SHIFT XII

3561 Words
"Pwede mo naman ako isama, Terso eh!" Napakunot ang noo kong napabaling sa kanya habang nagmamadaling nagliligpit ng mga damit sa back bag ko. Sinalubong ako ng lukot at busangot niyang mukha. "Anong tinawag mo sa'kin, Nadja?" Napalabi ito at binitawan ang jacket ko na kanina niya pa pinaglalaruan. Kanina pa ito pabulong bulong na gusto niyang sumama sa akin. "Hindi ka puwedeng umabsent, nakalimutan mo? May deal tayo. Kailangan mo pagbutihin ang pag aaral mo. Kailangan nating patunayan na hindi ako magiging sagabal sa'yo." Naka indian seat ito sa kama ko at tinutulungan akong mag ayos ng gamit. "Hindi kita makikita." Bakas sa boses nito ang pinaghalong lungkot. I will miss you too, Nadja. Umupo ako sa tabi niya at marahan siyang kinabig papalapit sa dibdib ko. Hindi ko alam pero, she suits right in my arms. Para bang ginawa talaga siya ng sakto sa mga bisig ko. "Nag iwan na ako kay Ate Maldi ng pang upa natin ng isang buwan. May baon ka na rin, kunin mo lang sa kanya." Tumingala ito at sinalubong ang aking mga mata. "Babalik ka naman agad diba?" Usisa nito at muling isiniksik ang ulo sa bandang kilikili ko. "Oo naman, mabilis lang ako do'n. . . Kahit wala ako dito, naka monitor ako sa'yo kung umuuwi ka ng tama sa oras. . . O kung may kasama kang lalaki." "Terso!" Reklamo nito ng ginulo ko ang buhok niya. "Terman ang pangalan ko!" Hindi ito magkamayaw ng inipit ko ang ulo niya sa pagitan ng braso at kilikili ko. "Bakit, Terso?" Tanong ko dito ng umayos kami pareho ng upo at hindi pa rin nakakabawi sa kakatawa. "Kasi mas bagay sa'yo." Parang gusto kong mapamura, kaya lang ayaw kong nakakarinig siya ng mura mula sa akin. Parental guidance is a must. "Marami nang tumatawag sa'yo ng Terman, gusto ko iba ako sa kanila. Kaya Terso." Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o magmumura dahil hindi niya naisipang Manuel ang itawag niya. Wala pang may nakakaalam sa kung ano man ang mayro'n sa amin ni Nadja, kahit si Ader at Ate Maldi ay hindi ko tinimbrehan. Saka na lang kung opisyal ng kami. Pagkatapos na lang ng debut niya. May isang salita ako. . . At pagkatapos ng araw na 'yon, wala na akong ibang titingnan. Tanging si Nadja na lang. Imagine, susubaybayan ko ang pagdalaga at pag-adult niya. Nobyo na ako, magulang pa. Alam ng langit na wala akong masamang intensyon sa batang 'to. "Hatid mo na ako sa labas," saad ko at isinukbit na sa likod ang bag kong kulay itim. "Mag ingat ka," bahagya itong tumingkayad at ginawaran ako ng mabilis na dampi ng halik sa pisngi. Hindi ko maiwasang mapangisi ng agad na kumalat ang pamumula sa pisngi niya. "Babalik ako, pagbalik ko wala ka nang kawala sa'kin." Saad ko bago siya marahang hinatak papalapit sa akin para balutin siya ng yakap. Ginawaran ko siya ng maliliit na halik sa tuktok ng ulo niya at noo. "Behave ka dito." Saad ko bago kami lumabas ng kuwarto. Pagkalabas namin ng pinto ay naagaw namin agad ang atensyon ng mga nasa sala. Pinagtitinginan kami ng mga studyanteng nanunuod ng movie, pati na rin ang mga dating kaibigan ni Nadja na parang mga christmas tree, sa dami ng kolorete. Kakaiba ang paraan ng pagtitig nila sa amin na para bang may na buong teorya sa isipan nila ng makitang magkasama kaming lumabas sa kuwarto ni Nadja. Nilingon ko agad si Nadja na ngayon ay nakayuko na at tila hindi makatingin sa mga kasamahan niya. "H'wag mo silang pansinin, kung hindi ka kumportable sa kuwarto niyo puwede ka diyan sa kuwarto ko o di kaya kay Ate Maldi. Hinabilin na kita sa kanya." Napabuntong hininga ako ng hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. "Sabihin mo agad sa'kin kung inaaway ka ng mga 'yan," bakas ang pagbabanta sa boses ko. Ang huling na ngahas na halikan siya ay kamuntikan nang mapulbos ang buto. Tumango lang ito, mabilis kaming nakalabas sa garahe kung saan nakaparada ang motor ko, mag momotor lang kami ni Suralin. Halos tatlong oras lang naman ang byahe namin pauwing Jamindan. Walang alam si Nadja na kasama ko ang Muslim na minsan niyang nakitang bumisita sa BH kasama si Siniel. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng pagtulong ko kay Suralin, pero hindi ko naman yata matitiis na gano'n siya tratuhin ni Siniel. "Pumasok ka na," marahan kong saad. Malumanay akong napatitig sa kanya. . . Mananatiling ikaw, Nadja. Kahit may iba akong kasama. "H'wag kang iiyak, babalik pa ako." Sabi ko at pinaandar na ang motor. Muli pa akong napatingin sa kanya na ngayon ay namumula na ang mga pisngi. "Babalik ako." Saad ko na tila sinisigurado ko sa kanya na talagang babalik ako. Napangiti pa ako sa kanya bago ako pumihit palabas ng garahe. Hindi na ako lumingon pa ulit sa kanya dahil nararamdaman ko ang frustration niya na gusto niyang sumama. Bumyahe na ako papuntang street nila Ader, na ka-file ako ng leave bago ako umalis kaya may temporaryong papalit na guard sa shift ko. Ilang sandali pa ay napatigil ako sa maliit at kulay yellow na gate. May aleng nagwawalis, tingin ko ay siya ang sinasabing tiyahin ni Ader. "Nay, magandang hapon." Saad ko ng tumigil ako sa tapat ng gate nila. "Ikaw ba ang kaibigan ni Ader?" Napatango ako sa kanya, "opo, susunduin ko lang si Surilin---" Hindi pa man natapos ang sasabihin ko ay naaninag ko na si Suralin na nakasuot ng hijab at dumudungaw sa may gate. Ramdam ko ang takot niya na baka si Siniel ang dumating at hindi ako. Kahit ngayon ay ayaw kong isipin ng buo ang ginawang kalapastanganan ni Siniel sa kanya. Naaawa ako kay Suralin. . . Hindi niya deserve ang masaktan. "Terman!" Tunog nabunutan ng tinik ang boses niya. "Akala ko hindi ka darating." "Kunin mo na ang bag mo, aalis na tayo." Mabilis pa sa kidlat na bumalik siya sa loob para kunin ang bag niya. Ngayon nakasuot lang ito ng hijab na katerno ng long sleeve at medyo malayang niyang pants. Nagpasalamat lang kami sa matanda at hindi na namin nahintay pa si Ader. Delikado na at tiyak nakauwi na si Siniel at hinahanap na ngayon si Suralin. "Ayos ka lang?" Saad ko habang na sa byahe na kaming dalawa. Nakakapit ito sa manggas ng jacket ko, pareho kaming naka helmet na dalawa. Panaka-naka ko siyang tinitingnan sa side mirror. "Sabihin mo lang kung nagugutom ka, hihinto tayo." Dugtong ko. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin ko sa pamilya ko kung bakit may uwi akong babae. . . At muslim pa. Hindi nila alam na may kasama ako pauwi. Naisip ko, para mailayo si Suralin sa kanila ay do'n na muna siya sa bahay ng Iyay ko. Iyay ang tawag ko kay Lola na Nanay ni Papa. Hindi ako tatanggihan no'n. Hindi naman kasi puwede na iwanan ko siya sa bahay. Siguradong a-angasan lang siya ng Tatay kong Cafgo. "Busog pa ako, kumain kami kanina ng Tiya ni Ader." "Kailan pa nangyayari sa'yo, 'to?" Biglang untag ko. Hindi ko mapigilan ang sariling tainga sa pag init. Sakit ko na yata 'to pag nagagalit o naiinis. "Matagal na." Bullshit! "Tiniis mo ng gano'n ka talagal." "Wala akong choice." "May choice ka Suralin, hindi mo lang ginagawang choice ang sarili mo." Hindi na ito sumagot. Pakiramdam ko ay nainsulto ko siya sa paraan ng pagtatanong ko. Ito talaga ang ayaw ko kapag ibang relihiyon o may kaharap akong may ibang kultura, kasi natatakot ako na baka makabitaw ako ng salita na offensive pala sa kanila. Kahit gago ako sabi ni Tatay at walang pinag-aralan, alam ko naman yata ang ibig sabihin ng respeto sa paniniwala at kultura ng iba. Wala nang namutawing ingay sa pagitan naming dalawa habang binabaybay na ang daan pabalik sa Jamindan. Pamilyar na pamilyar sa akin ang daang dinadaanan namin; ilang sandali pa ay nag silitawan na sa daanan ang mga makukulay na bandiritas at umugong sa di kalayuan ang mga music pang disco. Nakalimutan ko. Hunyo a trese pala ngayon. At sumakto ang byahe namin sa fiesta ng Barotak Nuevo. Nasa munisipalidad na kami ng Panay. Masiyado yatang mabilis ang takbo namin. "Nasa Barotak na tayo, maganda dito 'no?" Basag ko sa katahimikan habang sinusulyapan siya sa side mirror. "Oo, maraming makukulay na kabayo." Napangiti ako sa reaksyon niya na tila na mamangha. "'Yong puting kabayo ang pinakamalakas sa kanilang lahat." "Talaga? Kakaiba nga sila, mas makintab ang buhok at mga metal na nasa ulo nila." Sagot nito. "Ginamit 'yan kanina sa Tamasak. 'Yong Tamasak, festival 'yan dito sa Barotak. Sikat 'yan, tamasak is a white stallion. Angas 'no?" Nakangisi kong saad kahit hindi niya nakikita. "Sayang, hindi tayo umabot sa parada nila. Marami ka sanang kabayong makikita." Dagdag ko pa. "Matagal pa naman siguro ako dito sa inyo, baka mapuntahan ko rin 'to." "Sasamahan kita, maglaan tayo ng oras para diyan." Napatahimik ako sa sagot ko sa kanya. Hindi nga pala ako magtatagal dito sa Jamindan, may trabaho akong babalikan sa Dumangas. Ilang sandali pa ay tuluyan nang kinain ng dilim ang nagkukulay kahel na langit. Hudyat na gagabihin talaga kami sa daan. Napatingin ako sa kanya sa side mirror, "Suralin, baka nagugutom ka. Pwede naman tayo mag stop over." "Hindi pa naman, ayos lang ako." Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho, nadaanan na namin ang Potatan, Dingli, Passi, at ngayon ay nasa b****a na kami ng Dumarao Capiz. Sa b****a pa lang pero langhap na langhap ko na ang kakaiba at nakasanayan kong simoy ng hangin. Hangin na malalasap mo lang sa probinsiya ng Capiz. Presko. Amoy basang kahoy. At probinsiyang probinsiya ang dating. "Medyo malapit na tayo, na sa Capiz na tayo. Dumarao ang huling bayan ng Capiz, bago makapasok sa borderline ng Iloilo." "Ang ganda ng lugar niyo. . . Malayo sa sinasabi nilang nakakatakot at maraming aswang." Natawa ako sa turan nito. Alam din pala niya ang pinakatanyag na kwento ng Capiz. Aswang. Kaninong kwento kaya ang narinig nito? Kay Maria labo o Amor? Natawa ako sa sariling naisip. "Ano nga tawag niyo sa aswang na nahawaan?" Malakas na tanong nito malapit sa tainga ko. "Yanggaw!" Sagot ko. Yanggaw. Tawag sa mga aswang na hinawa lang. Sa pamamaraan ng laway o pagpasa ng bato ayon sa Iyay ko. "Naniniwala ka do'n?" Tanong ko. "Hindi. Hindi naman totoo lahat 'yon, eh. Saka taga Capiz ka, matagal kita nakasama. Nakasama pa kita kumain, pero hindi naman kita nakitang tinubuan ng pakpak o di kaya nagpapalit anyo ng hayop." Napangisi ako lalo sa sagot niya. Wala naman kasi talagang katotohanan ang mga bintang ng mga Tagalog sa mga bisaya. Lalo na sa lungsod ng Capiz. Kung tutousin, masagana at walang katulad ang Capiz kaysa sa ibang lungsod ng Pilipinas. "Hindi mo sure, Suralin. Malay mo kaya pala malakas ako mag night shift kasi nasa dugo ko rin ang pagiging aswang." Natahimik ito kaya nalipat sa side mirror ang tingin ko. Naabutan ko siyang nakatingin din pala sa side mirror. Nandito na naman ang kaba sa dibdib ko sa tuwing makikita ko ang mga mata niya. "Joke lang!" Bumulalas ako ng tawa dahil di maipinta ang mukha niya. "Aswang is just a myth, Suralin. Safe ka dito, malayo sa asawa mo." Joke sana 'yon, pero naging mapakla ang tono ng boses ko. "Hindi ka na niya masusundan dito." "Terman, ito ang unang beses na ginawa ko 'to kay Siniel. . . Natatakot ako." "H'wag kang matakot, puro Militar ang nakapaligid sa Jamindan. H'wag siyang magkamali at tatagus ang bala sa katawan niya." Naramdaman ko ang marahan pagyapos ng mga braso niya sa baywang ko. Hindi ko malaman kung anong nangyayari sa katawan ko at awtomatikong sumibol ang kaba sa dibdib ko na parang may humuhukay sa loob ng aking tiyan. "Salamat. . . Salamat Terman." Napasulyap ako sa side mirror at namataan kong sinandal nito ang kanang pisngi sa likuran ko. Hinayaan ko siya sa ganoong pwesto hanggang sa narating namin ang bayan ng Cuartero. May mga bukas pang tiange, alam kong gustom na rin si Suralin kaya tumigil kami sandali. Napaangat ang mukha nito at iginiya ang mga mata sa buong paligid. "Bili muna tayo ng makakain," saad ko. Napahawak pa ito sa balikat ko para bumaba. "Hindi ba mabigat ang bag mo sayo?" Tukot ko sa malaking travel bag na nakasabit sa balikat niya. "Hindi naman gaano." Kinuha ko sa kanya ang bag niya at pinatong sa tangke ng motor kasama ang back pack ko. Dumiritso kami sa gutuhan ng cuartero. Ito na lang yata ang naka bukas na stall. Sari-saring bisaya at hiligaynon na ang naririnig ko. May malamyos, magaspang, at pabigla bigla kung magsalita. Ganito talaga ang mga Capiznon, bawat distrito may kanya-kanyang diyalekto. Pinaghila ko ng upuan si Suralin, habang na kasabit pa sa kamay nito ang helmet namin. "Kakaiba nga rito sa Capiz, ano? Palangiti ang mga tao." "Oo, tinatandaan ka nila kasi ikaw ang dadalawin nila mamaya." Pabiro kong saad. "Dadalawin?" Kunot na kunot ang noo nito sakin na para bang nahihiwagaan sa saad ko. "Oo, dadalawin ka nila sa bubungan." Napabuntonghininga ito bago ilapag ang dalawang helmet. "Alam mo Terman, wala nang mas nakakatakot pa sa naranasan ko kay Siniel, kaysa sa mga aswang na may pangil at nakalawit ang dila." Natawa ito sa dulo. Pero batid kong seryoso siya sa mga binitawang salita. Hindi ko man alam kung ano ang nangyari sa kanila, pero alam kong labis itong nag iwan ng matinding trauma sa kanya. "Malayo ka na sa kanya. . . Saka nandito ako." Malamyos ang mga matang napatitig ito sa kawalan habang pilit na tinitikom ang mga labi. "Tama nga ako. . . Hindi ako nagkamali na hindi ka mahirap magustuhan, Terman." "Suralin. . . Kalimutan mo na ang mga sinabi ko sa'yo sa Dumangas." Napakagat labi na lang ako sa umuusbong na naman na awkwardness sa pagitan namin. "Natatakot kasi ako no'n, Terman. Natatakot ako na madamay ka." Bakas ang frustration sa boses nito. "Naiintindihan ko 'yon, pero seryoso ako sa desisyon ko. Suralin, tinulungan kita kasi hindi ko kayang sikmurain na pababayaan kita sa kamay ng hayop na 'yon. Pero, buo na ang desisyon ko na kakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa'yo." Nakipagsukatan ito ng tingin sa'kin na parang bang inaanalisa ako kung talagang kaya kong panindigan ang desisyon ko. "Suralin. . . Gusto pa rin kita. Pero kinakalimutan ko na 'yon." Dagdag ko. "Pagdating natin sa bahay namin sa Jamindan, sasabihin ko ang totoo sa Nanay ko. Sa bahay ka ni Iyay titira hanggang sa makapag-ipon ka pauwing Davao. Ako mismo ang maghahatid sa'yo." Napaawang ang mga labi nito na parang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko. 'Yong totoo, takot din ako. Takot ako na baka masira ko ang pangako kay Nadja na babalik pa. Namamahalin ko siya, gayong kasama ko na si Suralin. . . Na pwedeng pwede nang maging akin. Pero hindi ko gagawin. Na saan ang bayag ko kapag ginawa ko 'yon? "Naiintindihan ko. . . Pasensiya ka na." Napaiwas ito ng tingin. Ilang sandali pa ay dumating na ang guto na order namin. Tahimik lang kaming kumakain, parang hindi ko na malasahan ang kinakain ko dahil natuon na naman ang atensyon ko sa Muslim na 'to. Bakas ang pagkadismaya sa mukha niya. Hindi ko alam kung saan siya na didismaya sa lasa ba ng guto o sa desisyon ko? Malabo naman na gusto niya ako pabalik. At kung gano'n nga, malaking sayang. . . Kasi ako naman ang hindi pwede. I can't betrayed my little princess. Hindi ko masisikmura na lokohin si Nadja. Pagkatapos naming kumain ay binayaran ko. Malalim na ang gabi para sa byahe namin pa uwing Jamindan. Hindi na ulit kami nag-usap pa, pero kinuha ko ang bag nito para hindi na siya mahirapan. Nakakalito ang kaba na nararamdaman ko para sa'yo Suralin. . . I'm still into you. But I have Nadja. . . Na malapit ko nang mahalin. Bakit ba kung kailan pwede na kami, saka naman ako hindi naging pwede para sa kanya. Ang dating nito, para siya naman ang pinahiya ko. Nakikiramdaman lang kami sa byahe hanggang sa kumaway na saamin ang ark ng Jamindan na may malaking pangalan na welcome to Jamindan. Na mi-miss ko ang tahanant 'to. Sabi ko hindi ako babalik dito ng walang may maipagmamalaki, pero babalik din pala akong ganito lang. Ni lata ng biskwit wala akong dala. Natawa ako sa naisip. At least dala ko ang liptint ni Teresa na si Nadja mismo ang pumili. Sa susunod si Nadja naman ang dadalhin ko rito. Halos kalahating oras pa ang lumipas bago kami tumigil sa tapat ng bahay na bob wire ang nagsisilbing gate, maraming orchids at nagtatayugan na puno ng niyog sa paligid ng bahay. Two story ang bahay na gawa sa kawayan at nipa. May terehas at veranda ito na gawa rin sa kawayan. Napangiti ako ng umugong sa aking tainga ang tunog ng radyo mula sa loob ng bahay. Nakikinig na naman siguro sila ng balita at drama. Hanggang ngayon wala pa rin pa lang pinagbago. . . Nasa labas pa rin sa terahas naka pwesto ang sewing machine ni Nanay. Walang ibang maririnig sa paligid kundi huni ng palaka at ibon sa paligid na sinasamahan ng malamyos na paghampas ng hangin. Tunog probinsya! "Nandito na tayo," saad ko. Hindi pa man kami nakakababa ng motor ay namataan ko agad si Teresa na nakadamit pantulog na tumatakbo palabas, kasunod nito si Tomas at ang iba pang mga bata na mga pamangkin ko rin. Kasunod nila si Nanay na nakatapis ng balabal. "Kuya, Terman!" Nagpapaunahan pa sila ni Tomas papunta sa akin. Unang sumalubong sa akin ang mga yakap ni Teresa na nagawa pang kumapit sa leeg ko. "Teresa! Umayos ka." Suway ni Nanay na ngayon ay nakatingin sa akin pabalik kay Suralin. "Magandang gabi, po." Napayuko pa si Suralin ng bahagya. "Magandang gabi, Ma'am." Saad ni Nanay. Napatingin ito sa akin na tila nagtatanong. "'Nay, pumasok na muna tayo at pagod kami sa byahe." Natatawa kong saad. "Bakit hindi mo sinabi na isasama mo ang nobya mo, edi sana nag handa tayo!" Sabi ni Nanay. Agad naman kumalat ang pamumula sa pisngi ni Suralin ng tapunan ko siya ng ngiti. "Siya si Suralin Marohom, 'nay. Dito muna siya sa atin." Napatango naman si Nanay, ngunit nahihimigan ko na ang kunklusyon na nasa isipan niya. "Mag asawa ka na rin ba?" "Hindi pa naman po," "Muslim itong si Suralin, alam mo naman siguro hija na kristiyano ang anak ko." Napabaling ito kay Suralin na ngayon ay nanatili pa ring tikom ang bibig sa lahat ng litanya ni Nanay. Pagpasok namin sa bahay ay agad na nuot sa ilong ko ang amoy ng kawayan naming bahay. May mga putahing nakahain sa mesa, ngunit bago pa man kami makaderitso sa hapag ay naagaw agad ang atensyon namin ang lalaking may malaking tiyan na naka short pang militar pababa ng hagdan. Blanko ang mga matang nakatingin ito sa'kin. "Nandito na pala ang mayabang kong anak, ano? Ano na pala mo sa Dumangas?" Lumipat ang mga mata nito kay Suralin. Agad kong hinawakan ang kamay ni Suralin papalapit sa akin. "Ano, 'yan ang napala mo? Babaeng naka belo?" Mapakla itong natawa. "Kung sinunod mo ang payo ko, baka ngayon nag tra-training ka na para maging army! Pero mayabang ka, Terso!" "Terman. Terman po, 'tay." Pagtatama ko rito. Napahigpit ang kapit ko sa mga kamay ni Suralin. Pareho naming hindi inaasahan na nandito si Tatay. Dapat ay nasa Camp Peralta ito ngayon at wala rito. "Ramon! Terso! Tama na." Singit ni Nanay na giniya kami ni Suralin papung hapag. "Sino 'yang kasama mo ngayon, Terso dagdag palamunin?" Halos mag init ang tainga ko sa sinabi nito. Mapapalampas ko lahat ng pang iinsulto niya sakin, pero hindi ko hahayaan na pati si Suralin ay aangasan niya. "Kunting respeto naman, 'tay. Hindi ako umuwi dito para lang makinig sa pang iinsulto niyo. Tama na!" "Ganyan ba ang natutunan mo sa babaeng 'yan?!" Puta. Pakiramdam ko ay nasagad ang tainga ko. "H'wag na hwag mong babastusin ang magiging asawa ko. H'wag ka mag alala. . .hindi kami magtatagal dito. Kaya ko siyang buhayin, kahit security guard lang ako." Halos habol hinginga kong saad. "Pwe! Kayabangan mo, Terso." Dumura pa ito sa ere. Narammdaman ko ang paglamig at panginginig ng kamay ko dahil sa sagutan namin ni Tatay. Sa ikalawang pagkakataon. . . Napahiya ako. Napahiya na naman ako kay Suralin. HAWAK hawak ko ang tasang may lamang umuusok na kape habang nakatayo sa barandila. "Sorry," puno ng sinseridad kong bulong sa kanya. "Nagsinungaling ka sa kanya, nagsinungaling ka sa Tatay mo. . ." Turan nito. "Mas lalo ka niyang aapihin dito kapag kaibigan lang kita. Sakyan mo na lang muna, aalis ka rin naman agad kapag nakaipon ka na." Napatingin ako sa kanya. Magkatabi kami habang nakatingala pareho sa mga bituin. Tanaw mula dito ang mga karatig bundok ng Mambusao. "Dito, asawa kita Suralin. H'wag kang mag alala sa pangalan lang tayo mag asawa. Malinis ang intensiyon ko, ginagawa ko 'to para protektahan ka. . . Laban sa Tatay ko." "Salamat, Terman." Halos mabitawan ko ang basong may kape ng tumingkayad ito at ginawaran ako ng mabilis na halik sa pisngi. "Katulad ng sabi ko, Terman. . . Hindi ka mahirap magustuhan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD