"Paano nangyari 'to Tomas? Desi-syete ka lang. Pag alis ko malinaw naman ang usapan natin na magtatapos ka ng pag-aaral, ah." Mahinahon kong turan.
Nakayuko lang ito at ni hindi nito magawang salubungin ang mga mata ko. Alam ko gisado na 'to kay Tatay, kaya mas pinipili kong kausapin siya ng maayos.
Nag tipon kami sa sala, hinayaan ko munang magpahinga pa si Suralin. Pinagitnaan nina Teresa at Nanay si Tomas.
Ramdam ko na ang tensyon ng kapatid ko. Kahapon pagdating pa lang ay alanganin na ito sa akin.
"Nalasing kami pareho, kuya. Hindi ko alam na mangyayari 'to." Napiyok pa ito sa dulo.
Magsasalita na sana ako ng iniluwa ng pinto si Tatay na nakasuot na ng uniporme niyang pang Cafgo.
"Kita mo na impluwensiya mo sa kapatid mo, Terso? Kaya h'wag kang magmagaling diyan na akala mo napakamabuti mong halimbawang kuya." Pinasadahan pa ako nito ng tingin bago kami tinalikuran.
"Ni minsan hindi ko maisip kung saan ako nagkulang sa inyong magkapatid. Isang mayabang at isang tatanga-tanga." Dagdag pa nito bago tuluyang nakalabas ng gate.
Wala kang pagkukulang, 'tay. Somubra ka lang.
Napatingin ako kina Nanay at Tomas ng makaalis si Tatay.
Bakas sa nga mukha nila ang habag na nararamdaman para sa'kin.
Napabuntonghininga ako, bago sila bigyan ng ngisi. "H'wag niyo ko tingnan ng ganyan, sa'tin ditong lahat wala namang kakampi si Tatay kaya siya ang bigyan niyo ng tingin na ganyan." Napahalakhak pa ako.
"Total, nandiyan na 'yan Tomas, kailangan mong panagutan ang babae at mangako ka saamin at sa magulang ng magiging asawa mo na ikaw na ang bahala sa bubuuin niyong pamilya. . . Ayaw kong makarinig ng balita na iresponsable kang ama o asawa. Higit sa lahat, h'wag na h'wag kang mananakit ng babae."
Pagkasabi ko no'n ay lumipat ang mga mata ko kay Nanay na agad ding napayuko.
She's my drive.
Kung bakit tila adbokasiya ko na ang h'wag mamisikal ng babae. Nakakaliit ng bayag.
"Opo, kuya."
"Ako mismo tatadyak sa'yo, Tomas. Tandaan mo 'yan."
Napatikhim si Nanay na ngayon ay na sa akin ang tingin. "Ikaw, Terso? Ano ang plano mo?"
Napakunot ang noo ko. Nakalimutan ko na sa bahay na ito ay may nobya pala ako.
Mukhang saakin na napasa ang hot seat.
Napagkasunduan na namin na magpanggap na lang muna, dahil ayaw kong kawawain siya ng pamilya ni Papa.
Matagal ang ilalagi niya dito kapag hindi siya nakaipon agad. Nag aalala ako na tratuhin siya ng hindi maganda ni Papa.
Nakatakas nga siya kay Siniel tapos bagong kalbaryo naman ang haharapin niya rito.
"Muslim siya anak, at iba ang tradisyon nila sa tradisyon natin. Sigurado ka ba na papakasalan mo siya?"
Napabuntonghininga ulit ako sa tanong na hindi ko inaasahan.
"'Nay, kailangan lang ni Suralin ng tulong. Nagkaproblema siya sa tinitirahan niya. Uuwi rin siya sa Davao kapag nakaipon na."
Siguro kung hindi siya makahanap ng raket dito ay isasakripisyo ko muna ang susunod kong sahod para makauwi na siya.
"Ano mo ba talaga ang babaeng 'yan, Terso?"
Napaiwas ako ng tingin.
Konserbatibo ang Nanay ko na deboto ng Marian sa simbahang katoliko. May maysuot ito laging malaking brown scapular, nakabelo at paldang sumasayad na sa lupa. Kaya kapag nalaman nito na tinakas ko lang si Suralin sa asawa nito ay tiyak may kalalagyan ako.
Iba si Nanay mag disiplina kaysa kay Tatay. Kahit kailan ay hindi kami kinokonsente ni Nanay kapag may mali kaming nagawa.
"Nay, hindi na importante 'yon. Saka, ihahabilin ko siya sainyo. 'Nay, Tomas, saka Teresa. . . Kay Iyay siya titira pansamantala. Kaya sana kahit para saakin lang, alagaan niyo si Suralin. . . Hindi siya basta o kung sinong babae lang para saakin."
"Iiwanan mo siya dito kuya?" Bakas ang kasabikan ni Teresa.
Palibhasa sabik sa babaeng Ate o kapatid.
"Oo, babalik na ako sa susunod na linggo. Isang linggo lang paalam ko sa trabaho."
"Makakaasa ka. Pero hindi ko maipapangako ang sa Tatay mo." Bakas ang lungkot sa boses ni Nanay.
Alam ko. . . At alam kong hindi na magbabago ang tingin no'n sa akin.
Para sa Tatay ko, isa lang akong hamak na maliit na tao na kailanman hindi magiging kasing galing niya.
Saka lang siguro matutuwa 'yon sa'kin kung may titulo na rin sa dulo ng pangalan ko.
"KUMUSTA nakapagpahinga ka ba ng maayos?"
Nakasuot ito ngayon ng Burqa na kulay green. Bakas sa mga mata nito na nakapagpahinga siya ng maayos, dahil na bawasan ang pangingitim ng ilalim ng mga mata niya.
Inabot ko sa kanya ang tasa ng kape na ako mismo ang nagtimpla. Pasado ala sais pa lang ng umaga.
Ganito talaga dito sa Capiz, normal na gising ng pamilya namin ay alas tres o alas kwatro, dahil naghahanda na kami no'n ni Tatay para pumunta ng Campo.
Kapag nagising ka sa bahay na ito ng alas sais, ay parang ikaw na ang pinakatamad na tao sa buong mundo.
"Maaga ka ring nagigising 'no?" Tanong nito ng makaupo kami sa veranda, "salamat dito, ah."
Napatango naman ako sa kanya, "na sanay na, eh."
Humigop ito sa tasa hahang nakatitig sa mga nagtatayugang mga bukid.
"Ang sarap mag dua dito sa inyo." Saad nito ng hindi ako tinitingnan.
"Mag ano?"
"Dua. Mag-dasal kay Allah. In Islam, it is an act of worship asking Allah for his forgiveness and mercy, or asking for an answer for our request."
Napatango ako sa sagot niya. Talaga naman kasing wala akong masiyadong alam sa religion nila. Ang alam ko lang, Allah ang tawag nila sa Panginoon.
"Masaya ba maging Muslim?"
Sumilay ang mga ngiti nito na para bang ang ganda ng tanong ko.
"Walang kasing saya. . .bakit gusto mo na mag convert sa amin?" Nakangiting tanong nito.
"Papatayin ako ni Nanay," natatawa kong sagot, "pero masaya naman ako na nakikilala ko ang pananampalatayang meron kayo. . . Alam ko, base sa kwento mo, masaya at isang karangalan ang maging isang Muslim."
"Sana minsan ma imbitahan kita sa amin," saad nito.
"Oo naman, pero bago 'yon ikaw muna ipapasyal ko dito."
"Talaga?"
"Oo, nakapagpahinga ka naman na. . . Kaya iilibot kita dito sa Jamindan ngayon."
Napakurba pabilog ang labi nito na para bang excited na sa kung saan man kami pupunta ngayong araw.
Abala ngayon sina Tomas at Nanay sa pag aasikaso ng kasal para sa sabado. Kaya kinuha ko na rin ang tyansa para makapamasyal kami ni Suralin kasama si Teresa.
"Saan tayo ngayon, Kuya?"
Napatingin ako kay Teresa na nakatirintas ang buhok at nakasuot ng puting daster.
Napabuntong hininga ako ng sumagi ang larawan ni Nadja sa isipan ko.
Kumusta kaya ang batang 'yon? Ilang oras pa lang akong nawawala, pero alam ko na mimiss na ako no'n.
"Camp Peralta."
Nanlaki ang mga mata ni Teresa na tila may napagtanto.
"Sandali kuya! May kukunin lang ako."
Tumakbo na ito pabalik sa loob. Ano naman ang kukunin no'n?
"Kaedad niya ang kapatid ko," basag ni Suralin sa katahimikan.
Mula sa kadena ng bisiklita ay napaangat ang tingin ko sa kanya.
"Talaga?"
"Hmm, kaya lang hindi pa kami nagkikita."
"Bakit?"
"Ang alam ko dinala siya ng Nanay niya sa Manila."
"Ah, half sister kayo?"
"Oo, sa Abbu."
Nanatili akong nakatingin sa kanya na parang nalilito, napangiti ito na na gets ang tingin ko.
"Abbu, means Tatay. Magkapatid kami sa Tatay."
"Ang lungkot naman, may kapatid kang hindi nakita. . . Alam mo kahit parang mga aso at pusa kaming magkakapatid, mahal ko ang mga 'yan."
"May mga manong naman ako, pero ako rin ang manang. May iba pa akong kapatid. Pero 'yong dinala sa Manila ang hindi ko na nakita."
Ilang sandali pa ay inulawa na ng pinto sa terehas si Teresa na iba ang suot, habang may basket na nakasabit sa braso niya.
Napakunot ang noo ko sa kanya.
Halata na may nilagay ito sa pisngi niya dahil hindi natural ang pula.
Tumayo ako at nakapamewang siyang tiningnan.
"Hilamusan mo 'yan," saad ko.
Agad namang napamaang ang labi niya ng napagtanto na ang kolorete niya ang tinutukoy ko.
"Kuya, dalaga na ako!" Pagmamaktol nito.
"Paki ko? Hilamusan mo 'yan. At kaninong Cafgo o Militar ka naman nagpapa-cute sa Campo?"
"Wala!"
"Hoy, Nadja---"
Naiwan sa ere ang sasabihin ko ng napagtanto na ibang pangalan ang nasabi ko.
Shit.
Namimiss ko na rin yata siya.
Nadja.
"Sinong Nadja, Kuya?"
"Wala." Napaayos ako ng tayo, "umayos ka Teresa, ha. Ayaw kong marinig rinig dito na nakiki-uso ka sa mga mapupusok na kabataan dito."
"Kagaya ni Kuya Tomas?"
Napatango ako sa kanya.
Hindi ko na siya pinilit na tanggalin ang nilagay niya sa mukha niya. Nagmadali na kami para maabutan pa namin sa mga bulubundukin ang paghalik ng hamog sa bundok.
Tig isa kami ng bisikleta ni Teresa, habang angkas ko naman sa likuran ko si Suralin.
Hindi ko alam, pero habang tumatagal at humahaba ang oras na kasama ko siya dito ay parang nagiging normal na lang ang dating niya sa'kin.
'Yong hindi normal ay 'yong kabang palagi kong nararamdman kapag malapit o 'di kaya'y nakatingin siya.
"Ang ganda,"
Hindi ko na mabilang kung ilang ulit niya na bang naituran 'yan ngayon, hindi pa man kami nakakarating sa Camp Peralta.
Hindi naman masiyadong mainit dahil sa mga puno na nakahelera sa maliit na sementong nagsilbing daanan ng sasakyan.
"Tumingin ka sa ibaba," utos ko.
Medyo mabangin kasi ang kalsada at pagsilip mo sa baba ay makikita ang naglalaparang berdeng rice mill. Humahalik ang fogs sa rice mill habang may mga magsasaka nang nakasakay sa kalabaw at 'yong iba ay may pestiside sprayer sa likuran, may mga batang naglalaro na sa pampang ng ilog malapit sa rice mill.
"Ang saya-saya nila! Sana nakikita rin 'to ni Amena."
Bakas ang pinaghalong lungkot at saya sa boses niya.
"Siguradong nag iiyak na 'yon pag gising niya ng makitang wala ako." Dagdag nito.
Patuloy lang ako sa pagpadyak sa pedal, dahan dahan lang ang takbo namin para mas ma-appreciate niya ang pinagmamalaki kong Jamindan Capiz.
"Ilang taon si Amara Amena ng mapunta sa'yo?" Tanong ko.
"Three years old na siya ngayon, napunta siya saakin ng mga one and half year siya. . . Ako na ang kinilala niyang Ume. Hindi iyon sanay sa Papa Siniel niya."
Tahimik lang akong nakikinig sa mga kuwento nito. Ramdam ko ang bawat emosyon sa mga salita nito.
"Nagtitinda ako ng mga bracelet at iba pang DIY na alahas. . . Nakilala ko si Siniel dahil nagpagawa ito ng kwintas sa akin na para sa asawa niya."
Tila sa bawat salita niya ay naaalala nito ang mga nakaraan nila ni Siniel.
"Doon ko siya nakilala, naging magkaibigan kami. Alam ko na may asawa siya at may anak ito, si Amena. Nakita ko lahat ng effort niya para kay Cynthia. . . Kagaya ng sabi ko sayo, niloko siya ng asawa niya. Nabuntis ng ka-trabaho."
Ito na naman ang mga kwento na madalas ko marinig, at ayaw ko maranasan. Kaya nga ayaw ko ng jowa.
Pero, look at me now.
Naiipit na naman sa sitwasyon.
"Ako ang naging comfort ni Siniel. Sinamahan ko siya sa mga breakdowns niya. . . Hindi ko siya iniwan. Which is, red flag pala para sa'kin. Dahil sa awa ko sa kanya, akala niya binibigyan ko siya ng special attention. Nagawa ko lang naman 'yon dahil naaawa ako sa kanya. . . Kalauna'y ayaw niya na akong mawala."
"At natali ka sa kanya dahil sa awa. . ." Hindi ko napigilang sumingit.
"Akala ko mahal ko siya. . . Kasi hindi ko naman siya kayang iwanan ng gano'n. Hindi ko kayang saktan siya."
"Pero na kaya ka niyang saktan."
"Ng sinubukan kong kumalas."
"Manipulative."
"Ginamit niya ang sarili niya laban sa'kin. Binabantaan niya akong magpapakamatay siya kapag iniwan ko siya."
"Tapos kung hindi ka ngayon tumakas, siguradong ikaw ang papasaan niya. Hindi ko akalain na gano'n si Siniel."
Hindi lang pasa! Naalala ko ang sinabi ni Siniel. . . Iba siya magmahal. Kaya niyang pumatay.
Obsessed. Manipulative. Narcistic.
"Maniwala ka. . . Hindi siya gano'n dati. It was all started when I figured out to myself that I don't love him. . . That I never do loved him the way he expect I do."
Ah, pa fall ka rin kasi siguro, Suralin.
Pero hindi konkretong rason 'yon para saktan siya ng asawa.
Siniel has a trauma. Niloko ng asawa na nagpasakop sa iba---nabuntis pa, sino ang hindi masisiraan ng bait.
I swear. . . I wont do this to Nadja.
"Kailan ka niya unang sinaktan?"
"Tumigil na muna tayo dito. Ang ganda ng tanawin."
Napatigil ako sa pag pedal, malapit na kami sa Camp Peralta, nakikita ko na kasi ang mga sasakyang pandigma at watawat ng Pilipinas ma malayang sinasayaw ng hangin.
Pansamantala kong ni-park ang bisikleta, ay pareho kaming naupo sa damuhan kung saan kita ang buong Alfonso XII.
Ngayon ko lang din na silayan ng mas matagal ang lugar na ito kahit na araw-araw naman kaming dumaan ni Tatay dito.
Hindi masiyadong mainit dahil napapalibutan ng mga kakahuyan at mga puno ang lugar na ito. Malapit na kami sa kuta ng mga militar kung saan ako nag tra-trabaho bilang Kitchen boy dati.
"Matagal na." Untag ni Suralin.
Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatuon na ang tingin sa Alfonso XII.
"Matagal na akong pinagbuhatan ng kamay ni Siniel."
Napaiwas agad ako ng tingin dahil na raramdaman ko na naman ang pag-init ng tainga ko.
"Nang sinubukan kong makipag break sa kanya. . . Na sa Pavia pa kami noon."
"Bakit hindi ka kaagad tumakas!"
"Magpapakamatay siya. . . Ayaw ko na buong buhay kong dadalhin ang konsensiya kapag nangyari 'yon sa kanya."
"Suralin, 'yong mga nagpapakamatay hindi nagpapaalam! Napaka-clear ng motibo niya. Gusto ka lang niyang i-manipula!"
Napahugot ako ng malalim na buntong hininga, dahil alam ko sa sarili ko na isang kalabit na lang, masasabi ko na ang magic word: h'wag kang tanga!
Mas nakikita ko ang tunay na Suralin ngayon. . . She's vulnerabel. She cares too much. She helps too much.
Ang gusto lang sana niya ay tulungan si Siniel, ang gago sinamantala ang kahinaan ng isa.
"Gusto kong tumakas. . . Pero wala akong mapuntahan. Inuwi niya ako dito sa Iloilo. . . Ng hindi alam ng Ume at Abbu ko."
Kunot noong na pabaling ako sa kanya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, naaawa ako sa sitwasyon niya. . . At the same time nagagalit ako sa padulos dalos niyang desisyon sa buhay!
Mas matanda pa nga siya sa akin ng apat na taon!
"Bakit ka sumama?"
"Kasi ang akala ko mahal ko siya."
Gustong gusto ko na talaga magmumura sa mga pinagsasabi ng muslim na 'to. Gano'n ba siya ka inosente sa pag-ibig ng hindi niya kayang makita ang pagkakaiba ng crush, infatuation, at love?
Saang skwelahan kaya 'to galing?!
Sigurado naman na nakapag-aral siya. Mula sa kilos at pananalita alam kong may pinag-aralan siya.
Totoo pala 'yon, hindi perpekto ang tao. May desente nga pero tatanga-tanga naman. Mayroon namang gwapo pero manipulative naman!
"Terman, may isa pa akong kailangan ipagtapat sa'yo."
Paglingon ko sa kanya'y nagtama ang aming mga mata.
Nandito na naman ang mga dagang naghahabulan sa dibdib at pababa sa tiyan ko.
"H-Hindi ko asawa si Siniel. . . Hindi kami ikinasal."