To love in a wrong way aren't by business. Ang magkagusto sa may basbas na ng langit ay mortal na kasalanan kung maituturing ko.
Kaya hindi na kita puwedeng gustuhin, Suralin. . . Hinding hindi na.
Punuan na ang mga listahan ng mga martyr at kabit, isasali ko pa ba sa kahihiyan ang pangalan ko?
Kahit kailan hindi ako makikisali sa samahan ng mga nakikiapid. Mali ang magustuhan ko siya. At mas lalong mali kung patuloy ko siyang gugustuhin.
Buti na nga nalaman ko ng mas maaga.
Edi sana, nasangkot pa ako sa adultery o di kaya cuncubine.
Anong mukha ang ihaharap ko sa pamilya ko, lalong lalo na kay Tatay pag nagkataon.
Hindi ko pa rin maalis sa sarili ko na napahiya ako sa kanya.
Sana sinabi niya ng deristo na may asawa't anak na siya. Hindi 'yong akala ko pareho kaming single.
Hindi naman niya kasalanan na nagustuhan ko siya! Ang hindi ko lang maintindihan bakit hindi niya sinabing may asawa't anak na siya.
Buti hindi na minasama ni Siniel ang pagpunta ko sa kanila. Nalaman ko na may isa na silang anak. 'Yon yata ang kinukwento ni Siniel sa'kin dati.
Napasandal na lang ako sa mono block habang tinitingala ang masiglang araw. . . Naninibago ako sa nararamdaman ko.
May kirot?
Hapdi?
Masakit?
Hindi ko alam. Basta ang alam ko, nahihirapan akong huminga tuwing sumasagi sa isipan ko ang larawan ni Siniel at Suralin na isa na pa lang pamilya.
Masayang pamilya. May anak pa.
"May asawa na siya," kwento ko kay Ader na ngayon ay nakasandal din sa poduim habang kumakain ng puto cheese na pinares niya sa kape.
"Sabi na, eh. Natitipuhan mo na si Suralin." Napapailing iling ito sabay subo ng puto.
Hindi ako nakasagot agad sa kanya. Kasi totoo naman.
Gusto nga siya.
At wala akong balak maghabol.
"Anong plano mo?"
Napatingin ako sa kanya na para bang nag bitiw siya ng obvious na joke.
"Kailangan ba may plano ako?" Natawa ako sa sarili kong tanong.
"Oo, kung magpapa-shot puno ka ba o mag hahabol. Saan sa dalawa?"
Napangisi ako lalo sa tanong niya.
Makakaipon pa ba ako ng malakilaki dito sa Dumangas? Eh, halos ka da sweldo inaahas na nanaman ako ni Ader na tumagay kasama si Ate Maldi.
"Wala sa dalawa! Gago."
"Eh, ano?" Kunot noong nagpamewang pa ito sa harap ko.
"Kakalimot."
Pabiro. Pero totoo ang gusto kong mangyari.
Hindi ko alam kung saan ba ako na saktan, sa katotohanan na may asawa na siya, o sa katotohanan na napahiya ako?
Parehong masakit.
Parehong mahirap tanggapin. Hindi pa nga ako nagpapakita ng the moves ko kung paano ako manligaw, wala na agad akong pag asa.
"Edi, shot puno!" Hirit ni Ader.
"Mamaya pag off mo, kina Ate Maldi ulit." Saad ko bago nag paalam na hahayo na para umuwi sa BH.
Bago ako mag drive paalis ay tiningala ko pa ang second floor ng lounging. . . Naaninag kong nakabukas ang bintana ng room fourty eight. . . Pero hindi ko naman siya nakita.
Mas gugustuhin ko na lang na h'wag na muna siya makita.
ISINANDAL ko ang ulo ko sa unan, pinipilit kong matulog muna habang wala pa si Ader.
Magulo pa rin ang isip ko. Naaalala ko pa rin kung papaano niya hindi na gustuhan ang presensiya ko sa unit nila.
Napahiya talaga ako.
Ano ba ang akala niya?! Hindi naman ako aakyat ng ligaw sa kanya. Gusto ko lang naman siya makita.
Ano ba ang masama do'n at minasama niya ang pagpunta ko.
Fresh pa sa utak ko kung paano siya matarantan ng papasukin na ako ni Siniel. Bakit ba parang takot na takot siya na makita ako ng asawa niya.
Ang mas kinasasama ng loob ko, hindi niya sinabi sa'kin na may asawa na siyang tao----at kaibigan ko pa pala 'yonh asawa niya.
I can still remember, kung paano ipagmalaki ni Siniel si Suralin bilang desenteng babae.
Kung sana sinabi niya una pa lang, eh 'di sana napigilan ko na hindi siya gustuhin.
Naninibago ako sa bigat ng loob na nararamdaman ko. . .ngayon lang ako na nakaramdam na parang hindi ako pinapahinga ng maayos ng puso ko. . . Ganito ba ang sinasabi ni Ader na. . . na ma-heart broken?
NAALIMPUNGATAN ako mula sa pagkakatulog buhat ng mabibigat na katok mula sa pintuan.
Parang gusto ko magmumura!
"Sandali!" Iritado kong bulyaw.
Wala pa akong damit pang itaas at naka jersey lang ang suot ko.
Pagpihit ko ng siradura bumungad agad sa akin si Ader na nakangiting aso.
"Tapos ka na mag emote?" Saad nito.
Na inirapan ko lang bago binuksan ng malaki ang pinto. . . Pero hindi pa man ako nakakabawi sa mabigat kong pakiramdam ay pakiramdam ko madadagdagan na naman ngayon ang mga nakadagan sa dibdib ko.
Anong ginagawa nila dito?
"Sinama ko na si Siniel at Suralin," sabi ni Ader na nag patiuna nang pumasok sa kwarto ko.
Gusto kong mapahilot sa sintido ko dahil sa nanuot na sakit--- sintido ba o dibdib?
Nakaakbay si Siniel kay Suralin. . . Todo ngiti naman ang huli.
Wow, nice scene.
Hindi ito ngayon naka Niqab.
"Terman!" Bati ni Siniel sa akin.
"Pasok kayo," saad ko at iginiya sila papasok sa loob.
Ni hindi ko magawang tapunan ng tingin si Suralin kahit na alam kong nakatingin siya sa'kin.
"Sumama kami kay Ader, nabanggit niya kasi na papunta siya dito. Eh, tamang tama naman may ibibigay ako sa'yo."
Nag init ang pisngi ko ng maalala na wala pa pala akong damit pang itaas. Parang pambabastos kasi 'yon sa bisita lalo na at babae ang isa sa kanila.
"Sandali lang Siniel, ah. Pasensiya na hindi ko alam na kasama kayo ni Ader, hindi ako nakapaghanda." Napakamot pa ako sa likod ng ulo.
"Asus, ayos lang. Kami nga yata nakaabala sa'yo." Sabat ni Siniel.
Dali dali akong pumusok ng cr at nag suot ng presentableng t-shirt bago ulit lumabas ng cr para harapin sila.
Ako lang kaya? Ako lang kaya ang nakakaramdam ng tensyon sa loob ng kwarto ko?
Normal kaming magkaibigan ni Siniel. . . Pero hindi ko alam, ang awkward lang ng dating namin ngayon sa isa't isa.
"Salamat, buti na pasyal kayo dito. . ." Lumipat kay Suralin ang tingin ko na ngayon ay mataman din palang nakatingin sa akin.
"Ng misis mo." Dugtong ko habang pinipilit magpakawala ng tawa.
"Actually, nasabi na niya sa akin na magkaibigan daw kayo."
Napadapo pabalik kay Suralin ang mga mata ko. Parang bumilis ang pagtibok ng puso ko at hindi ko ito ngayon kayang pakalmahin.
Nasabi niya ba kay Siniel na gusto ko siya?
"Ah, oo." Umiwas ako ng tingin sa kanila.
"'To kasing si Uli, masiyadong mailap sa tao. Minsan lang 'to lumalabas."
Tama si Siniel. Mailap si Suralin. Naalala ko pa nga ng ilang beses ko siyang inantay na makita ulit sa labas ng entrance.
"M-May ibibigay lang ako sayo, Terman." Parang binalot na naman ako ng malaki at malamig na boses ni Suralin.
Hindi ko maipaliwanag ang naghahalong tensyon at kaba sa dibdin ko.
"Maupo kayo," alok ko sa kanila ng mono block.
Habang si Ader naman abala na sa pag aasikaso ng mga parilyahan at kalan na gagamitin namin para sa inuman.
"Hindi rin naman kami magtatagal, Terman." Napabalik ang mga mata ko kay Siniel.
"Oh, akala ko makiki good time kayo samin ni Ader." Natatawa kong sabat.
Alanganin namang napangiti si Siniel sabay hapit sa bewang ni Suralin. . . Putiks.
Sa labas niyo na gawin 'yan! Pasintabi naman.
"Passed na ako sa ganyan, pre. Nangako na ako kay Misis, eh."
Napatango tango na lang ako sa kanilang dalawa. . . Pakiramdam ko napapahiya pa rin ako kay Suralin.
Happy family. . . Happy family pala ang muntik ko masira.
Baka isipin na talaga niya na dapat lang na wala kaming tyansa dahil manginginom ako at wala siyang mapapala sa'kin.
"Ah, ngayon lang naman kami ni Ader." Tukoy ko sa pag go-good time.
"Eh, wala naman kaso 'yan sa inyo. Pareho kayong single. Eh, kami graduate na sa good time."
Natawa kaming dalawa, pero sa loob loob ko parang kinukurot ako ng paulit-ulit.
Gusto ko lang naman siya.
Hanggang do'n na lang 'yon.
Oo, na mimiss ko siya.
Pero hindi na dapat! Hindi ko na dapat nararamdaman 'to.
Napabalik ako sa ulirat ng may inabot sa akin si Suralin. . . Isang supot.
"Para sa'yo at sa mga kapatid mo, thank you sa pagtulong mo sa negosyo ko." Saad nito.
Hindi ako makatingin sa kanya ng deritso habang tinatanggap at supot na iniaabot niya. Sinadya kong masayaran ng mga daliri ko ang mga kamay niyang tila----alagang alaga. . . Alagang alaga siguro siya ni Siniel.
"S-Salamat, Surali--- I mean Ate Suralin."
"Pa'no? 'Yan lang naman dinaan namin dito, pare. Mag iimpake pa kasi ako."
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
Saan siya pupunta?
"Mag-iimpake?" Pag uulit ko ng nakakunot ang noo.
"Mawawala ako ng halos dalawang buwan dahil babalik ako ng Manila para asikasuhin ang papers ko. Sasakay na ako ng barko."
Napabaling ang mga mata ko kay Ader na umupo sa may lamesa habang nag gagayat ng sili. Napabahing pa ito sa sobrang anghang.
"Seaman pala kasi si Siniel, Terman." Sabat ni Ader na halos hindi pa nakakabawi sa pagkakabahing.
Seaman. . . Eh ako, security guard lang.
Tama lang naman pala siguro na hindi kami para sa isa't isa. Mas may kinabukasan sila ng anak niya kay Siniel.
Sino ba naman ako?
Hamak na guwardiya lang at di pa nakapagtapos ng pag aaral, tapos ang lakas ng loob ko na magkagusto sa isang desente at rehilyosang babae?
Ang kapal naman yata ng mukha ko.
"Kaya, habang wala sana ako sa lounging unit. . . Kayo na bahala sa mag ina ko."
Napabalik ako sa reyalidad sa turan ni Siniel.
Simula ng nagustuhan ko si Suralin wala naman akong ibang ginawa kundi siguraduhin na safe siya at ang mga paninda niya!
"Kapag nakaipon naman na kami ni Suralin, babalik na kami sa Davao sa pamilya niya."
Hindi ko alam pero unti-unti ay parang namamanhid ang puso ko at ayaw ko na makadama. . . Putiks ang sakit. Ganito pala kapag naging reyalidad mo na ang mga bagay na pinagtatawanan mo lang noon.
Bumaling ang mga mata ko kay Suralin. . . Mataman kong inalisa ang hubong ng mukha niya. . . Bakit ba ako nagkagusto sa'yo ng ganito kabilis?
May kung ano sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag. . . Lungkot.
Nakagat ko ang sariling labi. . . Nakakahawa ang nakikita kong emosyon sa mga mata niya.
Anong problema, Suralin? Akala ko ba happy family kayo.
O baka nalulungkot siya dahil aalis na ang asawa niya? Tama. Nalulungkot nga siya kasi aalis na ito.
"H'wag kang mag alala pre, mababait naman ang mga house keeper, lalo na si Roxette. Saka nandiyan naman kami ni Ader."
Napabuntonghininga ito na tila ba nabunutan ng tinik, pinagsalikop nito ang mga kamay bago tumayo at kinabig papalapit sa kanya si Suralin.
"Paano salamat sa inyo, ha? Terman, Ader. Ako bahala sa pulutan at imported na alak pagbalik ko!" Tinapik pa ako ni Siniel sa balikat.
"S-Salamat dito, Ate." Saad ko ng hindi halos makatingin kay Suralin.
Wala bang mas mabilis na paraan para mawala agad ang nararamdaman ko para kay Suralin?
Nahihirapan na kasi ako.
"Walang ano man, " yumuko ito ng bahagya.
Hinatid namin sila ni Ader sa labas ng gate habang nag uusap usap pa sina Ader at Siniel.
"T-Terman?"
Napalingon ako sa kanya.
"Pasensiya ka na sa nangyari." Dugtong nito.
"Surali---I mean Ate, wala na 'yon. Kalimutan ta natin, saka naiintindihan ko naman. Sorry, kasi naging mapangahas ako na dalawin ka. Hindi na kasi kita na kita."
At na mimiss kita.
Hindi ako mapakali sa pag alala ng mga araw na iyon.
Kaya kita pinuntahan!
"Sorry, nagkasakit kasi si Amara. Kailangan kong alagaan." Napayuko ito.
Hindi ko alam kung bakit pa siya nagpapaliwanag.
"T-Terman. . . Sorry kung nagsinungaling ako about kay Siniel at Amara---"
"Kalimutan mo na, Ate." Kaswal kong saad.
"Ate, alam mo. . . Sayang." Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
"Gusto kasi kita. . . Hindi bilang kaibigan. Sasabihin ko 'to sayo ng walang paligoy ligoy kasi ito na ang huling beses na maririnig mo 'to sa'kin. . . Gusto kita. Hindi ko alam kung paano o bakit, pero gusto kita."
"Terman. . ." Gumuhit ang lungkot sa boses niya pero nginitian ko lang siya.
"Salamat sa kaunting panahon, Ate Suralin. Magkaibigan pa rin tayo, ah?"
I tried so hard not to choke my own words.
Ang hirap pala bitawan ng mga salitang 'yon. . . Bihira lang sa isang Terso Manuel Alferez ang magkagusto sa babae. . . Kaya napaka especial ni Suralin para saakin.
Masakit. Pero kailangan. Mahirap. Pero hanggang dito na lang. . . Hanggang dito na lang ang pagmamahal na hindi naman nasimulan.
Nagitla ako ng marahang hinawakan ni Suralin ang kamay ko. . .
"Terman. . ." Tila hindi nito mahanap ang mga salitang dapat niyang sasabihin.
"H'wag kang mag alala, wala naman akong balak na agawin ka sa asawa mo." Natatawa kong turan.
"Hindi ko gagawin 'yon, mahal na mahal ka niya. . . At alam ko gano'n ka rin sa kanya. Masaya ako para sa'yo---sainyo."
Ako na mismo ang kumalas sa pagkakahawak niya sa kamay ko.
Baka makita pa ni Siniel at ano pa ang isipin niya.
Tapat ako sa kaibigan ko. Hindi ako maghahabol at magmamahal sa maling paraan.
Pagkaalis nila ay naiwan kami ni Ader na nag iihaw ng baboy at talaba sa may garahe.
Kanina ko pa hinihintay si Nadja.
Alam naman niya na may curfew siya sa'kin, pero hanggang ngayon wala pa rin siya.
"Tinamaan ka ng lintik 'no?" Basag ni Ader sa katahimikan.
"Alam mo Terman, kapag tinamaan ka talaga sa isang tao kahit mali sa mata ng batas at sa mata ng Diyos ay susulungin mo."
Gago. Maling tama yata ang sumasapi sa mga tao?
"Katulad namin ni Nene, nagkaanak kami. Dahil tinamaan ako sa kanya, at hanggang ngayon kahit hindi kami nagkikita siya pa rin ang mahal ko."
Ramdam ko na totoo si Ader sa nararamdaman niya kay Nene, lalaki din ako.
"Hindi ako maghahabol, pre. Wala na akong panama do'n."
"Sabagay, ibaling mo na lang sa iba. May itsura ka naman at may magandang katawan, kaya nga nahihiwagaan ako sa'yo bakit wala kang nobya, bakla ka ba Terman?"
Parang gusto ko siyang hambalusin ng tupper wear pero nahawa rin ako sa tawa niya.
"Ayaw ko lang talaga ng padalos dalos. Kung mag no-nobya man ako, 'yong talagang mahal ko at seryoso ako."
"We? Virgin ka pa ba?"
Tiningnan ko siya na para bang nandidiri ako sa tanong niya.
Good boy ako sa Jamindan. Wala pa akong experience. At gagawin ko lang 'yon sa babaeng mahal ko! At gagawin lang namin 'yon kung may lisensiya na kami pareho mula sa batas at langit.
"Der," tawag ko sa kanya.
"No. Hindi ako pumapatol, Terman---aray!"
Angal niya ng kinutusan ko siya.
"Pwedeng makahingi ng pabor?"
"H'wag lang babae, nagtitipid na ako ngayon."
"Puro ka kalokohan!"
"Sige, hindi na. Ano ba 'yon?"
Napabuntong hininga ako bago isubo ang barbeque na baboy na kakakuha pa lang sa baga.
"Palit tayo."
"Ng?"
"Ng shift, pwede ba sa umaga muna ako?"
Ang alam ko kasi hindi lumalabas si Suralin pag umaga, sa gabi niya iniiwan ang paninda niya sa pwesto ko.
Seryoso ako na gusto ko na munang kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. . . Ginagawa ko 'to hindi para sa sarili ko. . . Para sa isang kaibigan.
Para kay Siniel.
At sa tingin ko makakabuti kung umaga na ang shift ko para hindi na siya makita pa muna.
"Umiiwas ka kay Suralin no?"
"Oo." Walang gana kong sagot.
"Sige, tatawagan ko si boss. Ipagpapaalam ko bukas."
Halos may isang oras na kami sa garahe pero wala pa rin ni anino ni Nadja. Nagsisimula na akong kabahan.
Na saan na ba ang batang 'yon?!
"Ayan ka na naman, ang daya mo!" Reklamo ni Ate Maldi ng tanggihan ko na naman ang tagay ko.
Hindi ako pwedeng malasing, baka kung ano ano na naman ang masabi ko kay Nadja mamaya!
"Babawi ako mamaya, Ate! Chill lang kayo."
Ilang minuto pa ang nagtagal at napatayo ako sa kinauupuan kong monoblock. Natanaw ko sa may gate si Nadja. . . Pero parang nag init na naman ang tainga ko ng makita kong kasama niya na naman ang lalaking sinasabi niyang kaibigan niya. . . Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko pinagmasdan ko lang silang dalawa.
Tumigil silang dalawa sa gate, magkaibang pinto kasi ang dadaanan nila pareho.
May sinasabi 'yong bubwit na lalaki na ikinalukot naman ng mukha ni Nadja. . . Naalarma ako ng lumapit ito ng bahagya kay Nadja at ninikawan ng halik sa pisngi ang kapatid ko!
Itinulak siya ni Nadja pero napangisi lang ito, pakiramdam ko umawas lahat ng apdo ko at nagkalat sa katawan ko.
"Terman, chill." Hinawakan pa ako ni Ate Maldi pero hindi nila ako napigilan.
Dinala ako ng mga paa sa gate kung na saan sila, hindi nakatakas sa mga mata ko ang lukot na mukha ni Nadja.
"Hoy!" Bulyaw ko na halos magpatigil sa dugo ng gago.
"Kuya Terman!"
Hindi ko napigilan ang sarili ko at nadakma ko ang kwelyo ng uniform ng lalaki. Ang bilis ng paghinga ko, alam ko sa oras na ito ang kayang kaya kong baliin ang buto niya!
"Bakit mo hinalikan si Nadja! Ayusin mo isasagot mo, kundi mapapatay kita!"
"Kuya Terman, sorry po---"
Hindi na niya natapos ang sasabin ng buong pwersa ko siyang isinandal sa pader.
Hindi ko maipaliwanag ang inis na dumadaloy sa dugo ko.
Anong karapatan niyang halikan si Nadja?!
Umarko ang likod nito sa sakit ng pagkakasalampak ko sa kanya.
"Subukan mong ulitin 'yan kay Nadja, sisiguraduhin kong mapupulbos kitang gago ka!"
Naramdaman ko ang mga malalamig na kamay ni Nadja na kumapit sa mga braso ko.
Nagmumukha siyang bata lalo kapag ako ang kaharap niya.
Hinila ko siya sa braso at kinaladkad papasok ng BH namin.
Naririnig ko pa si Ate Maldi at Ader pero wala na akong pakialam sa kanila.
Pagdating namin sa loob ng BH ko ay binitawan ko siya ng marahan at pinasadahan ng tingin. Basa na ang mukha nito dahil sa pag iyak.
"Umupo ka diyan."
Iniwan ko siya at kumuha ako ng basang bimpo. . .
Hindi ko pa rin magawang makalma ang sarili ko sa sunod sunod na pangyayari ngayong araw---pero sa lahat ng 'yon, ang kay Nadja ang hindi ko kinaya!
Naiinis akong isipin na nadampian ng labi ng lalaking 'yon ang pisngi ni Nadja.
Marahan akong lumapit sa kanya, hindi pa rin ito tumitigil sa pag iyak. Kinuha ko sa pulupulsuhan niya ang tali niya sa buhok.
Buong pag iingat kong hinawi ang buhok niya habang nakaupo siya at nakatayo naman ako sa likuran niya. Ni walang salita na namutawi sa pagitan naming dalawa habang maingat at sinisigurado kong hindi siya masasaktan sa paraan ng pagtatali ko sa buhok niya.
Pagkatapos kong maitali ay marahan kong iniluhod ang isa kong binti. . . Hinawi ko ang mukha niya paharap sa akin. . .
Ang ganda ganda niya.
Agad kong pinunasan ng bimpo ang parteng hinalikan ng lakaki. . . Gusto kong mawala doon ang bakas niya. Nandidiri ako sa hayop na'yon.
"Ayaw ko ng nakita ko, Nadja."
"S-Sorry kuya."
Muli kong pinunasan ang parte ng pisngi niya na hinalikan ng lalaki at. . . Hindi ko namamalayan na unti-unti akong lumapit sa kanya.
Napapikit ako ng dumampi sa malamig niyang pisngi ang mga labi ko, itsakto kung saan siya hinalikan ng lalaki.
Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon, pero may parte sa akin na gusto pa iyon ulitin. . .
At sa ikalawang pagkakataon ay tumama sa gilid ng kanyang labi ang mga labi ko.
Pakiramdam ko ay nakalutang ako. . . Anong ginagawa mo sa akin Nadja?