"I'M home!" "Baby, I'm here in the kitchen!" Nang marinig ang sigaw na 'yon ni Archer ay mabilis kong tinahak ang daan patungong kusina. Dito ko naabutan ang asawa na abala sa pagluluto. "Wait a minute. I'll just finish this," aniya nang makita na ako. Inihulog na niya sa kaldero ang mga rekado. Nang masiguradong ayos na ito ay saka pa lang siya umalis sa tapat ng flameless stove. "How's my baby?" bungad niya nang makalapit sa akin. Agad niya rin akong ginawaran ng halik sa noo. "Napagod ka ba?" "Medyo," tugon ko at ipinakita sa kanya ang mga bitbit kong paper bag. Doon pa lang natuon ang atensiyon niya sa mga hawak ko. "I bought something for you." Naglakad kami patungo sa lamesa. Inilapag ko sa ibabaw nito ang mga dala bago isa-isang inilabas mula sa paper bag ang mga binili kong d

