"Itikas mo ako kay Siniel, Terman." Tila umaasa ang tono at mga mata nito.
Parang na statwa ako sa narinig ko at hindi ko ma proseso ang mga sinabi niya.
Paano ko siya itatakas sa asawa niya?
Muli akong napabaling sa kanya at sa anak niya, hindi ko inasahan ang mga butil ng luha na pumapatak mula sa mga mata niya.
Gusto kong mag mura!
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng inis ng makita ko ang mga mata niyang minsang kong kinakatakutan na ngayon ay lumuluha.
"P-Please, tulungan mo a-ako."
Nagsusumamo ang mga mata nito at hindi ko alam kung tatanggihan ko ba siya o ano. Kaya lang, alam ko na mali ang gagawin ko kung tutulungan ko siya.
Maling mali.
"May allergy si Amara sa karne ng baboy at mani, iwasan mong bigyan siya ng gano'n para hindi na maulit 'to."
Napamaang ito na tila hindi na ge-gets ang sinasabi ko.
"T-Terman. . . "
"Mauna na ako, Ate. Maaga pa ang shift ko bukas." Pag iwas ko sa pakiusap niya.
Ako na mismo ang kumalas ng kamay niya mula sa pagkakahawak sa braso ko.
May kung ano sa loob ko ang tila kinukurot dahil sa pagsasawalang bahala ko sa pakiusap niya. . . Pero hindi ko naman yata kayang trumaidor ng isang kaibigan.
Pinasadahan ko pa sila ng tingin bago ako tumalikod para lumabas na ng kwarto nila, ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay napahinto na ang mga paa ko sa paghakbang.
"Terman. . . Ikaw na lang ang pag asa ko."
BUONG gabi nang gumugulo sa isipan ko ang mga sinabi ni Suralin.
Ako na lang ang pag-asa niya.
Naging mabuti saakin si Siniel pero naaawa rin ako kay Suralin. Bakit ba kailangan kong maipit sa pagitan ng kaibigan at babaeng gusto ko?
"Kape,"
Napalingon ako sa babaeng may malaki at malamig na boses mula sa aking likuran. Naka-upo lang ako sa monoblock habang nilalaro ang pershing cap ko. Pang umaga pa rin ang shift ko na pinagsisihan ko na yata dahil mas lalo ko lang nakakasama ng madalas si Suralin.
"Salamat, salamat." Sagot ko habang tinapunan siya ng tingin na agad ko ring binawi.
Naka burqa ito ngayon ng kulay orange, may dala itong tray na may tinapat at kape.
"Para sa'yo 'yan, salamat sa pagtulong mo kay Amena."
"Wala 'yon, trabaho lang. . ." Pinilit kong umakto ng kaswal kahit ang totoo ay tinatambol na naman ang dibdib ko.
Si Suralin lang. . . Si Suralin lang ang tanging nakapagpaparamdam sa akin ng ganito.
"Amena?" Untag ko ng mapagtanto kung sino si Amena.
"Amara Amena, ang pangalan ng anak ni---ng anak namin. Tawag ko sa bata Amara. Tawag ni Siniel sa kanya, Amena."
Nilapag nito ang platito ng tinapay na may kakaibang desenyo sa may poduim.
Gawa niya rin kaya ito?
She's indeed a wife material.
Napailing ako sa sariling naisip. Ayaw kong sirain ang prinsipyo ko. . .
"Terman," pinagsalikop nito ang dalawang kamay niya habang mataman akong tinitigan.
Parang alam ko na kung ano ang sasabihin niya.
Naaawa ako sa kanya. Pero hindi ba awa rin amg siyang dahilan kung bakit siya nakakulong ngayon sa sitwasyon na mayroon siya?
"Terman, 'yong tungkol sa sinasabi ko---"
"Ate, tulungan mo na lang ako. . ." Marahan ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat.
I never thought na ganito ang kahihinatnan ng kuryusidad ko sa Muslim na ito.
"Tulungan saan?" Umarko ang mga kilay nito.
"Tulungan mo akong kalimutan na gusto kita. Tulungan mo akong h'wag ka nang gustuhin. . ."
Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko kayang sabihin ito sa mukha niya. . . Pero kailangan. Kailangan niyang maramdaman na desente akong Kristiyano at hindi ako lumalabag sa utos ng Diyos na pinaniniwalaan ko.
Hindi ako makikiapid sa may asawa, kahit na may tyansa.
"Suralin, ayaw na kitang gustuhin. Kaya tigilan mo na ako."
Napabalik ang tingin ko sa kanya at nahuli ng tingin ko ang nakaawang niyang mga labi. Tila hindi nito inaasahan ang mga salitang bibitawan ko.
Napamaang ito na parang may sasabihin pa sana pero napailing na lang ito at humugot ng malalim na hininga't tumayo ng tuwid at isinuksok sa bulsa ng burqa niya ang dalawang kamay.
Napatango ito ng ilang ulit at binigyan ako ng mga ngiting hindi umabot sa kanyang mga mata.
"Ibalik mo na lang ang tray kay Roxette," napakagat labi ito na tila pinipigilan niyang huminga.
"Sa'yo na iyang mug, mauna nako."
Hinatid siya ng mga mata ko sa entrance ng lounging, kahit kailan ay siya pa rin ang muslim na babae na mapino at tila disiplinado ang galaw.
Tuluyan kong ninamnam ang nanuot na sakit sa aking dibdib ng tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.
I guess. . . It would be the clossure. Kahit hindi man siya naging akin, alam kong totoo ang nararamdaman ko para sa kanya. At ngayon, kailangan ko nang putulin ang nararamdaman kong ito. Dahil mali. Mali na magmahal ako sa maling paraan.
MALI ANG MAGMAHAL SA MALING PARAAN, paulit ulit pa ring naka rehistro sa utak ko ang mga katagang 'yon.
Kailangan. . . Kailangan ko na siyang tuluyang layuan. Mali na ang naiisip at nararamdaman ko. Mali na ito, dahil taliwas na ito sa mga prinsipyo ko pagdating sa pag ibig.
Mula sa malalim kong pag iisip sa loob ng BH ko ay napalingon ako sa pinto ng kuwarto ko, iniluwa nito ang batang babae na may headban, naka kulay pink itong dress na lagpas tuhod.
Good. Hindi ko na talaga siya nakikitang nagsusuot ng revealing clothes.
"P-Pumasok na ako kuya. . . Kanina pa kasi ako kumakatok pero hindi ka sumasagot."
Si Nadja.
Nakayuko ito habang nagsasalita.
Nakalimutan ko na kailangan ko pa pa lang humingi ng dispensa sa nangyari. Magulo lang ang isip ko no'n at hindi ko alam ang ginagawa ko----mali, alam ko ang ginawa ko.
Dahil katulad ni Suralin. . . Nadja is special to me.
"Maupo ka," iginiya ko siya sa monoblock.
"Sorry." Panimula ko ng makaupo siya, magkaharap kami sa maliit kong mesa.
"Hindi ko sinasadya na gawin 'yon, nadala lang ako ng galit. Nadja, kahit kailan hindi kita pinag isipan ng kahit na ano, malinis ang intensyon ko. Sana. . . Sana patawarin mo 'ko, bunso."
Gusto ko mang panindigan ang kagaguhan ko, pero bata pa siya. Hindi ko naman yata idolo si Ader.
"Sa susunod na linggo, desi-otso na ako,"
Napakunot ang noo ko sa kanya, seryoso ang mala anghel niyang mukha na para bang may katuturan talaga ang sinasabi niya.
"Kuya Terman, dalaga na ako."
"Bunso pa rin kita."
Pero nagawa kitang halikan. . . Hayop. Kahit kailan hindi na siguro maibabalik ang malinis naming simula.
"Kuya. . ."
Hindi ako agad naka galaw sa kinaupuan ko ng marahas niyang dinakma ang dibdib ko at hinila ako papalapit sa kanya gamit ang sando ko.
Mahigpit ang pagkakakapit ng malambot niyang kamay sa sando ko, bahagya kong hinawakan sa palapulsuhan ang dalawang kamay niya para kalasin.
Ngunit naiwang mulat ang mga mata ko ng dumampi sa aking labi ang malambot na labi ni Nadja.
It was quite a seconds. . . Pero naiwan akong nakalutang.
Pamilyar ang pakiramdam. . . I felt safe lying in the cloudnine with her reddish lips.
Na blanko ang isipan ko. . .
Pakiramdam ko napaka payapaya ng isipan ko. Walang gulo. Walang problema.
Tanging si Nadja lang ang nakakagawa sa akin nito.
Tumama ang mga mata ko sa labi niya ng maghiwalay na ang mga labi namin. . . Hindi ako nakapagsalita. Parang na urong yata ang dila ko.
"Hindi na ako bata kuya. . . Gusto kita."
Gusto kita.
Parang tinambol ang dibdib ko sa mga salitang iyon. Gusto kita.
Gusto kita, Suralin.
Mga salitang sumira agad sa bubuuin pa lang sana namin na pagkakaibigan. Ang bilis ko kasing nahulog agad.
"Nadja," nag aalangan kong saad.
Magsasalita pa sana ako ng muli na namang nagdampi ang aming mga labi--- this time I didn't held back. Hinayaan kong tangayin kami ng nararamdaman.
Pareho kaming hinihingal ng maghiwalay ang mga labi namin. . . Ngunit napakurap ako ng ilang beses, unang tingin ko sa kanya ay tila na malikmata ako na nakasuot siya ng hijab.
Muli akong napakurap.
"Ano kuya, tayo na?"
"Nadja,"
"Alam kong gusto mo ko, Kuya. Takot ka lang kasi bata ako. Kuya, mahal na kita. Ikaw lang ang lalaking naging ganito sa akin. Mas naging tatay at kuya ka pa sa'kin kaysa sa mga ka dugo ko."
Napabuntong hininga ako. Napakainosente ng mga salitang binibitawan niya.
Ang gago ko kapag pinatulan ko siya.
"Nadja. . . Special ka sa akin. Hindi ka mahirap mahalin. Pero sa ngayon, ang gusto ko mag aral ka ng mabuti. Bata ka pa."
"Kuya hindi na ako bata."
"Hintayin kitang mag debut."
"Tapos?" Napatulis ang labi nito.
Natawa ako ng bahagya sa kanya. Ginulo ko ang buhok niya hanggang sa ma tanggal ang headbun nito.
"Akin ka na."
Nanlaki ang mga mata nito na para bang gusto pa niyang kumpirmahin kung tama ba ang naiisip niya.
Hindi ko siya ginagamit para kalimutan si Suralin. . . Pero hindi naman siguro mali na subukan ko sa iba diba?
Na subukan kong mahalin din si Nadja.
"Tayo na. Tayo na kapag eighteen ka na, Nadja."
KANINA pa ako nakatitig sa sulat ni Nanay na ipinadala niya sa opisina namin.
"Terso Manuel, kumusta ka na anak? Kailangan mong umuwi agad, 'yong kapatid mong si Tomas, ikakasal na. Umuwi ka kaagad kung nabasa mo na ang sulat na ito."
Pangalawang kapatid ko si Tomas. Paanong ikakasal na 'yon, eh wala naman 'yong nobya.
Kailangan ko tuluy bumalik ng Jamindan ng wala sa oras. Buti na lang may naipon na ako.
Ano sasabihin ng Tatay pag-uwi ko, na biskwit lang na naka balde ang maipagmamalaki ko? Na iniwan ko ang campo ng militar para lang maging sekyu?
Sanay na ako kay Tatay, pero hindi ko pa rin maiwasang ma dismaya.
"Uuwi ka na? Biglaan naman yata." Napakamot pa sa ulo si Ader.
"Oo, 'yong ugok kong kapatid bigla na lang ikakasal."
"Patay, naka disgrasya yan panigurado. Ikaw kasi 'yong kuya dapat ikaw 'yong nagtuturo sa kanya ng mga the moves, para maiwasan magka junior."
"Ugok,"
"Sa bagay, paano mo siya matuturuan? Eh, si Terman the virgin ka nga."
Hindi ko na pinatulan pa ang pang aasar ni Ader, sinagutan ko na lang ang papers kung bakit ako mag fi-file ng leave for one week.
Bukas na ang alis ko. Mamaya na lang ako magpapaalam kay Nadja. Siguradong malulungkot 'yon, kasi next week din ang debut niya at na sa Jamindan pa ako no'n.
Next week. . . Hindi na ako single. Next week sa debut ni Nadja, kami na.
Pagpasok ko sa entrance napalingon ako sa hagdan papuntang second floor. Kumusta na kaya siya? Hindi na kami nagkita. Pero mas gusto ko na lang 'to.
May asawang tao si Suralin at may anak. Hindi maganda na patuloy pa kaming may ugnayan, gayong alam ko sa sarili ko na hindi ko naman talaga kayang pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya.
Focus na lang muna ako sa trabaho at kay Nadja.
"Sarge," napalingon ako sa babaeng naka dungaw sa Employers room.
Si Roxette.
"Xette," ngitian ko ito.
Tumingin pa ito sa front desk bago ako hinila sa papuntang pinto ng employers room.
"Makinig ka," panimula nito.
Napakunot amg noo ko sa kanya, parang may importante itong sasabihin.
"Pauwi na ngayon si Siniel, na kuwento na sa akin ni Suralin ang nangyari. Please, Sarge maawa ka sa kaibigan ko. . . Tulungan mo siyang makatakas dito. Ilayo mo siya kay Siniel."
Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito. Nag usap na kami ni Suralin tungkol dito at malinaw na malinaw na ayaw ko siyang tulungan.
"Ano ba ang nangyayari?"
Napabuntong hininga ito na para bang nauubusan na ng pasensiya.
"Wala nang oras! Galit na galit si Siniel dahil nakikipaghiwalay na ito ng tuluyan sa kanya. Alam na ni Siniel ang plano niyang tumakas, wala na siyang mapupuntahan. . . Terman, sinasaktan ni Siniel si Suralin."
Putangina.
Ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko, wala akong sinayang na oras at mabilis kong inakyat ang second floor papuntang unit forty eight. Naramdaman kong nakasunod din si Roxette sa akin.
Sinasaktan pala ni Siniel si Suralin?
Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kapag nakita ko ang hayop na 'yon! Paano niya nagagawa amg bagay na 'yon sa asawa niya?!
Kaya lang given na 'yon sa mga manipulative, kagaya ng Tatay ko.
Marahas kong kinatok ang pintuan, hindi ko alam pero pakiramdam ko nag iinit lahat ng parte mg katawan ko dahil sa galit!
"Suralin, ako 'to!"
Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan at bumungad ang kanyang mga mata na madalas ay takot ang hatid sa akin. . . Pero ngayon. . . Mas masidhi pa sa takot ang nararamdaman ko.
Takot na baka ito na ang huling pagkakataon na maligtas ko siya.
Namumugto ang mga mata nito, bakas ang buong magdamag na pag iyak niya. Napakawalang hiya ng taong 'yon.
"T-Terman!" Binalot ako ng mga yakap niya.
Lumatay sa systema ko ang kakaibang takot. . . Takot na hindi ko mapangalanan.
"Pack your things, sumama ka na saakin." Tuwid at ma awtoridad kong saad.
"Nasabi ko na lahat kay, Sarge ang buong nangyari." Sabat ni Roxette na nasa tabi ko na pala.
Muli akong niyakap ni Suralin, ramdam ko ang pag asa na sumilay sa mga mata niya.
Iginiya niya kami papasok sa unit nila, na sa sofa pa si Amena na natutulog habang may dede sa bigbig.
"Ipapadala kita sa bahay nila Ader, susunduin kita mamayang hapon. Uuwi tayo sa'min. Hindi pwede na isama kita sa BH ko, alam ni Siniel ang lugar na iyon." Marahan kong hinawakan ang mga kamay niya.
"Magtiwala ka sa'kin, Suralin." Puno ng sensiridad na saad ko.
"Paano si Amena?" Nag aalalang turan nito.
"Iwan mo na siya sa akin, Suralin." Suhesyon ni Roxette. "Ako na ang bahala magpaliwanag kay Siniel."
Parang hindi ako na kampante na iiwan ni Suralin ang anak niya, alam ko mahihirapan siya sa gano'ng sitwasyon.
"Hindi, dadalhin natin si Amena."
"Terman, hindi pwede. . . Papatayin tayo ni Siniel." Saad ni Suralin.
"Eh, paano ka? Paano kayo ng anak mo? Hindi naman puwede na magkalayo kayo."
Napaiwas ito ng tingin at pinahid agad ang mga nagbabadya pa lang na mga luha.
"H-Hindi ko anak si Amena. . . Anak siya ni Siniel sa una niyang asawa." Pag amin nito.
Wala kaming nagawa kundi iwanan si Amena kay Roxette. Ipinahatid ko naman naman si Suralin sa bahay nila Ader.
Hindi ko lubos maisip na gano'n pala ang sitwasyon niya. Ang buong akala ko ay kakalas lang siya kay Siniel dahil napagtanto nito na naawa lang siya dito. . . May mas malalim pa pa lang dahilan.
Hindi ko hahayaan na sapitin niya ang sinasapit ni Nanay kay Tatay.
Ilalayo kita, ilalayo kita sa lalaking 'yon Suralin.