CHAPTER 05: The Date Triangle

1864 Words
Samirah's POV: *Can I call you baby? Can you be my friend? Can you be my lover up.. Narinig ko ang pag-ring bg aking cellphone, hudyat na may tumatawag. Tumayo ako at tumungo sa cabinet ko kung nasaan nakapatong ang cellphone ko. Hindi na ako nag-abalang tignan pa kung sino ang tumatawag at agad na itong sinagot. "Hi" Bagot kong bungad sa kabilang linya. "Hello, Sami!" Awtomatikong nanlaki ang mata ko dahil sa narinig na pamilyar na boses. S-si Kaivin? Inilayo ko saglit ang cellphone sa tenga ko at tinignan ang pangalan na nasa screen nito. Oo nga! Si Kaivin! "H-hi. Bakit ka pala n-napatawag?" Sigurado akong pulang pula na ng mukha ko ngayon dahil sa kilig "Are you busy? May gagawin ka ba mamayang 7 pm?" Nahihiyang aniya sa kabilang linya. "Wala naman. Bakit?" Kagat-kagat ko pa ang aking kuko habang naghihintay ng sagot niya. "Ahh...p-pwede ba kitang yayain sa...d-dinner date?" Nanlaki ang aking mata dahil sa huli niyang sinabi. Muli kong inilayo ang cellphone sa aking tenga at impit na tumili. "Kyahhhh! Date raw! Date!!" Triple na ang kilig na nararamdaman ko ngayon. Sobrang init na ng pisngi ko dahil sa kilig. "Totoo ba to? Date?" Bahagya ko pang sinampal-sampal ang pisngi ko para masiguradong hindi ito panaginip. "Totoo nga! Kyahhh!" Tili kong muli bago muling ilapit ang cellphone sa tenga ko. "O-oo, sige." Narinig ko naman ang pagbulog niya ng 'Yes!' kaya mahina akong napatawa. "Uhm...okay. I'll fetch you at quarter to seven. See yah!" Huli niyang sinabi bago patayin ang tawag kaya naman nagkaroon muli ako ng pagkakataon para ilabas ang kilig ko. "Kyahhhh! Date!! Wahhhh!" Hinawakan ko pa ang dalawa kong pisngi habang tumitili at tumatalon-talon sa ibabaw ng kama. "Hoy!! SAMIRAH!!" Bigla akong nalaglag sa kama dahil sa malakas na sigaw ni Inay sa likuran ko. "Aray!! Date!" Naniningkit na tumingin sa akin si Inay. Napatakip ako ng bibig ng marealized ang huling sinabi ko. Patay. "Anong date, date ka riyan?! Ha?! Kanina ka pang tumili nang tumili!" Ilang beses akong napalunok at napaigtad dahil sa sigaw ni Inay. "Ahhh....Inay...." Panimula ko. "Oh?!" "Ano po kasi....ahh...niyaya po kasi ako ni Kaivin...date raw ho." Kumunot naman ang noo ni Inay at tila nag-iisip. "Sino ba iyong Kevin na iyan?" "Nay Kaivin po, hindi ho Kevin. Yun pong kinuwento ko ho sa inyo nung isang araw, siya po yung naghatid sa akin." Tumango-tango naman si Inay sa naging paliwanag ko. "Ahhh...." Tumango-tango siya nang dahan-dahan."Ah! Oo! Ay siya, ika'y maghanda! Anong oras ba iyon ha?! Ito? Maganda ba ito? Ay hindi! Ito nalang kaya?" Napakurap kurap pa ako ng ilang beses dahil sa inaasta ni Inay. Hindi siya galit? Akala ko magagalit siya pero mas mukha pa siyang sabik sa akin. Ilang sandali lamang ay nakaamoy ako ng...t-teka, niluluto? "Inay, may niluluto ho ba kayo?" Napahinto siya at suminghot-singhot. "Ay! Oo nga pala! Iyong niluluto ko!" Muling sigaw ni Inay at dali-daling lumabas ng kuwarto ko. Nakarinig pa ako ng mga kalampag ng kaldero at kutsara. Napapailing na lamang ako. ********* Malapit nang mag- quarter to seven kaya naman nag-ayos na ako. Nagsuot ako ng kulay dilaw at hanggang tuhod na bestida. Naglagay lang din ko ng polbo sa mukha at liptint naman sa aking labi. Nakaupo ako ngayon sa nag-iisang sofa rito sa aming salas at naghihintay sa pagdating ni Kaivin. Maya-maya lamang ay may lalaking pumasok sa pinto kaya agad akong tumayo ngunit bumagsak ang balikat ko nang makilala ko ang lalaking pumasok, si Juno. Siya lang pala, akala ko si bebe Kaivin ko na. Wala pang isang minuto ay dumating na rin si Kaivin. Nagkatinginan sila at parehong salubong ang kilay sa isa't isa. Anong problema nila? "Anong ginagawa mo rito?" Nagulat ako dahil sa malamig na tanong ni Juno kay Kaivin. Sarkastiko namang napatawa si Kaivin saka sumagot. "Why? Ikaw ba ang may-ari ng bahay na 'to?" Sumama ang timpla ng mukha ni Juno sa isinagot sa kaniya ni Kaivin. "Oh! Mga Iho! Juno! Ikaw si Kaivin, tama?" Buong galak na bati ni Inay sa kanilang dalawa pagkalabas niya ng kusina. "Magandang gabi po, Nay Cara." "Magandang gabi po, tita Cara." Sabay nilang bati kay Inay kaya naman muli silang nagkatinginan. "Nanggagaya ka ba?" "Nanggagaya ka ba?" Sabay na naman nilang turan kaya mas sumama ang timpla ng mukha nila. "Ah,eh magandang gabi rin mga Iho." Pang-aagaw pansin ni Inay sa kanilang dalawa. Napalingon naman silang dalawa at nagmano kay Inay. "Ehm.. Ahh, nay...pwede ko po bang isama si Mirah? Kakain lang po kami sa labas." Nagulat ako sa sinabi ni Juno. Napalipat naman ang tingin ko kay Kaivin nang sumabat ito. "Ehm..excuse me, but we have a date." Muling bumalik ang masamang timpla sa itsura ni Juno at tinignan niya si Kaivin nang masama. "Pero ako ang naunang pumunta rito." Ani Juno sabay ngisi. "But I called her recently." Nawala ang ngising nakaguhit sa labi ni Juno nang marinig ang sinabi ni Kaivin. "Right, Sami?" Dagdag ni Kaivin sabay lingon sa akin kaya tumango-tango lamang ako. "Pero kakakilala lang niya sayo, tama ba Mirah?" Napalipat ang aking tingin kay Juno at tumango-tango lang din. Anyare? Nagulat ako at napangiwi ng sikuhin ako ni Inay. Tinignan ko siya ng may pagtataka ngunit binigyan niya lamang ako ng nang-aasar na tingin at ngiti sabay taas-baba pa ang kilay. "Ikaw ha, haba ng hair mo anak!" Mahinang bulong niya, sapat na para marinig ko. Napairap na lamang ako sa hangin kahit ang totoo niyan...kilig na kilig na ako sa mga nangyayari! Para silang dalawang prince charmings na nag-aagawan sa tulad ko na napakagandang prinsesa! Napangiti ako sa aking naisip. Bigla akong nagising mula sa aking malanding imahinasyon nang bumulong muli si Inay ngunit ngayon may kasama ng kurot sa bewang kaya napangiwi na naman ako. Ang sakit! "Hoy! Anong ngiti-ngiti yan?" "Wala po, may naisip lang po." Sagot ko kay Inay. Naniningkit naman ang mga mata niyang tumingin sa akin na tila ba hindi naniniwala sa sinabi ko. Bahala ka diyan Inay! Hindi ko isheshare sayo. "Sige, Samirah, ako'y babalik muna sa kusina. Asikasuhin mo iyang mga manliligaw mo." Nanlaki ang aking mata sa sinabi ni Inay. Hindi ko manliligaw si Juno! Kaibigan lang! Nagtungo na si Inay sa kusina at bumalik na sa kaniyang ginagawa habang ako, nag-aantay ng mga magsasabunutang lalaki. "Tss. I'm not a bad guy, bro. Kaya sa akin siya sasama." Turan ni Kaivin sabay hatak sa kaliwang kamay ko. H-holding hands? Kyahhhh! Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para mapigilan ang pagngiti. Kinikilig kasi ako! "Hindi. Sa akin lang siya sasama." Malamig na turan muli ni Juno bago ako hatakin sa kanang kamay ko. Owemjii!! Meteor garden ang peg? Nagsukatan sila ng tingin habang ako, kinikilig pa rin rito. Kahit isa sa kanila ay walang gustong bumitaw sa kamay ko. In fairness, ang lalambot ng mga kamay nila! ********* Andito kami ngayon sa isang magandang restaurant. Kasalukuyan kaming nakaupo at naghihintay ng mga inorder namin. Pinapagitnaan ako ni Kaivin at Juno sa upuan. Nagtatalo kasi sila kanina kung sinong katabi ko kaya...kinilig na naman ako. Pinag-awayan rin nila kung sino ang manlilibre sa akin kaya sabi ko maghati nalang silang dalawa. Napagdesiyunan ko rin na silang dalawa na lang ang kasama ko ngayon para hindi na sila magtalo. 「Flashback」 Naramdaman ko na ang tensyon sa pagitan nilang dalawa kaya isinantabi ko muna ang kalandian ko at nagsalita na. "Hep! Hep! Ta-" Naputol ang aking sasabihin dahil sabay silang nagsalita. "Hooray!" Sabay nilang sabi kaya muntik na akong matawa. Pinigilan ko talaga ang matawa, masyado kasi silang seryoso ngayon eh. Itinuloy ko na ang naudlot kong pahayag. "Boys...tama na yan. Sige, ganito na lang...uhm...kayong dalawa ang sasamahan ko. Sinong mauuna?" Ngunit pinagsisihan ko lang din sa huli ang aking suhestyon dahil lalo lang silang nagkagulo. Hayy naman! "Ako!" Sabay na naman nilang turan kaya nagkatinginan ulit sila. Nag-ensayo ba sila ng mga sasabihin nila? O sadyang magkakonekta ang mga isip nila? "Anong ikaw?! Ako muna tutal ako naman ang unang pumunta rito." Muli na naman akong hinawakan ni Juno at aakma ng aalis nang hawakan naman ni Kaivin ang kabilang kamay ko. Kahit pala nakakakilig, nakakapagod rin. "No. Sa.Akin.Siya.Unang.Sasama." May diin sa bawat salitang binitiwan ni Kaivin. At muli na naman silang naglabanan ng mga masasamang tingin. Baka ma inlove kayo sa isa't isa ha. Ingat-ingat sa pakikipagtitigan. Dahil ako lang naman ang naiipit sa pagtatalo nila, nagsalita na ako. "Salamat nga pala sa pangungumusta ha. Hindi naman ako nasasaktan rito, kaya sige ipagpatuloy niyo lang yan." Sarkastiko kong sabi sa kanila. Pareho naman silang natigilan at binitiwan ang aking kamay. Mabuti naman, gutom na ako eh. "Okay, ganito nalang kasi gutom na ako eh. Kayong dalawa ang kasama kong kakain sa labas ngayong gabi. Sama-sama na tayo." Pagpapaliwanag ko sa kanila. Bubuka sanang muli ang kanilang bibig para magsalita nang unahan ko na sila. "Edi wag kung ayaw nyo. Madali naman akong kausap eh." Masungit kong ani sa kanila. Bumuntong-hininga naman sila at sa huli, napapayag ko rin sila. ******* "Ma'am, Sirs! Ito na po ang mga orders nyo!" Natigilan ako sa pag-iisip nang magsalita ang waitress sa tabi ng mesa namin. Nandito na pala ang mga pagkain, hindi ko namalayan. "Here, ubusin mo yan." Gulat akong napatingin kay Kaivin nang lagyan nya ang plato ko ng mga pagkain. "S-salamat." Sabi ko habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi para magpigil ng ngiti. Ang sweet niya! Nalipat naman ang atensiyon ko kay Juno nang itapat niya sa akin ang kutsarang may lamang kanin at adobo. "Oh, Mirah. Diba, favorite mo iyan?" Tumitig lamang ako sa pagkain dahil nabigla pa rin ako. "Hindi yan mauubos kung titigan mo lang. Saka ngalay na rin ako." Wala na akong nagawa nang magreklamo si Juno kaya sinubo ko na iyon. Ang sarap! "Sami, favorite mo pala ang adobo?" Tumango-tango lang ako kay Kaivin. Nasamid ako at sunod-sunod na napaubo nang mapansing ang kutsarang isinubo sa akin ni Juno kanina ay isinubo niya rin sa kaniya. Pareho silang nataranta at hinaplos-haplos ang likod ko. Sabay rin silang kumuha ng tubig at iniabot iyon. "Here, drink." "Mirah, oh tubig." Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang basong iniaabot nila sa akin. Pareho nilang ipinipilit iyon kaya kinuha ko na lamang ang tubig na nasa tabi ng plato ko at iyon ang ininom. Baka magtalo lamang kasi sila kung pipili pa ako. "Ayos ka lang, Mirah?" Nag-aalalang tanong ni Juno. Nag-okay sign lang ako sa kaniya at ngumiti. Ikaw kasi eh! Bumalik na muli kami sa pagkain. Kinuha ko ang burger at kinain iyon. Ang cheesy! Sarap! Napapikit pa ako habang ninanamnam ang sarap ng burger. Heaven! Napamulat lang ako nang makaramdam ako ng dumampi sa labi ko. Tissue. Tissue lang po iyon, hindi kung ano. Ang dumi ng isip nyo! "Ang dungis mong kumain, para kang bata." Ani Juno habang pinupunasan ang aking bibig gamit ang tissue. Nakaramdam ako ng hiya at ilang dahil nakatitig siya sa akin habang nagpupunas. "Ehm.. I can do that." Singit ni Kaivin at kumuha rin ng tissue para ipunas rin sa akin. Ramdam ko naman ang masamang tingin ni Juno kay Kaivin kaya tumikhim ako. "K-kaya ko naman. Hindi nyo na kailangang gawin yan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD