Anong ginawa mo sa'kin Nadja?
O dapat ko bang ibahin ang tanong? Anong ginawa ko kay Nadja?!
Nagagaguhan na talaga ako sa sarili ko, sunod sunod ang kahihiyang ginagawa ko. Una kay Suralin, ngayon sa babaeng tinuturing kong kapatid!
Naiwan akong nakasalampak sa kama habang nakatitig pa rin ako sa pintuan na kanina pa padabog na nagsara.
Hindi ko siya masisisi kung magalit siya sa'kin at sumama ang loob niya. Kuya niya ako at pinagkakatiwalaan niya ng buo. . . Tapos tinatarantado ko siya. Ano iisipin niya sa'kin? Na sinungaling ako sa mga prinsipyo kong kinakain ko rin! Baka isipin niya na sinasamantala ko ang kahinaan niya, dahil tinutulungan ko siya at ang kapalit ay dignidad.
Hindi. Hindi ko magagawa 'yon, hindi ko rin sinasadya ang nangyari. Papaano ko ipapaliwanag 'yon sa kanya? Idadahilan ko ang alak? Eh, malinaw pa sa sikat ng araw na hindi ako lasing!
Ano ba nag ginawa ko?
Putiks. Lasing ba ako kaya ko nagawa sa kapatid ko 'yon? O dahil na naman sa pagkadismaya ko kay Suralin?
Andami kong katanungan mismo sa sarili ko. Pero wala akong mahanap na sagot. Ito ang unang beses na may hinalikan ako--- ng walang paalam! At higit sa lahat ito ang unang beses, that I kissed a minor!
Bata lang si Nadja! Pero bakit gano'n? Wala akong ibang naramdaman na takot o pag aalinlangan. Nag kusa na lang ang sarili ko na halikan siya. . . Nadala ako ng sariling inis dahil sa ginawa ng lalaking 'yon kay Nadja. . .
At ang tanging nasa isip ko'y alisin ang bakas ng lalaking 'yon kay Nadja, pero hindi ko akalain na lalagpas do'n ang kaya kong gawin.
Hindi ako natakot ng mga oras na iyon. . . I felt joy. Pakiramdam ko ay nakasampa ako sa ulap ng nagdampi ang gilid ng mga labi namin.
Suddenly I felt comfort in her lips. I found my loads unheavy and---yeah, light and bearable--- nakalimutan ko ang pagkapahiya ko sa sarili at kay Suralin.
Pero kapatid ko siya! Parang gusto ko suntukin ang sarili ko dahil sa kagahuhan ko. Anong pinagkaiba ko sa mga gagong lalaki na nagkalat diyan sa labas.
Sorry, Nadja.
Kanina pa siya patakbong umalis matapos ang ginawa ko. Nabigla ko siya. Tinakot ko siya! Higit sa lahat, binastos ko siya!
Sorry, Nadja. . . Masiyado akong confuse sa nararamdaman ko.
Pero. . . Pinapangako ko. Pinapangako kong paninindigan ko ang kapahangasan at kapusukan ko.
NAGKAPALIT na kami ni Ader ng shift. Pang umaga na muna ako at panggabi na siya. Laking pasasalamat ko at pinagbigyan niya ako na magpalit kami.
Seryoso talaga ako na ayaw ko makita si Suralin. Iyon lang ang nakikita kong paraan para mapigilan ko ang nararamdaman ko sa kanya.
Pero. . . Naiisip ko pa rin siya.
Kung pwede lang mag resign ay gagawin ko na, kaya lang ngayon pa lang ako nakakaipon-ipon.
Nakatayo lang ako sa puwesto ko at halos mag aalas dose na, may baon naman ako, wala nga lang ulam.
"Sarge!"
Napalingon ako sa entrance at inuluwa no'n si Roxette na naka pang house keeper uniform. . . All white.
May dala itong mangkok na may takip na platito.
Malapad ang mga ngiti nito, sa tansya ko ay kaedad lang sila ni Tomas. . . Sayang kung nandito ang kapatid ko siguradong magugustuhan niya si Roxette.
"Xette!" Bati ko sa kanya.
"Idadaan ko lang 'to, magtanghalian ka na raw!"
Napakunot naman ang noo ko sa kanya ng inilapag niya ang mangkok sa poduim.
"May kanin ka? Nag saing kami sa loob." Tinuro pa nito ang entrance.
"'Di, di! May baon ako. Salamat dito sa dala mo."
Napahalakhak ito at may itinuro sa itaas. . . Naaninag ko ang nakabukas na bintana ng room fourty eight.
"Gulay 'yan, pinahatid ni Ma'am Suralin dito sa'yo. Kumain ka na raw."
Unti-unting nawala ang pagkaunat ng labi ko. Nakalimutan ko na yata kung paano kaya ang pilit na ngiti.
Kanina pa kaya siya nakatingin sa akin? Kita kasi sa unit nila ang puwesto ko.
"Pa sabi na lang 'Xette, salamat." Bahagya akong ngumiti.
Bastos ko naman yata kong ipapabalik ko ang mangkok diba?
So, paano 'to ngayon? Kakainin ko ba ang gulay na bigay niya?
Tadhana nga naman, oh.
Kung kailan ko siya iniiwasan saka naman siya nagpaparamdam!
Tama ba ang desisyon ko na mag palit ng pang umagang shift?!
Pansamantala kong winaglit sa isipan ko ang mga iniisip. Napaka-angas ng pag ibig ngayon sa'kin, nireresbakan yata ako sa kayabangan ko.
Kinain ko pa rin ang ginisang munggo na bigay ni Suralin, di ko na lang pinansin kong nakatingin ba siya o ano.
HALOS mag-iisang oras na matapos ang duty ko at dapat ay naka shift na kami ni Ader, pero wala pa ang kumag.
Ano kaya nangyari 'don?
Nakalimutan niya yatang pang night shift na siya.
"Wala pa si Ader?"
Napatayo ako mula sa pagkakaupo ng mahimigan ang malamig at malaking boses ng nagsalita mula sa likod.
Sinalubong na naman ako ng mga mata niyang parang nanghihigop ng kaluluwa.
"Wala pa, eh. Nakalimutan yata niya."
"Bakit ba kayo nagpalit?"
Lumapit pa ito ng bahagya sa kinatatayuan. . . Iba ngayon ang suot niya. Naka hijab at may mask, pero naka maluwag itong pajama at naka long sleeve.
Pwede pala 'yon?
Nasanay kasi akong naka burqa o di kaya naka Niqab siya.
"Bakit kayo nag palit ng Shift, Terman?" Ulit nitong tanong.
Hindi ko alam kung tatapatin ko ba siya o magsisinungaling ako. . .
Dahil sa'yo, Suralin.
"Anemia na ako, eh. Kailangan ko na ng sapat na tulog pang gabi."
Nagkibit balikat lang ito ang naglakad papalapit sa poduim.
"Galit ka ba sa akin, Terman?"
Napabuntong hininga na lang ako sa tanong niya.
Hindi ako galit. Napahiya, oo!
"Diba sabi ko sa'yo, huling beses na nating pag uusapan 'yan." Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
"Nagawa ko lang naman 'yon, Terman para protektahan ka."
Napakunot ang noo ko sa kanya.
Protektahan para sa ano?
"Laban kay Siniel. Hindi pwedeng may napapalapit sa aking ibang lalaki, kaya ko nagawang hindi sabihin sayo. Maniwala ka." Bakas ang sensiridad sa kanyang boses.
Tama. Kahit sino namang asawa katulad ni Siniel ay mapra-pranning kung may asawa na katulad ni Suralin.
"Tapos na 'yon, Ate Suralin. H'wag na nating pag usapan. Saka, h'wag kang mag alala 'te, hindi ako galit."
"Nagustuhan mo ba ang binigay ko saiyo? Ibigay mo ang iba sa Ume at Ama mo. 'Yong iba sa mga kapatid mo. . . At 'yong katerno ng sayo, ibigay mo sa babaeng gusto mo."
Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
Edi ibabalik ko din sa kanya ang pares ng polseras na 'yon. . . Sino ba gusto ko? Diba siya!
Puro magaganda at kakaibang desenyo ng polseras at kwintas ang ibinigay niya saakin ng dumaan sila ni Siniel sa bahay. 'Yong isang polseras nga na kay Ate Maldi na.
"Salamat, do'n Ate. Nagustuhan ko."
"Sa nga pala, panghapunan mo." Inabot nito sa akin ang puting paper bag.
"Ulam?" Natatawa kong saad.
"Pinagluto kita ng ginisang saluyot. Tikman mo rin ang dessert na ginawa namin ni Amara, masarap 'yan."
Pakiramdam ko ay nahihirapan na akong itama pa ulit ang pag trato ko sa kanya. . . Nabahiran na kasi ng awkwardness ang pagkakaibigan namin.
Kasalanan ko naman. . . Kalalaki kong tao pero marupok ako.
"Thank you, Ate Suralin." Tanging saad ko.
"Paano? Babalik na ako sa unit ko. Iniwan ko lang do'n si Amara kay Roxette."
"Sige, salamat ulit dito." Kumaway pa ako sa kanya.
Ngunit ilang dipa pa lang ang layo nito sa akin ng bahagya itong lumingon sa pwesto ko. . . Naabutan niya pa akong nakatitig sa likuran niya.
"Salamat din Terman. . . Hindi ka rin mahirap magustuhan. . ."
Saad nito na nag iwan sa akin ng kakaiba at halo halong emosyon.
Pakiramdam ko ay nabigyan ako ng pag asa na baka pwede pa. Pero bumabalik ako sa ulirat tuwing naalala ko si Siniel na buong buo na nagtitiwala sa akin.
Halos hindi ako patulugin ng mga salitang 'yon ni Suralin.
Hindi rin ako mahirap magustuhan?
Gusto niya rin kaya ako?
Sayang. Kung kailan desidido na ako na kalimutan siya at ang nararamdaman ko para sa kanya, saka naman nangyayari ang lahat ng 'to.
Kinabukasan, halos alas singko pa lang ay pumasok na ako. Hihintayin ko pa sana na magising si Nadja dahil hindi pa kami nagkakausap buhat ng huling nangyari, pero hindi ko siya maabot abutan. Hindi na nagkakatugma ang schedule namin. O mas magandang sabihin na iniiwasan din ako ni Nadja.
Kung anong iwas ko kay Suralin, siya ring iwas ni Nadja sa akin.
Ilang minuto lang ng dumating ako ay um-exit agad si Ader.
Natatae na naman siguro ang kumag.
Hindi ko pa man nalalapag ang bag ko ay bahagya akong napatalon sa kinatatayuan ko ng may nagsalita mula sa likod ko.
"Good morning, Terman."
Paglingon ko ay sinalubong ako agad ng mga matang tila hinihigop ang kaluluwa ko. . .nakakalunod.
"Good morning, Ate."
Naka Burqa ito ngayon na kulay purple at hijab na kulay tsokolate, mukhang may lakad.
"May lakad ka?"
Napatango ito bago sumagot, "mag de-deliver ako ng mga paninda kong polseras at kwintas."
"Sayang duty ko pa, hindi kita masasamahan."
Bahagya itong ngumiti at may kinuha bag niya. . . Tupper ware na kulay blue.
"Dinalhan kita nito," sabi niya ng maipatong sa poduim ang tupper ware.
"Vegetable noddles yan, wala 'yang sahog na karne, pero my green shell 'yan! Try mo."
Napangiti ako habang nakatitig sa tupper ware. Ang swerte ni Siniel dahil napaka maalaga ng asawa niya.
Siguro lagi siyang pinagluluto ni Suralin.
"Siguro hindi mo pa tapos ang niluluto mo nag iisip ka na naman ng bagong iluluto?" Natatawa kong tanong.
"Medyo, kaya mamaya mag to-topsi sana ako ng hindi gumagamit ng karne. . . kailangan mo kaya ng gulay kapag-ganyan ang trabaho mo."
Napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya.
What did she just say?
Kailangan ko ng gulay dahil sa trabaho ko? Ayaw ko maging assuming, pero pinagluluto niya ba ako?
"Ano iniisip mo?" Bakas ang mga pinipigilan nitong ngiti.
Iiwasan na dapat kita. . . Kaya ako nagpalit ng shift! Pero bakit parang mas inilapit ka pa lalo sa'kin!
"W-Wala, wala naman."
"Bahala kang mapurga sa utan!"
Utan means gulay in Hiligaynon.
"Si Siniel, mahilig din sa gulay ano?"
Nawala ang pagkakaunat ng mga labi nito at Bahagya itong natigilan sa pangalang binanggit ko. . .
Anong problema? Asawa niya si Siniel.
"Fast food. Mahilig siya mag fast food." Napaiwas ito ng tingin sa akin.
"Terman, naalala mo 'yong kwento ko sa'yo?"
"Alin do'n?"
Napabuntong hininga ito at inilapag ang bag niya sa sahig.
"Yong lalaking kinaaawaan ko. . . Si Siniel iyon."
Parang isa isang nag si-sink in sa utak ko ang mga naging kwentuhan namin. 'Yong kumplikado niyang sitwasyon. . . Ang lalaking manipulative na pinagtitiisan niya sa ngalan ng awa. . . Si Siniel pala ang lalaking 'yon?!
So, hanggang ngayon nagtitiis pala siya sa lalaking akala niya mahal niya?
The perks of loving someone in a wrong freaking way!
"Kailangan ko nang umalis, kainin mo 'yan! Kakainit ko palang diyan."
Napabalik ako sa ulirat ng kumaway na ito at tumalikod na sa kinakatayuan ko . . . Bakit ba mas pinipili niyang masaktan at magdusa para lang sa lalaking hindi niya naman mahal? Naaawa siya sa lalaki pero hindi siya naaawa sa sarili niya.
Dati, she can easily get rid that man. Pero ngayon hindi na. Maiipit ang anak nila.
Ganito ba ang pagmamahal? You can love and be selfish at the same time?
Bakit kailangan ipilit kung ayaw ng tao?
Suralin been a victim of this kind of obsession. At ngayon, huli na. Wala na siyang magagawa--miski ako, hindi ko siya maitatakas sa hawla na siya naman ang pumili.
HININTAY ko si Suralin na makabalik at halos mag aalas dose na wala pa rin siya. Hindi ko naman alam kung may selpon ba siya.
Dana.
Hindi ako mapakali sa puwesto ko. Palakad lakad ako sa entrance, eh hindi ko naman pwedeng iwanan ang puwesto ko.
Ano kaya nangyari sa Muslim na 'yon? Kanina oa umalis 'yon, ah.
Di kaya na hold up na 'yon?
"Sarge! Sarge!"
Napalingon ako kay Roxette na hapong hapo na sumandal sa front desk.
Hindi ko magawang pumasok ng tuluyan kaya sa mag b****a lang ako ng entrance. Namumutla ito at tila kakagaling sa pagtakbo.
"Farah, patawag naman si Ma'am Suralin, oh." Rinig kong turan ni Roxette.
"Anong problema, Roxette?" Saad ko mula sa entrance.
"Si Amara, hinihika yata! Hindi ko alam ang gagawin!" Tila natataranta nitong saad.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bahala na kung matanggal ako sa trabaho, buhay ng bata ang pinag uusapan dito!
"Farah, patawag ng ambulansiya! Check ko 'yong bata sa taas!" Saad ko.
Mabilis namang nag dial sa telepono si Farah, wala rin akong sinayang na oras. Halos lakad takbo ang ginawa ko habang nakasunod naman sa akin si Roxette.
"Hindi ko alam na may hika pala siya, Sarge!"
"Ano ba ang nangyari?"
"Naglalaro lang kami habang kumakain ako ng chicharon. Eh, di ko matiis kasi humihingi siya, binigyan ko! T-Tapos, Tapos ayon hinabol niya na ang hininga niya."
"Wala bang iniwan na gamot si Suralin?!"
Hindi na na sagot pa ni Roxette ang tanong ko dahil parang kabayo na tinakbo ko ang room fourty eight.
Halos mapamura ako sa nadatnan ko. . . Sumisinok sinok na ng mahina ang bata. Indikasyon na na sa malalang stage na ang allergy ito. Halos mamula ito sa mga pantal na nagkalat sa katawan niya sa katawan.
"Amara! Amara!"
Presko pa ang mga luha nito at ni hindi na niya magawang makapagsalita pa.
Pakiramdam ko nag umapaw ang adrenaline rush ko dahil mabilis ko siyang maingat na kinarga at tinakbo.
Pakiramdam ko ay lalo akong bumabagal kahit na ang bilis na ng mga yapak ko.
Hindi ko maipaliwanag ang kabang naghahalo halo sa loob ko.
"Amara, huminga ka lang! H'wag kang hihinto sa paghinga, may laruan ako sa labas, gusto mo 'yon?"
Ramdam ko pa rin ang mahihinang sinok nito.
Na saan ka ba Suralin?!
Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa ground floor, at pagdating do'n ay saka naman pumarada ang ambulansiya.
Pero hindi pa rin ako nakakahinga ng maluwag. Unti-unti kong naramdaman ang panghihina ng bata at tila nawawalan na ito ng malay.
Dumalo sa amin ang ilang volunteers na dala ng ambulance at kinuha nila sa mga bisig ko si Amara.
"Boss, nawalan na siya ng malay. Nakakain siya ng pagkain na nag triggered sa allergy niya." Paliwanag ko sa volunteer.
ANG BILIS ng pangyayari na halos hindi ko na matandaan ko paanong nangyari na naiwan mo ang duty ko at agad na sumama sa ambulance ng walang pag-aalinlangan.
Nakigamot ako ng telepono para tawagan si Ader na kailangang balikan ang puwesto ko dahil nag ka emergency.
Nabunutan na ako ng tinik sa dibdib ng mabigyan na si Amara ng gamot sa allergy, bawal sa kanya ang baboy at mga hipon.
Naka v-neck white shirt na lang ako ngayon na naka insert sa blue slacks. Habang na sa balikat ko ang hinibubad na uniporme at ginamit ng pamaypay.
Parang ni li-lechon kasi ako dito sa loob!
Mahimbing naman na nagpapahinga sa kama si Amara sa hospital bed, marahan na ang paghinga nito at nawala na ang mga pantal sa balat niya.
Sa tanang buhay ko ngayon lang ako kinabahan ng ganito, hindi para sa buhay ko kundi para sa paslit na 'to.
May karton na naiwan dito sa kwarto kaya ginamit ko na ring pamaypay para kay Amara.
Maalon ang kulay tsokolateng buhok nito. Napapaisip tuloy ako kung nagmana ba kay Suralin ang kulay ng buhok nito?
Halos lahat ng hulma ng mukha ng bata ay nagmana kay Siniel. Gano'n siguro kamahal ni Suralin ang asawa.
Sabi kasi ng Lola Mauring ko, kapag mas mahal ng babae ang lalaki, madalas ay sa lalaki kumukupya ang mukha ng magiging anak nila.
At si Amara yata ng ang sample no'n.
Mula sa pagmumuni-muni at pagpaypay kay Amara ay napalingon ako sa pintuang lumangitngit. . . Iniluwa nito ang mga matang nag aalala ni Suralin.
"Amara?!"
Dumalo ito sa anak na mahimbing ng natutulog.
"Anong nangyari, Terman?"
Hinahaplos haplos nito ang pisngi ng bata.
"Hindi naman sinasadya ni Roxette, hindi niya alam na allergic si Amara sa baboy."
"Hindi talaga kami kumakain ng baboy, hindi ko rin alam na may gano'n ang anak ko."
"H'wag ka nang mag alala, maayos na siya. Napainom na siya ng gamot."
Tila nabunutan din ito ng tinik at nagpakawala ng mahahabang buntong hininga.
"Ikaw ang nagdala sa kanya?"
Napaiwas ako agad ng tingin ng tumingala ito sa akin.
"H'wag mo na intindi----"
Naputol ang sasabihin ko ng binalot ako ng mga yakap niya.
Pansamantala ay naramdaman ko na naman ang pamilyar at paulit-ulit kong nararamdaman kapag malipit o nakikita ko siya. . . Takot.
Pakiramdam ko ay nag ra-rattle ang mga daga sa dibdib at tiyan ko dahil sa init ng yakap niya.
"Salamat Terman, kay buti buti ni Allah!" Saad nito habang pinagsalikop ang mga kamay habang bahagyang yumuyuko.
"Buti na lang nando'n ka." Dugtong pa nito.
"H'wag mo sana mamasamain, Ate pero saan ka nagpunta?"
"Pagkatapos ko mag deliver kumuha ako ng padalang pera ni Siniel. May sariling online shop na ako sa isang shopping app, at medyo kumikita naman. Kaya natagalan ako. . . " umiwas ito ng tingin sa akin at kinuha ang pamaymay para paypayan si Amara.
"Saka naghahanap ako ng boarding house." Dugtong nito.
"Bakit ka pa ba aalis sa lounging, mukhang maayos naman ang lagay niyo do'n, ah?"
Napailing lang ito at bahagyang napangiti.
"I want to be free, Terman."
"Bakit?"
Muli itong napailing na para bang hindi siya makapaniwala na hindi ko siya naiintindihan.
"Akala ko ba naintindihan mo na kung bakit ako nandito?"
Bahagya itong napangiti at humugot ng malalim na hininga.
"Nandito ako dahil naawa ako. Kaya ako hindi malaya kasi naawa ako. . ."
Titig na titig ang mga mata nito sa akin na halos mah pa rattle na naman sa mga daga sa loob ng dibdib ko. Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya habang binibitawan ang mga salitang iyon.
"Ngayon Terman, gusto ko nang kumalas. Gusto ko nang makalaya. . ." Inabot nito ang kamay ko.
Nakaupo siya sa hospital bed habang nakatayo naman ako. Puno ng sinseridad ang mga mata niya at ramdam ko ang nais niya.
"Matutulungan mo ba ako, Terman? Matutulungan mo ba ako na makawala kay Siniel?"
Parang tumigil ang pagtakbo ng oras at pakiramdam ko ay nahuhuli ang utak ko sa pag proseso ng lahat.
Gusto niyang tulungan ko siyang makawala kay Siniel?
Ngunit, paano?
"Paano?"
"Ilayo mo ako, Terman."