CHAPTER 06: The Question

1292 Words
Samirah's POV: "Mirah..." "Hmm?" "P-pwede bang magtanong?" Nilingon ko siya at natatawang tumango-tango. Nagtatanong na nga siya eh. "Gusto mo ba si Kaivin?" Diretsong tanong niya na nakapagpatigil sa akin. Muli ko siyang nilingon at nakatingin lang siya sa akin ng seryoso habang naghihintay ng sagot ko. Gaya ng dati, ako ulit ang unang umiwas ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya. Bigla nama'ng nag-echo yung tanong niya sa isip ko. Gusto mo ba si Kaivin? Gusto mo ba si Kaivin? Gusto mo ba si Kaivin? Gusto ko ba si Kaivin? Siguro? Kasi bakit kakaiba yung nararamdaman ko kapag kasama ko na siya? Bakit bumibilis ang t***k ng puso ko kapag nakikita ko siya? Yung mga ngiti niya, bakit napapangiti rin ako? "Ahh... Juno... si-" Naputol ang aking sasabihin nang biglang tumunog ang bell, hudyat na malapit nang magsimula ang klase. Mabilis akong tumayo at nagpapagpag ng aking palda. "Ahh... Juno,k-kailangan ko nang b-bumalik sa classroom." Pagpapaalam ko at nagpilit ng ngiti. Hindi ko na siya hinintay na sumagot at nagmadaling lumakad papunta sa classroom ko. Habang naglalakad, hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa tanong ni Juno. Gusto ko nga ba si Kaivin? Siguro nga kaso....ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang napakahirap sagutin ang tanong ni Juno ng diretso. Parang may kakaiba kasi nung tinanong niya yun. At dahil nga lutang ako, hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa tapat ng classroom namin. Tumungo ako sa loob at dumiretso sa aking upuan. Ang hirap! Bakit ba ang lakas ng epekto ng tanong na yun? Hindi mawala-wala sa isipan ko. Kaloka! "Hoy!!!Mirah!!" Napatakip na lang ako sa aking tenga ng wala sa oras dahil sa baliw na basta sumigaw sa tapat ng tenga ko. Ang sakit! Nilingon ko ang katabi ko at binigyan ng nakamamatay na tingin. Sigawan ba naman ako! Naalog yung eardrums ko dun! "Ano bang problema mo?! Ang sakit nun ha!" Iritable kong sabi sa kaniya habang kinakalikot ang tenga. "Nalaglag yata Yung eardrums ko!" "Eh, saan ba kasing planeta nakarating yang isip mo?! Ha?! Kanina pa akong salita ng salita rito tapos hindi ka naman pala nakikinig! Alam mo ba kung gaano ka-expensive yung mga nasayang na laway ko?! Ha?! At saka ang hirap kaya magsalita! Bahala ka diyan! Nasabi ko na kaya hindi ko na uulitin pa!" Pagda-drama niya. Eh? Di nga? OA lang? Teka? Ako, kausap niya? "Ako?" Sambit ko sabay turo sa sarili. "Kausap mo?" Sabay turo naman sa kaniya. Inirapan lamang niya ako at ilang minuto lamang ay dumating na si Ma'am Terrorist na may malawak s***h creepy smile. Nasaniban yata eh. Likas siyang masungit sa amin kaya naman nakakapanibago o let's say na nakakatakot yung ngiti niya. Biglang tumayo ang isa sa mga kaklase ko na si Seron at lumapit kay Ma'am Terrorist. Nagulat kaming lahat habang ang iba pa ay nagpipigil ng tawa dahil sa sunod na ginawa ni Seron. Lumapit lang naman siya kay Ma'am at... "Halulu...masamang espiritu...lumabas ka dyan! Peklabu!" Paulit-ulit niyang kanta habang sumasayaw sayaw ng nakapikit paikot kay Ma'am. Napatampal na lamang ako sa sariling noo. Eh para namang siya yung nasaniban ng dancer na espiritu. Napalipat ang tingin ko kay Ma'am at kitang-kita ko kung paano umaapoy sa galit si Ma'am. Patay! "Seron Kurt Reyes!!!!!!!!" ******************** Nandito ako sa waiting shed sa labas ng school at naghihintay kay Juno. Nakailang text at tawag na ako sa kaniya pero hindi naman niya sinasagot. Ayaw ko rin namang pumunta sa classroom niya kasi nandun si Eliya, yung mataray niyang kaklase. May gusto siya kay Juno kaya lagi niya akong inaaway. Hindi ko naman aagawin si Juno sa kaniya eh, isaksak niya sa atay niya. "Sami!" Lihim akong napangiti. Kahit naman hindi ko siya lingunin alam kong si Kaivin iyon dahil siya lang naman ang tumatawag sa akin ng Sami, at saka kilala ko na ang gwapong boses nya! "Hi" Nahihiyang bati ko habang kumakaway. Tumatakbo siya papalapit sa kinakatayuan ko. "Bakit hindi ka pa umuuwi?" "Ahh..si Juno. Hinihintay ko." Sagot ko ng may ngiti. Ngumiti rin naman siya. Hayy! Ang gwapo talaga! "Si Juno?" Tumango-tango naman ako. "Siya yung lalaking lagi mong kasama diba?" Tumango-tango lang ulit ako. "Nakita ko siya kanina, kasama ang mga barkada niya. Papunta yata sa gym." "Ahh ganun ba..sige una na ako Kaivin." Aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko na siyang nagpabilis ng t***k ng puso ko."B-bakit?" "Sabay ka na sa akin." Hindi na ako nagpabebe pa at sumabay na sa kaniya tutal ipinagpalit ako ni Juno sa mga barkada niya. Hindi niya man lang ako nagawang i-text! Hindi yung pinaghintay niya pa ako ng matagal. Habang nasa kotse hindi ko maiwasang mailang dahil sa pasulyap sulyap ni Kaivin sa akin dagdagan mo pa nung nakakalokang tanong ni Juno. Nabawasan lang ang awkwardness nang magring ang phone ko, may tumatawag at si Juno iyon. Bahala siya! Hmp! Hindi niya sinasagot yung mga text at tawag ko kanina, edi kwits. Para namang napansin ni Kaivin ang sunod-sunod at walang-tigil na pag-ring ng phone ko kaya nagsalita na siya. "Hindi mo ba sasagutin yan? Baka mahalaga yan." "Ahm, hindi naman mahalaga." Sagot ko at nagpilit ng ngiti. Sinilent ko nalang ang phone ko dahil mukhang nakakaistorbo na ang ingay niya kay Kaivin. Itinuon ko na lamang ang aking atensiyon sa bintana ng kotse, ang sarap ng hangin. "Uhmm... oo nga pala, magkaano-ano kayo ni Juno? " Napalipat naman sa kaniya ang aking atensiyon. " K-kaibigan... matalik na kaibigan." " Eh bakit parang sobrang protective niya sayo? " Bakit nga ba? " Ah ganun lang talaga yun. Uhm dito na ako Kaivin. " Narito na kami sa may tapat ng gate ng bahay. Bababa na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko dahilan para matigilan ako.Taka akong napatingin sa kanya. " B-bakit?" "Uhm muntik ko nang makalimutan, punta ka sa birthday ko ha? Next Monday, 7pm. I'll fetch you." Nakangiting turan niya. Yan na naman ang ngiti niyang nakakafall! Sasagot na sana ako ngunit may biglang nagsalita sa tabi ko. "Hindi siya pwede, may importanteng lakad kami." Agad kong binigyan ng matatalim na tingin si Juno. "Anong-" He cut me off. "Kailangan nating mag-usap." Kasunod noon ang basta niya paghatak sa akin kaya di na ako nakapagpaalam kay Kaivin. "Hoy! J-juno! Ano ba?!" Dinala niya ako sa may gilid ng gate namin at isinandal ako sa pader ng bakod. "Ano bang problema mo?! Ha?! Bastos ka rin eh! Kausap ko pa si Kaivin, bigla kang sasabat tapos hihilahin mo ako?!" "Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko sayo?" May diin niyang sabi. I sarcastically laughed. Siya pa ang may ganang sermunan ako? " Excuse me, ikaw kaya tong hindi sumasagot sa mga tawag at text ko! Tapos hindi ka man lang nagsabi na may pupuntahan pala kayo ng barkada mo?! Naghintay ako dun! Pinaghintay mo ako tapos ikaw pa to'ng galit?! " Sigaw ko sa kaniya. Masyado na siyang nagiging OA eh. Bigla siyang natahimik. " May gagawin pa ako. " Saad ko at iniwan na siya roon. Nakakainis na siya! Sino ba siya para makisabat sa usapan namin ni Kaivin? Nang makarating ako sa bahay, naabutan ko si Inay, as usual, nagluluto. Nagmano ako sa kaniya at humalik sa pisngi. " Oh, Mirah! Halika, nagluto ako ng pancit!" " Inay, pasensya na po. Busog pa po kasi ako. " Nakakawalang gana si Juno! Nagtungo ako sa aking kuwarto at nagbihis. Matapos magbihis, aking kinuha ang phone ko para i-text si Kaivin na sasama ako. Pagkabukas na pagkabukas ko ng phone, ang agad na sumalubong sa akin ay ang mga text at tawag galing kay Juno kaya napagpasyahan kong patayin nalang muna. Bukas ko nalang sasabihin kay Kaivin , sa school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD