farah habang ibinaba ang telepono. "Salamat, salamat." Naghintay lang ako sandali sa lobby at maya-maya natanaw ko si Roxette pababa ng hagdan mula sa second floor, bitbit nito ang map at balde na wala ng laman. Kumaway ako sa kanya na sinuklian niya naman ng mga ngiti. "Mukhang malapit kayo ni Ma'am Suralin, ah." Untag nito. "Kaibigan ko siya." "Talaga? Bihira lang 'yon lumabas. Bawal kasi. Ako nga lang nakakausap niya diyan. Masiyadong strikto kasi ang kasama niya." "Muslim din?" "Hindi, kagaya lang din natin." Napaisip ako. . . Hindi halos binabanggit ni Suralin ang tungkol sa kasama niya. Ni hindi ko alam kung lalaki ba o babae ang kasama niya. "Nandito na tayo," Napabalik ako sa ulirat ng huminto kami sa isang pinto na may naka paskil na numero. . . Room 48. Kinatok ito ni Roxette, halos dalawang minuto pa ang pagtawag ni Roxette bago umawang ang pinto at iniluwa nito ang nabaeng naka Burqa. . . Si Suralin. Mula kay Roxette ay lumipat sa akin ang mga mata nito---nanlaki ang mga mata niya ng mapagtantong ako nga ang nasa likod ni Roxette. "Terman?" "Hi," napakamot pa ako sa likod ng ulo. Hindi ko na naman malaman ang gagawin ko sa kakaibang ritmo ng t***k ng puso ko. "Bakit kayo nandito?" "Gusto ka raw kausapin ni Terman, Ma'am. Sorry hindi kita nasabihan kanina." Paliwanag ni Roxette. Napailing naman si Suralin at marahang binuksan ng mas malaki ang pinto. "Maiwan ko na kayo Terman, ah?" Pagpaalam ni Roxette. "Salamar, Roxette!" Saad ko. Pagkaalis ni Roxette ay agad akong bumaling kay Suralin. "Terman, bakit ka nandito?" Napalingon pa ito sa loob ng unit niya at napakamot sa ulo kahit na may belo ito. Halata ang pagkataranta sa mukha niya. "Sorry, Suralin. Gusto lang naman kita makita." "Ate. Ate Suralin." Pagtatama nito. "Terman hindi mo ko dapat pinuntahan dito," muli itong napasilip sa loob. "Ano ba ang problema, Suralin?" "Ate! Paulit-ulit tayo Terman, eh. Sabihin mo na ang kailangan mo, hindi ka pwedeng magtagal dito." Nahihiwagaan ako sa kilos ni Suralin, para bang isang malaking pagkakamali na pinuntahan ko siya. Pero sa kabila non, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. . . Ang bigat. Ang bigat bigat na para bang sasabog ako. Pinagtatabuyan niya ba ako? "Sige, pasensiya na." Malamig kong sabi. Ni hindi ko siya magawang tingnan dahil pakiramdam ko napahiya ako. Sa buong buhay ko ngayon lang ako napahiya ng ganito. Mas sobra pa yata 'to sa sinuntok ako ni Papa sa harap ng mga kasamahan kong basket ball player sa gitna ng liga. Napahiya ako kay Suralin. Napahiya ako sa sarili ko. Tangina. Sa lahat pa naman nga ayaw ko e yong parang napapahiya ako. "T-Terman, sorry." Hindi ako makatingin sa kanya ng deritso, kahit ang sorry niya ay hindi makapawi sa pagkapahiya ko. Bakit ko pa kasi siya pinuntahan?! Ta-tanga tanga ang theme ko ngayon. Putiks. "Sino, nandiyan?" Parang na istatwa ako sa kinatatayuan ko sa labas ng pinto ng may sumilip mula sa awang pinto. . . Umanino sa likuran ni Suralin ang lalaking walang damit pang itaas. "Terman?" Napakunot ang noo nito sa akin na tila hindi makapaniwala na nando'n ako. "Pasok ka," sabi nito at iginiya ako papasok sa loob. Parang hindi ko mahanap ang mga salita na pwede kong sabihin. . . Pakiramdam ko na pasma ang dila ko. Napatingin ako kay Suralin na sa kauna unahang beses ay nakita kong nataranta at tila nawala ang mapipino niyang galaw. "Anong atin Terman?" Napabaling ako sa kanya habang nakatayo pa rin sa may pinto. Bakit sila mag kasama? "Room fourty eight ka pala, Siniel." Saad ko. Napatingin ako ulit kay Suralin na ngayon ay nakasuot na ng mask. "Oo, sa nga pala dito ang unit namin. . . Ito naman si Uli. . ." Inakbayan nito si Suralin. May damit pang taas na ito ngayon. "Uli?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na mag tanong. Hindi. . . Sana hindi. "Oo, si Uli. 'Yong asawa ko, taga Davao siya." Tila nagagalak itong ipakilala sa akin ang asawa niya. "Uli, si Terman. Kaibigan ko diyan sa labas." Marahan naman itong tumungo. Asawa? May asawa na pala siya. Parang niyanig ang utak ko. . . Sa buong buhay ko ngayon lang ako napahiya ng doble para sa sarili ko. May asawa na pala ang babaeng gusto ko. At asawa siya ng taong naging kaibigan ko. Si Siniel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD