"I'M leaving." Isang matipid na tango lang ang itinugon ko kay Archer nang marinig 'yon. Ramdam ko ang pagpukol niya ng tingin sa akin. Sa huli, wala siyang nagawa kundi ang mapabuntong hininga na lang. Narinig ko na ang mga yabag niya papalayo. Tuluyan nang umaalis... nang hindi man lang ako binibigyan ng halik. Talagang nagbago na siya. Inalis ko na ang atensiyon sa hawak na magazine at napatingin sa b****a ng bahay. Ramdam ko ang pagbigat ng damdamin ko, lalo na nang maalala ang nangyari kagabi. I feel so unwanted because of what he did. Hindi ko rin tuloy mapigilan na mag-isip ng kung ano-anong negatibong bagay tungkol sa asawa. I feel like he doesn't love me anymore, but... that's impossible. Simula nang magkaroon kami ng matinding pagtatalo dahil kay Eliza noon at nagkabati, nap

