"ARE you sure you will be okay?" Mabilis akong tumango sa tanong ni Archer. "Don't worry about me. I'll be fine." Napabuntong hininga siya nang marinig 'yon. Halata pa rin sa kanya ang pag-aalala at ang pagdadalawang-isip. Naglakad ako palapit sa kanya at naglalambing na niyakap siya. May maliit akong ngiti sa labi nang tumingala sa kanya. "You don't have to be worried about me. Kasama ko naman sina Eyah, Natalia at Heather mamaya," pangungumbinsi ko sa kanya. Ngayong araw ay napag-usapan namin na magkakaibigan na gumala. Kaya si Archer, hindi mapakali sa ideyang 'yon. Gusto nga niya sana akong samahan na agad kong tinanggihan. Tumagal ang titig niya sa akin at tila nag-iisip. Bahagya akong natawa sa kanya. "Archer, wala kang dapat na ipag-alala. Gagala lang kami. Walang kung anong

